You are on page 1of 20

KONSEPTO AT

KATUTURAN NG
PAGKAMAMAYAN
Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang Bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kaniyang
mga alituntunin
Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang
sakayan
Pumipila at hindi nakikipag-unahan At ‘di ako pasiga-siga sa
lansangan.
Bumababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan ‘di na
makahambalang parang walang pakialam.
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa kalsada Humihinto ako kapag
ang ilaw ay pula.
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kaniyang
mga alituntunin

‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay Ticket lamang ang
tinatanggap kung binibigay At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno.
‘Di ako nagkakalat nga basura sa lansangan. ‘di bumubuga ng usok ang
aking sasakyan Inaayos kong mga kalat sa basurahan
Inaalagan ko ang aking kapaligiran
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin
Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking
pinagbubutihan ‘di ako gumagamit ng bawal na gamot.
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok.
Pingtatanggol ko ang aking karangalan ‘Pagkat ito lamang ang tangi kong
kayamanan ‘di ko binebenta ang aking kinabukasan Ang boto ko’y aking
pinahahalagahan.
Ako, ilang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa
mamamayan
Di ko binubulsa ang pera ng Bayan
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko Ginagalang ko ang aking kapwa tao
Pinaglalaban kong dangal ng bayan ko.
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin.
Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kaniyang mga
alituntunin Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Panatang makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas Ito ang lupang sinilangan


Ito ang tahanan ng aking lahi Ako’y kaniyang kinukupkop
At tinutulungan upang maging malakas Maligaya, at kapaki-
pakinabang Bilang ganti diringgin ko
Ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tungkulin ang aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin Ng isang mamamayang
makabayan Paglilingkuran ko ang aking bayan
Nang walang pag-iimbot at buong katapatan
Sisikapin ko maging isang tunay na Pilipino Sa isip sa salita at sa
gawa.
GAWAING GRUPO
Katangian ng Aktibong Mamamayan
Ihanda ang sarili sa pagbuo ng mga katangian ng isang
aktibong mamamayan. Sundin ang sumusunod na
panuntunan:
1. Kayo ay hahatiin sa limang pangkat na ang bawat isa
ay inaasahang bumuo ng listahan ng katangian ng
mga aktibong mamamayan.
2. Ito ay inyong iuulat sa klase at ipaliliwanag kung bakit
ito naging katangian ng isang aktibong mamamayan
1.Ano-ano ang mga katangian ng isang
aktibong mamamayan?
2. Paano ninyo nasabi na ito ay katangian
ng isang aktibong mamamayan?
Paksa: Ligal at Lumawak na Konsepto ng
Pagkamamamayan

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o


ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o estado ay
maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang
umusbong ang konsepto ng citizen
Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay
ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa
pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung
saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan
at tungkulin.
Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin
at karapatan ng mga mamamayan nito.
ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN
SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
(1)yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng
pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng
Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973
na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala
nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin
upang matamo o malubos ang kanilang
pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na
maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1,
Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.
SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring
mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng
batas.
SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan
ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay
ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay
salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng
kaukulang batas.
Maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa
proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa
1.)ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas
ng ibang bansa;
2.)tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa
kapag maydigmaan,
at 3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon
Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan
Jus sanguinis
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay
nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong
sinusunod sa Pilipinas.
Jus soli o jus loci
Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung
saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong
sinusunod sa Amerika.
Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan
Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay
sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa
paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang
panlahat. Mangyari pa, tinitingnan ng indibiduwal na siya ay
bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao.

You might also like