You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon MIMAROPA
Sangay ng Palawan
Mataas na Paaralan ng Gaudencio E. Abordo
Distrito ng Agutaya

Hulyo 23, 2019

MASUSING BANGHAY ARALIN


PARA SA
ARALING PANLIPUNAN X (KONTEMPORARYONG ISYU)

I. LAYUNIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (CONTENT STANDARD):
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng
tao.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (PERFORMANCE STANDARD):


Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO:


 Naisasagawa ang mga hakbang ng CBDRRM Plan
AP10MHP-Ii-15A

Pagkatapos ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang: AP10MHP-Ii-15A


1. Nasusuri ang unang hakbang sa pagsasagawa ng Community Based Disaster
Risk Management Plan (Disaster Prevention and Mitigation)
2. Natataya ang kahalagahan ng paghahanda sa panahon ng sakuna at
kalamidad

NILALAMAN:
Paksa: COMMUNITY BASED DISASTER AND MANAGEMENT PLAN
Subtopiko: Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

II. MGA KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian: Mga Kontemporaryong Isyu ( Modyul ng mga Mag-aaral),
Pahina 104-106
Mga Kontemporaryong Isyu ( Modyul ng Guro ), pahina 39-40
Mga Kontemporaryong Isyu ( Gabay na Pangkurikulum ), pahina 3
Mga Iba pang pinagkunan ng Impormasyon:http://google.com

B. Iba pang kagamitang Panturo


Powerpoint Presentation, Laptop, TV, Colored papers, Concept
Organizer,Scotch Tape , Bondpaper ,Mga Larawan, Pentel pen, at iba pang
pantulong na biswal

III. PAMAMARAAN:
PANG ARAW-ARAW NA GAWAIN
Magsagawa ang guro ng mga sumusunod:
Panalangin
Pagbati
Kalinisan
Pagtsek ng Atendans
Balitaan ng Panahon
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Numero,numero Sabihin mo!

PANUTO:

Mayroon akong inihandang katanungan tungkol sa ating nakaraang talakayan at


sasagutan ito ng bawat pangkat. Isulat ang inyong mga kasagutan sa hawak ninyong
meta cards. Magpapaunahan ang bawat pangkat sa pagsagot. Ang pangkat na may
pinakamaraming puntos ang siyang tatanghaling panalo. Bibigyan ko lamang kayo ng 5
segundo sa pagsagot. Pipili ang isa sa inyo ng numero na kung saan ang numerong ito
ay mayroong katumbas na katanungan.

Mga Katanungan:

1. Saan nakatuon ang bottom-up approach ng disaster management plan?


Sagot: sa mga mamamayan at iba pang sector ng lipunan

2. Ibigay ang acronym na CBDRM.


Sagot : Community Based Disaster Management

3. Ang pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay nakatuon


sa mataas na ahensya ng pamahalaan.
Sagot: Top down approach

4. Ang CBDRM Approach ay nakasentro sa kapakanan ng _____________.


Sagot: tao

5. Ibigay ang ang acronym ng PDRRMF


Sagot: Philippine Disaster Risk Reduction Management Framework

B. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN


Pagganyak

Ang Biyahe ni Juan! Tara tumabida!(Halika, sama ka!)

Panuto:

Bibigyan ko ng pagkakataon ang bawat pangkat na makarating sa bawat destinasyon


na nasa loob ng ating silid-aralan. Mayroon tayong apat na destinasyon na kung saan ay
susuriin ng inyong pangkat ang mga larawan na inyong makikita sa bawat destinasyon.
Bibigyan lamang ng 15 segundo ang bawat pangkat sa bawat destinasyon. Pipili ang
pangkat ng lider na siyang magsisilbing tour guide at isang tagapagsulat sa inyong
pangkat ng mga makikita sa inyong paglalakbay.

Pamprosesong tanong:

1. Batay sa inyong ginawang paglalakbay, ano ang iyong naging nakita sa bawat
destinasyon?
2. Batay sa inyong pagsusuri sa bawat destinasyon, ano sa inyong palagay ang
paksang ating pag-uusapan ngayong umaga?

 Ipapabasa ng guro ang mga layunin ng paksa.Ipapabasa ang mahalagang


katanungan.
 Hihikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng mga katanungan tungkol sa
paksang pag-uusapan.

C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN


I-KONEK MO YAN!

PREVENTION AND
MITIGATION

Panuto:

Ang bawat pangkat ay susulat ng salita na may kaugnayan sa konsepto ng


PREVENTION AND MITIGATION. Isusulat ninyo ang inyong sagot sa metacards at idikit
sa concept organizer na nasa pisara.

Pamprosesong tanong:

1. Batay sa mga salitang inyong isinulat, ano ang katuturan ng konseptong


prevention at mitigation?

2. Bakit mahalaga ang yugto ng prevention and mitigation?

D. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG


KASANAYAN #1

ALAM MO BA?

Magkakaroon ng pangkatang Gawain.Bubunot ang bawat pangkat ng mga salita na


kanilang susuriin ididikit sa pisara. Pagkatapos, iuulat sa klase ng isang miyembro ng
pangkat.Inaasahang sagot mula sa Gawain.
Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na
maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad
sa isang partikular na panahon.

Pisikal na Katangian ng Hazard

Pagkakilanlan Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano


ito umusbong sa isang lugar.

Katangian Pag-alam sa uri ng hazard

Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard

Lawak Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard

Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard

Predictability Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard

Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang


mabawasan ang malawakang pinsala

Temporal na Katangian ng Hazard

Frequency Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap taon-


taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan lamang.

Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito ay panandalian
lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay buwan tulad ng
digmaang sibil.

Speed of onset Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang babala
tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng babala tulad ng bagyo o
baha.

Forewarning Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras


ng pagtama nito sa isang komunidad

Force Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas na
pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal wave at storm surge, lupa
tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o kabahayan;
seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng digmaang sibil,
rebelyon, at pagaaklas; industrial/technological tulad ng polusyon, pasabog, pagtagas ng
nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng taggutom, tagtuyot, at pagsalakay ng
peste sa mga pananim.

Pamprosesong tanong:

1. Bakit mahalagang matukoy ang mga pisikal na katangian ng hazard at ang


temporal hazard?
2. Kung ikaw kaya, paano ka makakatulong upang maiwasan ang mga sakuna at
kalamidad na maaaring tumama sa inyong lugar?

E. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG


BAGONG KASANAYAN #2

DAGDAG –KAALAMAN… KINATA-WANAN MO, DULANGAN TA PA!


Ibibigay sa bawat pangkat ang metacards at ididikit ito sa pisara ayon sa
kategorya nito at mga halimbawa. Bawat pangkat ay bibigyan ng pagkakataong
talakayin ang kanilang ginawa.
Mga katangian ng Vulnerability at Capacity Assessment Kategorya

Deskripsiyon

Pisikal o Materyal
Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera
sa bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng mga nabanggit
na pinagkukunang-yaman ay nangangahulugan na ang isang komunidad ay
vulnerable o maaaring mapinsala kung ito ay makararanas ng hazard. Di sapat na
kita Pagkakaroon ng utang Kakulangan ng sapat na kakayahan at edukasyon
Kawalan ng pangunahing serbisyo tulad ng edukasyon, pangkalusugan, sistema
ng komunikasyon at transportasyon

Panlipunan
Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa
isang lipunan.
Halimbawa ay mga kabataan, mga matatanda, mga may kapansanan, maysakit,
Kawalan ng pagkakaisa ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan
Hindi maayos na ugnayan sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan

Pag-uugali tungkol sa Hazard


May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa
pagiging ligtas ng isang komunidad. Bunga nito, nagiging vulnerable ang isang
komunidad.
Kawalan ng interes sa mga programa ng pamahalaan Pagiging negatibo sa mga
pagbabago Kawalan ng sapat na kaalaman tungkol sa hazard sa kanilang
komunidad Pagiging palaasa sa pamahalaan at sa tulong ng pribadong sector

VULNERABILTY ASSESSMENT

Elements at risk.Tumutukoy ang elements at risk sa tao, hayop, mga pananim,


bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa transportasyon at
komunikasyon, at pag-uugali. Pagkatapos matukoy ang mga elements at risk,
sinusuri rin kung bakit sila maituturing na vulnerable.
Halimbawa, may mga bahay sa pamayanan na maituturing na vulnerable. Ilan sa
mga dahilan ay ang lokasyon nito, dahil malapit sa anyong-tubig, nasa paanan ng
bundok, nasa mababang bahagi ng pamayanan, o kaya ay gawa sa mga
kasangkapang madaling masira ng bagyo. Mahalaga ang pagsasagawa nito dahil
makatutulong ito sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan ng
pamayanan.

People at risk. tinutukoy ang mga grupo ng tao namaaaring higit na


maapektuhan ng kalamidad. Halimbawa, ang mga buntis ay maituturing
navulnerable sa panahon ng kalamidad dahil sa kanilang kondisyon. Gayundin,
ang mga may kapansanan ay maituturing navulnerable o elements at risk.
Itinuturing silang vulnerable dahil nangangailangan sila ng higit na atensyon sa
panahon ng kalamidad. Ang mga nabanggit napeople at risk ay kailangang
ikonsidera sa pagbuo ng warning system, pagbuo ng evacuation plan, at ng
disaster risk reduction and management plan ng isang pamayanan.

Location of People at risk. tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong


natukoy na vulnerable.
Pamprosesong tanong:

1. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan ang kanilang pagiging


vulnerable sa mga disaster?
2. Bakit mahalaga na may partisipasyon ang mga mamamayan sa paggawa ng
hazard at vulnerability assessment?

F. PAGLINANG SA KABIHASAAN
MAGSEREMET-SEMET ITA!( MAGSAMA-SAMA TAYO)!

Panuto:

Ang bawat pangkat ay pipili ng mga gawain na kanilang isasagawa na may


layuning maipakita ang konteksto ng kahalagahan ng pag-alam, pagtukoy, pag-analisa
ng mga risk, hazard at vulnerability. Ipakikita ito sa malikhaing pamamaraan. Ang bawat
pangkat mag-aatas ng kanilang lider na siyang mangunguna sa Gawain. Bibigyan
lamang ng 3 minuto ang bawat pangkat sa paghahanda ng kanilang presentasyon.

Mga Pagpipiliang Gawain:


 Pagbabalita ( Newscasting )
 Lecturette
 Spoken Word Poetry
 Talumpati
 Role Playing
 Sabayang Pagbigkas
 Tula

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman at Kaangkupan sa Paksa -10


Pagkamalikhain ----------------------------10
Presentasyon -------------------------------10
Kooperasyon ng bawat pangkat----------5
----------------
Kabuuan --------------------------------- 35 Puntos
BARANGAY SUPERSTAR!

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY

3M’s ( KABATAAN, MAKIALAM, MAKISANGKOT AT MAGMALASAKIT)

Pamprosesong tanong:

1. Batay sa mga napag-usapan at natalakay natin, ano ang inyong naging saloobin
kaugnay sa kahalagahan ng pagtukoy at pag-aanalisa ng mga risk,hazard at
vulnerability ng disaster?
2. Bilang isang mag-aaral,paano ka magiging instrumento sa pagtulong upang
ipabatid sa lahat ang kahalagahan ng disaster management plan?

H. PAGLALAHAT

HASHTAGS O HUGOT!

Panuto:

Ang bawat ay pangkat ay bubuo ng pahayag ng inyong mga natutunan mula sa


aralin at lalagyan ninyo ito ng hashtags o hugot. Ilalagay ang inyong natutunan sa
meta cards na ibibigay sa inyo. Babasahin ng isa sa mga miyembro ng pangkat ang
inyong nabuong gawain.

PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang tamang titik sa inyong
sagutang papel.

1. Bakit mahalagang maunang maisagawa ang pagtataya sa yugto ng prevention


and mitigation?
A. Upang maiwasan ang risk
B. Upang hindi gumastos ng Malaki ang pamahalaan
C. Upang mabigyang diin ang kahalagahan ng pagtataya
D. Upang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga
hazard , mga risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng
kalamidad

2. Sa unang yugto ng disaster plan , tinutukoy ang lawak ng pinsala na maaaring


idulot ng hazard. Ito kabilang sa anong assessment?
A. Vulnerability
B. Risk
C. Hazard Assessment
D. Capacity Assessment

3. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong upang maiwasan ang risk sa


isang lugar na apektado ng sakuna o kalamidad?
A. Dapat ay may sapat na kaalaman sa disaster management at nasusuri ang
vulnerabilities sa isang lugar
B. Iiwas sa usaping pangkapaligiran
C. Makikinig lamang sa suhestiyon ng nakatataas na pinuno
D. Lahat ng nabanggit

4. Maaaring iuri sa tatlong katangian ang Vulnerability Assessment, alin sa mga


sumusunod ang tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng
grupo ng tao sa isang lipunan.
A. Pisikal o material na katangian
B. Pag-uugali tungkol sa hazard
C. Temporal na katangian
D. Panlipunang katangian

5. Sa hazard assessment, mahalaga na maisagawa ang profiling at mapping


dahil__________.
A. Mapapadali nito ang pagtataya sa anumang sakunang tatama sa isang lugar
B. Makakatulong ito upang matukoy ang isang lugar at ang agarang aksyon na
gagawin dito sa panahong may hazard o sakuna upang maiwasan ang risk na
idudulot nito
C. Magbibigay ito ng paunang kaalaman sa gagawa ng plano kung magkano ang
pondong magagamit
D. Mapapadali ang trabaho ng mga kabilang sa disaster management plan

GABAY SA PAGWAWASTO

1. D
2. C
3. A
4. D
5. B
J. KARAGDAGANG GAWAIN:

Gumawa ng isang advocacy poster na magpapakita ng kahalagahan ng disaster


management plan sa unang yugto : Disaster Prevention and Mitigation

RUBRIKS:
Kaugnayan sa paksa------------------ 10 Puntos
Pagkamalikhain ------------------------- 10 Puntos
_ ____________
Kabuuan ----------------------------------20 Puntos

V. MGA TALA (lagyan ng check)


o Suspensiyon ng klase
o Pagpapatuloy ng aralin
o Muling Pagtuturo
o Kakulangan sa Oras

VI. PAGNINILAY
a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
b. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation?
c. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
d. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
f. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking
punong- guro at superbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

NIEVA PAACO-ILUSTRISIMO
Guro sa Araling Panlipunan X

Pinagtibay:

RONA CAAB-LLAMERA
Head Teacher III/ Observer

CORROBORATED BY:

MERCIELYN B. ROJA

BEBELYN Y. PACTAO

LENNON L. PACTAO

FRANCIS S. ADION

JOANA B. PAGDULAGAN
BERLYN B. CABALLERO
Mga Piling mag-aaral ng Grade X Matatag

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon MIMAROPA
Sangay ng Palawan

Abril 26, 2019

MALA-SUSING BANGHAY ARALIN


PARA SA PAGPAPAKITANG TURO SA
ARALING PANLIPUNAN X (KONTEMPORARYONG ISYU)

II. LAYUNIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (CONTENT STANDARD):
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
maunlad, mapayapa, at may pagkakaisa.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (PERFORMANCE STANDARD):


Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO:


Natatalakay ang mga epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing
pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan.

Pagkatapos ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang: ( AP10PNP-IVg-7 )


1. Natatalakay ang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing
pampulitika.
2. Nakapagbabahagi ng saloobin tungkol sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok
ng mamamayan sa mga gawaing pampulitika.
3. Nakagagawa ng iba’t ibang malikhaing presentasyon na nagpapakita ng
kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing
pampulitika.

IV. NILALAMAN:
Paksa: POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
Subtopiko: Eleksiyon

V. MGA KAGAMITANG PANTURO


C. Sanggunian: Mga Kontemporaryong Isyu ( Modyul ng mga Mag-aaral),
Pahina 396-402
Mga Kontemporaryong Isyu ( Modyul ng Guro ), pahina 371-374
Mga Kontemporaryong Isyu ( Gabay na Pangkurikulum ), pahina 9
Padayon 10 Mga Konyemporaryong Isyu, pahina 434

Mga Iba pang pinagkunan ng Impormasyon:


https://www.veritas846.ph
Commission on Election Office
https://www.google.com/search?=paper+clipart

D. Iba pang kagamitang Panturo


Powerpoint Presentation, Laptop, Projector, Mga Larawan, Colored papers,
Scotch Tape , Cartolina, Concept Organizer, Mga Larawan, Pentel pen, at iba
pang pantulong na biswal

VI. PAMAMARAAN:
PANG ARAW-ARAW NA GAWAIN
Magsagawa ang guro ng mga sumusunod:
Panalangin
Pagbati
Kalinisan
Pagtsek ng Atendans
Balitaan ng Panahon
D. Balik-aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Numero,numero Sabihin mo!

PANUTO:

Mayroon akong inihandang katanungan tungkol sa ating nakaraang talakayan at


sasagutan ito ng bawat pangkat. Isulat ang inyong mga kasagutan sa hawak ninyong
meta cards. Magpapaunahan ang bawat pangkat sa pagsagot. Ang pangkat na may
pinakamaraming puntos ang siyang tatanghaling panalo. Bibigyan ko lamang kayo ng 5
segundo sa pagsagot. Pipili ang isa sa inyo na numero na kung saan ang numerong ito
ay mayroong katumbas na larawan na siyang magbabasa ng katanungan.

Mga Katanungan:

1. Anong artikulo ng ating Konstitusyon makikita ang Bill of Rights o Katipunan ng


Karapatan?
Sagot: Artikulo III

2. Ang Karapatang makaboto ng bawat Pilipino ay nakapaloob sa anong uri ng


karapatan?
Sagot: Karapatang Pulitikal

3. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian ang sinumang tao nang hindi sa
kaparaanan ng batas. Anong seksiyon ito matatagpuan sa ating Bill of Rights?
Sagot: Seksiyon 1
E. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN
Pagganyak

Ang Biyahe ni Juan! Amazing Palawan

Panuto:

Bibigyan ko ng pagkakataon ang bawat pangkat na makarating sa bawat destinasyon


na nasa loob ng ating silid-aralan. Mayroon tayong tatlong destinasyon na kung saan ay
susuriin ng inyong pangkat ang mga larawan na inyong makikita sa bawat destinasyon.
Bibigyan lamang ng 15 segundo ang bawat pangkat sa bawat destinasyon. Pipili ang
pangkat ng lider na siyang magsisilbing tour guide at isang tagapagsulat sa inyong
pangkat ng mga makikita sa inyong paglalakbay.

Pamprosesong tanong:

3. Batay sa inyong ginawang paglalakbay, ano ang iyong naging nakita sa bawat
destinasyon?
4. Batay sa inyong pagsusuri sa bawat destinasyon, ano sa inyong palagay ang
paksang ating pag-uusapan ngayong hapon?

 Ipapabasa ng guro ang mga layunin ng paksa.Ipapabasa ang mahalagang


katanungan.
 Hihikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng mga katanungan tungkol sa
paksang pag-uusapan.

F. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN


I-KONEK MO YAN!

ELEKSIYON

Panuto:
Ang bawat pangkat ay susulat ng salita na may kaugnayan sa konsepto ng
Eleksiyon. Isusulat ninyo ang inyong sagot sa concept organizer na nasa pisara

Pamprosesong tanong:

3. Batay sa mga salitang inyong isinulat, ano ang katuturan ng konsepto ng


Eleksiyon?
4. Ano ang katuturan ng salitang Eleksiyon?

D. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG


KASANAYAN #1

“PULSO NG BAYAN, AKMA SA TALAKAYAN”

Panuto:

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng meta strips upang maisulat at matalakay ang iba’t
ibang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa gawaing pampulitikal sa mga
sumusunod na lebel.
 PANGKAT ELECTORAL BOARD- Epekto ng Pakikilahok ng mga mag-aaral sa
gawaing pampulitikal sa paaralan.
 PANGKAT PCOS TECHNICIAN- Epekto ng Pakikilahok ng mga mamamayan sa
gawaing pampulitika sa Barangay.
 PANGKAT ELECTION OFFICER- Epekto ng Pakikilahok ng mamamayan sa
gawaing pampulitikal ng ating bansa.

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 3 minuto upang pag-usapan ang gawain. Pagkatapos
ay magkakaroon ng pagbabahagi ang bawat pangkat.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
Nilalaman/ Kaugnayan sa Paksa – 10
Presentasyon --------------- 10
Kooperasyon----------------- 10
_________________
Kabuuan---------------------------- 30

Pamprosesong tanong:

3. May pagkakapareho ba ang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa gawaing


pampulitika sa iba’t ibang antas? Anu-anong pagkakaiba at pagkakatulad ang
inyong naobserbahan?
4. Bilang isang kabataan, ano ang mahalagang tungkulin ninyo sa pagsasagawa ng
halalan o eleksiyon? Ano ang inyong magiging kontribusyon upang maging
mapayapa ang halalan?
5. Sa inyong mga obserbasyon sa loob ng inyong pamilya at komunidad, anong
kultura ng Pamilyang Pilipino ang nakakaapekto sa pagpili ng ating mga pinuno?
6. Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pampulitika?
7. Paano ninyo maipakikita ang pagiging responsableng botante?
H. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG
BAGONG KASANAYAN #2
MATHINIK
Panuto: Susuriin ng mga mag-aaral ang mga datos na makikita sa bawat grap.
Bibigyan ng interpretasyon ng mag-aaral ang datos. ( Halaw mula sa Commission
on Elections )

Pamprosesong tanong:

1. Batay sa datos ng kakatapos na Barangay & SK Eleksiyon 2018. Paano ninyo


bibigyan ng interpretasyon ang mga datos na inyong nakikita?
2. Bakit naging ganito ang resulta ng eleksiyong naganap sa Barangay at SK
Eleksiyon?
3. Ano ang maaari ninyong gawin upang mahikayat ang inyong kapwa kabataan na
aktibong makilahok sa mga ganitong Gawain.

I. PAGLINANG SA KABIHASAAN
MAGTEREMES TEMES KITA!

Panuto:

Ang bawat pangkat ay pipili ng mga gawain na kanilang isasagawa na may


layuning maipakita ang konteksto ng kahalagahan ng pakikilahok ng mamamayan sa
gawaing pampulitika. Ipakikita ito sa malikhaing pamamaraan. Ang bawat pangkat mag-
aatas ng kanilang lider na siyang mangunguna sa Gawain. Bibigyan lamang ng 3 minuto
ang bawat pangkat sa paghahanda ng kanilang presentasyon.

Mga Pagpipiliang Gawain:


 Pagbabalita ( Newscasting )
 Jingle Making
 Spoken Word Poetry
 Pagguhit
 Role Playing
 Sabayang Pagbigkas

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman at Kaangkupan sa Paksa -10
Pagkamalikhain ----------------------------10
Presentasyon -------------------------------10
Kooperasyon ng bawat pangkat----------5
----------------
Kabuuan --------------------------------- 35 Puntos

BARANGAY SUPERSTAR!

J. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY

3M’s ( KABATAAN, MAKIALAM, MAKISANGKOT AT MAGMALASAKIT)

Pamprosesong tanong:

3. Batay sa mga napag-usapan at natalakay natin, ano ang inyong naging saloobin
kaugnay sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa gawaing pampulitika?
4. Bilang isang mag-aaral,paano ka magiging instrumento sa pagkakaroon ng
matiwasay o mapayapang eleksiyon? Ano ang inyong papel para sa pagkakaroon
ng malinis at mapayapang halalan?

H. PAGLALAHAT

HASHTAGS O HUGOT!

Panuto:

Ang bawat ay pangkat ay bubuo ng pahayag ng inyong mga natutunan mula sa


aralin at lalagyan ninyo ito ng hashtags o hugot. Ilalagay ang inyong natutunan sa
meta cards na ibibigay sa inyo. Babasahin ng isa sa mga miyembro ng pangkat ang
inyong nabuong gawain.

PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang tamang titik sa inyong
sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng aktibong
pakikilahok sa gawaing pampulitika?

a. Si Claire na isinagawa ang pagboto ng tama at may prinsipyo.


b. Si Kayella na nakikibahagi sa gawain sa kanilang Barangay upang
makapagbahagi ng kaalaman sa wastong pagboto.
c. Si Jade na pumili ng lider ayon sa kaniyang paninindigan.
d. Si Shyra na nakikibahagi lamang sa gawaing pampulitika dahil sa
panghihikayat ng kanyang mga kaibigan.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI epekto ng aktibong pakikilahok


ng mamamayan sa gawaing pampulitika?

a. Mahalaga ang pakikisangkot ng mamamayan sa gawaing pampulitikal upang


mabigyang-solusyon ang mga isyung panlipunan.
b. Mahalaga ang pakikilahok ng mgamamamayan sa gawaing pampulitikal upang
maisagawa ang tama at wastong proseso ng pagpili ng mga lider.
c. Napakahalaga ng pakikilahok ng mamamayan sa gawaing pampulitika upang
magkaroon ng kaayusan sa lipunan.
d. Ang pakikilahok ng mga tao sa gawaing pampulitika ay magdudulot ng
kayamanan sa mamamayan.

3. Taun-taon ay nagsasagawa ng eleksiyon sa inyong paaralan na bahagi ng


pagsasanay sa mga kabataan upang mamuno. Bilang isang mag-aaral, paano mo
ipinapakita ang iyong aktibong pakikilahok sa gawaing ito?

a. Nakikiisa ako sa mga gawain na isinasagawa tulad ng pakikinig sakanilang


grand rally.
b. Ibinoboto ko ang mga kandidatong malapit lamang sa akin.
c. Ang aking pagboto ay dapat na mayroong kapalit.
d. Nakikibahagi lamang ako kapag kasama ko ang aking mga kaibigan.

4. Ito ay tumutukoy sa pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa


mga gawaing politikal.
a. Pakikilahok sa eleksiyon o pagboto.
b. Pakikilahok sa mga programang pangkalikasan.
c. Pakikiisa sa mga boluntaryong organisasyon.
d. Pagsapi sa mga organisasyon na tumutulong sa mahihirap.

5 Ang pagboto ay tungkulin ng isang mabuting mamamayan. Alin sa mga


sumusunod na sitwasyon ang nagpapamalas ng pagpapahalaga sa tungkuling
ito?
a. Si Ninfa ay bumoto ng may prinsipyo at dignidad
b. Ibinoto ni Anna ang pinakapopular na kandidato sa kanilang lugar.
c. Nasa tamang edad na si Kyla upang bumoto ngunit wala siyang interes na
makilahok sa eleksiyon.
d. Isa sa mga tumakbo sa eleksiyon ay kasintahan ni Allan at nangako siya na
ibibigay ang kanyang boto sa kanyang minamahal.

GABAY SA PAGWAWASTO

1. D
2. D
3. A
4. A
5. A
J. KARAGDAGANG GAWAIN:

Gumawa ng isang advocacy poster para sa darating na eleksiyon 2019, at gumawa ng


maikling paliwanag ukol sa mensahe ng inyong adbokasiya.

RUBRIKS:
Kaugnayan sa paksa------------------ 10 Puntos
Pagkamalikhain ------------------------- 10 Puntos
_ ____________
Kabuuan ----------------------------------20 Puntos

V. MGA TALA (lagyan ng check)


o Suspensiyon ng klase
o Pagpapatuloy ng aralin
o Muling Pagtuturo
o Kakulangan sa Oras

VI. PAGNINILAY
g. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
h. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation?
i. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
j. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
k. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
l. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking
punong- guro at superbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda nina:

MYRA A. ABIQUE
Teacher I
Roxas National Comprehensive High School

ALLAN G. OBLIAN
Teacher I
Dumaran National High School
Demonstration Teachers

NOTED:

LAVELYN S. TALAN
Principal II- Pulot NHS

ROSARIO G. CALUYA, Ph.D.


Master Teacher I – Quezon NHS
MERYLEN O. RODRIGUEZ
Head Teacher III – Roxas NCHS

RONA B. GARCIA
Master Teacher I – Cuyo NHS

CORROBORATED BY:

JERVIS S. MADARCOS RICHIE A. PAULITE


Teacher I, Cuyo NHS Teacher I, FLSMHS

JESUSANA TABANG INDAYLYN Z. LUNA


Teacher I, Danawan NHS Teacher I, San Vicente NHS

NIEVA P. ILUSTRISIMO
Teacher II, GAMNHS

You might also like