You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Dibisyon ng Sultan Kudarat
ISULAN NATIONAL HIGH SCHOOL
S.Y. 2020-2021

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10 (KONTEMPORARYONG ISYU)


(UNANG MARKAHAN)
Ika – 10 ng HULYO, 2020, Huwebes (1:00 – 2:00 ng hapon)

I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sahi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran
pang maging bahagi ng pagtugon na nakapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran
tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan.


Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas.(AP10KSP-
IC-3)
 Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran.(AP10KSP-IC-4)
 Nakabubuo ng advocacy tungkol sa pangangalaga ng ating kapaligiran.(AP10-KSP-
ID-5)
II. NILALAMAN

Modyul 1: KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng Gabay ng Mag-aaral LM pp. 51-65
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng learning Resource
5. Iba pang kagamitang Panturo larawan, tsart, powerpoint presentation
IV. PAMAMARAAN
A. Paghahabi sa layunin ng aralin
GAWAIN 1: SA GITNA NG KALAMIDAD
Makibahagi sa Gawain sa pamamagitan ng paagsunod sa alintuntunin na ilalahad ng guro.

“Sa Barangay Sanipilip ay isla na kadalasang nakararanas ng malakas na bagyo. Isipin ang
hakbang na dapat gawin ng mga sumusunod na pangyayari.

A. Bago ang bagyo


B. Pagtama ng bagyo
C. Pagkataposng bagyo
Pamprosesong tanong:
1. Sa iyong palagay, tama ba ang iyong ginawang aksiyon sa naganap na
kalamidad? Bakit?
2. Bakit may mga pagkakataon na Malaki ang pinsalang dulot ng mga kalamidad
sa buhay at ari-arian?
3. Paano magiging handa ang isang lugar sa pagharap sa mga kalamidad?

B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Gawain 2: Situational Analysis
Pag -aralan ang larawa. Sa iyong palagay, bakit kaya may baha sa barangay Isabel gayong bahagya lamang
ang ulan? Ano kaya ang maaaring dahilan nito?
C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Gawain 3: PICTURE ANALYSIS
Suriin ang bawat larawan at ilahad kung anong pangyayari ang makikita sa larawan.
1. Unang larawan: SOLID WASTE
2. Ikalawang larawan: PAGKASIRA NG LIKAS NA YAMAN
Pamprosesong tanong:
 Ano ang mga nakikita ninyo sa larawan?
 Nangyayari ba ito sa ating lipunan? Bakit? Ipaliwanag ang sagot.
 Ano ang dapat nating gawin upang matigil ang mga pangyayari katulad ng mga
nasa larawan?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
(Tatalakayin nang guro ang tungkol sa solid waste at pagkasira ng likas na yaman)
E. Paglinang sa Kabihasan
Gawain 4: DATA RETRIEVAL CHART
Punan ang tamang sagot ang chart batay sa inyong natutunan sa suliranin sa solid waste sa
Pilipinas.
(pahina 60)
F. Pag-uugnay sa pang araw-araw na buhay
Gawain 5: ADVOCACY CAMPAIGN
Bumuo ng isang presentasyon tungkol sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Maaari ito sa
pamamagitan ng vlog, video presentation, drawing, slogan, sanaysay, tula, awit o poster.
Rubric para sa presentasyon:
KAWASTUHAN NG NILALAMAN – 25
PAGKAMALIKHAIN – 25
KABUUAN – 50 puntos
G. Paglalahat ng Aralin
Suriin ang kahalagahan video clip tungkol sa mensahe ni Inang Kalikasan.

H. Pagtataya ng Aralin
Pagsusulit:
1. Ipaliwanag ang mga dahilan ng mga suliranin.
2. Magbigay ng limang kahalagahan ng kapaligiran.
I. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation

Inihanda ni:

Bb. ROZEL G. MALIFICIADO


Teacher I

Iniwasto nina:

MA. EMERALD JADE A. DEVARAS GLENDA D. BUSTAMANTE


Aral.Pan. Dept. Head Master Teacher I

Pinagtibay ni:

ABAS S. DOLLENTE
Principal I

You might also like