You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Tarlac State University


College of Education
A.Y 2020-2021

MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA ARALING PANLIPUNAN 10

Mga Isyu na may


Kaugnayan sa Kasarian
(Gender & Sexuality)
In the Partial Fulfillment of the Course Requirement in SS 1D:
Contemporary World

Inihanda ni:

Domingo, Princess Ann P.


BSED Social Studies 1A
1st Semester 2020-2021

Iniwasto ni:
Sir Stefhan Angelo A. Payad

December 9, 2020
I. Mga Layunin:

Matapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Maipaliliwanag ang pagkakaiba ng Gender at Sexuality;


b. Nasusuri ang iba’t ibang salik na nagiging dahilan ng
pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian; at
c. Pag-buo ng isang sanaysay na nagpapakita sa kahalagahan ng
pagtanggap sa iba’t ibang isyu patungkol sa gender.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga Isyu na may Kaugnayan sa Kasarian (Gender and Sexuality)
B. Kagamitan
Pantulong Biswal
a. Balik-aral
a. Laptop para sa presentasyon ng powerpoint
b. Motibasyon:
a. Mga larawan ng tao sa iba’t ibang kasarian
c. Pangkatang Gawain:
a. Kartolina
b. Mga panulat gaya ng lapis, bolpen at marker
c. Mga materyales sa sining
d. Pagpapahalaga:
C. Sanggunian
LM.AP10(2017):262-264 Retrieved from:
https://drive.google.com/file/d/0B_TibwEltyeucmJpLWxaRGZWZGc/view
D. Pagpapahalaga:
Kahalagahan ng pagkatuto ng pagkakaiba ng gender at sexuality.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin /
Doksolohiya

Lahat tayo ay tumayo


para sa isang
panalangin
(magtatawag ng isang
mag-aaral upang
mamuno sa
pagdadasal) - Tayo ay yumuko at damhin ang
presensya ng Panginoon.

“Diyos na Banal, maraming salamat po sa


pagkakataong ibinigay ninyo sa aming lahat
upang makapag-aral. Salamat po sa
pagbibigay ninyo sa amin ng isang guro na
matiyagang hinuhubog ang aming isipan sa
araw-araw. Salamat din po sa aming mga
magulang sa patuloy na pagkakaloob sa amin
ng aming mga pangangailangan.
Gabayan naman po ninyo kami upang makita
ng aming mga mata ang mga aral na
ibinibigay ng aming tagapagturo. Bigyan ninyo
po kami ng talas ng isip upang matalos ang
mga bagay na kailangan naming malaman.
Patnubayan mo po kami sa aming landas na
piniling lakarin. Wala po kaming magagawa
kung wala ang inyong tulong at mga
pagpapala.
Gabayan din naman ninyo ang aming guro
upang maibigay niya ng lubusan ang mga
paliwanag na aming kakailanganin sa
pagharap sa kinabukasan. Bigyan din naman
ninyo siya ng matiyagang kalooban upang
mapatawad ang aming pagkukulang.
b. Pagbati
Sa harap ninyo at sa inyong bugtong na anak,
inaalay namin ang araw na ito. Amen.”
Magandang
umaga/hapon mga
minamamahal kong
estudyante.

Kamusta naman ang


inyong araw? - Magandang umaga/hapon Bb. Domingo
Nakapagpahinga ba
kayo?

Magsi-upo ang lahat.


- Mabuti naman po. Nawa’y sainyo rin.
c. Pagtala ng lumiban

Bago tayo magsimula,


nais ko munang
malaman kung sino ang
lumiban sa klase sa
araw na ito.
(Ilalahad ng mga mag-aaral ang mga
(Isusulat ang pangalan
pangalan ng mga lumiban sa klase)
ng mga estudyanteng
wala sa klase)
B. Balik-Aral
Bago natin simulan ang ating
panibagong aralin sa araw na ito
nais ko munang mag balik tanaw
tayo sa ating nakaraang
talakayan, ang mga isyu sa
karapatang pantao na may
koneksyon sa ating talakayan
ngayong araw na ito.

Batay sa ating nakaraang


leksyon,

1. Ano ang mga anyo ng


paglabag sa karapatang
pantao?
2. Ano ang epekto ng mga
paglabag sa mga karapatang
pantao?
3. Magbigay ng halimbawa ng
paglabag sa karapatang
pantao sa pamayanan, bansa
at daigdig?
C. Paggaganyak/Motibasyon
Handa na ba kayo sa bagong
leksyon ngayong araw na ito? (Magtataas ng kamay ang mga mag-
Kung kayo’y handa na itaas ang aaral)
inyong kanang kamay.

Ngunit bago natin simulan ang


leksyon sa araw na ito tayo ay
maglalaro muna. Ito ay tinatawag
na “Ipakita Ko, Tukuyin Mo!”
Kayo ay mahahati sa 6 grupo,
ang bawat grupo ay bubuo ng
isang linya. May mga ipapakita
akong mga larawan sa dulo ng
linya, kaniyang tutukuyin ang
pangalan ng nasa larawan at
kung anong uri ng kasarian
meron ang taong ito. Ipapasa ito
sa pamamagitan ng pagbulong
hanggang sa umabot sa kabilang
dulo. Sa kabilang dulo ng linya ay
may mga flashcards na may iba’t
ibang letra na bubuo sa sagot.
Ang unang makakabuo at
makakapagdikit ng mga letrang
ito sa pisara 1. Enrique Gil – Lalaki
ang siyang
panalo.
1.
2. Liza Soberano – Babae

2.
3. Vice Ganda – Gay

3.
4. Aiza Seguera – Lesbian

4.
5. BB Gandanghari – Transwoman

5.
6. Jake Zyrus – Transman

6.

1. Madali
niyo bang natukoy kung sino - Opo/Hindi Ma’am
at kung anong kasarian meron - Opo dahil ang mga tao sa larawan ay
ang nasa larawan? Ipaliwanag mga sikat na personalidad sa lipunan
ang sagot. - Hindi po dahil kahit sila ay hindi tunay
na babae at lalaki ay namumukha
silang totoong babae o lalaki dahil sa
porma at itsura ng mga ito.

- Sila ay mga sikat na artista na aming


2. Ano ang inyong naging nakikita sa telebisyon, magazines,
basehan sa pagtukoy? billboard at internet.
- Nakatutulong ang kanilang pisikal na
kaanyuan sa pagtukoy ng kasariang
meron sila

D. Paglinang na Gawain

a. Paglalahad - Tungkol po sa Kasarian


Sa inyong palagay, ano ang ating
bagong leksyon sa araw na ito?

Tama! Ang ating leksyon ay - Ang kasarian po ay ang pagtukoy kung


patungkol sa Kasarian. Pero ano and isang tao ay isang babae o isang
nga ba ang kasarian? Sino ang lalaki.
may ideya?
Bakit nga ba mahalagang
talakayin natin ang paksa
patungkol sa kasarian?
- Inaaral po natin ang kasarian upang
maging bukas ang aming mga kaisipan
sa iba’t ibang uri ng kasarian ng bawat
indibidwal na aming nakakasalamuha.
Maraming salamat, Kailangan
nating aralin ang kasarian
sapagkat sa bawat pagpihit ng
mga kamay ng mga orasan ay
palawak ng palawak ang saklaw
ng mga uri ng kasarian. Marapat
lamang na ating sabayan ang
paglawak nito. Kailangan din
nating palawakin ang kaisipan ng
bawat isa patungkol sa usapin ng
sekswalidad.
b. Pagtatalakay

Bagamat nasasalin ang gender at


sex sa wikang Pilipino bilang
kasarian magkaiba ang kahulugan
nito. Sino sainyo ang nakakaalam
ng pagkakaiba ng sex at gender
- Ang sex ay tumutukoy sa kasarian kung
babae o lalaki ito. Samanthala, ang
gender ay tumutukoy sa panlipunang
gampanin, kilos at gawain na itinatakda
ng lipunan
Tama, ang sex din ay tumutukoy
sa biyolohikal at pisikal na
katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito
ay maaring tumukoy ng babae o
lalaki na ang layunin ay
reproduksiyon ng tao.

May dalawang katangian ang sex


una rito ay (1.) Ang mga babae
ay nagkakaroon ng buwanang
regla samanthalang ang lalaki ay
hindi. Pangalawa, (2.) Ang mga
lalaki ay may testicle o bayag sa
wikang pilipino samanthalang ang
mga babae ay wala nito. Kung
inyong mapapansin ang pagtukoy
ng sex ay lagging konektado sa
pisikal na katangian ng tao

Alam niyo din ba na ang gender


ay ginagamit din upang tukuyin
ang pagkakakilanlan ng isang tao
na hindi pasok sa karaniwang
kahulugan ng babae at lalaki.
Gaya ng eksplanasyong ibinigay
ng inyong kamag-aral ang gender
ay itinatakda ng lipunan. Sino
sainyo ang may kakilalang
babaeng marunong magmaneho (Magtataas ng kamay ang mga mag-
ng kahit anong uri ng sasakyan? aaral na may kakilalang babaeng
nakakapagmaneho ng sasakyan)

Lahat kayo ay may kakilalang


babae na nakakapagmaneho pero
alam niyo ba na tanging ang
bansang Saudi Arabia lamang ang
bansang hindi nagbibigay ng
pahintulot sa mga kababaihang
magmaneho ng sasakyan? Si
Aziza Al Yousef na kilalang
tagapagtaguyod ng kampanya
laban sa Women Driving Ban ay
nakulong nang mahuling
nagmamaneho ng sasakyan
kasama si Eman Al-Nafjan.
Sinadya nila itong gawin sapagkat
silang dalawa ay magkapareho
ang adbokasiyang maalis ang
driving ban.

Sa ating pagtalakay ng kasarian,


nasasama dito ang tinatawag na
SOGI o ang Sexual Orientation
and Gender Identity. Sainyong
palagay ano ang kahulugan ng -Ang sexual orientation ay tumutukoy
sexual orientation o sekswal na sa kakayahan na makaramdam ng
oryentasyon? atraksiyong apeksyonal, emosyonal,
sekswal.

Mahusay! Ang sekswal na


oryentasyon din ay tumutukoy sa
kakayahang magkaroon ng
malalim na relasyon sa taong may
kaparehong kasarian,
magkaibang kasarian o sa taong
may kasariang higit pa sa isa.
- Ang gender identity po ay isang
Sino ang makakapagbigay malalim na damdamin na pwedeng
kahulugan sa pagkakakilanlang nakatugma o hindi sa sex niya ng siya
pangkasarian o Gender Identity? ay pinanganak.

Tama! Ang gender identity ay


pwedeng mauwi sa malayang
pagpili, sa pagbabago ng pisikal
na kaanyuan at kung ano ang
gustong gawin sa katawan sa
pamamagitan ng pagpapaopera,
paginom ng gamut at iba pang
mga paraan.

Ang sekswal na orientasyon ay


maaring maiuri bilang - Ang heterosekwal po ay isang taong
heterosekswal at homosekswal. nagkakanasang sekswal sa kabilang
Sino sainyo ang kasarian. Samathalang ang
makakapagpaliwanag sa homosekswal ay isang taong
pagkakaiba ng dalawang ito? nagkakaroon ng sekswal na
pagnanasan sa parehong kasarian.

Magaling! Sa madaling salita ang


heterosekwal ay babaeng
nagkakagusto sa lalaki o lalaking
nagkakagusto sa babae.
Samathalang ang homosekswal
ay babaeng nagkakagusto sa
kapwa babae at lalaking
nagkakagusto sa kapwa lalaki.

Bukod sa lalaki at babae meron


tayong tinatawag na LGBT na - Sila po ay ang mga tinatawag na
habang lumilipas ang panahon ay tomboy o mga babaeng may pusong
humaba. Sa kasalukuyan ito ay lalaki. Dito po sa Pilipinas sila ay
tinatawag ng LGBTQIA+ pero tinatawag ring mga tibo.
Sino nga ba itong ating tinatawag
na mga Lesbian?
Tama, Meron din tayong mga
tinatawag na Gay o mga bakla.
Mga lalaking may pusong babae
na minsa’y tinatawag na bakla, - Bisexual po.
beki at bayot dito sa Pilipinas.
Ano naman sa palagay niyo ang
tawag sa nakakaramdam ng
atraksyon sa dalwang kasarian?

Tama, kung merong taong


nakakaroon ng atraksyon sa
dalawang kasarian meron din
namang mga taong walang
maramdamang atraksyon sa kahit - Transgender po, ito po ay mga taong
anong kasarian. Ito ay ang mga nabubuhay sa maling katawan. Ang isip
taong ating tinatawag na Asexual. at ang kanilang pangangatawan ay
Sino ang makakapagbigay hindi magkatugma kung kaya’t
depinasyon sa huling parte ng naiisipan nilang sumailalim sa isang
LGBT? operasyon.

Salamat. Isa sa mga kilalang


Transgender dito sa ating bansa
ay ang dalawang taong kasama
sa ating munting laro kanina na
sina BB Gandanghari na dating
kilala sa pangalang Rustom
Padilla at si Charice Pempengco
na ngayo’y kilala sa pangalang
Jake Zyrus.

Ang mga transgender na gaya


nila at ang mga iba pang
kasariang saklaw ng third sex ay
nakatatanggap o nakakaranas ng
iba’t-ibang uri ng diskriminasyon.
At ang mga karaniwang ibinabato
at pinakamasakit na
pambabatikos sakanila ay ang
paggamit ng mga salita ng Diyos.
Pati na rin ang kanilang pag-
gamit ng mga palikuran.
C. Paglalahat/Paglalapat
Ang guro ay magpapagawa ng
isang Gawain patungkol sa
talakayan.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod
na katanungan sa loob ng tatlo
hanggang limang pangungusap.
1. Pareho ba ang kahulugan ng
Sex at Gender? Ipaliwanag
ang kasagutan.
2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng
Sexual Orientation at Gender
Identity.
3. Ano ang epekto ng
pagkakaroon ng iba’t-ibang
kasarian sa ating lipunan?
4. Ano ang iyong pwedeng
maging kontribusyon sa
pagwawasak ng
diskriminasyon sa iba’t ibang
uri ng kasarian?
d. Pagpapahalaga
Panuto: Gumawa ng isang graphic
organizer na magpapakita ng
pagkakaiba ng Gender at Sex.
Pagkatapos bumuo ng graphic
organizer sagutan ang mga
sumusunod na pamprosesong
katanungan.

1. Ano ang iyong napansin sa


mga pagkakaibang iyong
nailathala sa iyong graphic
organizer?
2. Naging maliwanag ba sa iyo
ang kaibahan ng dalawang
konsepto?
IV. Pagtataya/Ebalwasyon 1. Sex
Panuto: Ibigay ang mga hinihinging 2. Gender
kasagutan ng mga sumusunod na 3. Aziza Al Yousef
tanong. 4. Oryentasyon Seksuwal/Sexual
Orientation
1. Ano ang tumutukoy sa 5. Asexual
biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa
lalaki?
2. Ito ay tumutukoy sa
panlipunang gampanin, kilos
at Gawain na itinatakda ng
lipunan para sa mga babae at
lalaki?
3. Ito ay kilalang
tagapagtaguyod ng kampanya
laban sa Women Driving Ban
sa bansang Saudi Arabia na
kalaunay nakulong dahil sa
sadyang paglabag sa nasabing
batas. Sino ito?
4. Ang ________ ay tumutukoy
sa kakayahan ng isang tao na
makaranas ng malalim na
atraksiyon at
pakikipagrelasyon sa taong
ang kasarian ay gaya o iba
sakanya?
5. Ito ay tawag sa taong walang
nararamdamang atraksyon sa
kahit anong kasarian
V. Takdang-Aralin
Panuto:
Panourin ang dokumentaryong may
pamagat na “Taboo: Sex and Gender
Change” sa Youtube.
Bumuo ng isang sanaysay patungkol
sa dokumentaryong napanoud.

You might also like