You are on page 1of 4

Occidental Mindoro National High School

Daily Learning Log


Pang-araw-araw na Tala sa Pagkatuto

Guro : Roger T. Altares


Baitang/Antas : Grade 10
Asignatura : Araling Panlipunan 10
Markahan : Ikatlo
Seksyon/Araw at Oras: Desert Bluebell – Martes – January 14, 2020 (Unang Araw) 12:50-1:50
Daisy – Miyerkules – January 15, 2020 (Unang Araw) 2:10-3:10

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman : Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga
isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang
maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay
at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

B. Pamantayan sa Pagganap : Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang


na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto : LC6: Natutukoy ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan
at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender) AP10IKL-IIId-6
LO1: Nakikilahok sa mga pangkatang gawaing may kinalaman
sa mga kakayahan at gawaing para sa lalaki, babae at LGBT.
LO2: Nakapagbibigay ng mga ideya at pamamaraan upang
masugpo at maiwasan ang diskriminasyon sa kasarian.
LO3: Napahahalagahan at nauunawaan ang pagkakapantay-
pantay sa karapatan at kasarian tungo sa pagkakaisa.

II. NILALAMAN
PAKSANG – ARALIN : DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT

Kagamitang Panturo
A. Sanggunian

1. LM, Mga Kontemporaryong Isyu, Modyul 3, Aralin 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan, pp. 284 – 293
2. TG, Mga Kontemporaryong Isyu, Modyul 3, Aralin 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan, pp. 262 – 273

3. Iba pang kagamitang panturo


kagamitang biswal, laptop, TV, speaker, yeso, meta cards

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Pagbati
Pagbabalita
Pagbabalik-aral sa nakalipas na aralin

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Pagpaparinig ng awiting pinamagatang “Ituloy Mo Lang” ng Siakol. Inaasahang masasagot ng mag-aaral


pagkatapos ng awitin ang katanungang: Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin at paano inilalarawan
ang kalagayan ng LGBT sa napakinggang awitin?
“Ituloy Mo Lang”
Siakol

Noong bata ka pa si Darna ang ginagaya


Minsan nama’y nagbi-bistida
Maging sa laruan, manika ang napag-tripan
Ayaw mo ng baril-barilan
‘Di ka nila sinasali
Hindi ka raw tunay na lalaki
Gusto ng tatay mo na ika’y mag-sundalo
Pero babae ang puso mo
Kahit lunurin ka, wala ring napala sila
Nung sabi mong ika’y sirena
“Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

(Chorus)
At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka bang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema

Walang pumapansin sa natatangi mong galling


Mas madalas ka pang laitin
Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
Ngunit walang rumirespeto
Lagi na lang iisipin
Sila na lang ang unawain

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin

(Matapos mapakinggan ang awitin, tatawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng kani-kanilang mga ideya)

Ngayong napakinggan ninyo ang awitin, ano sa tingin ninyo ang mensaheng nais iparating ng awitin?

Paano inilalarawan ang kalagayan ng LGBT sa awitin?

Mula sa inyong napakinggan, may ideya naba kayo kung ano ang paksa ng ating aralin ngayong araw?

Ang tatalakayin natin ngayong araw ay diskriminasyon hindi lamang sa LGBT, maging sa mga kababaihan at
kalalakihan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Itatanong ang kahulugan ng diskriminasyon.

Magpapakita ng mga larawan o personalidad na naging matagumpay sa kani-kanilang mga napiling larangan
sa kabila ng mga diskriminasyon na kanilang kinaharap.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain 15. May “K” ka!

Matapos ipakilala ang ilang personalidad na naging matagumpay sa kanilang napiling larangan, hahatiin sa
tatlong pangkat ang klase. Para sa gawaing ito, gagamit ang bawat pangkat ng meta cards na ididikit sa
modelong mapipili ng bawat pangkat. Isusulat lamang ng mga miyembro ng bawat pangkat ang mga
trabahong sa tingin nila ay angkop sa napili o naitalagang paksa.

Pangkat A. Babae
Pangkat B. Lalaki
Pangkat C. LGBT

Susuriin ng klase ang bawat gawa at paghahambingin ang tatlong modelo. Inaasahang masagot at
maipaliwanag ang walong mga katanungan upang mas maging kapaki-pakinabang ang gawain.)

1. Anu-ano ang trabahong inilagay ng bawat pangkat sa kasariang itinalaga sa kanila? Ipaliwanag.
2. Naging madali ba sa grupo ang gawain? Ipaliwanag.
3. May mga trabaho bang katulad din sa trabahong naisulat ng ibang pangkat? Bakit may mga
pagkakatulad?
4. May mga trabaho bang wala sa ibang pangkat? Ipaliwanag.
5. May kilala ka bang babae na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa lalaki (halimbawa, piloto,
engineer, boksingero, astronaut)? Ipakilala sila sa klase.
6. May kilala ka bang lalaki na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa babae? Ipakilala sila sa
klase.
7. May kilala ka bang miyembro ng LGBT na matagumpay sa larangang kanilang napili? Ipakilala sa
klase.
8. Batay sa mga naibahagi sa klase, ang kasarian ba ay batayan sa trabahong papasukan? Ipaliwanag.

Maliwanag na ba sa inyo ang ating tinalakay ngayong araw?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang masugpo o maiwasan ang diskriminasyon
lalo na sa aspetong pangkasarian?

Halimbawa, may kamag-aral o ka-eskwela na binubully o kinukutya dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan,
ano ang iyong gagawin bilang isang mabuting mag-aaral?

H. Paglalahat ng Aralin

Gaano kahalaga ang pag-aaral natin ng diskriminasyon?

Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan?

Mahalaga bang mawala ang diskriminasyon sa kasarian

Paano makaiiwas sa ganitong uri ng diskriminasyon?

Gaya nila, paano ka babangon o uunlad sa kabila ng mga posibleng diskriminasyon na maranasan mo?
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ito ay tumutukoy sa negatibong pagturing sa isang tao base sa kanyang katangian.

A. Diskriminasyon B. Kalupitan C. Identity Crisis D. Human Harassment

_____2. Si Andy ay madalas makutya ng kanyang mga kamag-aral dahil sa kanyang kulay at itsura.
Anong salik ng diskriminasyon ang mababanaag sa sitwasyon ni Andy?

A. Edukasyon B. Trabaho C. Pisikal na Kaanyuan D. Relihiyon at Kultura

_____3. Si Emy ay isang magaling na manggagawa ngunit ayaw siyang tanggapin sa kanyang pinapasukan dahil sa hindi
siya nakapagtapos ng high school. Anong salik ng diskriminasyon ang mababanaag sa sitwasyon ni Emy?

A. Edukasyon B. Trabaho C. Pisikal na Kaanyuan D. Relihiyon at Kultura

_____4. Siya ang kauna-unahang transgender law maker sa Pilipinas at pangunahing tagapagtaguyod ng Anti-
Discrimination Bill sa Kamara.

A. Geraldyn Roman B. Geraldine Moran C. Geraldine Roman D. Geraldyn Moran

_____5. Paano natin maiiwasan at masusugpo ang diskriminasyon bilang isang mag-aaral sa kabila ng patuloy na
paglaganap nito sa lipunan?

A. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at pagpapaunlad ng ating mga sarili.


B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng respeto sa isa’t isa.
C. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa bawat isa sa kabila ng mga kahinaan at kalakasan bilang isang tao.
D. Lahat ng nabanggit

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin o remediation

Gawain 15: Opinyon at saloobin. Galangin!


Kayo ay bibigyan ng pagkakataong makipanayam sa ilang tao upang alamin ang kanilang opinyon at saloobin sa mga
karapatan ng mga LGBT. Matapos ang panayam, ibahagi ang resulta sa inyong pangkat. Ang mga ito ay binubuo ng mga
babae, lalaki, LGBT, lider ng relihiyon, negosyante, at opisyal ng barangay.

Pakitang-turo ni:

Roger T. Altares
Teacher I – AP Department
Observer 1

Wilner M. Tadeja
MT II/HT Designate-AP

Observer 2

Ronaldo F. Polinag
Master Teacher I-AP

Observer 3

Nolasco M. Baraquel
Head Teacher V-OIC, Asst. Principal for Academics
in Junior High Shool

You might also like