You are on page 1of 1

Gawain _____ Kung Ikaw Ay...

Ang gawaing ito ay pagsasagawa ng human diorama. Ipakikita sa bawat pagtatanghal ng diorama ang iba’t
ibang sitwasyong maaaring kaharapin ng mga mamamayan sa bansa na may kinalaman sa kanilang mga karapatang
pantao. Dito susuriin ang bahaging ginagampanan ng mga karapatang pantao upang mapangalagaan ang kapakanan
at dignidad ng bawat tao.

Ilahad sa mga mag-aaral ang sumusunod na panuto at ipasagot ang pamprosesong mga tanong.

1. Maging kabahagi ng isang pangkat at pumili ng isang sitwasyon sa loob ng kahon.

2. Bibigyan ng pagkakataon ang lahat ng pangkat na ihanda ang mga miyembro nito sa pagtatanghal ng
human diorama.

3. Maaaring gumamit ng kagamitang pantulong at akmang kasuotan sa pagtatanghal.

4. Sa aktuwal na pagtatanghal, mistulang mga estatwa ang lahat ng miyembro sa diorama.

5. Magtalaga ng isa hanggang dalawang miyembro na magpapaliwanag ng diorama.

6. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka ng human diorama gamit ang sumusunod na rubric.

Rubric sa Pagmamarka ng Human Diorama


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Detalye at Wasto ang detalyeng inilahad sa gawain;
Pagpapaliwanag malinaw ang pagpapaliwanag sa ipinakitang 15
diorama; mahusay na naiugnay ang angkop na
karapatang pantao sa nakatalagang sitwasyon
Pagbuo ng Human Angkop ang ipinakitang scenario sa diorama
Diorama patungkol sa nakatalagang paksa; akma ang 10
kagamitang pantulong at kasuotang ginamit sa
pagtatanghal
Pagkamalikhain Masining ang pagpapakita ng diorama; may
wastong blocking, puwesto, at paglalagay ng 5
kagamitan.
Kabuuan 30

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang mga karapatang pantao na binigyang-diin sa mga ipinakitang diorama?

2. Paano napangalagaan ng mga karapatang pantao ang kalagayan ng mga mamamayan batay sa mga
ipinakitang sitwasyon sa diorama?

3. Ano ang nararapat gawin upang higit na mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan batay sa mga
nakapaloob na karapatang pantao sa UDHR at sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas?

You might also like