You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Solano High School
Solano, Nueva Vizcaya

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Mga Karapatang Pantao

Pangalan: __________________________________________ Seksyon: ______________

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY


“Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao
sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.”
Mga Layunin
K: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao
sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan
S: Nakagagawa ng isang malikhaing obra na nagpapakita ng kahalagahan ng pagsusulong at
pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan
A: Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan

Tuklasin:Ang Mga Karapatang Pantao


Ang paksang tungkol sa karapatang pantao ay isang paksang marami ang interesado
at ang iba ay naguguluhan. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang karanasan na
humuhubog sa ating kaalaman batay sa kanilang relihiyon, uri ng kultura at lipunang kanilang
kinabibilangan.
Ang bawat isa sa atin ay taglay ang karapatang ito na nakaayon sa prinsipyo ng
paggalang ng kahit na sino mang indibiduwal na ating makakasalamuha o maging sinuman
sa mundo. Ang bawat isa ay dapat nating tratuhin nang may dignidad at nigyang paggalang
na na aayon sa aspektong sibil, political, ekonomikal, sosyal atkultural.

Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 1


Upang mas maintindihan natin ang paskang ito narito ang isang diyagram na nagpapakita ng
konstektong historikal ng pagunlad ng karapatang pantao mula sa sinaunang tao hanggang sa pagkabuo ng
“Universal Declaration of Human Rights” ng United Nations noong 1948.

539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng
Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili
ng sariling relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantaypantay ng lahat ng lahi.

Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito
bilang “world’s first charter of human rights.”

Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan
tulad ng India, Greece, at Rome.

Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism,


Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo
tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa
kaniyang kapwa.

Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng United
States sa Geneva, Switzerland. Kinilala ito bilang The First Geneva Conventionna may layuning isaalang-
alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon
.

Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commissionsa pangunguna ni Eleanor
Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng
naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag naUniversal Declaration of Human
Rights.
Sanggunian: United for Human Rights. (2014). A Brief History of Human Rights. Retrieved August 21, 2014, from United for Human Rights:
http://www.humanrights.com/what-are-humanrights/brief-history/cyrus-cylinder.html; http://www.universalrights.net/main/histof.htm

Mga pampaunlad na tanong:


1. Ano ang iyong mahihinuha pagkatapos basahin ang dokumento?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang mga konsepto ng karapatang pantao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Paano mo mapapangalagaan ang iyong mga Karapatan bilang tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 2


Suriin:

http://www.pinterest.ph/pin18366310969705407
http://www.ge.usembassy.gov/core-u-s-values-echo-in-universal-declaration-of-human-rights

Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad
ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito
na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan
ang mga karapatang pantao sa lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly
noong 1946.
Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United
Nations si Eleanor Roosevelt – ang biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.
Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag ang
talaang ito bilang Universal Declaration of Human Rights.
Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at
binansagan ito bilang “International Magna Carta for all Mankind.” Sa kaunaunahang pagkakataon,
pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang
naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas.
Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR.
Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-
pantay at pagiging malaya. Binubuo naman ng mga karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21.
Nakadetalye sa Artikulo 22 hanggang 27 ang mga karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural. Tumutukoy
naman ang tatlong huling artikulo (Artikulo 28 hanggang 30) sa tungkulin ng tao na itaguyod ang mga
karapatan ng ibang tao.

1. Anong karapatang pantao ang sa tingin mo ay dapat nating pagtuonang pansin?


2. Kung taglay ng mamamayan ang kanilang mga karapatan batay sa UDHR at Konstitusyon ng
Pilipinas, ano ang nararapat nilang gawin upang higit na mapakinabangan ito?
3. Bilang isang mag-aaral paano mo mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan batay sa
mga karapatang pantao na iyong natutunan?

Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 3


Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamaya
Pangalan: ____________________________________________ Seksyon: __________________________

Most Essential Learning Competency (MELC )

Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang


Pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan
.

K- Naipaliliwanag ang wastong pagtugun sa mga karapatang pantao para sa


kapakanan ng lahat.

S -Nakagagawa ng collage na nagpapakita ng pangangalaga ng karapatang


pantao.

A- Napahahalagahan ang mga karapatan ng bawat tao.

I-INTERPRET MO!
Panuto: Tingnan mong mabuti ang larawan. Bigyan ng interpretasyon ang larawang ito at sagutin
ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

https://www.facebook.com/277614582653198/photos/a.277617295986260/277617259319597

Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 4


1. Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit kailangan nila itong gawin?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tuklasin:

Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong karapatang pantao.


Nakalahad sa Saligang-Batas ng 1987 ng Pilipinas ang mahahalagang karapatang sibil,
politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural na nararapat na itaguyod ng pamahalaan para sa
mamamayan nito. Ang katipunan ng mga karapatang ito ay nagsisilbing pundasyon ng
estado sa paggawa ng mga batas at polisiya upang palakasin at mapangalagaan ang
pagkamamamayan ng mga Pilipino.

Ano ang tungkulin ng pamahalaan sa pagsulong sa mga karapatan ng mamamayan?

Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang pantao ng mamamayan, naging


tungkulin nito na ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal, proteksiyon laban sa
pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng mga positibong aksiyon upang
lubos na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot ng mga karapatang pantaong
ito.

Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 5


Suriin:
Ang mamamayan ay may iba’t ibang antas ng kamalayan sa pag-unawa at
pagsasakatuparan ng kanilang mga karapatang pantao. Makikita ang mga antas na ito sa
sumusunod na talahanayan batay sa Facilitator’s Manual on Human Rights Education (2003).

Antas Antas Antas Antas


1 2 3 4

Pagpapaubaya at Kawalan ng Limitadong Militance,


Pagkakaila pagkilos at Pagkukusa Pagsasarili, at
interes Pagkukusa

may
limitadong
kaalaman
tungkol sa
mga
karapatang kakikitaan may
pantao ng kamalayan,
ngunit may pagtaguyod aktibo, at
pagtanggi o ng malayang
walang kawalan ng karapatang pagtatangg
pasubaling interes na pantao, ol sa mga
pagpapauba igiit ang paghanap karapatang
ya sa mga mga ng mga pantao sa
paglabag ng karapatang solusyong pamamagita
karapatang ito dahil sa gamit ang n ng
pantao takot, karaniwang matatag at
panganib, o pamamaraa sama-
kakulangan n tulad ng samang
sa pag- paglalahad pagsisikap
unawa ng ng reklamo
mga
kondisyong
panlipunan,
ekonomiko,
at politikal
ng bansa

https://clipartix.com/hands-clip-art-image-38300/
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ng mamamayan ay hindi dapat
nagwawakas o tumitigil sa pagtukoy lamang ng mga karapatang ito. Tungkulin din ng mamamayan na isa-
alang-alang at isakatuparan ang mga ito upang maging aktibo ang mamamayan at matutong makiisa at
makialam sa mga nangyayari sa kanilang lipunan.
Ayon kay M.S. Diokno (1997), maliban sa pagiging malaya, pinalalawak pa ng iba pang nakapaloob
na karapatang pantao ang perspektiba ng tao na maging aktibong mamamayan. Hindi lamang mahalaga ang
pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao kundi ang aktuwal na paggiit at pagsasakatuparan ng
mga karapatang ito ang nararapat na mangibabaw. Ito ang tunay na pagpapakita ng pakikilahok ng tao bilang
mamamayan ng isang bansa.
Bilang mga aktibong mamamayang mulat sa mga nangyayari sa kanilang paligid, tungkulin nating
tugunan ang mga ito para sa kapakanan ng lahat, at ang paggiit ng mga karapatang pantao ay isang paraan
nito.
Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 6
Araling Panlipunan 10 Quarter 4: Kontemporaryong Isyu Summative No. 2
Pangalan: ___________________________________________ Seksyon:_________________
I.MARAMIHANG PAGPIPILI: Isulat ang MALAKING TITIK bilang katumbas ng wastong sagot. (5pts)
___1. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil
pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga
demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
C. Magna Carta ng 1215
D. Universal Declaration of Human Rights
___2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa
mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela at CARE Philippines
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan
___3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at
hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?
A. Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran
B. Ang karapatan sa pagtulong at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan para sa pagsagip ng
ating kapaligiran.
C. Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng
pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.
D. Lahat ng nabanggit.
___4. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang
pagpapasya.
___5. Si Mona ay aksidenteng nasaksak ng kanyang bayaw. Agad na nagtago ang kanyang bayaw
at ayaw sumuko sa awtoridad. Tama ba ang kanyang ginawa?
A. Tama, dahil hindi naman nya ito sinasadya
B. Tama, dahil ang kanyang bayaw ay may edad na at wala naming nakakita
C. Mali, dapat syang sumuko at sumama sa awtoridad para magpaliwanag
D. Mali, dapat ay humingi muna sya ng saklolo bago magtago

II. TAMA O MALI: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at mali naman
kung hindi. (10pts)
___1. Ayon kay M.S. Diokno (1997), maliban sa pagiging malaya, pinalalawak pa ng iba pang
nakapaloob na karapatang pantao ang perspektiba ng tao na maging aktibong mamamayan.
___2. Sa kasalukuyan, di nahaharap ang mamamayang Pilipino sa samu’t saring suliranin at isyung
panlipunan.
___3. Ang mamamayan ay may iba’t ibang antas ng kamalayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan
ng kanilang mga karapatang pantao.
___4. Inilahad sa Saligang-batas ng 1997 ng Pilipinas ang mahahalagang karapatang sibil, politikal,
ekonomiko, sosyal, at kultural na nararapat na itaguyod ng pamahalaan para sa mamamayan
nito.
___5. Makikita People’s Manual on Human Rights Education (2003) ang mga antas ng kamalayan
Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 7
sa pag-unawa at pagsasakatuparan ng kanilang mga karapatang pantao.
___6. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ng mamamayan ay hindi dapat
nagwawakas o tumitigil sa pagtukoy lamang ng mga karapatang ito.
___7. Ang kamalayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan ng mga karapatang pantao ang
mamamayan mayroong apat (4) na antas.
___8. Hindi kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong karapatang pantao.
___9. Hindi lamang mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao kundi ang
aktuwal na pagigiit at pagsasakatuparan ng mga karapatang ito ang nararapat na
mangibabaw.
___10. Ang hindi pagiit ng mga karapatang pantao ay isang paraan ng pagkamit ng matiwasay na
pamumuhay.
Araling Panlipunan 10 Quarter 4: Kontemporaryong Isyu Performance Task No. 2
PANUTO: Photo Collage: Gumupit ng mga larawan mula sa pahayagan o magasin na nagpapakita ng
pakikilahok ng tao bilang mamamayan ng isang bansa upang igiit at isakatuparan ang mga karapatang
nararapat na mangibabaw. Idikit ang mga ito sa isang short bond paper. Lagyan ng maikling pahayag sa
ibaba ng collage tungkol sa kahalagahan at kapakinabangan ng mga organisayong nagtataguyod sa
karapatang pantao sa lipunan.
Susuriin ang iyong Gawain ayon sa sumusunod na Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka
Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang puntos

Naipapakita ang mga bumubuo, gamit at kahalagahan ng 5


Nilalaman salik ng produksiyon
Presentasyon Maayos at malinis ang presentasyon 5
Malikhaing Gumagamit ng recycled materials at angkop na disenyo 5
Paggawa ayon sa salik na napili
Caption / Naglalaman ng pahayag na angkop na paliwanag ukol sa 5
Pahayag gamit at kahalagahan ng salik ng produksiyon

Practice Personal Hygiene Protocols at all times. 8

You might also like