You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI-WESTERN VISAYAS
Schools Division of Iloilo
CABATUAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY -ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


(Mga Kontemporaryong Isyu)

February 07, 2018

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamayaan at


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mga mag-aaral; ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling
pamayanan.

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO

a. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga karapatang pantao upang matugunan ang
ibat ibang isyu at hamong panlipunan

D. TIYAK NA LAYUNIN

1. Naiisa-isa ang mga organisasyon na nagtataguyod sa karapatang pantao.

2. Naipaliliwanag ang layunin ng ibat-ibang organisasyon na nagtataguyod ng karapatang


pantao.

3. Napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga karapatang pantao upang


matugunan ang ibat-ibang mga isyu at hamong panlipunan.

II. NILALAMAN

A. Paksa:
B. Mga Organisasyong Nagtataguyod sa Karapatang Pantao.

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro: 361-362
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral: pp. 383-387
B. Iba pang Kagamitan: Laptop, Telebisyon, Powerpoint Presentation

1
IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating Tatayo ang mga mag- aaral at mananalangin.
panalangin.
2. Balik- aral
Mag balik-aral muna tayo, sa nakalipas
na aralin ay tinalakay natin ang tungkol
sa Bill of Rights.
Tanong: Ano ang naging batayan ng
ating bansa sa pagkabuo ng Bill of Ang Universal Declaration of Human Rights
Rights?
Tanong: Sa anong Artikulo ng 1987
Saligang Batas ng ating bansa makikita Artikulo III ng 1987 Saligang Batas
ang Bill of Rights?

Very Good!

B.Paglinang na Gawain
1.Pagganyak
Bago natin simulan ang ating bagong
aralin magkakaroon muna tayo ng isang
gawain, ang gawaing ito ay “Photo
Bucket”. Gamit ang bond paper,
gumuhit kayo ng isang simbolo/bagay
na may kaugnayan sa mga karapatang
pantao. Pagkatapos ay ipaliwanag.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang sinisimbolo ng bagay na
iyong ginuhit?
2. Ano ang kanyang layunin sa
pagprotekta sa karapatang pantao ng
isang mamamayan?
3. Sino-sino ang mga saklaw nito?

2.Paglalahad
Ang ating bagong aralin ay tungkol sa
mga Organisasyong Nagtataguyod sa
Karapatang Pantao.

3.Pagtalakay
Maraming organisasyon sa iba’t ibang
panig ng daigdig ang binuo upang
itaguyod ang mga karapatang pantao at
tuluyang wakasan ang pagmamalabis sa
mga karapatang ito. Bagama’t may mga
kani-kaniyang pamamaraan at may
partikular na kasapi ng lipunan ang
pinagtutuonan ng pansin, nagkakaisa
naman ang mga samahang ito sa
pagasasagawa ng mga kampanyang
magbibigay-proteksiyon sa mga
karapatan ng tao at magpapalakas ng
kanilang kakayahang tiyakin na paggiit
ng mga mamamayan sa kanilang mga
karapatan.

2
Karaniwan sa matatagumpay na
pandaigdigang samahang nagtataguyod
ng mga karapatang pantao ay nagmula
sa mga NGO o nongovernmental
organization kung saan
pinangungunahan ng mga karaniwang
mamamayan at hindi ng mga opisyal ng
pamahalaan ang mga samahang ito.

Mga Organisasyong Nagtataguyod


sa Karapatang Pantao

1. Amnesty International – ito ay


isang pandaigdigang kilusan na may
kasapi at tagasuportang umaabot sa
mahigit pitong milyong katao. Ang motto
nito ay “It is better to light a candle than
to curse the darkness.” Pangunahing
adhikain nito ang magsagawa ng
pagsasaliksik at kampanya laban sa
pang-aabuso ng mga karapatang pantao
sa buong daigdig. Gayundin ang
mabigyan ng katarungan ang mga
biktima ng paglabag sa karapatang
pantao. Aktibo Aktibo ang organisasyong
ito sa Pilipinas.

2. Human Rights Action Center


(HRAC) – Itinatag ito ni Jack Healey na
isang kilalang human rights activist.
Naging tagapagtaguyod ito ng mga
karapatang pantao sa buong daigdig at
nagsilbing-boses ng mga walang boses
at tagapagtaguyod ng karapatang
pantao sa buong daigdig. Nakikipag-
ugnayan din ang HRAC sa mga pinuno
ng pandaigdigang sining tulad sa
musika, teatro, pelikula, at maging ng
printed material upang maipalaganap
ang kahalagahan ng karapatang pantao.

3. Global Rights –Pangunahing layunin


ng pandaigdigang samahang ito na
itaguyod at pangalagaan ang karapatan
ng mga taong walang gaanong boses sa
lipunan at pamahalaan. Pinalalakas din
nito ang mga aktibong kalahok ng
samahan na itala at ilantad ang mga
pang-aabuso sa karapatang pantao at
makapagtaguyod ng mga repormang
patungkol sa karapatang pantao at
makapagbigay ng serbisyong-legal.

4. Asian Human Rights Commission


(AHRC) – Itinatag ito noong 1984 ng
mga tanyag na grupong aktibo sa
pakikipaglaban para sa karapatang
pantao sa Asya. Layunin ng samahang
ito ang magkaroon ng higit na

3
kamalayan tungkol sa karapatang
pantao at pagsasakatuparan nito sa
buong Asya.

5. African Commission on Human


and People’s Rights – Ito ay isang
quasi-judicial body na pinasinayaan
noong 1987 sa Ethiopia. Layon nitong
proteksiyonan at itaguyod ang karapatan
ng mga tao at magbigay ng
interpretasyon sa African Charter on
Human and People’s Rights.

Activity 1: Hahatiin ko kayo sa dalawang


pangkat.

Unang Pangkat: Isulat sa semantic


web ang mga tanyag na pandaigdigang
organisasyong nagbibigay proteksiyon sa
mga karapatang pantao.

Ikalawang Pangkat: Ipapaliwanag


ang bawat organisasyon sa isinulat ng 1.________________________________
unang pangkat. 2.________________________________
3.________________________________
4.________________________________
5.________________________________

Pilipinas

Sa Pilipinas, ang Commission on


Human Rights (CHR) ang may
pangunahing tungkulin na pangalagaan
ang mga karapatang pantao ng mga
mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang
“National Human Rights Institution
(NHRI)” ng Pilipinas. Nilikha ito ng
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
alinsunod sa Seksyon 17 (1) ng Artikulo

4
XIII.
Nagkakaloob ang CHR ng mga
pangunahing programa at serbisyo
upang maprotektahan ang karapatang
pantao ng bawat Pilipino. Ilan sa mga ito
ay pagdodokumento at pangangasiwa
ng mga reklamo tungkol sa paglabag sa
karapatang pantao, pagbigay ng tulong
at serbisyong legal sa mga biktima,
pagsubaybay sa kalagayan ng mga
piitan at rehabilitation center kung may
kaso ng paglabag sa karapatang pantao,
at pagsasagawa ng mga forensic at
medico-legal service.
Binibigyang-tuon din ng CHR ang iba’t
ibang programa, estratehiya, at
advocacy campaign upang higit na
makapagbigay ng impormasyon at
aktibong makalahok ang mga
mamamayan sa pangangalaga ng mga
karapatang pantao sa bansa.

Nongovernmental Organization sa
Pagtaguyod ng mga Karapatang
Pantao ng mga Pilipino.

Philippine Alliance of Human Rights


Advocates (PAHRA) – itinatag ang
alyansang ito noong 1986 at nilahukan
ng mahigit sa 100 organisasyon mula sa
iba’t ibang bahagi ng bansa. Nilalayon
ng PAHRA na itaguyod, pangalagaan, at
isakatauparan ang tunay na pag-iral ng
mga karapatang pantao sa bansa.

Philippine Human Rights


Information Center (PhilRights) –
isang organisasyon na nakarehistro sa
SEC simula pa noong 1994. Konektado
ito sa United Nations Department of
Public Information (UNDPI) at sa UN
Economic and Social Council. Hangad ng
PhilRights na magkaroon ng bansang
may kultura ng pagkakapantay-pantay
ng tao.

KARAPATAN: Alliance for the


Advancement of People’s Rights –
ito ay alyansa ng mga indibidwal,
organisasyon, at grupo na itinatag
noong 1995. Itinataguyod at
pinangangalagaan nito ang mga
karapatang pantao sa Pilipinas. Ilan sa
mga programa ng alyansa ang
magkaroon ng mataas na antas ng
kamalayan ang mga mamamayan sa
kanilang mga karapatan, maging aktibo
sa pagsuporta sa mga gawaing

5
magttaguyod sa mga karapatang
pantao.

Free Legal Assistance Group (FLAG)


– ito ay isang pambansang grupo ng
mga human rights lawyer na
nagtataguyod at nangangalaga ng mga
karapatang pantao. Itinatag ito noong
1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo
Tanada Sr. at Joker Arroyo. Ilan sa mga
adbokasiya ng FLAG ay ang paglaban sa
pag-usig sa mga indibidwal sa
kadahilanang politikal, pang-aabuso ng
militar at kapulisan at parusang
kamatayan.

Task Force Detainees of the


Philippines (TFDP) – Itinatag ito
noong 1974. Sinimulan ito na may
adhikaing matulungan ang mga political
prisoner. Nagkakaloob din ang samahan
ng suportang legal, pinansiyal, at moral
sa mga political prisoner at kanilang
pamilya.

Activity 2: Punan ang talahanayan.


Isulat sa kalahating bahagi ng papel
(1/2 crosswise).

Nongovernmental Organization sa
Pagtaguyod ng mga Karapatang Pantao
ng mga Pilipino.

Organisasyon Layunin

Philippine Alliance of
Human Rights
Advocates (PAHRA)

Philippine Human
Rights Information
Center (PhilRights)

KARAPATAN: Alliance
for the Advancement
of People’s Rights

Free Legal Assistance


Group (FLAG)

Task Force Detainees


of the Philippines
(TFDP)

6
Analysis:
Pamprosesong mga Tanong
1. Anu-ano ang limang tanyag na
pandaigdigang organisyon na
nagtataguyod ng karapatang pantao?
Amnesty International
HRAC
Global Rights
AHRC
2. Anu-ano ang ang mga African Commission on Human and People’s
Nongovernmental Organization sa Right
Pagtaguyod ng mga Karapatang Pantao
ng mga Pilipino? PAHRA
PhilRights
KARAPATAN
Abstraction FLAG
Hagdan ng Pagsasakatuparan TFDP
Pumili ng isang organisasyong
nagtataguyod ng karapatang pantao sa
daigdig o sa ating bansa. Magsaliksik sa
piniling organisasyon. Pagkatapos ay
buuin ang diyagram batay sa hinihingi AKSIYONG NAGAWA
ng bawat baitang sa hagdan. Isulat ang
sagot sa ilalim ng baitang.

Mga Gabay na Tanong ISYUNG BINIGYAN-


1. Nararapat ba na pagtuunan ng pansin PANSIN
ng iyong piniling organisasyon ang
isyung inilahad sa diyagram? Bakit?
ADBOKASIYA NG
2. Kung ikaw ang pinuno ng nasabing
organisasyon, anong hakbang o ORGANISASYON
solusyon ang iyong isasakatuparan
upang matugunan ang naturang isyung
may kaugnayan sa karapatang pantao?

C.Pangwakas na Gawain
1.Paglalahat
Bilang paglalahat sa ating aralin, anu-
ano ang ibat-ibang organisasyon na
nagtataguyod sa karapatang pantao?  Amnesty International
 Human Action Rights Center
 Global Rights
 Asian Human Rights Commission
 African Comission on Human and
People’s Rights
 Commission on Human Rights
 Philippine Alliance of Human Rights
Advocates
 Philippine Human Rights Information
Center
 KARAPATAN: Alliance for the
Advancement of People’s Rights
 Free Legal Assistance Group (FLAG)
 Task Force Detainees of the Philippines
(TFDP)

7
2.Paglalapat
Tanong:
Maktwiran at epektibo ba ang aksiyong
isinasagawa ng mga organisayon upang
maitahuyod/mapangalagaan ang
karapatang pantao ng mga
sangkot/biktima? Bakit? Paano?

3.Pagpapahalaga
Tanong:
Bilang isang mag-aaral, kung bibigyan
ka ng pagkakataon na bumuo ng isang
organisasyon upang maitaguyod ang
karapatang pantao, ano ito? Ano ang
layunin nito?

V. PAGTATAYA (Formative)

Panuto: Gumawa ng isang organizational chart tungkol sa lahat ng mga organisasyon na


nagpoproteka sa karaptang pantao, at ibigay ang kanilang layunin.

MGA ORGANISASYON

Pandaigdigan Pilipinas

8
VI. TALA (REMARKS)

VII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.


B. Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking cooperating
teacher?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
kong guro?

Prepared by: JORILYN P. LEGAYADA


Grade 10- Student Teacher

Checked by: _JOYCE A. DUREZA_


Cooperating Teacher

Noted by: MARIANNE G. BASTIERO__


Head, Social Studies Department

You might also like