You are on page 1of 10

7

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter IV – Linggo 2
Pagsuri sa Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 7
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV– Linggo 2: Pagsuri sa Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Lucille F. Magnetico


Pangnilalamang Patnugot: Shirley F. Lilang
Editor ng Wika: Luz L. Javarez
Tagawasto: Luz L. Javarez
Tagasuri: Shirley F. Lilang EPS-EsP
Tagaguhit: Lucille F. Magnetico
Tagalapat: Lucille F. Magnetico at Charles Andrew M. Melad

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang EPS-EsP
Eva Joyce C. Presto PDO II
Rhea Ann A. Navilla Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon


Armor T. Magbanua, Maricel Zamora, Charles Andrew M. Melad,
Glenda T. Tan at Joseph Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 2
Pagsuri sa Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay
MELC:Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may
pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya.(EsP7PB-IVc-14.2)

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay.
3. Nasusuri ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may
pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.

_____ 1. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay inihahalintulad sa


isang _________na maaring maging gabay sa sariling buhay.
A. Kredo o motto B. Mapa ng buhay C. Pangarap D. Sandigan

_____ 2. Sino ang higit na makikinabang sa ginagawa mong Personal na Pahayag ng


Misyon sa Buhay?
A. Guro B. Kaibigan C. Sarili D. Tatay

______3. Misyon ko ang magabayan ang aking mga anak sa mabuting direksiyon hanggang
sa kanilang paglaki. Kaninong misyon ito?
A. Babae B. Guro C. Magulang D. Pulis

_____ 4. Ang sumusunod ay halimbawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


MALIBAN sa:
A. Paglilingkod sa kapuwa
B. Pag-ibig sa Inang Bayan at kalikasan
C. Pagsanib sa mga samahang pera ang sinasamba
D. Pagsama sa gawaing nagbibigay ng tulong sa kapuwa

_____ 5. Alin sa sumusunod na Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ang isinalang


alang ang tama at mabuting pagpapasiya?
I. Gumawa nang mabuti sa kapuwa kung may kapalit.
II. Isip at talento ay gamitin sa kabutihan at tamang gawain.
III. Mag-aral at mamuhay nang mabuti upang buhay ay bumuti.
IV. Pagmamahal sa pera ang pairalin upang buhay ay pasayahin.

A. II at III B. II at IV C. III at IV D. I at IV

1
Ating Alamin at Tuklasin
Paghawan ng Balakid
Matuwid – tama o walang bahid ng kamalian
Misyon – ito ay layunin na nais mong maabot at matapos
Personal- pansarili o ayon sa iyong sarili

Natatandaan mo pa ba ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya? Bakit


mahalaga na pag-isipang mabuti ang bawat gagawing pagpapasiya?
Bilang paghahanda sa iyong kinabukasan ay nararapat na pag-
isipan ang mga gagawing desisyon sa kasalukuyan. Maaari kang bumuo
ng plano para sa iyong hinaharap. Naglalaro ka ba sa iyong selpon?
Alam mob a ang mga larong pinoy gaya ng sungka at taguan? Ano ang
gagawin mo para manalo sa mga larong ito? Tama! Kailangan mo na
matapos ang misyon ng mga larong ito. Sa sungka ay kailangan mo na
maparami ang mga bato sa iyong bahay at sa taguan
naman ay kailangan mo na mahanap agad ang iyong
kalaro kung ikaw ang taya. Ikaw, ano ang misyon mo bilang isang mag-
aaral ng ikapitong baitang?
Halika at ating alamin kung ano ang misyon na maaari mong
gawin sa iyong buhay lalo na at nasa gitna tayo ng krisis at pandemya
sanhi ng COVID-19.

Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Ang tao ay nilikha ng Diyos na may misyon sa buhay. Anoman ang misyon ng bawat
isa, ito ay nararapat na magampanan nang mabuti upang makamit ang sariling ninanais
sa buhay.
Araw-araw ang tao ay bumabangon upang magampanan ang kanilang mga
tungkulin. Ang mga magulang ay mayroong misyon na magampanan ang kanilang
tungkulin sa mga anak, sa kapuwa at sa pamayanan at maging sa trabaho. Ang isang mag-
aaral na katulad mo ay mayroong misyon na matapos ang pagsagot sa mga modyul sa
itinakdang oras at araw. Sa ganitong paraan lalong madagdagan ang iyong kaalaman kahit
sa panahon ng pandemya. Ang kasalukuyang situwasyon dulot ng COVID-19 ay hindi
magiging hadlang upang maisakatuparan ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
Ano nga ba ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay? Ang Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay o Personal Mission Statement ay isang napakagandang gabay sa ating
mga gagawing pagpapasiya o desisyon sa buhay. Ito ay maihahalintulad sa pansariling
motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng ating buhay o mga nais na
makamit sa kinabukasan.
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay kailangan at magiging gabay upang
maging matatag sa anomang hamon o problema na personal na mararanasan habang nasa
tahanan o paglabas ng bakuran. Bilang isang kabataan, gamitin ang isip at imahinasyon
sa kung ano ang nais mangyari sa sariling buhay. Dapat na isaalang-alang ang
kahalagahan nang mabuting pagpapasiya upang matiyak na ang bawat hakbang ay tungo
sa mabuti at tamang direksiyon.

2
Ang pagkakaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay magiging
sandigan ng iyong buhay. Ibatay mo ang iyong mga gawain at gagawing pasiya sa iyong
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay upang ikaw ay maging matagumpay sa
pagkamit nito.
Ang sumusunod ay halimbawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Ang misyon ko bilang isang Maging positibo sa buhay


anak ay makapagtapos ng pag-aaral
upang masuklian ko ang paghihirap Pagmamahal sa lahat gawing gabay
at sakripisyo ng aking mga Buhay ay magiging matagumpay
magulang para sa akin.
Myrna, isang dalaga
Linda,isang anak

Misyon ko ang maglingkod sa


kapuwa na mayroong kalidad at
katapatan. Maglingkod ng buong puso lalo na
sa aspeto ng pagtuturo
Misyon ko ang magbigay
serbisyong legal lalo na sa mga Maging instrumento at inspirasyon
nangangailangan. sa mga bata at kapuwa ko guro

Misyon ko ang pagsilbihan ang


aking kliyente sa abot ng aking Bless, isang guro
makakaya
Mario, isang abogado

(Pinagkunan: Aprilyn G. Miranda et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Pasig City:


Department of Education, 283-285.)

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Piliin ang mga salita sa loob ng kahon na tumutukoy sa kahulugan ng
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Isulat ang letra sa patlang bago ang
bilang.

A.misyon D. mabuting pagpapasiya


B. matatag E. sandigan
C. Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay F. pangarap

_____ 1. Ang _______ ay maihahalintulad sa isang motto o kredo.


_____ 2. Ito ang layunin mo sa iyong buhay.
_____ 3. Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay kailangan upang tayo ay maging
_______ sa anomang problema na dumating sa ating buhay.
______4. Ito ay isinasaalang-alang sa bawat gagawing desisyon upang matiyak na ang
bawat gawain ay tungo sa mabuti at tama.
_____ 5. Ang pagtupad sa misyon ay maihahatintulad sa pagtupad ng mga ______.

3
Gawain 2
Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga taong tinutukoy mula sa Hanay A. Isulat ang
letra ng tamang angkop na sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

______1. Misyon ko ang gumaling ang aking mga A. Abogado


pasyente.

______2. Misyon ko ang kaligtasan ng lahat ng B. Mag-aaral


mamamayan at maging mabuting ehemplo sa
pagpapatupad ng mga batas.

______3. Misyon ko na matulungan ang mga taong C. Doktor


naghahanap
A. Pulis ng hustisya at maipagtanggol sila
gamit ang aking talino sa mga batas.
D. Magulang
______4. Misyon ko ang makatapos ng pag-aaral.
______5. Misyon ko ang maibigay ang pagmamahal at E. Pulis
kalinga sa aking pamilya.

Alam mo na ba ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng


Misyon sa Buhay? Ano-ano ang mga halimbawa nito?

Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto:Basahin at suriin ang bawat pahayag. Iguhit ang hugis puso( )sa nakalaang
patlang kung ito ay halimbawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)
at hugis tatsulok ( ) naman kung hindi.

_____1.” Nakakainis kang Covid ka. Dahil sa iyo hindi ko nakikita sa school si crush.”
_____ 2. Honesty is the best policy.
_____ 3. Magsikap mag-aral upang ang buhay ay maging mabuti.
_____ 4. ”Nakakatampo ka Mama. Lagi mo na lang akong pinapagalitan.”
_____ 5. Paggalang sa katotohanan aking uunahin. Kasinungalingan ay hindi papansi
papansinin.

4
Gawain 2
Panuto: Suriin ang dalawang halimbawa ng Personal na Misyon sa Buhay na
makikita sa mga hugis bilog. Lagyan ng tsek ✓ kung ito ay isinaalang-alang ang
tama at mabuting pagpapasiya at ekis X kung hindi.

Misyon ko ____ A. Isinaalang-alang ang


pagiging tama
ang mag-aral ng
mabuti at iiwasan ko ang
pagbibisyo upang matupad
ang aking mga pangarap.

____B. Isinaalang-alang ang


PPMB #1
mabuting desisyon o
pagpapasiya

____A. Isinaalang-alang ang


Misyon ko pagiging tama
ang mapabilang sa
barkada/tropa. Mabuti o mali
man ang gawa nila. Tanggap
ko at susundin ko
sila para lahat MASAYA
____B. Isinaalang-alang ang
PPMB #2 mabuting desisyon o pagpapasiya

Masusi mo bang naunawaan ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang


ng mabuting pagpapasiya sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay?

Ang Aking Natutuhan

Panuto:
Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon at isulat ito sa nakalaang
patlang.

sarili tama pagpapasiya mag-aaral motto o kredo

Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay ay inihahalintulad sa 1.


________. Ito ay gabay sa mga gagawing 2. _____________ sa buhay. Ang Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay ay para sa iyong 3. ____________ kung kaya hindi ka
maaaring gumawa nito para sa iyong kaibigan. Misyon ko ang makatapos ng pag-aaral
upang ang buhay ay bumuti ay halimbawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ng isang 4. ___________ na kagaya mo. Isinaalang-alang nito ang 5. ___________ at
matuwid na pagpapasiya.

5
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.

________1. Ito ay gabay sa iyong buhay. Ito ay maaring ihalintulad sa isang motto o kredo.
Ano ito?
A. Pangako sa pamilya
B. Pangarap sa buhay
C. Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
D. Sariling pangarap na makakaahon sa kahirapan

________2. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay maaaring gawin ng kaklase


mo para sa iyo. Ang pangungusap ay
A. Tama dahil pwede naman siyang gumawa nito para sa akin.
B. Tama dahil pinapakopya ko rin siya ng aking mga sagot sa modyul.
C. Mali dahil ang PPMB ay nararapat na gawin mo para sa iyong sarili.
D. Mali dahil baka mahuli kami ng aming guro dahil pareho kami ng sagot.

________3. Misyon ko ang siguraduhin ang kaligtasan ng bawat isa mula sa


COVID-19 .Kaninong misyon ito?
A. Drayber B. Frontliners C. Guro D.Mamayan

________ 4. Ang sumusunod ay halimbawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


MALIBAN sa
A. Ang wastong edukasyon ay pahalagahan, ito ay susi sa iyong kinabukasan.
B. Ang pagkatalo ay bahagi ng buhay. Kung hindi ka matatalo hindi ka
matututo. Kung hindi ka matututo hindi ka rin magbabago.
C. Hindi perpekto ang buhay ko. Pero meron akong Diyos na nagpapa
kuntento kung anong meron ako.
D. Hindi ako tamad, hindi rin ako masipag kaya wala akong asenso sa buhay
at kinabukasan ko.

_________5. Sisikaping makapagtapos ng pag-aaral kahit mahirap.


Talino at lakas ng loob gagawing sandata upang makaahon sa hirap.
Bisyo at barkada ay iiwasan upang buhay ay maingatan.

Ang pahayag sa itaas na bahagi ay Personal na Pahayag ng Misyon ni Myra.


Ano ang isinaalang-alang ni Myra sa pagbuo nito?

A. Buhay na walang problema.


B. Kinabukasan na nais makamit
C. Tama at mabuting pagpapasiya.
D. Yaman at luho na pangarap sa buhay.

6
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. A 2. C 3. C 4. C 5. A

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
1.C 2.A 3.B 4.D 5.F

Gawain 2
1.C 2.E 3.A 4.B 5.D

Ating Pagyamanin

Gawain 1
1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 2
PPMB #1 A. ✓ B. ✓

PPMB #2 A. X B. X

Ang Aking Natutuhan


1. Motto o kredo 2. pangarap 3.sarili 4.mag-aaral 5. tama

Ating Tayahin
1. C 2. C 3. B 4. D 5. C

Sanggunian
Aklat

Miranda, Aprilyn G., Maria Tita Y. Bontia, Jona Kristen M. Valdez, at Joel V. Rafal,
Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Pasig City: Department of Education.2015.

7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like