You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Ika-apat na Markahan- Modyul 6:


Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Pangalan ng Mag-aaral:___________________________
Baitang at Seksyon: ___________________________
Page 0
Paaralan: ___________________________
Alamin
Magandang Araw mga butihing mag-aaral!
Sa tuwing tayo ay magpapasiya, kinakailangang pag-isipan natin ito ng
mabuti upang sigurado at hindi tayo maligaw ng landas. Ang pasya ay dapat na
makabubuti sa sarili, kapwa at lipunan.
Sa araling ito, iyong matututuhan kung ano ang kahulugan ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa buhay, kaibahan ng propesyon at bokasyon at mga hakbang
sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay.
Ang mga inihandang gawain sa modyul na ito ay naglalayon na patnubayan
kayong makamit ang mga sumusunod na layunin:
Natutukoy ang mga sumusunod;
a. Kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
b. kaibahan ng propesyon at bokasyon.
c. Hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Code: EsP9PK-Nc-14.2

Subukin

Gawain 1. Unawain Mo!


Panuto: Pillin ang letra ng tamang sagot sa bawat tanong at isulat ito sa patlang.
_______ 1. Maaari bang magbago o mapalitan ang personal na pahayag ng
misyon sa buhay? Bakit?
A. Oo, dahil minsan nagbabago ang interes ng isang tao.
B. Oo, dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto na
nangyayari sa buhay.
C. Hindi dahil malilito lamang siya pagdating ng takdang oras.
D. Hindi, dahil dapat makapokus palagi ang kanyang isip sa
kanyang naging interes sa buhay.
_______ 2. Si Katie ay nag-aalinlangan sa kanyang kuning kurso sa
kolehiyo. Saan dapat iugnay ni Katie ang personal na misyon?
1
A. Talento at hilig
B. Pag-uugali at paniniwala sa buhay
C. Pasya ng magulang
D. Pagpapahalaga at mithiin
_______ 3. Pangarap ni Loyd ay maging isang abogado. Gusto kasi niya na
makatulong sa kapwa lalong-lalo na sa mga kapus palad . Ayon
kay Fr. Orbos, Ano ang tunay na misyon ng buhay?
A. Ang paglilingkod sa Diyos at kapwa.
B. Ang pagsulong sa karapatan at kahilingan.
C. Ang pagsunod sa desisyon ng magulang.
D. Ang pagiging makatao at makabansa.
_______ 4. Bilang isang Girl Scout, bakit mahalagang makabuo ng personal
na pahayag ng misyon sa buhay?
A. Dahil ito ay gabay sa iyong hilig at gusto.
B. Dahil ito ay magbibigay sa iyo ng tamang pasya.
C. Dahil dito nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon.
D. Dahil ito ay makapagbibigay ng direksyon patungo sa iyong
bokasyon.
_______ 5. Magkaiba ba ang propesyon sa bokasyon? Bakit?
A. Hindi, dahil pareho lang sila na pinili mo kung ano ang
gusto mong maging trabaho sa hinaharap.
B. Hindi, dahil ang bokasyon ay ang propesyon na pinili mo na
nakabatay sa iyong kalakasan at hilig.
C. Uo, dahil ang propesyon ay trabaho na ginagawa mo upang
ikaw ay mabuhay at ang bokasyon ay hindi lamang
simpleng trabaho kung hindi isang misyon.
D. Uo, dahil ang bokasyon ay trabaho na ginagawa mo upang
ikaw ay mabuhay at ang propesyon ay hindi lamang
simpleng trabaho kundi isang misyon.
_______ 6. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhayna magdadala sa
kaniya tungo sa kaganapan.
A. Misyon C. Propesyon
B. Bokasyon D. Wala sa pinagpipilian

2
_______ 7. Ito ay nagsisilbing simula ng matatag na pundasyon sa
pagkakaroon ng sariling kamalayan at mataas na
pagpapahalaga sa iyong layunin sa buhay.
A. Personal na Pahayag ng Misyon
B. Personal na Pahayag ng Bokasyon
C. Personal na Misyon
D. Personal na Bokasyon
_______ 8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa personal na
pagtataya ng kasalukuyang buhay?
A. Ipunin ang mga pangangailangan upang mabuhay
B. Suriin ang iyong ugali at katangian
C. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan
D. Tipunin ang mga impormasyon
_______ 9. Dito nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat
naibabahagi niya ang kanyang sarili at kumikilos siya para sa
kabutihang panglahat.
A. Bokasyon
B. Misyon
C. Propesyon
D. Wala sa pinagpipilian
_______ 10. Ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa
pag-uugali at paniniwala sa buhay. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang personal na misyon ay dapat naayon sa sa iyong
paniniwala at pananaw sa buhay.
B. Ang personal na misyon ay nababatay sa iyong mga
karanasan sa buhay.
C. Ang personal na misyon ay nangagaling sa sukestyon ng
ibang tao batay sa kanilang pananaw sa buhay.
D. Ang personal na misyon ay naayon sa political at sosyal na
pananaw sa buhay.

3
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Modyul 6

Balikan

Gawain 1. Hanapin ang Tumpak na Salita!


Panuto: Piloin ang tamang salita sa loob ng kahon upang mabuo ang mga
pangungusap.

Propesyon Misyon Kapwa


Bokasyon Diyos Buhay

1. Ang __________ any ang hangarin ng isang tao sabuhay na magdadala sa


kanya tungo sa kaganapan.

2. Ang __________ ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.

3. Ang __________ ay hindi simpleng trabaho kundi isang misyon.

4 -5. Ayon kay Fr. Orbos, ang paglilingkod sa __________ at sa __________ ang
magbibigay sa tao ng tunay na kaligayahan.

4
Tuklasin

Gawain 2. Pag-isipang Mabuti!


Panuto: Ipaliwanag ang kasabihan sa 3 o 4 na pangungusap lamang.

“All of us are creators of our own destiny”

Rubrik para sa Pabguo ng Sanaysay

Antas/Pamantayan Mahusay(5) Magaling(3) Pagbutihan Iskor


pa(2)
Ang nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman
ng sanaysay ay ng sanaysay ay ng sanaysay ay
tumpak sa hindi malayo sa ibigay
Nilalaman ibigay na masyadong na paksa.
paksa. tumpak sa
ibigay na paksa
Ang kabuuan Karamihan sa Ilan sa nilalaman
ay may nilalaman ay ay hindi kaugnay
Tema
kaisahan at kaugnay sa sa tema.
kaugnayan. tema.
Kabuuan

5
Suriin

Guro?
Doktor?
Inhinyero?
Pari?

Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay ay katulad ng isang personal na


Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang
iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa
araw-araw. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng
sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong layunin sa buhay.

Ayon kay Stephen Covey sa kanyang aklat na Seven Habits of Highly


Effective People, “Begin with the end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay
malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong
mangyari sa iyong buhay. Ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na
iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay. Sa paglikha ng Personal na Misyon sa
buhay, makatutulong na magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal
assessment sa iyong kasalukuyang buhay.

Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya:


1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Ang pangunahin mong katangian ang
magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan ng mundo na
iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumukilos para sa
iyong gagawin na pagpapasya.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Ang iyong mga pinahahalagahan
ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay.
3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong impormasyon na naitala, laging
isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay
mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito qng
mqgbibigay sa iyo ng tamang direksyon sa landas na iyong tatahakin.

Misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhayna magdadala sa kaniya tungo


sa kaganapan. Ang bawat tao ay tinatawag ng Diyos na gampanan ang misyon na
ipinagkaloob Niya sa atin. Ang propesyon ay trabaho ay ginagawa ng tao upang siya
ay mabuhay. Ang bokasyon ay hindi na lamang simpleng trabaho kundi isang
misyon. Dito nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi
niya ang kanyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panglahat.

6
Pagyamanin

Gawain 3. Suriin Mo!


Panuto:Basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang ilang katanungan.

Ano Ba Talaga?
Katha ni: Abcedee Desuyo
Grade 10 mag-aaral ng Imelda National National High School

Ito ay handog ko sa kapareho kong nalilito


Kung ano ba talaga ang kukunin kong kurso
Napakahirap ang magdesisyon

Kung ano ang tatahaking propesyon


Sa pagdedesisyon, ako nagugulumihan
Kung anong landas ang dapat kong pagtuunan
Tuloy nagugunita ko ang linya ng awiting narining
Ito ay tungkol sa pag-ibig

Sana makamit ang tangi kong pangarap


Na maging matagumpay sa hinaharap
Tanging hiling ko na sana ako ay patnubayan
Diyos na makapangyarihan nawa’y adhikain koy basbasan

7
Panuto: Basahing Mabuti ang bawat tanong sa ibaba at isulat ang inyong sagot sa
patlang sa ibaba ng bawat tanong.
1. Ano ang naramdaman ng may akda sa tula? Magkapareho ba ang iyong
naramdaman ngayon na nasa ika-siyam na baitang ka na? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Sa tingin mo, paano mo makamit at matagumpayan ang iyong pangarap sa
buhay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip

Gawain 4. Sino Ako?


Panuto: Ibigay ang angkop na sagot sa patlang na nakalaan sa
bawat bilang sa mga katanungan sa ibaba.

______________ 1. Ako ay isang personal na Kredo o isang motto na


nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang
iyong buhay.
______________ 2. Ako ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala
sa kaniya tungo sa kaganapan.
______________ 3. Ako ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay
mabuhay.
______________ 4. Ako ay hindi lamang simpleng trabaho kundi isang misyon .
Dito ka nagkakaroon ng tunay na pananagutan sapagkat
naibahagi niya ang kanyang sarili at kumikilos ang tao para
sa kabutihang panlahat.
______________ 5. Ako ang sumulat sa aklat na Seven Habits of Highly
Effective People “Begin With the End in Mind”. Sinasabi sa
aklat na ito na dapat ay malinaw na sa iyong isip and isang
malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa
iyong buhay.
8
Isagawa
Gawain 5. Iguhit Mo!
Panuto: Pagnilayan ang sagot. Iguhit sa loob ng kahon ang gusto mong propesyon
at ipaliwanag sa dalawa o tatlong pangungusap lamang.

Tayahin

Gawain 6. Gawin Mo!


Panuto: Pillin ang letra ng tamang sagot sa bawat tanong at isulat ito sa patlang.
_______ 1. Maaari bang magbago o mapalitan ang personal na pahayag ng
misyon sa buhay? Bakit?
A. Oo, dahil minsan nagbabago ang interes ng isang tao.
B. Oo, dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto na
nangyayari sa buhay.
C. Hindi dahil malilito lamang siya pagdating ng takdang oras.
D. Hindi, dahil dapat makapokus palagi ang kanyang isip sa
kanyang naging interes sa buhay.
_______ 2. Si Katie ay nag-aalinlangan sa kanyang kuning kurso sa
kolehiyo. Saan dapat iugnay ni Katie ang personal na misyon?
A. Talento at hilig
B. Pag-uugali at paniniwala sa buhay
9
C. Pasya ng magulang
D. Pagpapahalaga at mithiin
_______ 3. Pangarap ni Loyd ay maging isang abogado. Gusto kasi niya na
makatulong sa kapwa lalong-lalo na sa mga kapus palad . Ayon
kay Fr. Orbos, Ano ang tunay na misyon ng buhay?
A. Ang paglilingkod sa Diyos at kapwa.
B. Ang pagsulong sa karapatan at kahilingan.
C. Ang pagsunod sa desisyon ng magulang.
D. Ang pagiging makatao at makabansa.
_______ 4. Bilang isang Girl Scout, bakit mahalagang makabuo ng personal
na pahayag ng misyon sa buhay?
A. Dahil ito ay gabay sa iyong hilig at gusto.
B. Dahil ito ay magbibigay sa iyo ng tamang pasya.
C. Dahil dito nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon.
D. Dahil ito ay makapagbibigay ng direksyon patungo sa iyong
bokasyon.
_______ 5. Magkaiba ba ang propesyon sa bokasyon? Bakit?
A. Hindi, dahil pareho lang sila na pinili mo kung ano ang
gusto mong maging trabaho sa hinaharap.
B. Hindi, dahil ang bokasyon ay ang propesyon na pinili mo na
nakabatay sa iyong kalakasan at hilig.
C. Uo, dahil ang propesyon ay trabaho na ginagawa mo upang
ikaw ay mabuhay at ang bokasyon ay hindi lamang
simpleng trabaho kung hindi isang misyon.
D. Uo, dahil ang bokasyon ay trabaho na ginagawa mo upang
ikaw ay mabuhay at ang propesyon ay hindi lamang
simpleng trabaho kundi isang misyon.
_______ 6. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhayna magdadala sa
kaniya tungo sa kaganapan.
A. Misyon C. Propesyon
B. Bokasyon D. Wala sa pinagpipilian

_______ 7. Ito ay nagsisilbing simula ng matatag na pundasyon sa

10
pagkakaroon ng sariling kamalayan at mataas na
pagpapahalaga sa iyong layunin sa buhay.
A. Personal na Pahayag ng Misyon
B. Personal na Pahayag ng Bokasyon
C. Personal na Misyon
D. Personal na Bokasyon
_______ 8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa personal na
pagtataya ng kasalukuyang buhay?
A. Ipunin ang mga pangangailangan upang mabuhay
B. Suriin ang iyong ugali at katangian
C. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan
D. Tipunin ang mga impormasyon
_______ 9. Dito nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat
naibabahagi niya ang kanyang sarili at kumikilos siya para sa
kabutihang panglahat.
A. Bokasyon
B. Misyon
C. Propesyon
D. Wala sa pinagpipilian
_______ 10. Ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa
pag-uugali at paniniwala sa buhay. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang personal na misyon ay dapat naayon sa sa iyong
paniniwala at pananaw sa buhay.
B. Ang personal na misyon ay nababatay sa iyong mga
karanasan sa buhay.
C. Ang personal na misyon ay nangagaling sa sukestyon ng
ibang tao batay sa kanilang pananaw sa buhay.
D. Ang personal na misyon ay naayon sa political at sosyal na
pananaw sa buhay.

11
Karagdagang Gawain
Gawain 6. Motto ng Buhay Ko!
Panuto: Pag-isipang mabuti at lumikha ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay. Isulat ito sa loob ng pigura na nasa ibaba.

12
Rubrik sa Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Antas/Pamantayan Mahusay(5) Magaling(3) Pagbutihan Iskor


pa(2)

Nilalaman Ang nilalaman ng Ang Ang


sanaysay ay nilalaman ng nilalaman
tumpak sa ibigay sanaysay ay ng
na paksa. hindi sanaysay
masyadong ay malayo
tumpak sa sa ibigay na
ibigay na paksa.
paksa

Tema Ang kabuuan ay Karamihan sa Ilan sa


may kaisahan at nilalaman ay nilalaman
kaugnayan. kaugnay sa ay hindi
tema. kaugnay sa
tema.

Kabuuan

13
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakato 9, Modyul para sa mag-aaral. Unang Edisyon 2013


Larawan

Guhit ni Oral, Rosaly D. Taong nalilito. November 26, 2020 Imelda National High
School

Tula Katha ni Desuyo, Abcedee C. Ano ba Talaga? November 26, 2020 Imelda
National High School

14
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Caryl D. Villanueva


Imelda National High School
Division of Zamboanga Sibugay

Editor: Denna M. Balasabas, MAED


Basalem NHS, Zamboanga Sibugay Division

Tagasuri: Reynante B. Diodos, EdD


Imelda NHS, Zambo. Sibugay Division

Denna M. Balasabas, MAED


Basalem NHS, Zamboanga Sibugay Division

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS


Education Program Supervisor

Tagaguhit: Rosaly D. Oral,Grade 10 Student (Imelda NHS)

Tagasulat ng Tula: Abcedee C. Desuyo, Grade 10 Student INHS

Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Aurelio A. Santisas,Ed.D
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito,Ed.D
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Dr.Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

15

You might also like