You are on page 1of 5

ESP LEARNING ACTIVITY

7 SHEET
Most Essential Learning Competency (MELC Naaayon ang mga ginagawang personal na pahayag
ng misyon sa buhay na may pagsasaalang-alang sa tama.
MELC Code: (EsP7PB-IVc-14.2).

MGA INAASAHAN
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

Pagkatapos mong pag-aralan ang LAS na ito ikaw ay inaasahang:

 Naiisa-isa ang mga katangiang dapat taglayin na may magandang


layunin.
 Nakapaglalahad ng mga tamang pagpapasiya na nakatuon sa tamang
direksiyon.
 Nabibigyang-halaga ang mga nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating
pagkatao.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Piliin o bilugan ang
letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat patlang sa pangungusap.

1. Ang ______ ay bahagi na ng buhay kung saan nagbibigay ito ng tamang direksyion.
A. gawain C. talino
B. layunin D. ugali
2. Tinatawag itong “significant others” na handang tumulong sa lahat ng oras.
A. isip C. kakampi
B. kabutihan D. kapwa
3. Sa pagtatakda ng tunguhin sa paggawa, ang SMART ay tumutukoy sa katangiang dapat taglayin
ng isang magandang layunin. Ano ang mga katangiang ito na tinutukoy sa SMART?
A. Smart,Measurable, Alert, Reliable, Time bound
B. Smart, Manageable, Attainable, Relevant, Time bound
C. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time bound
D. Specific, Manageable, Alert, Reliable, Time bound
4. Sa pagkamit ng mga layunin sa buhay, nangangailangan ito ng matibay na pagasa sa mga
__________.
A. gawain C. pagpapahalaga

1
B. katangian D. pagsubok
5. Nakakatulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao ang may _____ sa kanyang ginagawa.
A. pagpapahalaga C. pagsubok
B. pagssisika[ D. pagtatangi

ARALIN

ANG PERSONAL NA PAGPAPAHAYAG NG MISYON SA BUHAY NA


ISINAALANGALANG ANG TAMA

Naaalala mo ba ang kwento ni Juan Tamad?

Si Juan Tamad ay isang kilalang karakter ng pinoy


kung saan mayroon siyang mga nais maabot sa
kanyang buhay, ngunit hndi siya nag-iisip ng paraan
upang ito ay kanyang matupad. Ang lagi niya lamang
iniisip ay ang abutin ang kanyang pangarap na hindi
niya ito pinaghihirapan.

Tulad ng isinalaysay sa isa sa mga kwento ni


Juan Tamad,ang paghihintay na mahulog sa kanyang bibig ang bunga ng isang hinog na bayabas sa
halip na ito'y abutin na lamang ng kamay o kaya nama'y sungkitin ng kahoy upang mahulog. Kung
iuugnay natin ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, halimbawa'y nangangarap tayong umunlad
ang ating buhay o makaahon sa kahirapan ngunit ika’y nakaupo lamang sa loob ng ating mga tahanan.
Ano kaya ang maaaring kahinatnan nito? Hindi ba't wala? Hindi maisasakatuparan ang iyong mga
pangarap kung ika'y maghihintay lamang. Kailangang kumilos at magsumikap sa buhay. Pagibayuhin
ang paghahanapbuhay upang makamit ang mga mithiin. Kapag may gusto sa buhay,kinakailangan
gawin ang lahat ng mabuting paraan upang ito'y maabot.
Ang pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay ay hindi nabubuo sa isang buong
araw lamang. Hindi ito basta na lamang makikita sa hangin. Mayroong mga bagay na dapat mong
itanong sa iyong sarili para makabuo ka nito: Ano ang pinahahalagahan ko? Ano ang gusto kong
mangyari sa aking buhay? Ano ba ng layunin ko sa buhay?
Ang Diyos ay hindi nagbibiro ng ito ay maglatag ng pangitan sa iyong buhay at magbigay ng
pangarap na maaari mong tuparin, mga gabay upang mabuhay at ang iyong katuturan sa mundo.
“God does not teach you to swim just to let you drown”. Sa paghahangad mong makamit ang iyong
mga layunin, nangangailangan ito ng matibay na pag-asa sa mga pagpapahalaga. Maraming bagay
ang gustong gawin ng tao dahil nakabubuti ito para sa kanyang sarili at sa iba. Kapag ang isang kilos
ay pinag-isipan , mapatutunayan kung mabuti o masama ang epekto nito sa sarili o maging epekto sa
kapwa.
Ang layunin ay bahagi na ng buhay kung saan nagbibigay ito ng tamang direksiyon, pag-
uudyok ng paggawa at paglilinaw sa mga dapat bigyan ng pagpapahalaga. Sa pagtatakda ng tunguhin
sa paggawa, ang SMART ay tumutukoy sa katangiang dapat taglayin ng isang magandang layunin.

SPECIFIC (Tiyak) ATTAINABLE (Naaabot) TIME BOUND (Nabibigyan


Ng sapat na panahon)

2
SMART

SMART
MEASURABLE (Nasusukat) RELEVANT (Angkop)

SPECIFIC o Tiyak. Tiyak ang tunguhin kapag ang tao ay nakasisiguro na ito ang kanyang
nais na mangyari sa kanyang paggawa.
MEASURABLE o Nasusukat. Dapat na pinag-iisipan kung ito ba ay tugma sa kakayahan
ng mga taong gagawa.
ATTAINABLE o Naaabot. Ito ay nangangahulugan lamang na ang tunguhin ay
makatotohanan, maaabot at mapaghamon.
RELEVANT o Angkop. Mahalagang makita ang kaangkupan ng gawain sa pagtugon sa
pangangailangan ng kapwa at timbangin kung ito ay higit na makabubuti. TIME BOUND o
Nasusukat ng Panahon. Kailangan na magtakda ng panahon kung kalian maisasakatuparan ang
tunguhin.

Ang pagpapahayag ng personal na misyon sa buhay ang nagsasaad ng iyong layunin,


isinasaalang-alang nito ang lahat ng iyong pinahahalagahan sa buhay. Mahalaga ang pagkakaroon ng
pagbuo ng personal na misyon sa buhay bilang ito ang nag-uudyok upang magkaroon ng positibong
epekto sa mundo at makaramdam sa pang-araw-araw na pansariling kasiyahan. THINK BIG. LIVE
BIG.

MGA PAGSASANAY
GAWAIN 1
Panuto: Magbigay ng isa sa iyong mga pangarap sa buhay at ibigay ang mga hakbang
upang makamit ito.

Hakbang upang matugunan Ang mga pagsubok na


kahaharapin.

Mga Kahaharaping Pagsubok o suliranin.

Ang Pangarap Para sa Sarili.

GAWAIN 2: Hagdan ng mga pamamaraan

3
Subuking sagutin ang mga katanungang bumuo sa iyong personal na pahayag ng
misyon sa buhay.

Bakit kailangan ko itong gawin?

Ano ang mga dapat kong gawin para


makamit ito?

Ano ang mga kakayahan ko?

Ano ang nais kong makamit sa buhay?

Prepared by: Checked & Verified by:

GINA C. AVILA BEATRIZ G. DEGORIO


Master Teacher - I MT-II/Curriculum Implementation Head

Recommending Approval by: Approved by:

REMEDIOS D. TALUA BENITO P. AVORQUE


Head Teacher-I/ Language Dept. Head Principal – II

4
Paunang Pagtataya
1 .D 2 .B 3 .C 4 .D 5 .A

Balik-Aral
Naaayon sa mga pansariling pangarap ng mag -aaral sa hinaharap.

Mga Pagsasanay
Ang sagot ng mag -aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.

Paglalahat
1. Di -OK 2 . OK 3 . Di -OK 4 . Di -OK 5 . OK

Panapos na Pagsusulit
1 . TAMA
2 . TAMA3 . MALI4 . TAMA
5 . TAMA
6 . MALI 7. TAMA 8. MALI 9. MALI 10. MALI

SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like