You are on page 1of 5

ESP 7 LEARNING ACTIVITY SHEET

Quarter 3 Week 6
Kasanayang Pampagkatuto (MELC): Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang
upang mapataas ang antas ng kaniyang mga pagpapahalaga
EsP7PB-IIId-10.4

Discussion:

Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Mula sa naunang aralin ay napag-aralan natin ang Katangian at Hirarkiya ng


Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler. Ang mga ito ay nagsilbing gabay upang mas lalong
maunawaan ang ating pagpapahalaga. Suriin mula ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga.

1. Pandamdam na Halaga (Sensory Values)


• Pinakamababang antas ng halaga
2. Pambuhay na Halaga (Vital Values)
• May kinalaman sa mabuting kalagayan ng tao (well-being) upang masiguro niya ang
mabuting kaayusan at kalagayan.
3. Ispiritwal na Halaga (Spiritual Values)
• Tumutukoy sa mga halagang para sa kabutihan, hindi para sa sarili kundi para sa
nakararami.
4. Banal na Halaga (Holy Values)
• Kailangang makamit ng tao upang maging handa sa pagharap sa Diyos.

Ayon kay Scheler, ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili
ng isang pagpapahalaga kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga. Ang paghuhusga sa
pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao ay nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan. Sa
mga gawaing maituturing ng sariling konsensya bilang mabuti, nakikita na mas pinipili ang
mataas na pagpapahalaga kaysa sa mababang pagpapahalaga o positibong pagpapahalaga
kaysa negatibong pagpapahalaga. Sa kabilang banda, maituturing na masama ang isang
gawain kung mas piniling gawin ang mas mababa kaysa sa mataas na pagpapahalaga o
negatibong pagpapahalaga kaysa sa positibong pagpapahalaga. Maaaring gamiting

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 1


halimbawa ang paninigarilyo lalo na sa isang kabataang katulad mo. Ito ay maaaring
nagdudulot ng kasiyahan sa pakiramdam at pagtanggap mula sa iba pang mga kabataan.

Ayon kay Manuel Dy, hindi dapat kalimutan ang pagiging obhektibo ng
pagpapahalaga. Maaaring hindi magtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang
pagpapahalaga; ngunit hindi nito mababago ang pagpapahalaga lalo na yaong nasa mas
mataas na antas. Ngunit sa ganitong mga pagkakataon, hindi nasisira ang pagpapahalaga
kundi ang taong hindi tumugon dito. Katulad na lamang ng halimbawa ng kahalagahan ng
kalusugan. Hindi man ito pahalagahan ng isang kabataang patuloy na naninigarilyo, hindi
niya masisira ang kahalagahan ng kalusugan kundi ang buhay niya ang kanyang sinisira
dahil sa kanyang paninigarilyo.

Sa pagbuo ng pagkatao ng tao at sa pagkamit ng mas mataas na mga pagpapahalaga,


mahalagang malinaw sa iyo na nakasalalay ito sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
kahandaan na pumili ng tama at batay sa mga moral na prinsipyo.

Prepared by: Checked & Verified by:


GINA C. AVILA BEATRIZ G. DEGORIO
Master Teacher - I MT-II/Curriculum Implementation Head

Approved by:

REMEDIOS D. TALUA
HT – I / Officer in Charge

ACTIVITY SHEET in ESP 7 Week 6 Quarter 3


Name: __________________________________ Grd. & Sect: _________ Score: ___________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na


sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop sa ispiritwal na pagpapahalaga
ayon Max Scheler?
A. Pagtulong sa kapwa C. Makipag-away sa kapwa
B. Pagsabi ng totoo D. Pagsunod sa batas

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 2


2. Labis na binibigyang pansin ni Armela ang kanyang kalusugan dahil
natatakot siyang magkasakit. Palagi siyang nag-eehersisyo at kumakain ng
masustansiyang pagkain. Sa anong antas ng pagpapahalaga mayroon si Armela?
A. Banal na halaga C. Pambuhay na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Pandamdam na halaga

3. Gustong-gusto ni Delia na magpahinga at manatili sa bahay kaysa bumiyahe


at makipagsiksikan sa maraming tao upang makapagsimba. Sa anong antas ng
pagpapahalaga mayroon si Delia?
A. Pandamdam na halaga C. Pambuhay na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Banal na halaga

4. Si Russel ay isang matulunging guro .Pagkatapos ng trabaho ay pumupunta


siya sa bahay ampunan upang tulungan ang mga batang hindi marunong bumasa
at sumulat. Sa anong antas na ng pagpapahalaga meron si Russel?
A. Pandamdam na halaga C. Pambuhay na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Banal na halaga

5. Si Jimilyn ay isang Nars na tumutulong sa mga batang maysakit. Kahit na


marami siyang ginagawa ay hindi nakakalimot sa pagdarasal at pagninilay. Para sa
kanya ang pagdarasal at pagpapasalamat sa Panginoon ang pinakamahalaga sa
lahat. Nasa anong antas ng pagpapahalaga si Jimilyn?
A. Pambuhay na halaga C. Banal na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Pandamdam na halaga

6. Si Sheena ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang


pagkabuntis. Tumatanggap lamang siya ng suporta galing sa kanyang mga
magulang na nagtratabaho sa ibang bansa. Labis ang pagsisi na nadrama ni
Sheena. Dahil sa kanyang kalagayan ay hindi niya pinababayaan ang kanyang
sarili at ang kanyang magiging anak. Nasa anong antas ang halaga ni Sheena?
A. Pandamdam na halaga C. Pambuhay na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Banal na halaga

7. Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max
Scheler, maliban sa:
A. Pagpapahalaga sa katarungan
B. Pagpapahalagang pangkagandahan
C. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan
D. Pagpapahalaga sa katiwasayan ng damdamin at isipan

8.Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay.


Pinahahalagahan ito upang masiguro niya ang kanyang kaayusan at mabuting
kalagayan.
A. Pandamdam na halaga C. Pambuhay na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Banal na halaga

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 3


1. Si Vanessa ay mahilig manalangin tuwing siya ay magigising, bago kumain,
bago siya matulog o may suliranin ay hindi niya nakakalimutang magdasal parati sa
Diyos.
Nasa anong antas mayroon si Vanessa?
A. Pambuhay na halaga C. Banal na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Pandamdam na halaga
2. Ito ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin
ayon sa tamang katuwiran.
A. birtud B. kalayaan C. pagpapahalaga D. katarungan

Prepared by:

GINA C. AVILA
Subject Teacher

Individual Weekly Home Learning Plan


March 14 -18, 2022
3rd Quarter Week 6
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
GRADE 7

Prepared by: Checked & Verified by:

GINA C. AVILA BEATRIZ G, DEGORIO


Subject Teacher MT - II

Approved by:
Practice Personal Hygiene protocols at all times. 4
REMEDIOS D. TALUA
HT – I/Officer in Charge

Day & Learning Learning Competency Learning Task Made of Delivery


Time Area
Wake up, have a short prayer, make up your bed, exercise. Eat breakfast together with the family and get ready
8:00-9:00 for a grace filled day!
Distribution/Receiving
9:45-10:45 Disciplines MELC 1 Specific Activities process
& Ideas in
Social Napatutunayang ang Activity 1: Panuto: Piliin Modules will be delivered to
Sciences piniling uri ng ang tamang sagot at bilugan your barangay and distribute
pagpapahalaga batay to your parent/guardian every
ang titik ng tamang sagot.
Monday Morning.
sa hirarkiya ng mga
pagpapahalaga ay Assessment
Collection/Retrieval Process
gabay sa Answer the activities and
makatotohanang pag- summative assessments using the
Learning Activity Sheet Modules will be collected or
unlad ng ating retrieved from your
pagkatao. parent/guardian, then return to
your teacher assigned in your
EsP7PB-IIId-10.3 barangay.

*As the parent enter the school


strict implementation of the
minimum health protocols will be
followed as prescribed by the
DOH and IATF.

Week 6 answer key ESP 7 Quarter 3

1- 10. C

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 5

You might also like