You are on page 1of 16

Department of Education

REGION _______________________
SCHOOLS DIVISION OF _____________
__________________ ELEMENTARY SCHOOL
____________________________________

Paaralan Salay Elementary School Baitang/Antas Ikalima

Guro John Vince M. Buenconsejo Asignatura HEALTH


GRADE 5
Petsa at May 6, 2024 Markahan Ikatlong
DAILY LESSON PLAN Oras Markahan

Week 6

I. Layunin

A. Pamantayang The learner demonstrates understanding of basic first aid principles and procedures for common injuries
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa The learner practices appropriate first aid principles and procedures for common injuries
Pagganap

C. Mga Kasanayan sa demonstrates appropriate first aid for common injuries or conditions
Pagkatuto

(Isulat ang code sa


bawat kasanayan H5IS-IV-c-j-36

D. Mga Layunin sa Ang mga mag-aaral ay inaasahang;


Pagkatuto
A. nasusuri ang tamang bagbibigay ng pangunang lunas

B. naisasagawa ang tamang pagbibigay ng pangunang lunas

C. napapahalagahang ang pagiging maalam sa pagbibigay ng pangunang lunas.

II. NILALAMAN Pangunang Lunas

(Subject Matter)

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian Module -SDO Pasay City

B. Iba pang Panyo


Kagamitang Panturo
Sabon at Tubig

Powerpoint

Larawan

IV. PAMAMARAAN GAWAIN Indicators

A. Balik –Aral sa Paunang Gawain:


nakaraang Aralin o
pasimula sa bagong A. Panalangin
aralin (Drill/Review/ B. Pagtala ng mga batang nasa klase
Unlocking of
difficulties) C. Maikling kamustahan

Indicator 5:

Pagtatakda ng mga tuntunin sa klase; Established safe and secure learning


environments to enhance learning
through the consistent implementation
A = Angkop na atensyon ang kinakailangan, of policies, guidelines and procedures.

L = Laging making sa guro at kamag-aral.

A = Aktibong pakikilahok at pakikisama Indicator 6:

G = Gawing gabay ang mga tuntunin. Maintained learning environments that


promote fairness, respect and care to
A = At paggalang sa kapwa ay dapat mong taglayin. encourage learning.

Tandaan; Sa loob ng paaralan dapat tayo ay ma-ALAGA.

Balik-aral:

Ating balikan ang aralin na ating tinalakay nitong nakaraan


lamang.

Panuto: Iguhit ang puso kung tama ang isinasaad ng


pangungusap at kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa ilalim ng
katanungan. Gawin sa pisara.

1. Tutulungan lamang ang taong naaksidente kung may


kabayaran.

2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng


pangunang lunas.

3. Hayaan lamang at huwag pansinin ang sugat hanggang sa ito


ay gumaling.

4. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit mabawasan ang


kirot o sakit na nararamdaman ng taong napinsala.

5. Ang layunin mo sa pagbibigay ng pangunang lunas ay kumite.

B.Paghahabi sa layunin ng Suriin ang larawan sa ibaba:


aralin (Motivation)

Handa na ba kayo sa
panibagong aralin?
Ano ang masasabi mo sa larawan?

Ano ang pangyayaring di inaasahan sa larawan?

Tingnan ang dalawang larawan sa ibaba.

Alin sa dalawa ang mainan na ilagay kapag napaso ang bahagi ng


katawan?Bakit?

Minsan kapag ang tao ay naaksidente o may pinsala at walang


pera pampagamot sa sarili, ay umaasa na lamang sa panggagamot
ng albularyo o mga dahoon na nilalapat sa katawan.

Indicator 7:
Tanong;
Established a learner-centered culture
by using teaching strategies that
Naniniwala ba kayo sa Albolaryo? respond to their linguistic, cultural,
socio-economic and religious
backgrounds.
(Iba’t ibang sagot)

Nasa tao kung maniniwala siya sa albularyo o hindi. Walang


mawawala kung naniniwala o hindi ang mahalaga ay ating
iginagalang ang kanyang paniniwala.

C. Pag- uugnay ng mga Ang kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng pangunahing lunas


halimbawa sa bagong para sa karaniwang pinsala ay
aralin
mahalaga para sa pagsagip ng buhay.
(Presentation)

Tingnan ang larawan sa ibaba:


Ano ang masasabi mo sa larawan?

Ano ang dapat mong gawin kapag may nakita kang tao na
biktima ng aksidente o sakuna? Tutulungan mo ba siya?

Sa paanong paraan mo siya matutulungan?

Bakit suriin muna ang biktima bago lapatan ng pangunahing


lunas?

Bakit kailangang tiyakin kung ligtas bang lapatan ng


pangunahing lunas ang biktima ng pinsala o karamdaman?

D. Pagtatalakay ng Ang pangunang lunas o first aid ay napakahalaga upang


bagong konsepto at mapatagal ang buhay ng isang tao. Ito ay ang pangmadaliang
paglalahad ng bagong pagkalinga o paglalapat ng tulong panlunas sa mga taong
kasanayan No I napinsala ng sakuna o karamdaman.

Sa pagbibigay ng pangunang lunas sa mga nasugatan, nakagat ng


insekto o hayop, napaso, nagtamo ng sunog sa katawan, o
nalason ng kinaing pagkain, naiibsan ang kirot o sakit na
nararamdaman habang hinihintay ang medikong atensyon mula
sa mga doctor.

Ang mga Layunin ng Pangunang Lunas

• mapatagal o mapanatili ang buhay ng tao

• mabawasan o maibsan ang kirot na nararamdaman

• maiwasan ang paglala ng pinsala o karamdaman

Mga Panuntunan ng Pangunahing Lunas

1.Tiyakin kung ligtas na lapatan ng pangunahing lunas ang


biktima ng pinsala o karamdaman
2. Unang isa alang alang ang kaligtasan ng napinsala

3. Magsagawa ng pangunahing pagsusuri

4. Isagawa ang madaling aksiyon

5. Humingi ng tulong

ABC o mga hakbang sa pagbibigay ng paunaang tulong pansagip


ng buhay

A - Airway o daanan ng hangin

B - Breathing o pahinga

C -Circulation o pagdaloy ng dugo

3B o Gawaing Panlunas

1. Breathing o bunga ng paghinga

2.Bleeding o balong ng dugo

3. Broken bones o bali ng buto

Tandaan bago isagawa ang pangunang lunas;

1. Magpakilala (sabihin ang pangalan at taga saan)

2. Humingi ng permiso na siya ay tutulungan mo.

3. Maari ng isagawa ang pangunang lunas.

E. Pagtatalakay ng Ang sumusunod ay ilan sa mga pangkaraniwang pinsala at


bagong konsepto at kondisyon at ang mga karampatang lunas nito.
paglalahad ng bagong
kasanayan No. 2.
Sugat

⮚ Hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubig at linisang


mabuti upang matanggal ang dumi.

⮚ Gumamit ng sterilized tweezers kapag nililinisan ang


ilalim na bahagi ng sugat na natatakpan nang nakalaylay
na balat.

⮚ Huwag lagyan ng alcohol, patak ng iodine, o merthiolate


ng direkta sa nakabukang sugat upang maiwasang
mapinsala ang laman at mapadali ang paggaling ng
sugat.
⮚ Linisan ang sugat gamit ang hydrogen peroxide.

⮚ Iwasang maglagay ng antibiotic, cream, o ointment


kapag hindi pa nalinisan nang mabuti ang sugat.

Paraan ng Pagdiin sa Sugat

⮚ Direktang diinan ang mismong sugat sa pamamagitan ng


gasa o malapad at makapal na panyo.

⮚ Kung ang pulso ang nagdurugo, epektibo ang pagtataas


nito sa posisyong mas mataas sa puso, at matapos nito
ay ang pagdiin sa sugat.

Mathematics Integration:

Meron tayong anim na uri ng angle:

Indicator 1:

Applied knowledge of content within


and across curriculum teaching areas.

Kung ang kamay o braso natin ay may sugat, alin sa uri ng angle
ang maari nating gawing posisyon ng ating kamay upang
mabawasan ang pagdurugo habang dinidiinan ang sugat?

Sagot: Maaring Obtuse Angle at Right Angle.

Mahalaga na malaman natin ang tamang posisyon ng kamay


upang mabawasan ang pagdurugo. Hindi dapat mababa sa
posisyon ng puso.

⮚ Kung labis ang pagdurugo mula sa malalaking ugat


kasabay nang paglabas ng dugo sa pagpintig ng puso,
ang direktang pagdidiin ay maaaring hindi maging sapat
para matigil ang pagdurugo. Sa mga pagkakataong ito,
idiin ang mga daliri sa malaking ugat sa posisyong mas
malapit sa puso kaysa sa mismong sugat.

Posisyon ng Sugat kung Saan dapat Maglagay ng Diin


⮚ Diinan ang harap ng tainga kapag ang mukha ang
nagdurugo.

⮚ Diinan ang ilalim ng kilikili kung nagdurugo ang itaas


na bahagi ng braso.

⮚ Kapag nagdurugo ang ilalim ng siko, diinan ang loobang


bahagi nito.

⮚ Kapag nagdurugo ang binti, diinan ang itaas na bahagi


ng hita.

Suriin ang larawan sa ibaba:

Kung halimbawa ay nasuri na ng doctor ang sugat at itoy tinahi,


bilangin nga natin kung ilang ikot ang ginawa sa pagkakatahi.

Sino ang gusting magbilang?

Sagot: 8 na ikot ang pagkakatahi

Upang maiwasan ang masugatan at magkaroon ng peklat sa


katawan, ano ang nararapat mong gawin?

Tingnan ang larawa sa ibaba:

Ano ang tawag ninyo sa pangyayari na nasa larawan?

Sagot: Balinguyngoy
(Hayaan ang mga mag-aaral na tukuyin ito sa sarili nilang
katawagan)

Indicator 2:

Use a range of teaching strategies that


enhance learner achievement in literacy
and numeracy skills.
Itanong: Kung isasalin natin ang balinguyngoy sa salitang
Ingles, ano ito?

Sagot: Nosebleed

Ano ang tamang baybay ng Nosebleed?

Sagot: N. O. S. E. B. L. E. E. D

Napakahusay!

Balinguyngoy/Nosebleed

Paraan ng pangunang lunas sa Balinguyngoy;

Indicator 7:

Established a learner-centered culture


⮚ Umupo nang tuwid at iyuko nang bahagya paharap ang
by using teaching strategies that
ulo at pisilin ang malambot na bahagi ng ilong sa ibaba respond to their linguistic, cultural,
ng bony bridge. Upang makahinga ang biktima, socio-economic and religious
kailangang nakabuka ang bibig. Kapag ang pagdurugo backgrounds.
ay hindi huminto pagkatapos ng 20 minuto, maglagay ng
malamig na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at sa
nose bridge. Kahit huminto na ang pagdurugo kailangan
pa ring lagyan ng malamig na panyo o bimpo ang noo at
nose bridge upang mapadali ang pagsasaayos ng blood Indicator 1:
vessels.
Applied knowledge of content within
and across curriculum teaching areas.

⮚ Kapag hindi pa rin huminto ang pagdurugo sa dalawang


beses na pagbibigay ng pangunang lunas, dalhin kaagad Indicator 2:
ang biktima sa doktor o sa emergency room.
Use a range of teaching strategies that
enhance learner achievement in literacy
and numeracy skills.

Kagat ng Hayop/ Animal Bite


Kagat ng Aso o Pusa

Ang Rabies ay nakukuha ng biktima mula sa kagat ng aso o


pusa. Rabies, dulot ng virus na may malalang epekto sa central
nervous system. Nagmumula ito

sa kagat o laway ng isang hayop na tagapagdala ng rabies. Bawat


dapuan ng rabies ay tiyak na kamatayan ang sasapitin kung hindi
mabibigyan ng agarang lunas.

⮚ Kung may malay ang pasyente tanungin kung saang


bahagi siya nakagat. Kung walang malay, hanapin ang
bakas ng kagat.

⮚ Linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon.


Makatutulong ito upang mapigilan ang pagkalat ng
impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang
namamalagi sa bibig ng hayop. Maaari rin itong
makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng virus ng rabies.

⮚ Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng aso, pusa o


anumang hayop na may rabies. Gawin ito habang
hinuhugasan ang bahaging nakagat. Pahiran ito ng
alcohol, povidone-iodine, o anumang gamot pansugat.

⮚ Huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari ng


alagang hayop na nakakagat sa pasyente. Kunin din ang
kanyang tirahan at numero sa telepono o cellphone
upang maging madali ang koordinasyon, lalo na’t
kailangang obserbahan din ang kaniyang alaga.

⮚ Kapag mahirap malaman kung saan nagmula ang hayop,


ipagbigay-alam ang sitwasyong sa kinauukulan para
mahuli ito at maobserbahan.

⮚ Huwag kalimutang pumunta sa doktor at magpaturok ng


anti-rabies vaccine para maprotektahan ang iyong sarili.

Pangkatang Gawain:

Bago isagawa ang pangkatang gawain, kinakailangang sundin


ang mga sumusunod;

M - Matuto sa tamang pagtugon sa mga pangangailangan ng


bawat isa.

A - Alamin ang wastong paraan ng pagganap ng tungkulin sa


grupo.
A - Aktibong makisangkot at magbigay ng suporta sa bawat
kasapi.

L - Laging may respeto at pagmamahal.

A - Alamin ang tamang pakikibahagi sa loob ng grupo.

M - Magbigay ng halimbawa sa pamamagitan ng maayos na pag-


uugali.

Kaya dapat tayo ay MAALAM upang magkaroon ng maayos na


gawain.

Pamamaraan: Isagawa ang tamang pamamaraan ng paglapat ng


pangunang lunas sa mga pinsala o kondisyon sa mga sumusunod
na sitwasyon. Gawin sa harapan ng klase.

Pangat 1: (Role Playing)

Nakita mo ang malaking sugat sa binti ng iyong kaibigan dahil


nasagi niya ang yero na nakalagay sa gilid ng kanilang bahay.
Paano mo lalapatan ng pangunang lunas ang kanyang sugat?

Note: Suriin ang pagsasagawa ng pangunang lunas gamit ang


pamantayan at pagkatapos ng pagsasagawa ng pangunang lunas
ay ihayag ang resulta sa klase. Bigyan ng karampatang komento
o papuri sa magandang kinalabasan ng pagsasagawa ng
pangunang lunas.

Pangkat 2:

Binigyan mo ng pangunang lunas ang kapatid mong may


balinguyngoy. Mag-iisang oras na ito pero hindi

parin humihinto ang pagdurugo ng kanyang ilong. Ano na kaya


ang dapat gawin nito? Ilista ang tamang hakbang.

1.

2.

3.

Pangkat 3:

Nilalaro ng iyong bunsong kapatid ang alaga ninyong pusa sa


bahay. Ilang sandali lang ay umiyak ito dahil kinagat na pala ang
kamay nito. Paano mo siya matutulungan?

Instructions: Tukuyin kung ang bawat pangungusap ay tama o Indicator 6:


mali batay sa sitwasyon.
Maintained learning environments that
promote fairness, respect and care to
encourage learning.
1. Tama o Mali: Itigil ang paglalaro at paglayo sa pusa.

2. Tama o Mali: Linisin ang sugat ng kamay ng bata gamit ang


sabon at tubig.

3. Tama o Mali: Ipahid ang antibiotic o antiseptic cream sa sugat.

4. Tama o Mali: Alamin kung mayroong iba pang sugat sa


katawan ng bata na hindi napapansin.
Indicator 3:

5. Tama o Mali: Dalhin ang bata sa doktor para sa karagdagang Applied a range of teaching strategies to
pag-aaruga at pagsusuri. develop critical and creative thinking, as
well as other higher-order thinking
skills.

Pangkat 4: (Role playing)

Naatasan kang magluto sa kusina ng nanay mo dahil araw naman (Role Playing)
ng Sabado. Habang hinihiwa ang mga
Ang bahagi ng araling ito ay
sangkap ng iyong lulutuin hindi mo sinasadyang masugatan ang nagpapakita ng estratehiya upang
iyong daliri dahil masyadong matalas masanay ang critical at creative thinking
skills at ang higher-order thinking skills.
ang kutsilyong ginamit mo. Paano mo lalapatan ng pangunahing
lunas ang iyong sugat?

Note: Suriin ang pagsasagawa ng pangunang lunas gamit ang


pamantayan at pagkatapos ng pagsasagawa ng pangunang lunas
ay ihayag ang resulta sa klase. Bigyan ng karampatang
komento o papuri sa magandang kinalabasan ng pagsasagawa
ng pangunang lunas.

Indicator 9:

Used strategies for providing timely,


accurate and constructive feedback to
improve learner performance.

(Pagpapakita ng output sa harap ng klase)


Indicator 9:

Used strategies for providing timely,


accurate and constructive feedback to
improve learner performance.
F. Paglilinang sa Suriin ang pagsasagawa ng pangunang lunas sa mga sumusunod na
Kabihasan pahayag. Isulat ang Tama kung nagpapahayag ng pangunang lunas at
Mali naman kung hindi.
(Tungo sa Formative
Assessment
1. Ang tamang paraan ng paglilinis ng sugat ay binubuhusan ng alcohol.
( Independent
Practice ) 2. Sa balinguyngoy, dapat ihiga ang biktima ng tuwid at ipikit ang mga
mata.

3. Kapag nakagat ng aso kinakailangang linisin ang bahagi ng nakagat


ng malinis na tubig upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon.

4. Sa kagat ng hayop, mahalaga na malaman ang pangalan at tirahan ng


may-ari ng hayop.

5. Kapag hindi huminto ang pagdurugo sa nosebleed, ilagay ang biktima


sa mainit na lugar.

G. Paglalapat ng aralin Sa ating tahanan, nakaugalian na natin ang paggagamot ng mga Indicator 8:
sa pang araw araw na pinsala gaya ng kagat ng aso, sugat o paso sa sarling paraan.
buhay (Application/ Anong paraan ang alam mo na pangunang lunas kapag ikaw ay Adapted and used culturally appropriate
nasugatan? teaching strategies to address the needs
Valuing) of learners from indigenous groups.

Minsan ginagawa natin ang herbal healing, kapag may sugat


tayo, nilalapatan natin ng mga dahon o di kaya balat ng kahoy o
hinuhugasan natin ng pinakuluang dahoon ng bayabas. Ang bahagi ng araling ito ay
naipapakita ang etnikong pamamaraan
ng paggagamot ng sugat at kagat ng aso.

Ipinapakita dito ang paggamit ng mga


dahoon ng bayabas sa paglilinis ng
sugat at pagpapahid ng katas ng
papaya sa kinagat ng aso.

Kapag kagat ng aso pinapahiran naman ng katas ng papaya.

Ngunit, para makasigurado tayo na ligtas ang buhay natin ay


kinakailangan na kumonsulta tayo sa mga doctor.

Bakit mahalaga na maalam sa paglalapat ng pangunang lunas?

Ang mga sakuna at karamdaman ay walang pinipiling panahon at Indicator 3:


lugar. Maaaring mangyari ang mga ito kanino man, maging sa
bahay, paaralan, lugar ng hanapbuhay, o pasyalan. Maaari ring Applied a range of teaching strategies to
mangyari ito sa panahong hindi inaasahan. Maaari itong mangyari develop critical and creative thinking, as
kapag mag-isa at walang ibang maaasahang tulong. Kaya well as other higher-order thinking
skills.

mahalagang maging handa. Mahalagang pag-aralan at matutuhan


ang mga karampatang lunas na ibinibigay para sa mga biktima ng
mga karaniwang pinsala at kondisyon.

Ano ano ang layunin ng pangunang lunas?


H. Paglalahat ng
Aralin
(Generalization) • mapatagal o mapanatili ang buhay ng tao

• mabawasan o maibsan ang kirot na nararamdaman

• maiwasan ang paglala ng pinsala o karamdaman

Napakahusay! Salamat at naintindihan ninyo ang aralin.


Indicator 9:

Used strategies for providing timely,


accurate and constructive feedback to
improve learner performance.

V. Pagtataya ng Aralin Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap kung nagpapakita


ng wastong paraan ng pagbibigay ng pangunang lunas at isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Nasugatan at nagdurugo ang mukha ni Carl. Saan dapat


maglalagay ng diin?

A. bahagi ng hita

B. ilalim ng siko

C. harap ng tainga

D. itaas ng braso

2. Kung ikaw ay magbibigay ng pangunang lunas sa isang taong


nasugatan, ano ang pinakauna

mong gawin?

A. I-report ko kaagad sa barangay.

B. Hugasan ko kaagad ang sugat gamit ang sabon at tubig.

C. Pahigain ko ito at lagyan ng bandage ang kanyang sugat.

D. Balutin ko kaagad ang kanyang sugat gamit ang panyo o


tuwalya.

3. Hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo ng ilong ng iyong kapatid


kahit napisil na ang malambot na

bahagi ng kanyang ilong. Ano na kaya ang sunod mong gagawin?


A. Lagyan ng tubig ang noo at nose bridge.

B. Lagyan ng mainit na panyo ang noo at nose bridge.

C. Lagyan ng dahon ang kanyang noo at nose bridge.

D. Lagyan ng malamig na panyo ang noo at nose bridge.

4. Nakagat ka ng aso ng inyong kapitbahay dahil natapakan mo


ito. Ano ang dapat mong gawin?

A. Linisin ko kaagad ang sugat gamit ang sabon at tubig at


ipaalam ko sa aking mga magulang.

B. Ilihim ang pangyayari sa mga magulang para hindi


mapagalitan.

C. Gantihan ang aso sa pamamagitan ng pagpalo nito.

D. Lagyan ko ng bandage para hindi halata.

5. Ano ang maaari mong gawin sa asong kumagat sa iyo?

A. Ipahuli at katayin ang aso.

B. Huwag mo na itong hanapin.

C. Obserbahan mo ang aso

D. Kalimutan mo na ito

IV. Karagdagang gawain Takdang Aralin:


para sa takdang aralin
Magsaliksik ng tamang pamamaraan ng pangunang lunas sa
(Assignment) nakagat ng ahas.

V. REMARKS

VI. REFLECTIONS

Inihanda ni: Checked by:

JOHN VINCE M. BUENCONSEJO GONIE L. HABANA


Teacher I Master Teacher II

Note :
⮚ Ang banghay aralin na ito ay maaring baguhin ng guro na ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Maari ding
baguhin ang mga gawain sa pangkatang gawain kung naisin.
⮚ Ang Indicator 4 ay makakamit sa pamamagitan ng matatas na pagbigkas ng mga salitang madaling maunawaan ng mga
mag-aaral.

Anotasyon: Sa araling ito ipapakita ang pinagsamang Inquiry-Based learning, Content-based learning at Collaborative learning.
Idinadaan sa pagtatanong kapag naipaliwanag na ang mga nilalaman ng aralin. Ipapakita din ang integrasyon ng asignaturang
Matematika at Ingles sa araling ito. Ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataon na makilahok at makibahagi sa paggawa
ng mga gawain. Dito ipinapakita ang kawilihan nila sa pagkatuto.

You might also like