You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

Ikaapat na Kuwarter, Ikalawang na Linggo, Unang Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa paglalarawan ng sariling
kapaligirangginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga nito.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakagagamit ang konsepto ng distansya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang ginagalawan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng bawat kasanayan.


AP1KAP-1VB-3
Nailalarawan ang kabuuan at mga bahagi ng sariling tahanan at ang mga lokasyon nito.

II. NILALAMAN
ANG AKING PAG-UNAWA SA KONSEPTO NG DISTANSIYA

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro TG pp. 74-77
2. Mga Pahina Gabay ng Mag-aaral LM pp. 197-205
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Larawan, tsart, powerpoint
IV. PAMAMARAAN
Magbigay ng mga bagay na nakikita sa itaas at ibaba ng pisara,sa harap at likuran ng mesa
ng guro.
Ibigay ang ngalan ng kaklase mo na nasa kaliwa at kanan mo, gayundin ang nasa harap at likuran
mo.

A. Paghahabi sa layunin ng aralin


Pangkatang Gawain.Pagbuo ng puzzle.

Ang bawat grupo ay bibigyan ng puzzle. Paunahan silang bumuo o magdikit nito.
Pagkatapos nito, sila ay await ng bahay kubo.
Pagbasa ng isang tugma.

B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Magpakita ng larawan ng bahay sa loob at labas.
Tingnan ang mga larawan.

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ano-anong mga baahagi ng bahay ang nakita mo? Ilarawan ito.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Saan naroon ang sala,silid- tulugan,silid-kainan.kusina at palikuran?

E. Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative Assessment)

Pangkatang Gawain:
Isagawa ang pangkatang Gawain.

Pangkat I
Tukuyin ang lokasyon ng bawat bahagi ng tahanan.

Pangkat II
Isulat ang mga bahagi ng tahanan.

Pangkat III
Idikit ang mga bahagi ng tahanan sa tamang lokasyon nito.

Pangkat IV
Iguhit ang inyong tahanan at kulayan ito.

F. Pag-uugnay sa pang araw-araw na buhay

Dumating ka galing paaralan,nais mong kumain dahil gutom na gutom ka.Ano bahagi ng tahanan
ang pupuntahan mo?

G. Paglalahat ng Aralin
Ano- ano ang mga bahagi ng tahanan? Isa-isahin natin ang mga ito.

Tandaan:
Ang bahay ay binubuo ng mga bahagi at mga lugar na may kani-kaniyang lokasyon.

Bahagi ng Tahanan
1. Sala
-Ito ang pinakasentro ng maraminggawain
- Dito tumatanggap ng panauhin
- Dito nag-uusap, nag-aaral at nagbabasa ng libro o magasin
- Dito nagdidiwang ng iba’t ibang okasyon
- Dito nagdadaos ng mga kapakipakinabang na Gawain

2. Silid-tulugan
- Ito ang lugar na kung saan ang mag-anak ay nagbibihis, nagbabasa at nag-aaral,
nagpapahinga at nakikinig sa musika, at natutulog

3.Silid-Kainan
- Ito ang lugar na kung saankumakain ang pamilya ngalmusal, tanghalian at hapunan.
- Dito inaasikaso ang mgapanauhin at kamag-anak kapagmay salu-salo
- Ito ang pinagdarausan ng pulongat okasyon pampamilya

4. Palikuran
-Ito ang lugar na kung saan naliligo, umiihi at dumudumi ang mag-anak
- Ito ay may inodoro, salamin, at lababo

5. Kusina
- Ito ang lugar na kung saan isinasagawa ang mga sumusunod:
- pagluluto ng pagkain
- imbakan ng pagkain at kagamitang pangkusina
-hugasan ng mga pinggan
- paghahanda ng ihahaing pagkain

H. Pagtataya ng Aralin
I. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation

Gumuhit ng isa sa bahagi ng tahanan.

Inihanda ni :

ESPERANZA P. LOZANO
Teacher III/Grade 1 A

You might also like