You are on page 1of 24

Banghay-Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 3

Unang Markahan
Unang Linggo
Aralin 1: Kaya Ko, Kasali Ako!

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng sariling kakayahan, pagkakaroon
ng tiwala, pangangalaga at pag-iingat sa sarili tungo sa kabutihan at kaayusan.
CG pahina 40

B. Pamantayan sa Pagganap
Naipakikita ang natatanging kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan nang may
tiwala, katapatan at katatagan ng loob. CG pahina 40

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakatutukoy ng natatanging kakayahan.
EsP3PKP-Ia-13

II. NILALAMAN
Paksang Aralin: Aralin I: Kaya Ko, Sasali Ako!
Batayang Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Sarili

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro, mga pahina 2-3
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral, mga pahina 2-9
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Mga larawan ng mga batang mau natatanging kakayahan
Larawan nina Lea Salonga, Manny Pacquiao, Liza Macuja, Corazon
Aquino, Sariling larawan,Tsart ng “Tandaan Natin” na nakataklob ang
ilang mahahalagang salita

UNANG ARAW
ALAMIN NATIN
III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Itanong:
Ano-ano ang mga kakayahan ng isang batang katulad mo?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipaskil ang pamagat ng aralin: Kaya Ko, Sasali Ako!
Batay sa pamagat, ano-ano kayang mga tanong ang maaari nating gawin?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Bilang isang mag-aaral sa Ikatlong Baitang, may mga naisin ka ba sa buhay na
kaya mong gawin?
Masdan ang larawan ng mga batang nakaguhit sa bawat kahon. (Tingnan ang
pahina 3 ng LM)

Buuin ang pangungusap:


Nais kong tularan ang batang _______________________
sapagkat___________________________________________________

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ano ang ginagawa ng mga bata na nasa larawan?
Ang ikalimang kahon ay para sa kakayahan mong di nabanggit sa mga naunang
larawan. Isulat o iguhit sa kwaderno at lagyan ng pamagat na “Ito Naman ang Aking
Natatanging Kakayahan!”

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Itanong:
Sa mga itinala mong kakayahan, alin ang palagi mong ginagawa?
Masaya ka ba kapag naipakikita mo ang kakayahang ito sa ibang tao? Bakit?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Naghahanap ang iyong guro ng mga batang maaaring kumanta o sumayaw para
sa programa ng Linggo ng Wika. Alam mong marunong kang kumanta, ano ang
nararapat mong gawin?

H. Paglalahat ng Aralin
Itanong:
Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka pa sa pagpapakita ng
iyong kakayahan?

I. Pagtataya ng Aralin
Pasulat o pasalita,
Lakip Blg. 1
Punan ang usapan.
May paligsahan sa pagtula sa paaralan nina Julia at
Daniel. Lumapit si Julia kay Daniel at sinabing:
Julia: Pinag-aralan ko na ang tula at memoryado ko na rin. Panay
pa nga ang ensayo ko sa bahay eh, pero kinakabahan at
natatakot parin ako. Anong gagawin ko?
Daniel: _______________________________________________
_______________________________________________

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Ikalawang Araw
ISAGAWA NATIN
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Hayaang magbigay ng halimbawa ang bata ng mga gawaing kaya nilang gawin.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Isipin mo ang mga kayang-kaya mong gawin kahit na nag-iisa. Punan ang tsart,
gamitin ang sagutang papel.

Mga kaya kong gawin:


1. _______________________________________________
2. _______________________________________________
3. _______________________________________________

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pangkatang Gawain:
Alamin ang inyong mga kakayahan at sumama sa tamang grupo upang
magplano ng isang pagtatanghal.
Pangkat I – Lahat ng mga mahuhusay sa pagguhit.
Pangkat II – Lahat ng mahuhusay umawit, sumayaw at tumula
Pangkat III – May mga kakayahang di nabanggit sa naunang pangkat
(Gabayan ang mga bata sa kanilang balakin o inisip. At ipakita ang
napagkasunduang palabas o pangtatanghal.)

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Itanong:
Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga iginuhit ng inyong mga kamag-
aaral?
Naipakita ba ng ikalawang pangkat ang kanilang lakas ng loob sa
pagtatanghal?
Ano naman ang ipinakita ng ikatlong grupo?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Meron bang kinabahan o natakot sa pagsasagawa o pagtatanghal sa
inyong grupo?
Ano ang ginawa nyo para siya’y matulungan?

H. Paglalahat ng Aralin
Naipakita mo ba ang iyong kakayahan sa katatapos na gawain?
Naging maayos ba ang pagtatanghal ng inyong grupo? Bakit?

I. Pagtataya ng Aralin
Lakip Blg. 2
Buuin ang pangungusap:
Kayang kong ibahagi ang mga kakayahan ko gaya ng __________,
_____________ at ___________ nang nag-iisa sapagkat nagtitiwala ako sa
aking sarili.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Magdala ng maliit na larawan ng sarili.

IKATLONG ARAW
ISAPUSO NATIN
III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Sino-sino ang mahusay sa pagguhit/ sa pag-awit at pagtula?
Sino naman ang may mga kakaibang kakayahan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipaskil:
Mahalagang malaman mo ang iyong mga kakayahan bilang bata
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Ipabasa ang Tandaan Natin sa pahina 7-8 ng LM. Habang sabay-sabay


na binabasa ay isa-isang buksan ang mga mahahalagang salitang may taklob
upang itoy mabigyang- diin.

Tandaan Natin:
Lahat tayo ay may kanya-kanyang kakayahan. Ilan sa mga
ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-arte, pagsasayaw, pagtula,
pagsulat, pagguhit, isport atbp.
Ang kakayahan ng bawat tao ay isang biyaya mula sa
Diyos.Ito ay dapat nating gamitin at linangin sapagkat
nakapagbibigay ito sa atin ng sariling pagkakakilanlan. Maraming
sikat na tao ang nakilala sa kanilang kakayahan. Ilan sa mga
halimbawa ay sina Lea Salonga bilang sikat na mang-aawit, Julian
Felipe bilang sikat na kompositor, si Manny Pacquiao bilang sikat na
boksingero at si dating pangulong Corazon Aquino bilang sikat sa
kaniyang demokratikong pamumuno.
Mahalagang malaman mo ang iyong kakayahan bilang isang
bata. Ang mga ito ay dapat na patuloy na nililinang o pinauunlad
para higit na magkaroon ng tiwala sa sarili. Kailangan natin itong
gamitin hindi lamang para sa ating sariling kapakanan kundi para
din sa kapakanan at ikasisiya ng ibang tao.
Palagi mong tandaan na ang anumang kakayahan na meron
ka ay dapat ipinapakita upang ito ay higit na malinang.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Isipin ang inyong mga kakayahan.
Paano mo ito ibabahagi sa iba?
Punan ang card:

Larawan

Ako si _________(Pangalan)______________________________.
Ako ay nasa _____(Baitang)_______________ ng ___________
(Paaralan)

Kayo kong ______________________________________________

Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa tuwing may ______________


___________________________

(Ipaskil sa isang bahagi ng dingding, bilang paala alang kaisipan)


H.Paglalahat ng Aralin
Ano ang dapat gawin sa mga biyayang kaloob ng Diyos?

I. Pagtataya ng Aralin
Lakip Blg. 3
Iguhit ang sa patlang kung wasto ang pangungusap at

kung di wasto.
______1. Di dapat mahiyang ipakita ang sariling kakayahan.
______ 2. Ang kakayahan ng bawat bata ay biyayang galling sa
Diyos.
______ 3. Nakikilala natin ang mga nanay kung patuloy nating
lilinangin ang sariling kakayahan.
______ 4. Magkakaroon ng tiwala sa sarili kung patuloy mong
lilinangin ang sariling kakayahan.
______ 5. Gamitin nating ang ating kakayahan di lamang para sa
sarili kundi para rin sa kasiyahan ng iba.

J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKAAPAT NA ARAW

ISABUHAY NATIN

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Magbigay ng halimbawa ng mga sikat na tao na nakilala sa kanilang angking
kakayahan.
Ano ang mga angking kakayahan nina Lea Salonga/Manny Pacquiao/Corazon
Aquino/Liza Macuja?

Lakip Blg. 4
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Paano mo mapauunlad o magagamit ang iyong angking kakayahan?
G.Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay
Pangkatang Gawain:
Sumulat ng maikling talata tungkol sa “ Paano mo mapauunlad at
magagamit ang iyong angking kakayahan?”
Sundin ang sumusunod na panuntunan.
Lakip Blg.5
Panuntunan sa Paggawa
1. Magtalaga ng lider at tagasulat ng grupo.
2. Pag-usapan ang paksa ng talata.
3. Isulat sa cartolina ang napagkasunduang pangungusap
para sa talata.
4. Ipaliwanag sa klase ang talatang nabuo ng grupo.

Rubrik sa Paggawa ng Talata


5 – May wastong porma, malinis at may wastong tema o
mensahe.
4 – May isang kakulangan sa porma, malinis at lumihis ng
konti
ang tema o mensahe.
3 – May dalawang kakulangan sa porma, may bura at
lumihis sa
tema o mensahe.
2 – May tatlong kakulangan sa porma, maraming bura at
lumihis
sa tema o mensahe.
1 – Di nakasunod sa porma ng talata, maraming bura at
lihis sa tema o mensahe.

H.Paglalahat ng Aralin
Aling grupo ang may malinaw na mensahe?
Anong mensahe ito?

I.Pagtataya ng Aralin
Sagutin nang pabigkas.
1. Ano ang angking kakayahan?
2. Paano ko ito mapauunlad?
3. Dapat ko ba itong ipagmalaki? Bakit?

J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Mula sa ginawang gawain ,anong kakayahan ang nais mo pang
mapaunlad/mapagyaman?

IKALIMANG ARAW

SUBUKIN NATIN
III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Ano-ano ba ang iyong kayang gawin?
Dapat mo ba itong linangin?Bakit?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Susubukin natin ngayon kung inyong naunawaan ang araling ito.

H. Paglalahat ng Aralin
Lagyan ng tsek (/) ang bilang ng mga kakayahan na kaya mo nang gawin at
ekis (x) kung hindi mo pa kayang gawin o hindi mo pa ito nagagawa. Isulat ang
inyong sagot sa papel.
1. Maglaro ng chess.
2. Sumali sa paligsahan ng pagguhit.
3. Tumula sa palatuntunan.
4. Sumali sa field demonstration.
5. Sumali sa panayam o interview.
6. Sumali sa paligsahan sa pagtakbo.
7. Umawit sa koro ng simbahan.
8. Makilahok sa paggawa ng poster.
9. Sumayaw nang nag-iisa sa palatuntunan.
10. Makilahok sa isang scrabble competition.
11. Makilahok sa isang takbuhan.
12. Maglaro ng sipa.
13. Maglaro ng tumbang preso.
14. Paglalahad ng paggawa ng myural.
15. Umarte sa isang pang-entabladong pagtatanghal.

Ano ang inyong masasabi sa inyong sagot?


Naniniwala ka ba sa iyong sagot?
Pinaninindigan mo ba ang iyong sagot?

I. Pagtataya ng Aralin
Lakip Blg. 6
Isulat ang tama kung wasto ang pangungusap at mali kung di wasto.
1. Lahat ng bata ay may kanya-kanyang angking kakayahan.
2. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay susi upang lalong malinang ang
iyong kakayahan.
3. Itago na lang sa sarili ang husay sa pag-awit dahil mas marami pang
mahusay kaysa sa iyo.
4. Ang angking kakayahan ay maaaring makapagpatanyag sa iyo.
5. Ibahagi ang kakayahan mo sa iba at wag ipagyabang.
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Gumawa ng repleksyon tungkol sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng
kakayahan
Banghay-Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 3
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Aralin 2: Iniatang na Gawain, kaya Kong Gawin

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng sariling kakayahan,
pagkakaroon ng tiwala, pangangalaga at pag-iingat sa sarili tungo sa kabutihan at
kaayusan ng pamilya at pamayanan. CG Pahina 40

B. Pamantayang sa Pagganap
Naipakikita ang natatanging kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan nang may
tiwala, katapatan at katatagan ng loob. CG Pahina 40

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Napahahalagahan ang kakayahan sa paggawa. EsP3PKP-Ib-15

II. NILALAMAN
Paksang Aralin: Aralin 2: Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin
Batayang Pagpapahalaga: Pagtitiwala sa Sarili
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro, mga pahina 4-5
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Mag-aaral, mga pahina 10-15
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula saPortal ng Learning Resources

B.Iba pang Kagamitang Panturo


Strip para sa paghahabi, Talahanayan ng Gawain, mga hugis star na kulay dilaw
at asul, mga larawan ng mga batang gumagawa ng gawaing- bahay, Lakip Blg.1,
Lakip Blg. 2, Lakip Blg. 3, Lakip Blg. 4

UNANG ARAW
ALAMIN NATIN
III. PAMAMARAAN
A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Ano-ano ang mga gawaing ginagawa mo sa inyong tahanan?
Isusulat ng guro sa pisara ang mga sagot ng bata

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipaskil: Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin
Ano-ano ang nais ninyong malaman sa aralin?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Mula sa mga sagot ng bata, gagawa ng talahanayang kagaya nito sa pisara.

Mga Gawain Mga Ilalagay na Hugis


1. Naghuhugas ng pinggan
2. Nagpapakain ng alagang hayop
3. Nagpupunas ng mga
kasangkapan
4. Nagliligpit ng higaan
5. Nagtatapon ng basura
6. Nagsasauli ng gamit sa angkop
na lalagyan

Ipaliwanag ang talahanayan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Gamit ang nabuong talahanayan, kukuha kayo ng mga hugis dito sa kahon at
ididikit nyo sa gawaing lagi nyong ginagawa sa bahay. Dilaw na hugis para sa mga
babae at asul na hugis naman para sa mga lalaki.
Ano ang ipinakikita ng talahanayan na sinagutan natin?
Sino kaya ang mas maraming gawain, lalaki ba o babae?

F. .Paglinang sa Kabihasaan(Tungo sa Formative Assessment)


Bakit kaya tayo binibigyan ng gawain sa bahay?
Ano naman ang dapat nating ugaliin kapag binigyan tayo ng mga gawain?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Naatasan si Ver Daniel ng kanyang nanay na magwalis ng harapan ng bahay
tuwing umaga. Kung ikaw si Ver Daniel, gagawin mo ba ang pagwawalis?Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin
Mahalaga bang gawin ang mga gawaing iniatang sa iyo nang kusang-
loob? Bakit?

I. Pagtataya ng Aralin
Ano ang kabutihang maidudulot sa atin ng pagsunod o pagtalima sa gawaing
ibinigay sa atin?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Gumupit ng larawan na nagpapakita ng mga gawain mo sa paaralan.
IKALAWANG ARAW
ISAGAWA NATIN
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Ano ang talahanayang ginawa natin kahapon?
Paano ito nakatulong sa atin?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ilahad ang layunin ng aralin.
Magbabasa tayo ng isang tula tungkol sa mga gawain sa tahanan.

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Basahin nang malakas ang tula.
Kusa Kong Gagawin
Sa aming tahanan may mga tungkulin
Na dapat gampanan kasaping butihin
Magaa’t mabigat kusa kong gagawin
Tiwala at husay ay pananatilihin.

Paglilinis ng bahay pati ng bakuran


Paghuhugas ng pinggan, pagdidilig na halaman,
Pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng hinigaan
Kusang loob na gagawin na may kasiyahan.

F.Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Itanong:
1. Ano ang mensahe ng tulang binasa?
2. Ano naramdaman mo matapos mong basahin ang tula?
3. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tula, ano-ano pang mga
gawain ang maaaring ibigay sa iyo?
4. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang mga gawaing
ibinigay sa iyo?
5. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman kapag ginagawa mo ang mga
gawaing ibinigay sa iyo?

G.Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Pangkatang Gawain:
Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga gawain natin sa paaralan. Sundin
ang mga panuntunan sa paggawa.

Panuntunan na Dapat Tandaan sa Paggawa

1. Gumawa nang maayos at tahimik. Iwasan ang pag-


iingay.
2. Iwasan ang paglipat-lipat ng ibang pangkat.
3. Iwasan ang pag-aaksaya ng mga gamit.
4. Panatilihing malinis ang gawain.
5. Kapag tapos na ang gawain, iligpit ang mga kagamitan
at linisin ang lugar.
Aming Gawain sa Paaralan
Mga Kagamitan: cartolina gunting glue
Larawan ng mga gawain sa paaralan
Pamamaraan:
1. Pag-usapan ang mga tungkuling isasaad sa poster at
kung paano ito isasagawa.
2. Pagdidikit ng mga larawan.
3. Kung kulang pa ang larawan, maaaring gumuhit ng iba
pang gawain.

H.Paglalahat ng Aralin
Isa-isahin ang gawain/tungkulin na makikita sa inyong poster.
Ano ang naramdaman ninyo habang ginagawa ang poster?

I.Pagtataya ng Aralin
Dapat bang magkaroon ng tungkulin ang tulad ninyong bata sa paaralan o sa
bahay? Bakit?

J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKATLONG ARAW
ISAPUSO NATIN
III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Dapat bang magkaroon tayo ng tungkulin o gawain sa paaralan o sa
tahanan?
Ano ang dapat nating maramdaman habang ginagawa ang tungkulin o
gawaing nakaatang sa atin?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipabasa ang layunin ng aralin
Ipaskil:
Ang Aking Pangako

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Talakayin ang aralin gamit ang powerpoint presentation.

G. Paglalapat ng mga Aralin sa Araw-araw na buhay


Itanong:
Bilang kasapi ng pamilya o paaralan, ano ang dapat mong gawin sa mga
gawaing iniatang sa iyo?
Ano ang ipinahihiwatig kapag ikaw ay binigyan ng gawain sa paaralan
man o sa tahanan?

H. Paglalahat ng Aralin
Punan ang pangungusap upang makabuo ng isang pangako tungkol sa
gawaing ibinigay sa iyo na nagpapakita ng tamang pagganap sa tungkulin.
Lakip Blg.1

Ang Aking Pangako


Bilang kasapi ng pamilya, paaralan o anumang organisasyon,
anumang gawaing iniatang sa akin ay gagawin ko nang
________________________________________________________

I.Pagtataya ng Aralin
Lakip Blg. 2
Piliin sa sumusunod ang mga salitang bubuo sa pangungusap.
Pananagutan biro kapalit
Pahalagahan ipagmalaki
1. Ang pagiging kasapi ng pamilya ay hindi gawang ________
2. Nangangailangan ito ng kaukulang ________
3. Anumang gawaing iniatang sa iyo ay dapat ________
4. Kusang loob na gawin na walang hinihintay na ________
5. Ang kusang loob na paggawa ay dapat ________ kaninuman.

J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKAAPAT NA ARAW

ISABUHAY NATIN

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Ano ang pangakong ginawa mo kahapon?
Masasabi mo ba ito?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ilahad ang layunin ng aralin.
Sabihin:
Gagawa tayo ng dula-dulaan tungkol sa mga gawaing nakaatang sa atin.
G.Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay
Pangkatang Gawain:
Magpakita ng dula-dulaan ayon sa hinihingi ng bawat pangkat.
Pangkat I – Pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawain sa tahanan:
paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagliligpit ng pinagbihisan,
pag-iigib, pagbili ng kakailanganin sa pagluluto ng nanay o tatay at
iba pa na inyong maiisip.
Pangkat 2 – Pagpapakita ng pagpapahalaga ng mga gawain sa paaralan:
pagtatama ng papel, paglilista ng maingay sa klase, paglilinis ng
silid-aralan, pagbubura ng sulat sa pisara, pagtitinda sa kantina
sa oras ng rises at iba pang maiisip ninyong gawin.

H.Paglalahat ng Aralin
Ano ang ipinahihiwatig ng bawat dula-dulaan?
Aling pangkat ang mas nagustuhan nyo? Bakit?

I.Pagtataya ng Aralin
Lakip Blg. 3
Ano ang dapat gawin sa mga gawaing iniatang sa iyo? Lagyan ng tsek ang mga
kahon.
Gawin nang may kasiyahan.
Kusang loob na gagawin.
Ipagbawalang bahala
Sundin at pahalagahan
Gawin sa libreng oras lamang
Gawin nang walang hinihintay na kapalit.

J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKALIMANG ARAW

SUBUKIN NATIN
III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Bakit dapat gawin at pahalagahan ang anumang gawaing iniatang sa iyo?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Gagawa tayo ng talaarawan ng mga gawaing kusa mong ginagawa.

H.Paglalahat ng Aralin
Muling balikan ang konseptong natutuhan sa loob ng isang linggo.
Ano-ano ang kabutihang naidudulot ng kusang loob na pagtupad sa mga
gawaing iniatang sa atin?

I.Pagtataya ng Aralin
Lagyan ng tsek ang kahon ng larawang nagpapakita ng pagpapahalaga sa
gawaing iniatang sa iyo.
Lakip Blg. 4
J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Gumawa ng talaarawan ng mga gawaing kusa mong ginagawa para sa
darating na pitong araw.
Banghay-Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 3
Unang Markahan
Ikatlong Linggo
Aralin 3: Hawak Ko: Tatag ng Loob

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng sariling kakayahan,
pagkakaroon ng tiwala, pangangalaga at pag-iingat sa sarili tungo sa kabutihan at
kaayusan ng pamilya at pamayanan.CG Pahina 40

B. Pamantayan sa Pagganap
Naipakikita ang natatanging kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan nang may
tiwala, katapatan at katatagan ng loob. CG Pahina 40

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakatutukoy ng mga damdamin na nagpapamalas ng katatagan ng kalooban.
EsP3PKP-Ic-16

II. NILALAMAN
Aralin 3: Hawak Ko: Tatag ng Loob
Batayang Pagpapahalaga: Katatagan ng Loob
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: TG mga pahina 6-7
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral: LM mga pahina 16-23
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula saPortal ng Learning Resources

B.Iba pang Kagamitang Panturo


Strip para sa paghahabi
Larawan ng batang sumasagot at umaawit, metacards
Komik strip
larawan ng clown na may hawak na limang lobo

UNANG ARAW
ALAMIN NATIN
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Ano ang magandang maidudulot ng kusang loob na pagtupad sa gawaing iniatang
sa iyo?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Basahin:
“Sa isang batang katulad mo, katatagan ng loob ay dapat na tangan mo!”
Ano kaya ang ibig ipahiwatig ng pangungusap?
Sa metacards, isulat ang mga nais malaman sa aralin

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Gumawa ng malaking larawan at ipaskil sa pisara.

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Ipasulat ang sagot sa metacard at ipaskil ito sa tapat ng napiling larawan.
Anong damdamin ang maaaring nararamdaman ng mga batang tulad mo
kung gagawin mo ang isa sa mga larawan sa harap ng maraming tao?

F. Paglinang sa Kabihasaan(Tungo sa Formative Assessment)


Itutuloy mo pa ba ang mga gawain sa mga larawan? Bakit?
Paano kaya maiiwasan ang kaba o takot habang ginagawa mo ang kahit
alin sa mga larawan?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Sino kaya ang makapagpapakita ng kanyang kahusayan sa pag-awit o pagtula?
Ano ang naramdaman mo?
Dapat bang maramdaman mo ang takot o kaba?

H. Paglalahat ng Aralin
Bilang bata, ano-anong mga damdamin at palatandaan ang
makapagpapakita ng katatagan ng iyong loob?

I. Pagtataya ng Aralin
Sagutin nang pasalita
Ikaw ay kasali sa isang programa sa paaralan, bago ito magsimula ay
nakaramdam ka ng takot o kaba, ano ang gagawin mo upang makaawit nang
wasto?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


IKALAWANG ARAW
ISAGAWA NATIN
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Dapat ka bang kabahan o matakot kapag ikaw ay sasali o sasagot sa mga
talakayan sa loob ng silid-aralan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipaskil:
Ang katatagan ng loob ay maipakikita sa iba’t ibang paraan.
Aalamin natin ito sa aralin ngayon.

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pasagutan sa papel ang Gawain 1 sa pahina 20 ng LM

Suriin at sagutin ang sumusunod na sitwasyon gamit ang mga pananda.


P – palagi ginagawa
M – madalas ginagawa
B – bihirang ginagawa
H – hindi ginagawa
1. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo nang nakangiti.
2. Sumasali ako sa mga palatuntunan at paligsahan kahit
minsan natatalo ako.
3. Umiiwas ako sa pakikipag-away.
4. Mahinahon ako sa pakikipag-usap sa nakasamaan ko ng
loob.
5. Magsasabi ako ng totoo kahit ako ay mapapagalitan.
6. Humihingi ako ng patawad sa mga nagawa kong kasalanan.
7. Pinipigilan ko ang aking sarili sa pagsunod sa di mabuting
udyok ng iba.
8. Tinatanggap ko ang puna ng aking mga kaibigan nang
maluwag sa aking puso.
9. Tinatanggap ko kung pinagagalitan ako ng mga
nakatatanda.
10. Masigasig ako sa aking mga ginagawa para mapaunlad ang
aking kakayahan.

Markahan ang iyong sarili at pagsama-samahin ang mga ito.


Ibigay sa akin ang iyong papel upang mabigyan ng kahulugan.

Lakip Blg. 1

0-2 - Wala pang katatagan ng loob


3-5 - May kaunting katatagan ng loob
6-8 - May katatagan ng loob subalit maaari pang
paunlarin
9-10 – Matatag ang loob

Isa-isang magpapakita ng kinalabasan ang lahat ng mga bata upang


di mapahiya sa iba pang bata
F.Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
Pangkatang Gawain:
Pumili ng lider at tagasulat sa inyong pangkat.
Pag-aralan ang komik istrip at talakayin ang mga pangyayari. Pagkatapos
sagutin ninyo ang sumusunod na tanong. Pumili ng isang miyembro na
maglalahad ng mga kasagutan ng inyong grupo.

Mga Tanong:

1. Ano ang paksa ng pag-uusap nina Tom at Juan?


2. Bakit nila pinag-uusapan si Allan?
3. Tama ba ang ginwa ni Allan sa kanila? Bakit?
4. Ano kaya ang pikiramdam nina Tom at Juan ukol sa sitwasyon?
5. Sino sa kanila ang may matatag na kalooban?
G.Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay
Sino kina Tom, Juan at Allan ang may matatag na kalooban?
Kung Kayo ang nasa kalagayan nina Tom at Juan, ano ang inyong
gagawin? Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin
Masasabi mo ba na ang pagtitimpi ay palatandaan ng katatagan ng loob?

I.Pagtataya ng Aralin
Naranasan mo na bang may umagaw o kumuha ng gamit o pagkain mo?
Ano ang ginawa mo?

J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKATLONG ARAW

ISAPUSO NATIN

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Ano ang nangyari kina Ton at Juan sa Komik istrip na binasa kahapon?
Dapat ba silang tularan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ano-ano kayang damdamin ang nagpapakita ng katatagan ng loob?
Aalamin natin ngayon ang kasagutan sa ating tanong.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Pangkatang Gawain:
Ano-ano ang mga damdaming may kaugnayan sa pagiging matatag ang
loob? Isulat ito sa loob ng bilog. Gawin sa kuwaderno.

Pumili ng isang lider na mag-uulat sa klase


G. Paglalapat ng mga Aralin sa Araw-araw na Buhay
Naglalaro kayo ng mga kaibigan mo, nang sa iyong pagtakbo ay
nakabungguan mo ang batang kinder. Ito’y natumba at umiyak, sabay sabing
isusumbong ka sa kanyang guro. Ano ang iyong gagawin?
H. Paglalahat ng Aralin
Punan ang graphic organizer.Gamiting gabay ang sitwasyon.

Magkakaroon ng paligsahan sa pagbigkas ng tula. Napili


kang kinatawan ng iyong paaralan. Ano-ano ang mga aksyon
para maipakita mo na matatag ang iyong kalooban?

Mga Damdamin na Nagpapamalas


Ng Katatagan ng Loob

Isa-isahin ang ginawa ng mga bata. Pagkatapos, bigyang pansin ang


Tandaan Natin.

I. Pagtataya ng Aralin
Lakip Blg.2
Iguhit ang kung wasto ang pangungusap at kung di-wasto.
Gamitin ang inyong kuwaderno.
1. Ang pagkakaroon ng lakas at tapang ng loob na harapin ang isang
mabigat na problema ay nagpapakita ng katatagan ng loob.
2. Dapat pagtuunan ng pansin ang mga gawaing nagpapatatag ng loob
upang patuloy na makagawa ng makabuluhang aksyon.
3. Ang palaging pagtawag sa magulang sa tuwing may gagawing aksyon ay
pagpapakita ng katatagan ng loob.
4. Ang katatagan ng loob ay isang mabuting katangian ng bata.
5. Kung positibo ka sa lahat ng pagkakataon kahit mahirap na gawain ay
makakaya rin.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Magbigay ng sitwasyong nangyari sa iyo na nagpapakita ng katatagan ng
loob.

IKAAPAT NA ARAW

ISABUHAY NATIN

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Magbigay ng sitwasyong nangyari sa iyo na nagpakita ng iyong katatagan ng
loob.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Itanong:
Taglay mo ba ang katatagan ng loob?

G.Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Basahin ang sitwasyon na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Lakip Blg.3
Sitwasyon 1:
Habang naglilinis sa silid-aralan ay nasagi ni Rio ang paso ng
halaman at ito ay nabasag. Hinintay niya ang kanilang guro at sinabi
niya ang nangyari.Ano ang ipinakita ni Rio?

Sitwasyon 2:
May ipinakisuyo si Bb. Doromal kay Julia Mae na aklat upang
ibigay kay Gng. Ramos, subalit sa kanyang paglalakad ito’y nahulog
sa sanaw at nabasa. Bumalik siya kay Bb. Doromal at sinabi ang
totoong nangyari. Ano ang ipinakita ni Julia Mae?

H.Paglalahat ng Aralin
Ano-ano kaya ang maramdaman ng dalawang bata bago at pagkatapos
nilang magsabi sa kanilang guro?
Paano naipakita nina Rio at Julia Mae na matatag ang kanilang kalooban?

I. Pagtataya ng Aralin
Lakip Blg. 4
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Pinipilit kang hingian ng pera ng kaklase mo, para daw maging best friend
kayo. Ano ang gagawin mo?
A. Magbibigay ka ng pera sa kanya.
B. Magsusumbong ka sa guro mo.
C. Di ka magbibigay at sasabihin mo sa kanya na walang bayad ang best
friend.
D. Bibigyan mo na lang siya ng tinapay na baon mo.
2. May mga malalaking bata ang sumingit sa pilahan nyo sa pagbili sa
kantina.Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan na lang sila. C. Aalis ka na lang.
B. Isusumbong sila sa guro. D. sasabihan sila na may nauna nang
pumila sa kanila
3. Nabunggo ka ng isang bata na nasa ikaanim na baitang sa iyo at ikaw ay
nasugatan. Sa halip na tulungan, ikaw ay kanyang pinagtawanan. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasabihan mo siya na mali ang kanyang ginawang pagtawa sa nangyari
sa iyo.
B. Pababayaan mo na lang siya.
C. Aalis ka at iiyak sa loob ng silid-aralan.
D. Gagantihan siya ng suntok.
4. Nalaglag ang kwintas na ibinigay sa iyo ng iyong nanay habang ikaw ay
naglalaro. Hinanap mo ito subalit di mo na makita. Ano ang gagawin mo?
A. Magsasabi ka ng totoo kay nanay kahit alam mong magagalit ito.
B. Sasabihin kay nanay na hiniram ng iyong kaklase ang kwintas.
C. Ililihim mo kay nanay na nawawala ang kwintas mo.
D. Magpapabili ka ng bago kay tatay mo.
5. Inutusan ka ni Nanay na bumili ng suka sa tindahan. Sa iyong paglalakad ay
nalaglag ang pera at di mo na Makita. Ano ang gagawin mo?
A. Hihingi ng bagong perang pambili ng suka.
B. Magtatago ka sa kwarto mo.
C. Mangungutang ka ng suka sa tindahan.
D. Babalik ka kay Nanay at sasabihin ang nangyari.
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKALIMANG ARAW

SUBUKIN NATIN
III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Ano-ano ang mga palatandaan ng katatagan ng loob?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Aalamin pa lalo natin ang mga katangian ng batang may matatag na
kalooban.

H.Paglalahat ng Aralin
Isa-isahin:
Mga damdaming ipinamamalas ng batang may matatag na kalooban.

I.Pagtataya ng Aralin
Bawat mag-aaral ay bibigyan ng papel na may ilustrasyong ganito

J.Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Journal
Sumulat ng isang repleksyon kung paano natuto sa naging pagkakamali.

You might also like