You are on page 1of 3

THIRD QUARTER PRE – ASSESSMENT

SCIENCE 3

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa papel o kuwarderno ang letra ng
tamang sagot.

1. Ano ang nagpapagalaw sa kariton ng sorbetes?


A. tubig
B. hangin
C. magnet
D. pagtulak

2. Maagang nakatapos ng paglalaba si Aling Lilia. Isinampay niya ang mga basang damit sa
sampayan. Ano ang nagpapagalaw sa mga damit ayon sa larawan?

A. tao
B. tubig
C. hangin
D. magnet o batubalani
3. Pauwi na si Johnny mula sa kanyang trabaho sakay ng kanyang bisekleta. Anong paggalaw
ang ipinakikita ng bisekleta sa larawan?

A. paikot
B. paurong
C. pasulong
D. pabaliktad

4. Alin sa pares ng mga larawan ang nagpapakita ng paggalaw ng bagay?


5. Ang nasa larawan ay nagpapakita ng wastong paggamit ng tunog. Alin wastong
pagpapahayag tungkol dito?

A. Ang tunog ng trak ng bumbero ay nagpapahiwatig ng sunog.


B. Ang tunog ay maaaring gamiting senyales o babala sa panahon ng sakuna gaya ng
lindol, sunog, o bagyo.
C. Ang tunog ng ambulansiya ay nagpapahiwatig naman na kailangan itong bigyang-
daan dahil nanganganib ang sakay nito.
D. Ang tunog ng kampana ng simbahan ay hudyat na magsisimula na ang misa. Ang
tunog ng alarm clock ay nagbibigay-hudyat na oras na ng paggising.

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong paraan ng pagggamit ng init?


A. Nagluluto ng pananghalian ang Nanay gamit ang kalan.
B. Maghapong nakabukas ang ilaw sa bahay kahit maliwanag naman.
C. Naglalaro si Jose ng posporo kasama ang kanyang nakababatang kapatid.
D. Gustong malaman ni Armando kung mainit pa ang plantsa kaya hinawakan niya
ang ilalim na bahagi nito kaya siya ay napaso.

7. Ang liwanag ay nakatutulong sa mga pang-araw - araw na gawain at natutugunan nito ang
ating pangangailangan, MALIBAN sa isa, alin ito?
A. Ang mga hayop ay nakagagawa ng pagkain dahil sa liwanag na nanggagaling sa
araw.
B. Ang mga ilaw trapiko (traffic lights) ay tumutulong upang makontrol ang daloy ng
trapiko sa daan.
C. Ang mga maliliwanag na ilaw ay ginagamit upang pagandahin ang paligid, gaya ng
mga nakikita sa parke at pasyalan.
D. Ang mga parola (lighthouses) ay ginagamit upang gabayan ang mga barko sa
madilim na lugar, ito rin ay nagbibigay ng bababala kung may panganib.

8. Alin ang pangunahing pinanggagalingan ng liwanag sa ating mundo?


A. araw
B. buwan
C. bituin
D. bulalakaw
9. Ano ang nakapagpapagana sa bagay na nasa loob ng kahon?
A. araw
B. tubig
C. baterya
D. kuryente
10. May mga tamang pamamaraan ng ligtas na paggamit ng kuryente. Alin sa mga pangungusap
sa ibaba ang HINDI nagpapakita ng wastong gawain?
A. Hugutin ang saksak ng telebisyon kung kumikidlat.
B. Alisin ang electrical plug kung ito ay hindi ginagamit.
C. Iwasan ang paghawak o pagsasaksak ng mga kagamitang de koryente kung basa
ang kamay.
D. Sabay-sabay na isaksak ang mga kagamitang de koryente sa iisang extension cord
tulad ng refrigerator, oven, electrical kettle, at electric fan.

You might also like