You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Division of Tuguegarao City
Tuguegarao North District
CARITAN NORTE ELEMENTARY SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE 3

Pangalan: ______________________________ Petsa:_______________

I.Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa bilang 1-5.
Isulat ang tamang letra sa patlang.

Ang Halayang Ube ni Maya


ni: Dolorosa S. De Castro
Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria na abalang-abala sa
pagluluto ng halayang ube.“Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo, Inay,” wika ni Maya habang
lumalakad palapit sa Ina.“Pihadong matutuwa na naman ang mga suki ko kapag natikman nila iyan,”
may pagmamalaking wika ni Maya.Napangiti si Aling Maria sa sinabi ni Maya.“Salamat anak, natutuwa
ako at nagugustuhan mo lahat ng niluluto ko,” wika ng ina.Matapos maihanda ni Aling Maria ang
ilalakong halaya ni Maya, binilinan niya itong mag-ingat. Kapag naubos nang maaga ang paninda,
umuuwi siya kaagad upang makapagpahinga.
_____1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
a. Aling Maria at Maya c. Maya at Tatay
b. Aling Maria at kuya d. Tatay at Aling Maria

_____2.Saan naganap ang kuwento?


a. Sa palengke b. Sa simbahan c. Sa bahay d. Sa Paaralan

_____3. Anong pamagat ng kuwento?


a. Ang Halaya c. Ang Halayang Ube ni Maya
b. Si Maya d. Ang ube

_____4. Bakit maagang nagising si Maya?


a. Upang magpatuka ng manok.
b. Upang maghanda sa pagpasok sa paaralan
c. Upang tulungan si nanay sa pagtatanim sa bukid.
d. Upang tulungan ang kaniyang nanay sa pagluluto ng halayang ube.

_____5. Anong katangian ni Maya bilang isang bata?


a. masipag b. matapat c. magaling d. madasalin

II. Panuto: Suriin ang mga pantig sa ibaba. Basahin ang paglalarawan at
isaayos ang mga ito upang mabaybay nang wasto ang salita.
_____6. Dala – dala ito ng mga nagbyahe lalo mula s ibang lugar.
he ba ga
a. gabah b. bahega c. bageha d. bagahe

_____7. Ito ay masustansya at dapat kainin tulad ng gulay.


tas pru
a. rupsat b. pruats c. prutas d. satpru

______8. Ito ay ginagamit upang paglagyan ng pagkain.


to pla
a. plaot b. plato c. palto d. patlo

(Para sa bilang 9-12)


_____9. Anong uri ng pamilang ang mga sumususunod na pangngalan?
Lotion, toothpaste,shampoo
a. Pangngalang pamilang c. Pangalang di-pamilang
b. Di- kongkretong pangngalan d. Kongkretong pangngalan

_____10. Alin sa mga sumusunod ang pangngalang pamilang?


a. bag b. buhangin c. buhok d. mantika

_____11. Bumili si nanay ng ______________ toyo. Alin sa pangkat ng mga


tandang pangngalang pamilang ang angkop upang mabuo
ang pangungusap?
a. isang sako b. tatlong lata c. isang boteng d. isang dakot

______12. Tatlong tasang kape ang aking inihanda para sa mga bisita ni
ate.
Anong tandang pangngalang pamilang ang ginamit sa
paglalarawan ng pangngalang di-mabilang sa pangungusap?
a. kape b. tatlong tasa c. bisita d. ate

(Para sa bilang 13-15)


_____13. Sa salitang gumanda, ano ang salitang-ugat nito?
a. ka b. kaganda c. ganda d. gandahan

_____14. Marami ang naninirahan sa Barangay Linaw dahil sa katahimikan


dito. Ano-ano ang panlapi na ginamit sa salitang katahimikan?
a. ta b. ka, -an c. kata d. tahimik

___15. Ano ang salitang mabubuo kung pagsasamahin ang sama + han?
a. ama b. nagsama c. sama d. Samahan

III. Para sa bilang 16-18


Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa bawat pangugusap.
Isulat ang wastong letra sa patlang.
______16. Humalakhak ang musika sa saliw ng aking gitara.
a. Pagwawangis b. Pagsasatao c. Pagmamalabis d. Simili

______17. Nabiyak ang kanyang dibdib sa pagkamatay ng alagang aso.


a. Pagmamalabis b. Pagsasatao c. Pagwawangis d. Simili

_____18. Isang ibong naghahanap ng kalayaan si Eugene.


a. Pagwawangis b. Pagsasatao c. Pagmamalabis d. Simili

Para sa bilang 19-21


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangarap ng mga bata at
kung ano-ano ang nais nilang gawin. Piliin ang wastong
ekspresyon na dapat gamitin at isulat ang titik ng iyong sagot sa
patlang.
A. Umaasa B. Gusto
_____19. Tindera - Mahilig akong magtinda ng gulay, bigas, manok, prutas
at iba pang mga kailangan ng tao.

_____20. Wizard - Ako ay makapangyarihang nilalang na gumagamit ng


mahika.

______21. Guro- Makakatulong ako sa pagtuturo ng mga batang hindi


marunong magbasa at magsulat.
(Para sa bilang 22-25)
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat sa patlang ang
tamang sagot.
_____22. Nakatulog si Myrna habang nanonood ng telebisyon.
Anong kayarian ng pangunusap ito?
a. Payak b. Tambalan c. Hugnayan d. Pautos

______23. Alin sa pangungusap ang Tambalang pangungusap?


a. Sumali sa paligsahan si Mona at nasungkit niya ang unang
puwesto.
b. Naglalakad si Rey sa parke ng kanilang bayan.
c. Nagbibihis si Janela habang naghihintay si Janel sa sala.
d. Ang batang si Joy ay nasa Ikatlong baitang.

______24. Pumunta ang pamilya Santos sa evacuation center dahil


nangangailangan sila ng tulong. Anong kayarian ng pangungusap
ito?
a. Tambalan b. Payak c. Hugnayan d. Padamdam

_____25. Alin sa mga pahayag ang payak na pngungusap?


a. Nagkasakit si Lola dahil sa sobrang pagtatrabaho.
b. Sumayaw si Paolo at pumalakpak ang kaniyang mga kaklase.
c. Nagbigay donasyon ang pamilyang Misa sa mga nasalanta ng
bagyo.
d.Nagtanim siya ng gulay sa bakuran at naglinis sa mga sulok ng
kanilang bahay.

(Para sa bilang 26-30)


Panuto:Tukuyin ang kahulugan ng nasalungguhitang idyomatik
ekspresyon sa pangungusap.
_____26. Kabungguang balikat ni Jeremy si Cyrus.
a. kaaway b. kaibigan c. sensitibo d. pusong bato

______27. Nagbibilang ng poste ang kanyang ama, kaya naman ang ina
niya ang naghahanap ng paraan para sila ay mabuhay.
a. masipag b. walang trabaho c. marunong d. pusong mamon

______28. Balat-sibuyas ang pinsan ni Emily kapag ito ay nanonood ng


mga pelikula.
a. sensitibo b. mabait c. magaling d. maganda

______29. Gabi-gabi nagsusunog ng kilay si Rica dahil gusto niyang


makatapos sa pag-aaral.
a. nagpapaganda c. nag-aaral ng mabuti
b. natutulog ng magdamag d. naglilinis kahit gabi na

______30. Simula ng lumaganap ang pandemyang COVID-19,


isang kahig isang tuka ang pamilya ni Nelson.
a. mayaman b. naghihirap c. nagtatrabaho d. naglilinis
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02
Division of Tuguegarao City
Tuguegarao North District
CARITAN NORTE ELEMENTARY SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MAPEH 3

Pangalan:______________________________________Marka:_____________
MUSIKA
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang tamang letra sa
patlang.
_____1. Alin sa sumusunod na imahe ang maaaring ilapat sa rhythmic

pattern na ito?
A. C.
B. D. D.

_____2. Anong imahe ang sumasagisag sa pahinga?

A. B. C. D.

_____3. Alin sa mga larawan ang may tunog na tick-tock-tick-tock?

A. B. C. D.

_____4. Alin ang may tatluhang kumpas?

A. B. C. D.

_____5. Sa sukat na ilan ang bilang ang pahinga?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

_____6. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng naaayon sa stick

notation?

A.

B.

C.

D.

_____7. Ano ang ostinato?


A. Isang himig.
B. Isang uri ng ritmo.
C. Isang tugtug na sinabayan ng sayaw.
D. Paulit-ulit na rhythmic pattern na ginagamit pansaliw sa awit.

_____8. Alin sa mga sumusunod ang sinasagisag ng pagpalakpak?


A. may tunog B. pahinga C. pagtapik D. indayog

ARTS/SINING
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.
_____9. Pagmasdan ang dalawang larawan. Kailan masasabi na ang laki
ng tao ay malaki sa tumitingin?

A . kapag ito ay malapit sa tumitingin


B . kapag ito ay malayo sa tumitingin
C.kapag ito ay katamtaman sa tumitingin
D. kapag ito ay hindi nakatingin sa tao

_____10. Ano ang binibigyang halaga sa makabuluhang likhang sining?


A. larawan B. ilusyon ng espasyo C. sining D. laki

_____11. Alin sa mga sumusunod na larawan ang halimbawa ng cross-


hatching?

A B C D
_____12. Ano ang tawag sa guhit na binubuo ng foreground, middle
ground, at background?
A .Visual na Tekstura B. Landscape Drawing
C. Pinta D. Balanse

____13. Ano ang pinakapopular na pinta ni Fernando Amorsolo na


naglalarawan ng kulturang pamayanang pamumuhay?
A. Planting Cor B.Planting Rice
C. Planting Fruits D. Planting Seeds

_____14. Alin sa mga sumusunod ang linyang pasigsag?

A. B. C. D.

_______15. Ano ang tekstura ng bagay naka-sketch?


A. malambot B. magaspang C. matigas D. makinis

______16.Anong bagay ang iginuhit ng pintor sa middle ground?


A. bundok B. bangka C. bato D. ulap

PHYSICAL EDUCATION
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong.Piliin ang letra ng tamang
sagot.Isulat ito sa patlang.
_____17. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng wastong
paglakad?

A. B. C. D.

______18. Alin sa mga pahayag ang isang paraan ng wastong pagtayo?


A. Ibigay ang iyong timbang sa iyong mga paa.
B. Ang dalawang paa ay dapat nasa sahig kaagad bago pa
humakbang ang isang paa para lalakad ulit.
C.Itago ang iyong mga paa sa sahig o sa isang talampakan kung hindi
mo maabot ang sahig.
D. Dapat natural lang ang galaw ng mga braso habang naglalakad.

______19. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng curled Body shape?

A. B. C. D.

_______20. Ano ang naitutulong ng tama o wastong postura?


A. magandang ngipin B. magandang tindig
C. magandang buhok D. magandang mukha

_______21. Anong pangunahing kilos ng tao ang naglalarawan sa


posisyong pamamahinga na suportado ng upuan o sa lupa ang
bigat ng katawan lalo na ang puwit?
A. pag-upo B. pagtayo C. paglalakad D. pagtakbo

_______22. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa Static Flexibility?


A. Pagsasagawa ng mga ehersisyong pagbaluktot habang
gumagalaw.
B. Pagsasagawa ng mga ehersisyong pagbaluktot na hindi gumagalaw sa isang lugar.
C. Pagsasagawa ng mga ehersisyong sumasayaw at huhulahoop.
D. Pagsasagawa ng ehersisyong pag-akyat at pagtumbling sa isang poste.

________23. Bakit mahalaga ang pag-eehersisyo araw-araw?


A. Nakakatulong ito sa pagpapaganda ng buhok.
B. Nakakatulong ito sa pagkakaroon ng kayamanan.
C. Nakakatulong ito upang mapalakas ang buto at kalamnan.
D. Nakakatulong ito upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

HEALTH
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.
_____24.Ano ang tawag sa proseso ng pagbibigay natin ng wastong
pagkain sa ating katawan upang tayo ay lumaki at maging
malusog?
A. Pagkain B. Nutrisyon C. Ehersisyo D. Malnutrisyon

_____25.Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbibigay ng wastong


nutrisyon sa ating katawan?
A. isda, karne, at itlog B. hotdog, kendi at chips
C. gulay, prutas at kanin D. gatas, keso, at butter

______26. Anong bitamina ang nakukuha sa mga mabeberdeng,


madahon at dilaw na gulay?
A. Bitamina A B. Bitamina K C. Bitamina D D. Bitamina C

_____27. Si Jona ay mahilig magbaon ng tinapay at mais sa paaralan. Ito


ang kinakain niya pagkatapos gumawa ng mga nakakapagod
na gawain sa paaralan.Anong pangkat ng pagkain kabilang
ang mais at tinapay?
A. Glow foods B. Go Foods C. Grow Foods D. Glow Foods

_____28. Mahina at marupok ang mga buto ni Dave. Anong uri ng


pagkain ang dapat kasali sa kaniyang kinakain araw-araw?
A. Mga pagkaing mayaman sa Sodium.
B. Mga pagkain mayaman sa Calcium.
C. Mga pagkain mayaman sa Iron.
D. Mga pagkaing mayaman sat aba.

____29. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan upang magkaroon


ng malusog na pamumuhay?
A. pananatiling malapit sa naninigarilyo
B. panonood ng telebisyon buong araw
C. pag-inom ng tatlong bote ng soft drinks sa isang araw
D. pag-eehersisyo at pagkain ng masustansiyang pagkain

_____30. Nais ni Aling Glenda na pabaunan ng masustansiyang merienda


ang anak niyang si Joey. Alin sa sumusunod ang pwedeng
ipabaon ni Aling Pasing?
A. chichirya at keyk B . itlog, keso at gatas
C. hamburger at French fries D. kendi, tsokolate at chichirya
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 02
Division of Tuguegarao City
Tuguegarao North District
CARITAN NORTE ELEMENTARY SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 3

Pangalan: ______________________________ Petsa:_______________

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat tanong.Isulat ang letra ng tamang


sagot sa patlang.

_______1. Anong anyong lupa ang tinutukoy ng simbolong ito ?


A. burol B. bulkan C. bundok D. talampas

_______2. Alin sa mga simbolo ang lawa?

A. B. C. D. D.

_______3. Ano ang kahalagahan ng bawat simbolo na ginagamit sa


mapa?
A. Upang ito ay maging makulay
B. Upang maging maganda ang mapa
C. Upang mas maintindihan ang halaga ng mapa
D. Upang mas maging madali ang paghahanap sa lugar

Para sa bilang 4-5.Pagmasdan ang mapa ng Rehiyon 2.


Sagutin ang tanong at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_______4. Kung ikaw ay nasa Cagayan at ikaw ay patungong pahilaga,


anong lalawigan ang iyong mapupuntahan?

A. Isabela B. Quirino C. Batanes D. Nueva Vizcaya

______5. Anong direksiyon makikita ang lalawigan ng Batanes sa mapa ng


rehiyon 2?
A. Timog b. Hilaga C. Silangan D. Kanluran

(Para bilang 6-10)


II. PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag na datos tungkol sa
kabuuang sukat at bahagi ng populasyon ng mga lalawigan sa Rehiyon-II.
Isulat ang LETRA ng tamang sagot sa patlang.

KABUUAN

______6. Anong lalawigan ang may pinakamalaking populasyon?


A. Batanes B. Cagayan C. Isabela D. Quirino

______7. Anong lalawigan ang may kabuuang populasyon na 1,199,320 ayon sa 2015
Census of Population?
A. Cagayan B. Batanes C. Nueva Vizcaya D. Isabela

_______8. Ayon sa talaan ng 2015 Census,ilan ang populasyon ng lalawigan ng


Quirino?
A. 17,246 B. 452,287 C. 188,991 D. 1,593,566

______9. Anong lalawigan ang may kapital na Tuguegarao?


A. Batanes B. Cagayan C. Isabela D. Quirino

_______10. Ilan ang kaubuuang populasyon ng Rehiyon 2 ayon sa datos ng 2015


Census of Population ?
A. 3,000,000 B. 3,415,410 C. 4,415,000 D. 1,000, 415
III.Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.

________11. Alin sa mga sumusunod ang makikita sa lalawigan ng Cagayan?


A. Magat Dam B. Bulkang Iraya C. Bulkang Didicas D. Victoria Cave

________12. Gustong pasyalan ng magkakaibang Lina, Matet at Roy ang


napakagandang kweba sa lalawigan ng Qurino,alin dito ang kwebang
makikita sa lalawigan?
A. Aglipay Cave B. Callao Cave C. Bulusan Cave D. Tabon Cave

________13. Anong Talon ang makikita sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na


pinupuntahan ng maraming turista?
A. Talon ng Dibulo B. Blue Waterfalls
C. Talon ng Imugan D. Bukal sa Baggao

________14. Anong ilog ang nag-uugnay sa mga lalawigan ng Cagayan, Nueva


Vizcaya, Quirino at Isabela?
A. Ilog Cagayan B. Ilog Pasig C. Ilog Addalem D. Ilog Casecnan

_________15. Paano maipakikita ng mga lalawigan ang pagtutulungan para


mapanatili ang yaman ng kabundukan?
A. magkaingin
B. patayin ang mga hayop
C. magtanim ng maraming puno
D. lagyan ng dinamita ang bundok para patagin

________16. Ang bahay nila Jenny ay nakatirik sa mataas na bahagi ng anyong lupa.
Dito ay nagtatanim ng iba’t- ibang halamang ugat ang kaniyang mga
magulang. Tuwing tag-ulan lumalambot ang lupang kinatitirikan ng
kanilang bahay.Anong kalamidad mapanganib ang mararanasan nila?
A. pagguho ng lupa B. sunog C. baha D. tsunami

________17. Anong lugar ang may pinakamalaking antas ng paglindol?


A. malayo sa fault line B. malapit sa fault line
C. eksakto ang layo sa fault line D . masyadong malayo sa fault line

_________18. Anong ahensiya ng gobyerno ang naninigurado sa proteksiyon at


kabutihang panlahat ng mga mamamayan ng bansa lalo na sa mga
kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol, tsunami at iba pang mga
sakuna?
A. NDRMMC B. PAGASA C. DEPED D. DOH

_________19. Umulan nang malakas sa lugar nila Maria sa Barangay Centro, anong
panganib ang maidudulot nito?
A. baha B. lindol C. sunog D. pagguho ng lupa

_________20. Gustong malaman ni Jose ang mga lugar na mapanganib sa iba’t- ibang
kalamidad gaya ng lindol, pagguho ng lupa,pagbaha at pagsabog ng
bulkan,aling sa mga sumusunod na uri ng mapa ang sanggunian niya?
A. Political Map B. Hazard Map C. Economic Map D. Tourist Map

_________21. 1. Ano ang makukuha natin sa tubig?


A. mineral B. kagubatan C. yamang tubig D. yamang lupa
_________ 22. Alin ang tamang gawain sa mga sumusunod?
A. Pamumutol ng kahoy
B. Pagtatapon ng basura sa kanal
C.Paggamit ng lason sa panghuhuli ng isda.
D. Pagtatanim ng puno pamalit sa mga pinutol

________23. Saan dapat itapon ang inyong mga basura?


A. sa ilog B. sa dagat C. sa basurahan D. kahit saan mo gusto

________24. Bakit kailangang gumamit ng katamtamang laki ng lambat ang mga


mangingisda?
A. Upang makahuli agad ng isda
B. Kagustuhan ng mga mangingisda
C. Upang makahuli ng maraming isda
D. Upang hindi mahuhuli ang mga maliliit na isda.

_________25. Ano ang dapat gawin sa ating mga likas na yaman?


A. Hahayaan lang
B. Balewalain at hindi na makikialam
C. Pangangasiwaan nang tama at mabuti
D. Ipauubaya ang pangangasiwa sa may kapangyarihan
Para sa bilang 26-30
IV. Panuto: Ilarawan ang iba't ibang lalawigan sa sariling rehiyon. Gawing batayan
ang mapa sa mga napag-aralang pisikal na katangian ng rehiyon. Isulat
sa patlang ang letra ng tamang sagot.

dagat

________26. Saang probinsiya matatagpuan ang burol?


A. Batanes B.Quirino C. Isabela D. Nueva Vizcaya

________27. Anong kapaligiran ang bumubuo sa Nueva Vizcaya ?


A. talampas B. burol C. baybay D. bulubundukin

________28. Anong lalawigan ang dinarayo ng maraming turista dahil sa


kagandahan ng dagat?
A. Isabela B. Quirino C. Cagayan D. Batanes

________29. Ano ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao sa lalawigan ng Isabela?


A. pagmimina B. pangngisda C.pangangahoy D.pagsasaka
________30. Anong dahilan kung bakit palay ang pangunahing produkto ng mga
taga-Isabela?
A . Ang malaking bahagi ng rehiyon ay dagat.
B. Ang malaking bahagi ng rehiyon ay burol
C. Ang malaking bahagi ng rehiyon ay kagubatan
D. Ang malaking bahagi ng rehiyon ay kapatagan

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 02
Division of Tuguegarao City
Tuguegarao North District
CARITAN NORTE ELEMENTARY SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 3

Pangalan: ______________________________ Petsa:_______________

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong.Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.

______1. Anong kakayahan ang ipinapakita ng larawan?


A. pagsayaw B. pag-awit C. pag-pinta D. pag-drama

______2. Si Janice ay magaling at mahilig kumanta.Araw-araw siyang nag-eensayo


para makamit niya ang kaniyang pangarap na maging isang sikat na mang-
aawit, alin paligsahan ang pwede niyang salihan para makikilala sya bilang
mang-aawit?
A. paligsahan sa pagpinta B. paligsahan sa pag-awit
C.paligsahan sa pag-sayaw D. paligsahan sa pag-tula

______3. Ang paaralan ninyo ay magkakaroon ng patimpalak sa pagtutula at ikaw


ang inatasan ng inyong guro na sumali dahil alam niyang magaling sa
pagtutula,ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin kong ayaw ko
B. Sasabihin ko sa aking guro na mag-eensayo ako ng mabuti
C. Sasabihin ko sa aking guro ng iba na lang ang isasali
D. Sasabihin ko na mag-aabsent ako sa araw ng patimpalak

_______4. Ano ang dapat gawin sa mga talento o kakayahan na meron ka?
A. Hindi ipapakita sa ibang tao dahil nahihiya ka.
B. Ipagmayabang sa ibang tao dahil magaling ka.
C. Magsanay at ipagmalaki na may kababaang loob ang kakayahan.
D. Hindi lilinangin ang talento dahil wala naman maibibigay na maganda.

_______5. Si Arnel ay batang pilay subalit napahusay niyang gumuhit. Kung ikaw
ang nasa kalagayan niya, sasali ka bas a paligsahan sa pagguhit?
A. Oo dahil takot ako sa guro
B. Hindi dahil nahihiya ako
C. Hindi dahil baka id ako manalo
D. Oo dahil kailangang patunayan ko ang aking talent

_______6. Mahilig kang gumuhit at magpinta sa oras na walang ginagawa. Paano mo


maipakikita ang iyong kakayahan ng may pagtitiwala sa sarili?
A. Paghusayin ang sarili sa paglahok sa mga paligsahan
B. Ipagmayabang sa mga kamag-aral ang mga iginuhit sa bahay
C. Itabi ang lahat ng mga magagandang iginuhit at ipininta
D. Hindi sasali sa anumang paligsahan sa pagpipinta dahil nahihiya ka

_______7.Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka sa


pagpapakita mo ng iyong kakayahan sa maraming tao?
A. Hindi na ipagpatuloy na ipakita sa mga tao.
B. Huminga ng huminga ng malalim para mawala ang kaba.
C. Gawin ang kakayahan kahit na kinakabahan at panatilihin ang lakas ng
loob.
D. Huwag munang ipakita ang kakayahan, saka na kapag talagang mahusay
na.
______8. Ikaw ang napiling lalahok sa paligsahan sa tula ngunit isa kang mahiyaing
bata dahil sa buong akala mo na ikaw ay walang kakayahang magsalita sa
harap ng maraming tao. Ano ang gagawin mo?
A. Hihinto na lang ako sa pag-aaral.
B. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking guro.
C. Ipapasa ko ito sa aking kaklase na mahusay sa pagharap ng tao.
D. Tatanggapin ko, mag-eensayo ako araw-araw, at magiging positibo.

_______9. Magaling kang kumanta. Ikaw ay nanalo na sa mga patimpalak ng


dalawang beses, pero sa pagkakataong ito bigla kang pumiyok habang
kumakanta. Ano ang maaari mong gawin?
A. Iiyak ako ng malakas.
B. Titigil ako sa pag-awit.
C. Tatakbo ako papuntang likuran ng entablo.
D. Ipagpapatuloy ko ang pag-awit at balewalain ang isang munting
pagkakamali.

_______10. May nalalapit na paligsahan sa inyong paaralan, marunong kang umawit,


mag-arte, at gumuhit. Ano ang dapat mong gawin?
A. huwag sasabihin sa guro B. sa susunod na lang sasali
C. sasali ako ng buong tapang D. lahat ng nabanggit

_______11. Masayang ginagawa ni Jose ang kaniyang mga tungkulin sa bahay


at paaralan. Ano ang ugaling ipinapakita ni Jose?
A. Pagmamahal B. Pagiging responsible
C. Pagpapahalaga sa Gawain D. Pagwawalang bahala sa mga
Ginagawa
______12. Ano-ano ang kilos ng isang tao na may pagpapahalaga sa kaniyang
gawain?
A. Mabusisi at pihikan sa mga gawain.
B. Masaya at magaling sa kaniyang ginagawa.
C. Mas maraming oras sa mga bagay na hindi mahalaga.
D. Tamad at maraming dahilan para hindi makagawa ng mga bagay na
inihabilin sa kaniya.

________13. Malungkot si Mercy nang makita niyang mababa ang kaniyang


marka sa ginawang proyekto pero aminado siyang hindi niya
ginalingan ito. Ano ang aksiyong ipinakita ni Mercy sa kaniyang
gawain? Walang__________
A. pagtitiyaga si Mercy. B. interes sa ginagawa.
C. pagpapahalaga sa gawain. D. pakialam sa magiging resulta.
________14. Sa paaralan ay kailangan mong magdilig ng halaman tuwing umaga,
subalit niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro. Ano ang iyong gagawin?
A. Makikipaglaro ako B. Di muna ako magdidilig
C. Didiligin kong kaunti ang halaman D. Magdidilig muna ako bago
Makipaglaro
_______15. Ano ang maidudulot sa ating puso kung pinahahalagahan natin ang ating
mga ginagawa?
A. Kaba B. Kaguluhan C. Kaligayahan D. Katamaran

________16. Ang sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, aling


pahayag ang hindi kasali?
A. Pagsasabi ng totoo kahit mapagalitan
B. Pagtanggap ng pagkatalo nang may ngiti
C. Tinatanggap ang pangaral ng mga magulang
D. Tinataasan ng boses ang kaklaseng may katampuhan

________17. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakita ang katatagan ng loob sa


gitna ng pandemic?
A. Magiging makalat B. Magiging tamad
C. Magiging malinis D. Magiging palaaway

_______18. Pumipila sa canteen para makabili ng pagkain si Edgar nang biglang


sumingit sa pila si Ricky. Sa halip na magalit si Edgar, wala siyang ginawa
kundi ang hindi pagpansin sa inasal ni Ricky. Anong katangian ang
ipinakita ni Edgar?
A. Tiwala sa sarili B . Pagiging positibo
C. Pagpipigil sa sarili D. Lahat ng nabanggit

_______19.Sa paaralan ay mayroon kang kamag-aral na mayabang at naiinis ka sa


kanyang ugali. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magyabang na lang din sa kanya para matalo mo s’ya sa kayabangan
B. Humanap ng mga kakampi para malabanan ang kayabangan niya
C. Magkaroon ng pagtitimpi sa sarili at huwag pansinin ang mayabang na kamag-aral
D. Dapat lang na makaranas siya ng malakas na suntok para matigil ang kanyang yabang

________20. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng kalooban?


A. Pagtakas sa mga gawaing-bahay
B. Pagsisinungaling sa mga magulang
C. Pagiging positibo sa pagharap sa mga problema
D. Paghahamon ng away sa kaklase kapag inuunahan sa mga gawain

________21. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pangangalaga


sa sarili?

A. B. C. D.

________22. Paano maging ligtas sa panahon ng pandemic tulad ng COVID 19?


A . Maghugas palagi ng kamay bago kumain.
B . Gumala kahit saan lalo na sa mall.
C. Makisalamuha sa mga bagong dating na kaibigan.
D. Huwag makinig sa babala ng gobyerno.

________23. Ilang basong tubig ang dapat inumin lalo ang batang tulad ninyo?
A.Isang basong tubig B. tatlong basong tubig
C. anim hanggang walong basong tubig D. apat hanggang limang
basong tubig
________24. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangngalag sa sarili?
A. Tinatapon ni Ana kahit saan ang mga balat ng mga prutas.
B. Naglalaro ng tubig kanal sina Karlo at Vince.
C. Hindi ugali ni EJ na magsipilyo ng ngipin.
D. Hinuhugasan ni Katrina ang mga kamay bago kumain at pagkatapos
kumain.

________25. Bakit kailangang panatilihing malusog ang pangangatawan?


A. upang maging problema sa pamayanan
B. upang manatiling walang sigla sa paggawa
C. upang maisagawa nang maayos ang mga gawain
D. upang maging matamlay ang katawan buong maghapon

_________26. Sino sa sumusunod ang nagpapakita na may kaayusan sa loob ng


Kanilang tahanan?
A. Naglalaro si Jimmy ng video games sa loob ng kwarto.
B. Naglilinis si Jasmin sa loob ng bahay kahit hindi inuutusan.
C. Palihim na itinatago ni Roy ang mga basura kung saan saan.
D. Pinabayaan ni Ellen na magkalat ang mga kapatid.

_________27. Alin ang nagpapakita ng pagiging matiyaga sa pagsunod sa mga


tuntunin sa loob ng tahanan?
A. Iniiwan ni Roger ang higaan na hindi nailigpit.
B. Maglalaro muna si Allan bago magwalis ng bakuran.
C. Hinayaan ni Lorna na ang kanyang ate ang maglalaba tuwing Sabado.
D. Hinuhugasan kaagad ni Danny ang mga pinggan pagkatapos kumain.

_________28. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kapayapaan at kaayusan sa loob ng isang


pamilya. Alin ang hindi?
A. Iilan lamang sa mga kasapi ng mag-anak ang sumusunod sa mga
tuntuning ipinapatupad.
B. Maagang gumising ang buong mag-anak at nagtulungan sa
gawain.
C. Kusang–loob na ginagawa ng bawat kasapi ng pamilya ang mga
gawaing- bahay.
D. Masayang ginagawa ng mag-anak ang mga gawaing itinalaga sa bawat isa.

__________29. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kapayapaan sa loob ng


tahanan?
A. Gumawa lamang kung inuutusan.
B. Makipagsagutan sa mga kapatid.
C. Pagsunod nang maayos sa tagubilin ng magulang.
D. Magreklamo palagi sa mga gawain na ibibigay.

__________30. Paano mo maipapakita na ikaw ay tapat na sumusunod sa mga


tuntunin ng mag-anak?
A. Sumunod sa mga iniutos kung may perang ibibigay.
B. Pipiliin lamang ang tuntunin na kailangang sundin.
C. Sinusunod nang buong puso ang mga iniutos ng mga magulang.
D. Sundin lamang ang mga tuntunin kung nakatingin ang mga
magulang.

You might also like