You are on page 1of 6

REGION I

DIVISION OF PANGASINAN
SAN NICOLAS DISTRICT II
EAST CENTRAL SCHOOL
Ikalawang Markahang Pagsusulit
FILIPINO 3

TALAAN NG ISPISIPIKASYON

Mga Layunin Bilang ng Bilang


Araw na ng
Itinuro Aytem
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang 2 2
tula/kuwento
Nagagamit ang magagalang na pananalitasa angkop na 1 1
sitwasyonsa pagpapaliwanag
Nagagamit ang mgasalitang pamalit sa ngalanng tao 1 1
Natutukoy ang mgasalitang magkakatugma 1 1
Napapantig nangpabigkas ang mga salita 1 1
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag- 1 1
unawa sa napakinggang teksto
Nagagamit ang mgasalitang pamalit sa ngalanng tao 3 3
Napapalitan at nadadagdagan ang mgatunog upang 1 1
makabuo ngbagong salita
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nagagamit ang mgapahiwatig upang malaman ang 2 2
kahuluganng mga salita tulad ng paggamit ng
kasingkahulugan at kasalungat na mga salita
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan 1 1
ngpaggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat na salita
Nailalarawan ang mgabahagi ng kuwento 1 1
Naisasalaysay muli nangmay wastong pagkakasunod-sunod 1 1
angnapakinggang kuwento sa pamamagitan ng
pamatnubay na tanong
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa 2 2
tao, bagay, at lugar sa paligid
Kaalaman sa Limbag
Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan 1 1
ng pagtingin sa mga larawan
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng 1 1
pagtatala ngpagkakapareho at pagkakaiba
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan 1 1
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa 2 2
Pagsulat at pagbaybay
Nagagamit ang Malaki at maliit na letra at wastong bantas 1 1
sapagsulat ng salita, parirala, at pangungusap
Nagagamit ang pangkalahatangsanggunian 1 1
Nagagamit ang iba’tibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng 1 1
impormasyon
Komposisyon
Nasisipi nang wasto ang parirala at pangungusap 1 1
Nakasusulat gamit ang wastong bantas, malaki at maliit na 1 1
letra sa pagsulat
ng pangungusap
Naiguguhit o naibibigay ang mensahe ngnapakinggang 2 2
teksto
Nakasusunod sa mga panutong may 2-3hakbang 1 1
Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari 1 1
sa pamayanan
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa 1 1
pagpapaliwanag
Nababasa ang mga salitang may klaster 8 10
KABUUAN 40 40

PREPARED BY:

ALICIA R. PRADO

MA.GEZELLE R. SERNANDE

GEOFFRY P. GODOY

APPROVED : NOTED :

BARTOLOME A. CARRERA.Ed.d. MAXIMA C. BANDIOLA,Ph.D.


PRINCIPAL III DISTRICT SUPERVISOR

REGION I
DIVISION OF PANGASINAN
SAN NICOLAS DISTRICT II
EAST CENTRAL SCHOOL
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT FILIPINO 3

Pangalan:____________________________________________ Iskor:___________________________
Baitang at Pangkat:__________________________________ Guro:___________________________

Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra ng
napili mong sagot.

Ang Aming Pamayanan


Dolorosa S. de Castro
Halina’t ating balikan, malinis na kapaligiran.
Sagisag ng kaunlaran nitong ating inang bayan.
Dito matatagpuan, bayang sinilangan,
Ng bayaning Dr. Jose Rizal ang ngalan.

Mga kaminero, pulis pantrapiko, arkitekto,


Inhinyero at mga gurong dedikado
Patuloy na sumusuporta at nangangalaga
Makamit lamang kaunlarang ninanasa.

Di pahuhuli mga kapitalista, mangingisda,


magsasaka at iba pang manggagawa
Ang dito’y makikitang nakikiisa
Sa pagtataguyod ng bayang sinisinta.

1. Anong lugar ang tinutukoy sa tula?


A. Calamba, Laguna C. Luneta
B. Dapitan, Zamboanga D. Tanauan

2. Ano ang kaugaliang ipinakikita sa ikatlong saknong upang maitaguyod ang bayang
sinisinta?
A. pagsunod C. pakikiisa
B. pagsuporta D. Pangangalaga

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magalang na pagpapahayag ng kaisipan?


A. Sino ka para sabihing dapat nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng
bawat tao?
B. Masakit mang isipin subalit tama ba na igalang ang paniniwala o prinsipyo ng
bawat tao?
C. Ano ba ang dahilan at kailangan nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng
bawat tao?
D. Dapat nating igalang ang prinsipyo o paniniwala ng bawat tao upang
mapanatili ang kapayapaan.

4. Ang mga kaminero ay sumusuporta sa pagpapaunlad ng bansa. ____ rin ay


nangangalaga sa kalikasan.
A. Kami B. Nila C. Sila D. Tayo

5. Sa ikalawang saknong, ano-ano ang salitang magkasintunog?


A. arkitekto- sumusuporta C. nangangalaga-ninanasa
B. kaminero-inhinyero D. dedikado-pantrapiko

6. Ilang pantig mayroon ang salitang kapaligiran?


A.apat C. lima
B.dalawa D. Tatlo

Basahin ang kuwento upang masagutan ang mga inihandang tanong tungkol
dito.

Palaruan sa Liwasang-Bayan
Dolorosa S. de Castro
“Ang palaruang ito ay atin. Ipinagawa ito hindi para lamang sa ating kabataan
kundi sa lahat upang may mapuntahan at makapaglibang nang libre. Ang hiling ko
lamang sa inyo ay pakaingatan at alagaan ito,” wika ng
Punong-Lungsod ng Agoncillo nang pasinayaan ang bagong liwasang-bayan sa kanilang
lugar.
Tuwang-tuwa ang magkakaibigan na sina Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa
kanilang narinig. Sa wakas may palaruan na rin sa kanilang lugar. Hindi na sila tatambay
sa mall na nasa kabilang bayan upang
magpalipas ng oras.
“Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan namin ito,”ang kanilang
nasambit nang makalapit sila sa Punong-Lungsod at makakamay sa kaniya.

7. Bakit nagpasalamat ang magkakaibigan sa Punong Lungsod?


A. may bagong palaruan sa kanilang bayan
B. dumalo ang Punong Lungsod sa okasyon sa kanilang lugar
C. may inilaang pondo ang pamahalaan para sa kabataan
D. namigay siya ng tiket para sa libreng sine sa mall na malapit sa kanilang lugar

8. Nagpunta ang magkakaibigang Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa liwasang-bayan.


Natuwa ____ sa sinabi ng Punong-Lungsod. Anong salita ang angkop na ilagay sa
patlang?
A. kami B. sila C. sina D. Tayo

9. Nanguna ang Punong-Lungsod sa pagpapasinaya ng bagong palaruan. Nagbigay _____


ng mensahe para sa lahat na ingatan ang palaruang para sa lahat.
A. kami B. sila C. siya D. Tayo

10. “Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan naming ito.” Ano ang
tinutukoy ng ito sa sinabi ng mga bata kay Mayor?
A. Liwasang-Bayan C. mall
B. libreng laruan D. Palaruan

11. Kapag pinalitan ang huling pantig ng salitang libre, ano ang bagong salitang
mabubuo?
A. libri B. libro C. libru D. Liblib

12. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan. Ano ang


kasingkahulugan ng may salungguhit na salita.
A. nabalitaan B. nalaman C. napanood D. Napansin

13. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan?


A. alagaan C. makapaglibang
B. makakamay D. Mapuntahan

14. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangit sa


paningin. Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito?
A. liwasan-bayan C. maganda- pangit
B. lugar-palaruan D. palaruan-liwasan

15. Alin sa sumusunod ang huling pangyayari sa kuwentong “Palaruan sa Liwasang


Bayan?”
A. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
B. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
C. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
D. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.

16. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa?


1. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
2. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
3. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
4. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
A. 3-1-4-2 B. 1-2-3-4 C. 3-1-2-4 D. 3-2-4-1

Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong:

Kamang Puti

Nagmamadaling umuwi si Andrew sa kanilang bahay upang sabihin sa kaniyang


tatay ang isang magandang balita. Hindi niya tuloy napansin ang isang mabilis at
paparating na sasakyan.
Nasa isang puting kuwarto na nang siya ay magising. Nakahiga sa isang kamang
puti at may kumot pang puti sa kaniyang katawan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata
at naaninag ang isang babaeng nakaputi rin ng suot.
Kakalabitin na niya ang babaeng nakaputi nang biglang pumasok ang pawisan at
takot na takot niyang tatay.
“Tatay, nasa langit na ba ako?”
“Naku hindi. Naandito ka sa ospital.”
Lumapit ang nars kay Andrew at iniabot ang isang maliit na kahon. Binuksan niya
ito at kinuha ang laman.
“Tatay, para sa iyo ang medalyang ito. Nanalo po ako sa paligsahan sapagguhit.”
Hindi napigilan ni Mang Ramon ang kaniyang luha at napayakap siya nang
mahigpit sa kaniyang anak na nakahiga pa rin sa kamang puti.

17. Sino ang batang lalaki sa kwento? ____________________________________________


18. Bakit siya nagmamadali?_____
________________________________________________________
19. Ano sa palagay mo ang nangyari sa kanya?
___________________________________________
20. Ano ang nais niyang ipakita sa kanyang ama?________________________________________

Lagyan ng √ kung magkatugma ang mga salita at x naman kung hindi.


____21. Bangka - langka
____22. Buto - multo
____23. Hangin - langis
____24. Mangga - hanggan
____25. Papel - mantel
____26. Lamok - alikabok
____27. Pinto - ginto
____28. Lata - ama
____29. Bentilador - aparador
____30. Kendi - sando

Hanapin ang lahat ng salitang may klaster sa talata. Isulat ang mga ito sa mga
guhit sa ibaba.

Maaga kaming nagpunta sa plasa. May paligsahan ng mga larong Pilipino. Magaling si
Brando at Clarissa. sa larong sipa. Ang grupo ng mga kabataang babae ay magaling sa
volleybal. Praktisado sila talaga. Mahaba ang mga braso nila. Ang galing pumalo ng bola
ng mga mag-aaral ng Katrina Family School. Nasa blusa nila ang tatak ng kanilang
paaralan kaya nakilala ko sila. May mga dyanitor silang kasama, tagapagbigay ng katas
ng sariwang prutas para hindi sila manghina. Iyan ang mga kabataang Pilipino,
magagaling talaga!

31._____________________
32._____________________

33._____________________

34._____________________

35._____________________

36._____________________

37._____________________

38._____________________

39._____________________

40._____________________

PREPARED BY:

ALICIA R. PRADO

MA.GEZELLE R. SERNANDE

GEOFFRY P. GODOY

APPROVED : NOTED :

BARTOLOME A. CARRERA.Ed.d. MAXIMA C. BANDIOLA,Ph.D.


PRINCIPAL III DISTRICT SUPERVISOR

You might also like