You are on page 1of 5

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON SA ARALING PANLIPUNAN 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


S.Y. 2022-2023

Learning No. No. of Item Specification


Competencies of Items % of (Type of Test and Placement)
(with Code) Days Items R U Ap An E C
Nasusuri ang kasaysayan ng
kinabibilangang rehiyon 9 8 22.5 1-8
AP3KLR- IIa-b-1
Natatalakay ang mga pagbabago at
nagpapatuloy sa sariling
lalawigan at kinabibilangang 3 4 7.5 9-10 11 12
rehiyon
AP3KLR- IIc-2
Naiuugnay sa kasalukuyang
pamumuhay ng mga tao ang kwento
ng mga makasaysayang
pook o pangyayaring 10 13 14 15
4 3
nagpapakilala sa sariling lalawigan
at ibang panglalawigan ng
kinabibilangang rehiyon
AP3KLR- IId-3
Natatalakay ang kahulugan ng ilang 16,18,
simbolo at sagisag ng sariling 17,19,
9 9 22.5 21,22,
lalawigan at rehiyon 20,24
AP3KLR- IIe-4 23
Natatalakay ang kahulugan ng
“official hymn” at iba pang sining
na nagpapakilala ng sariling 5 12.5 25-26
2
lalawigan at rehiyon
AP3KLR- IIg-6
Napahahalagahan ang mga
naiambag ng mga kinikilalang
bayani at mga kilalang mamamayan 5 2 12.5 27-28
ng sariling lalawigan at rehiyon
AP3KLR- IIh-i-7
Nabibigyang-halaga ang
katangitanging lalawigan sa 12.5 29 30
5 2
kinabibilangang rehiyon
AP3KLR- IIj-8
40 30 100%

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
GORDON HEIGHTS II ELEMENTAY SCHOOL
Blk. 19 Long Road, Gordon Heights, Olongapo City, Zambales

IKALAWANG
MARKAHANG
PAGSUSULIT
Pangalan: ______________________________ Pangkat/Baitang: ________________
ARALING
Guro: __________________________________Petsa:
PANLIPUNAN 3 _____________ Iskor: ________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang
sagot at ilagay sa patlang bago ang bilang.

____1. Ang kapistahan na ito ay kilala sa Olongapo, Zambales


a. Coco-Sabutan Festival
b. Kanlahi Festival
c. Pawikan Festival
d. Ulo ng Apo Festival

____2. Saang lalawigan kilala ang Singkaban Festival?


a. Bataan b. Bulacan c. Tarlac d. Zambales

____3. Anong lalawigan sa rehiyon III ang mayroong kapistahan na Dinamulag Festival?
a. Bataan b. Bulacan c. Tarlac d. Zambales

____4. Anong bagay ang nererepresenta ng lalawigan ng Pampanga sa Kapistahan ng


Ligligan Parul?
a. agimat b. bulaklak c. asarol d. Parol

____5. Anong salita na nangangahulugang sumamba na pinagmulan ng pangalang Zambales?


a. Ambala b. Bales c. Zambal d. Zams

____6. Sinong bayaning Pilipino ang ipinanganak sa lalawigan ng Bulacan?


a. Andres Bonifacio b. Gregorio Del Pilar
c. Jose Rizal d. Apolinario Mabini

____7. Sa anong salita hinango ang pangalan ng lalawigan ng Tarlac?


a. Alaklak b. Malatarlak c. Tarlakan d. Tarsak

____8. Sa kanya isinunod ang pangalan ng lalawigan ng Aurora at siya rin ang asawa ng
dating pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon.
a. Aurora Aragon b. Aurora Villar c. Aurora Sibal d. Aurora Pis

____9. Kilala ang lalawigan na ito sa matatamis nitong mga bunga ng mangga. Ang
kanilang pangunahing ikinabubuhay ay mula sa agrikultura katulad ng
pangingisda at pagtatanim.
a. Aurora b.Nueva Ecija c. Pampanga d. Zambales

____10. Anong siyudad ang nakapaloob sa lalawigan ng Zambales ngunit mayroong sariling pamamahala
sa nasasakupan?
a. Castillejos b. Iba c. Olongapo d. San Felipe
____11. Ano ang ipinapakitang mga pagbabago sa iyong lalawigan sa kinabibilang
rehiyon?
a. umuunlad ang lalawigan
b. nananatili ang dating kalagayan ng lalawigan
c. naghihirap lalo ang lalawigan.
d. wala itong epekto sa lalawigan

____12. Nagmula ang pangalang Bataan kay Vatan na pinaniniwalaang isang


matapang at makisig na pinuno ng katutubo na may magandang katangian at
pagmamahal sa kanyang nasasakupan. Anong katangian mayroon si Vatan na
maihahalintulad sa kasalukuyan?
a. pagmamahal sa kanyang bayan
b. pagmamahal sa kanyang sinisinta
c. hindi malupit sa mga katulong
d. pagkamuhi sa kanyang mga kaaway

____13. Ano ang naganap noong Abril 9, 1942 sa Bataan na tinawag na Death March?
a. Sapilitang pinalakad ang mga sundalong Amerikano at Pilipino.
b. Binaril at pinasabog nang sama-sama ang mga Amerikanong Sundalo.
c. Nagmarcha ang mga sundalo ng hapon sa harap ng mga Pilipino at
Amerikano.
d. Sinuyod ang gubat at sumakay ng barko ang mga sundalong hapon upang
hindi makita ng mga sundalong Amerikano.

____14. Ang pagkakaroon ng rehiyon III ng ibat-ibang pangyayari sa nakaraan na


kinapulutan ng aral at mga gawain na nananatiling buhay sa kasalukuyan ay tanda
ng_____________.
a. malungkot na buhay ng mga tao sa Pilipinas
b. mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas
c. masisispag at mababait na Pilipino
d. masipag at marangal na indibidwal

____15. Sa tuwing bumibisita o napapadaan si Jose sa mga makasaysayang lugar sa


Pilipinas ,katulad ng Barasoain Church sa Bulacan ay sinusunod niya ang mga
patakaran at alituntunin sa mga ito upang mapanatili ang kagandahan at
kaayusan. Anong katangian ang ipinapakita ni Jose.
a. Siya ay magalang na bata.
b. Si Jose ay masayahing bata.
c. Siya ay disiplinado at masunurin.
d. Napakabuti ng puso ni Jose.
____16. Anong lalawigan ang nagpapakita ng istruktura ng isang simbahang katoliko sa
simbolo o sagisag nito?
a. Bataan b. Bulacan c. Tarlac d. Zambales

____17. Ano ang sinisimbolo ng angkla ng barko na kulay asul sa simbolo o sagisag ng
lalawigan ng Zambales.
a. Maraming lumobog na barko noong digmaan dito.
b. Mayroong malalaking industriya ng mga barko dito.
c. May mga angkla na nakabaon sa ilalim ng lupa.
d. Naisipan lamang na ilagay sa logo bilang disenyo.
____18. Ito ay ang sumasagisag ng katapangan at katatagan ng loob ng mga taga
Zambales na makikita sa simbolo o sagisag nito.
a. martilyo b. kulay pula c. kulay asul d. kutsilyo

____19. Ang mga kabundukan sa Zambales ay sumasagisag sa _______________.


a. mayamang mga kabundukan at matatabang mga lupain
b. maraming taong nagpuputol ng mga puno upang gawing uling
c. umaakyat na mga tao upang maglakbay sa tuktok
d. masisipag na Pilipinong nagtatanim sa mga kabundukan

____20. Ang kulay asul sa simbolo ng Zambales ay sumasagisag sa_______________.


a. karahasan
b. kasaganahan
c. kaguluhan
d. kapayapaan

____21. Anong lalalawigan sa rehiyon III ang mayroong larawan ng kalabaw na


nakalagay sa sagisag o simbolo nito?
a. Bataan b. Bulacan c. Tarlac d. Zambales

____22. Ilang simbolo ng mga lalawigan mayroon ang rehiyon III?


a. lima b. anim c. pito d. walo

____23. Ilang mga bituin ang matatagpuan sa sagisag o simbolo ng Aurora?


a. lima b. anim c. pito d. walo

____24. Ano ang sinisimbolo ng walong sinag sa simbolo o sagisag ng Aurora?


a. sumasagisag sa walong bayan nito.
b. sumasagisag sa walong bayaning pinatay.
c. sumasagisag sa walong bayan na patuloy sa pag-unlad.
d. sumasagisag sa mga uri ng hayop na matatagpuan sa lugar

____25. ‘’Sa dakong kanluran dama ang____________.’’ Ano ang kulang sa isang parte sa
liriko ng Himno ng Zambales?
a. kapayapaan b. kaunlaran c. kahusayan d. katatagan

____26. Ano ang tawag sa katutubong sayaw na sinasayaw ng mga katutubong Aeta sa
Olongapo, Zambales at sa iba pang parte nito sa tuwing may mga pagdiriwang?
a. Dayang-dayang b. Talipi c. Cha-cha d. Waltz

____27. Siya ang dating pangulo ng Pilipinas na ipinanganak sa lalawigan ng Zambales.


a. Elpidio Quirino b. Manuel Quezon
c. Ramon Magsaysay d. Rodrigo Duterte

____28. Ito ang mga mahahalagang pangyayari sa isang lugar ng isang lalawigan o
rehiyon.
a. bayani b. kuwento c. sagisag d. kasaysayan

____29. Ang mangga, niyog, gulay, at palay ay mga halimbawa ng na matatagpuan sa


bawat lalawigan.
a. simbolo b. negosyo c. kuwento d. produkto

____30. Ano ang dapat gawin sa mga natatanging bagay o katangian na nagpatanyag
o nagpapakilala sa lalawigan o rehiyon?
a. isama sa kasaysayan c. ipaubaya sa pamahalaan
b. ipaalam sa kamag-anak d. iwanan sa mga matatanda

Prepared by: Joshua M. Go/T- I

Checked by: Andrea Galiza/MT-I

Approved by: Aurora S. Luna/Principal III

You might also like