You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 4
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
DOMAINS
Blg.
Pamantayan sa Blg ng Type
ng %
Content Pagkatuto Aytem R U A A E C s of
Araw
Test
Pagsagot sa mga 1. Nasasagot ang
Tanong mula sa mga tanong mula
Napakinggan/ sa napakinggan at #
Nabasang Alamat, nabasang alamat, 1,2
2 5 2
Tula at Awit tula, at awit
F4PN-IIf-3.1 (F)
F4PN-IIIb-3.1
F4PB-IVb-c-3.2.1
Wastong 2. Naisusulat nang
Pagbabaybay ng wasto ang baybay
mga Salita ng salitang #
natutuhan sa 3,4
aralin; salitang 2 5 2
hiram; at salitang
kaugnay ng ibang (C)
asignatura
F4PU-IIa-j-1
Pagbibigay Hinuha 3. Nakapagbibigay
sa Kalalabasan ng ng hinuha sa
#
mga Pangyayari sa kalalabasan ng
5,6
Napakinggang mga pangyayari sa 2 5 2
Teksto napakinggang
(M)
teskto
F4PN-IIb-12
Gamit ng Pang-uri 4. Nagagamit nang
wasto ang pang-uri
(lantay,
paghahambing,
pasukdol) sa #
paglalarawan ng 7,8
2 5 2
tao, lugar, bagay at
pangyayari sa (M)
sarili, ibang tao at
katulong sa
pamayanan
F4WG-IIa-c-4
Kahulugan ng mga 5. Naibibigay ang
Salitang Pamilyar at kahulugan ng mga
Di-Pamilyar salitang pamilyar # 9,
at di-pamilyar 10
2 5 2
pamamagitan ng
pag-uugnay sa (C)
sariling karanasan
F4PT-IIb-1.12
Kahulugan ng mga 6. Nahuhulaan ang 1 2.5 1 #
Salitang Pamilyar at maaaring 11
Di-Pamilyar mangyari sa teksto
gamit ang dating
karanasan/kaalama
(M)
n
F4PB-IIa-17
Ang Paksa ng 7. Naibibigay ang #12
Napakinggang paksa ng ,
Teksto napakinggang 2 5 2 13
teksto
F4PN-IIc-7 (M)
Ang uri ng Pandiwa 8. Nagagamit ang
ayon sa panahunan uri ng pandiwa
#
sa pagsasalaysay ng ayon sa panahunan
14,
nasaksihang pang - sa pagsasalaysay
2 5 2 15
yayari ng
nasaksihang
(C)
pangyayari
F4WG-IId-g-5
Sanhi at Bunga 9. Nasasabi ang
sanhi at bunga
ayon sa nabasang
#
pahayag,
16,
napakinggang
2 5 2 17
teksto, at
napakinggang ulat
(M)
F4PB-IIdi-6.1
F4PN-IIi-18.1
F4PN-IIIi-18.2
Timeline Tungkol 10. Nakasusulat ng
#
Sa Mga Pangyayari timeline tungkol sa
18
Sa Binasang Teksto mga pangyayari sa 1 2.5 1
binasang teksto
(F)
F4PU-IIc-d-2.1
Pagkakasunod- 11. Naisasalaysay
Sunod ang Nakalap nang may tamang #19
na Impormasyon pagkakasunod-
mula sa Napanood sunod ang nakalap 1 2.5 1 (M)
na impormasyon
mula sa napanood
F4PD-IId-87
Mga Elemento ng 12. Nailalarawan
#
Kwento ang elemento ng
20,
kuwento (tagpuan,
2 5 2 21
tauhan, banghay,
at pangyayari)
(C)
F4PN-IIe-12.1
Katangian ng mga 13. Nailalarawan
Tauhan ng Kuwento ang tauhan batay
#22
sa ikinilos, ginawi,
1 2.5 1
sinabi at naging
(C)
damdamin
F4PS-IIe-f-12.1
Pagkakasunod- 14. Nagagamit ang 2 5 2 #
sunod ng mga iba’t ibang uri ng 23,
Impormasyong panghalip 24
Napanood o (pamatlig) -
Napakinggan Patulad (C)
pahimaton paukol
- Paari panlunan
paturol sa usapan
at pagsasabi
tungkol sa sariling
karanasan
F4WG-If-j-3
Salita-Larawan at 15. Natutukoy ang
Kahulugan kahulugan ng
#25
salita batay sa
1 2.5 1
ugnayang salita-
(C)
larawan
F1PT-Iib-f-6
Gamit ng Panagano 16. Nagagamit ang
ng Pandiwa pangaano ng
pandiwa-pawatas- #
#26
pautos, 27
2 5 2
pagsasalaysay ng
(M)
napakinggang (F)
usapan
F4WG-IId-g-5
Gamit ng Panagano 17. Nakasusunod
#28
ng Pandiwa sa nakasulat na
1 2.5 1
panuto
(C)
F4PB-IIi-h-2.1
Gamit ng Panagano 18. Nakasusulat ng
#29
ng Pandiwa panuto gamit ang
1 2.5 1
dayagram
(M)
F4PU-IIf-2
Pagsasabi ng Paksa 19. Nasasabi ang
ng Napanood na paksa ng napanood #30
Maikling Pelikula na maikling 1 2.5 1
pelikula (C)
F4PD-II-f-5.2
Pagbibigay ng 20. Naibibigay ang
Wakas sa sariling wakas ng #31
Napakinggan/ napakinggang ,
Nabasang Teksto at teksto, tekstong 2 5 2 32
Talambuhay/Liham pangimpormasyon
at talambuhay (M)
F4PN-IIg-8.2
Pagsusuri sa 21. Nasusuri ang #
Damdamin ng mga damdamin ng mga 33,
Tauhan tauhan sa 2 5 2 34
napanood
F4PD-II-g-22 (M)
Wastong Gamit ng 22. Nagagamit
#
Pandiwa, Pang-abay nang wasto ang
35,
at Pang-uri pang-abay sa
2 5 2 36
paglalarawan ng
kilos
(C)
F4WG-IIh-j-6
Pagtukoy sa mga 23. Natutukoy ang
Sumusuportang mga
Detalye sa Nabasang sumusuportang #
Teksto detalye sa 37
1 2.5 1
mahalagang
kaisipan sa (M)
nabasang teksto
F4PB-IIh-11.2
Wastong Gamit ng 24. Nagagamit
Pandiwa, Pang-abay nang wasto ang
#38
at Pang-uri pang-abay at
1 2.5 1
pandiwa sa
(M)
pangungusap
F4WG-IIh-j-6
Wastong Gamit ng 25. Nagagamit 2 5 2 #
Pandiwa, Pang-abay nang wasto ang 39,
at Pang-uri pang-abay at pang- 40
uri sa pangungusap
F4WG-IIh-j-6 (C)
100
TOTAL 40 %
40 6 18 6 6 4 0

Prepared by:

RIALYN D. PERLADO
Teacher I

FILIPINO 4
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

Pangalan:____________________________ Iskor:_____________
Baitang/Pangkat: ________________________ Guro:______________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay o lugar. Ito ay maaaring totoong bahagi ng kasaysayan o
kathang-isip lamang. Ano ang tawag dito?
A. tula B. awit C. alamat D. pabula
2. Ito ay nagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ano ang tawag
dito?
A. awit B. alamat C. pabula D. tula
3. Tama ang pagkakabaybay ng mga sumusunod na salita, MALIBAN sa isa, alin dito?
A. reservoir B. workshop C. kauliflower D. zigzag
4. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita ang tama ang pagkakahiram at pagbabaybay dito?
A. jogging – dyadying C. videotape - videoteyp
B. pizza – piza D. south - timog
5. Pangingisda ang hanapbuhay ng mag-amang Rick at Carlo. Sa kabila ng masungit na panahon ay pumalaot pa rin
ang mag-ama. Ano ang maaaring susunod na mangyayari?
A. Maraming mahuhuling isda ang mag-ama.
B. Malalagay sa panganib ang kanilang buhay banta ng masungit na panahon.
C. Lalaki ang kanilang kita sa pangingisda dahil masungit ang panahon.
D. Maraming lulutuing isda ang mag-anak ni Mang Rick at Carlo.
6. Si Aling Rosa ay hindi sumusunod sa batas. Palagi niyang sinusunog ang mga plastik, damo, papel at iba pang
basura sa kanilang bahay. Ano ang maaaring susunod na mangyayari?
A. Palaging malinis ang kanilang bahay.
B. Ipagmamalaki siya ng kaniyang mga kapitbahay.
C. Gagayahin siya ng kaniyang mga kapitbahay.
D. Maaari siyang madakip at makulong sa paglabag sa batas.
7. Piliin ang tamang pang-uri na bubuo sa pangungusap na nasa ibaba.
Si Joshua ay sa kanyang mga kaibigan.
A. mapagbigay B. mas mapagbigay C. pinakamapagbigay D. napakabigay
8. Piliin ang tamang pang-uri na bubuo sa pangungusap na nasa ibaba.
ang huling isda ni Mang Islaw kaysa kay Mang Tino.
A. Malaki B. Mas malaki C. Pinakamalaki D. Kasinglaki
9. Dahil sa pandemyang ating nararanasan, tayo ay namumuhay sa new normal.
Ano ang kahulugan ng new normal?
A. makabagong paraan sa pagtakbo ng pamumuhay
B. tradisyunal na paraan sa pamumuhay
C. paulit-ulit na paraan ng pamumuhay
D. makalumang paraan ng pamumuhay
10. Pinag-aaralan namin sa Matematika ang tungkol sa decimal.
Ano ang ibig sabihin ng decimal?
A. isang operasyon sa ginagamit sa Matematika
B. tuldok na makikita sa mga bilang
C. tumutukoy sa proper fraction na may denominator na sampu
D. tumutukoy sa sagot ng Division
11. May dalang mainit na kape sa mangkok ang nanay ni Lorna. Biglang nasagi ito ng kapatid niyang tumatakbo.
Hulaan mo ang susunod na mangyayari. Piliin ang iyong sagot.
A. Maaaring mabuhusan ng mainit na kape ang kapatid niya.
B. Titimplahan niya muli ng kape ang nanay niya.
C. Magtitimpla muli ang nanay niya ng kape.
D. Pagagalitan ang kapatid.
12. Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay ginagawa na
muna niya ang kanyang takdang-aralin. Tumutulong din siya sa gawaing bahay kaya naman tuwang-tuwa ang
kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal
na anak.
Ano ang paksa ng tekstong binasa?
A. Ang magagandang ugali ni Leslie C. Ang paglalaro ni Leslie
B. Ang pag- aaral ni Leslie D. Ang takdang aralin ni Leslie
13. Pinakaaabangan ng mga tao sa Pilipinas ay ang kapistahan sa bawat lugar. Iba't ibang tradisyon ang iyong
makikita. Hindi mawawala ang paghahanda ng masasarap na pagkain. Ang iba ay dumarayo pa upang makikain at
makipiyesta. May mga palaro at palabas na inihahanda upang maging masaya ang Kapistahan.
Ano ang paksa ng tekstong binasa?
A. Pinakaaabangan ng mga Pilipino C. Handaan tuwing Pista
B. Mga palaro tuwing Pista D. Iba’t ibang Tradisyon Tuwing Pista
14. Ang costume ay ko bukas.
Piliin ang pandiwang nasa tamang aspekto upang mabuo ang pangungusap.
A. dinala B. dinadala C. dadalhin D. dadala
15. ni Mang Julian ang sirang telebisyon namin kahapon.
Piliin ang pandiwang nasa tamang aspekto upang mabuo ang pangungusap.
A. Inayos B. Inaayos C. Aayusin D. Mag-aayos
16. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog. Ano ang SANHI sa pangungusap?
A. Namatay ang mga isda C. ang mga isda
B. marumi ang tubig D. dahil marumi ang tubig sa ilog
17. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Ano ang BUNGA sa
pangungusap?
A. kaya sa kaunting pag-ulan C. kaya umaapaw ito
B. marami ang nagtatapon ng basura D. basura sa ilog
18. Ito ay isang grapikong representasyon na nagpapakita ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Ano ang tawag
dito?
A. graphic organizer C. table
B. timeline D. iskedyul
19. Piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

A. 4 1 2 3 5
B. 4 3 2 1 5
C. 1 2 3 4 5
D. 2 3 4 1 5
20. Isang araw, habang papunta si Mang Kardo sa kaniyang bukid may nakita siyang isang matanda na humihingi ng
pagkain. Ibinigay niya agad ang kaniyang dalang baong pagkain.
Ano ang ipinakitang ugali ni Mang Kardo sa kuwento?
A. matulungin B. mayaman C. palakaibigan D. makasarili
21. Tuwang-tuwa si Mang Kardo at marami siyang naaning palay. Malaking tulong ito sa kaniyang pamilya lalo na
sa kaniyang anak na magkokolehiyo sa darating na pasukan.
Ilarawan kung bakit tuwang-tuwa si Mang Kardo.
A. makakapagkolehiyo na ang kanyang anak
B. agad siyang makakauwi
C. masiglang pinagmamasdan ang paligid
D. marami siyang naaning palay
22. Huwag na huwag ka ng babalik kahit kailan!
Ano ang damdaming ipinapakita ng nagsasalita?
A. masaya B. galit C. malungkot D. nagtataka
23. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit (ito, iyan, iyon)?
Ano ang tamang panghalip na pamatlig ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. ito B. iyan C. iyon D. diyan
24. Luis, _________ ang lunch box na naiwan sa mesa. Nakasulat ang pangalan mo.
Ano ang tamang panghalip na paari ang gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. akin B. kanya C. amin D. iyo

25. Nang dahil sa mga pabrika, lumala ang sa hangin at katubigan.


Kumpletuhin ang pangungusap batay sa larawang ipinapakita.
A. usok B. polusyon C. dagat D. luminis
26. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pautos?
A. Pakibigay kay Tatay ang bagong diyaryo.
B. Pakisabi kay Nanay na narito na ang bisita.
C. Pakiabot po ang bayad ko sa drayber.
D. Diligan mo ang mga halaman sa bakuran.
27. Tuwing ika-12 ng Hunyo ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan.
Ano ang panagano ng pandiwang nasalungguhitan?
A. pautos B. paturol C. pasakali D. pawatas
28. Alin ang panuto na dapat sundin kapag nasa loob ng silid-aklatan?
A. Makipag-usap sa katabi. C. Magbasa ng tahimik.
B. Kumuha ng maraming aklat. D. Maglaro sa loob ng slid-aklatan.
29. Gumuhit ng bilog sa loob ng parisukat.
Alin ang tamang larawan?

A. B. C. D.
30. Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at anak. Ito ang pinakamaliit na yunit ng isang lipunan. Ang ama ang haligi
ng tahanan at ang ina naman ay ang ilaw ng tahanan. Ang mga anak ay tungkuling mag-aral nang mabuti at
tumulong sa tahanan.
Ano ang paksa?
A. Ang Ana at Ina C. Ang Pamilya
B. Ang mga Anak D. Ang Tungkulin ng Anak
31. Ibigay ang wakas ng kuwento.
Galing sa tindahan si Terry. May nakasalubong siyang isang marungis na bata na kasa-kasama ang kaniyang maliit
na kapatid. Ilang araw na raw silang hindi kumakain.
A. Nanonood ng TV ang buong mag-anak at masayang kumakain.
B. Binigyan ni Terry ng pagkain ang marungis na bata at nagpasalamat ito sa kanya.
C. Nawala ang kanyang pitaka.
D. Bumili si Terry at umuwi kaagad.
32. Ibigay ang wakas ng kuwento.
Si Marina ay isang batang ulila. Bata pa siya ay namatay na ang kaniyang mga magulang sa isang aksidente. Kaya
nga’t siya ay kinupkop ng kaniyang tiyahin na walang anak.
A. Si Marina ay itinuring na anak at pinag-aral ng kanyang Tiya.
B. Nahulog si Marina sa tulay.
C. Nakita ni Marina ang alaga niyang aso.
D. Lumayas si Marina at nawala.
33. “Dapat nag-aral na lamang ako kagabi nang di ako nahihirapan ngayon," wika ni Sam.
Ano ang damdamin ng tauhan na nagsasalita?
A. pagsisisi B. paghanga C. pagrereklamo D. pagkagalit
34. "Wala pa si Jay. Malakas ang ulan pa naman ang ulan ngayon," wika ni Nanay.
Ano ang damdamin ng tauhan na nagsasalita?
A. pagtatampo B. pagkatuwa C. panghihinayang D. pag-aalala
35. _______ na binigkas ni Lance ang kanyang talata kaya't naintindihan ng lahat.
Ano ang tamang pang-abay na gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. Maingay B. Mahina C. Malinaw D. Mabilis
36. Nagdasal nang ________________________ ang mga tao para sa biktima ng bagyo.
Ano ang tamang pang-abay na gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. mahina B. malakas C. pasigaw D. mataimtim
37. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba't ibang kaalaman. Maaari nilang gamitin ang mga
kaalaman na ito sa kanilang mga buhay. Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa.
Piliin ang sumusuportang detalye sa teksto.
A. Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa.
B. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba't ibang kaalaman.
C. Walang kaalaman ang mga taong mahilig magbasa.
D. Iisa lamang ang nalilinang kapag nagbabasa, ito ay ang bokabularyo.
38. maglaro ang tatlong magkakapatid.
Piliin ang tamang pang-abay na bubuo sa pangungusap.
A. Madalas B. Parke C. Umaga D. Mahina
39. Kusang-loob na ibinigay ni Allan Paul ang kanyang upuan sa matanda.
Ang salitang nasalungguhitan ay isang .
A. Pandiwa B. Pang-uri C. Pang-abay D. Pangngalan
40. Mababait ang mga magulang ko.
Ang salitang nasalungguhitan ay isang .
A. Pandiwa B. Pang-uri C. Pang-abay D. Pangngalan

ANSWER KEY: FILIPINO 4


1. C
2. D
3. C
4. D
5. B
6. D
7. A
8. B
9. A
10. C
11. A
12. A
13. D
14. C
15. A
16. D
17. C
18. B
19. A
20. A
21. D
22. B
23. B
24. D
25. B
26. D
27. B
28. C
29. A
30. C
31. B
32. A
33. A
34. D
35. C
36. D
37. A
38. A
39. C
40. B

You might also like