You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 4

Pangalan:____________________________________________ Iskor:________/40_________
Baitang at Seksiyon:_____________________________Guro:__________________________________

I.Panuto: Basahin at intindihin ang bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Kayo ay naglalaro ng mga kasama mo nang biglang nasagi mo ang mga gamit ng isang batang
palakad- lakad. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Papagalitan ko siya at paharang harang siya sa daan.
C. Hihingi ako ng paumanhin at tutulungan ko siyang ayusin ang mga nahulog niyang gamit.
D. Sisigawan ko siya.
______2. Hiniram mo ang laruan ng iyong kapatid.Nasira ito ng hindi mo sinasadya. Ano ang sasabihin mo sa
iyong kapatid?
A. Itatago ko na lang ang kanyang laruan.
B. Itatapon ko agad ito para hindi niya mapansin.
C. Pagbibintangan ko ang isa kong kapatid.
D. Sasabihin ko ang totoo at hihingi ako ng paumanhin sa aking kapatid.
______3. Nagtampo sa iyo ang kaibigan mo dahil hindi ka sumipot sa kanyang kaarawan. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Humingi ng pasensya sa hindi pagpunta sa kaarawan ng kaibigan.
B. Hindi ko na lang siya papansinin.
C. Hahanap na lang ako ng ibang kaibigan.
D. Wala akong pakialam.
_______4. May nagawang kasalanan ang isa mong kaklase. Paano mo siya haharapin?
A. Isusumbong ko siya sa aking guro para siya ay mapagalitan.
B. Aawayin ko siya
C. Kakausapin ko siya nang mahinahon kung bakit ginawa niya iyon.
D. Hindi ko na lang siya papansinin.
______5. Napagsabihan ni Ana ng mga masasakit na salita si Nena. Ano ang dapat gawin ni Ana?
A. Paulit-ulit niyang gagawin ito.
B. Hihingi ng paumanhin at hindi na uulitin.
C. Hindi papansinin si Nena.
D. Wala akong pakialam sa aking mga sinabi kay Nena.
______6. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga paligsahan sa
inyong paaralan at komunidad.Gayunpaman, madalas mong marinig na may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong
gagawin?
A.Tatanggapin ko nang maluwag sa aking kalooban ang mga pintas nila at pagbubutihin ko ang aking
ginagawa.
B. Hindi ko sila papansinin.
C. Awayin ko sila.
D.Pipintasan ko rin sila.
______7. May bago kang kaklase galing sa malayong probinsiya. Nalaman mong pinipintasan ito ng mga
kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
A. Pagsasabihan ko aking mga kaklase na huwag siyang pintasan.
B. Gagayahin ko rin ang aking mga kaklase.
C. Hindi ko sila papansinin.
D. Wala akong pakialam.
______8. Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinigawan ka ng inyong kapitbahay. Hindi raw
maganda ang boses mo.Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko sila papansinin at lalakasan ko pa ang pag-awit.
B. Mas lalo kong pagbubutihin ang aking pagkanta.
C. Aawayin ko siya.
D. Wala akong pakialam
_____9. Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga pumupuna
sa iyo?
A. Kakausapin ko siya nang mahinahon at humingi ng sorry sa pagkakamaling ginawa.
B. Hahamunin ko siya ng away.
C. Babatikusin ko rin siya.
D. Hindi ko na lang siya papansinin.

______10. Napansin ka ng isang guro na maingay ka sa koridor habang may klase. Pinuna ka sa iyong maling
ginawa. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Sisimangot ako sa kanya.
C. Patuloy pa rin ako sa pag-iingay
D. Hihingi ako ng paumanhin sa aking maling ginawa.

1
II. Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat ang T kung ito ay nagpapakita ng pagtulong sa
pangangailangan sa kapwa at M naman kung hindi.
______11. Pinatuloy ni Carding sa kanilang malaking bahay ang pamilya ng kaniyang kaibigan noong
nakaraang bagyong Paeng.
______12. Namigay ng mga bigas, de lata at tubig ang mga opisyal ng barangay isang araw matapos ang
bagyo.
______13. Ipinagwalang bahala ni Allisa ang matanda na galing sa malayong lugar na humihingi ng maiinom
na tubig.
______14. Nag-abot ng tulong pinansyal sa mga taga Catanduanes ang gobernador ng Albay sa mga
nasalanta ng bagyong Paeng.
______15. Hindi pinansin ni Aling Estrella ang pagkatok ng kanilang kapitbahay noong kasagsagan ng
bagyong Paeng.
______16. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan at kaklase na magbigay tulong sa aming kabarangay na
nasunugan.
______17. Namigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng bagyo.
______18. Nakikigaya lang si Lorenzo sa namimigay na relief goods sa kanilang barangay.
______19. Bibigyan ko siya ng mga luma kong kagamitan sa pag-aaral na maari pang gamitin.
______20.Wala akong pakialam sa mga namumulot ng basura.
III. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa iyong kapwa at
ekis (x) kung hindi.

______21. Nagsasalita na agad si Ariana habang hindi pa niya pagkakataong magpaliwanag.


______22. Ginising ni Meagan ang nanay niya kahit pagod galing sa biyahe upang magpabili ng laruan.
______23. Pinakukumpuni na agad ni Gng. Cruz ang mga sirang upuan at mesa upang mapakinabangan muli
ng mga mag-aaral.
______24. Iniaabot ni Andrew ang mga kailangan ng nanay niya kapag masama ang pakiramdam.
______25. Pinapanatiling malinis ng mga mag-aaral sa Southville 1 Elementary School ang kanilang paaralan
upang maging ligtas ang lahat na pumapasok.
______26. Matiyaga kong pinapakinggan ang talumpati ng panauhing pandangal sa tuwing mayroong
palatuntunan sa aming paaralan.
______27. Hinihinaan ko ang volume ng telebisyon kapag natutulog ang mga kasama ko sa bahay.
______28. May pagsusulit ang aking kuya bukas, kaya hindi muna ako magpapatugtog.
______29. Sa kapitbahay muna ako nakikipaglaro dahil ayaw kong makaistorbo sa aking lolang maysakit.
______30. Lalapitan ko siya at dadamayan kapag nakita ko siyang malungkot.
IV. Panuto: Piliin at punan ang patlang ng tamang sagot mula sa kahon sa ibaba.
Ang (31)_____________ ay katulad din ng pagbibigay ng (32)_______________ sa kapuwa.
(33)______________________________, lalo na kung siya ay (34) ______________, atin siyang igalang.
Huwag gumawa ng ingay kapag may isang batang katulad mo na (35)______________. Kailangan niyang
maintindihang mabuti ang leksiyong kanyang pinag-aaralan. Ang pagsaalang-alang sa iba pang taong gagamit
ng bawat pasilidad ay nakatutulong upang mapanatiling maayos at malinis ang (36)___________.

Sa oras ng pamamahinga Nag-aaral maysakit


Paggalang Respeto kapaligiran

V. Panuto: Isulat sa patlang ang dapat gawin para sa mga sumusunod na sitwasyon

37. Napagsabihan ng guro ang iyong matalik na kaibigan dahil sa pagkakamaling nagawa.
_________________________________________________________________________________

38. May nakita kang matanda na namumulot ng basura at nagkataong galing ka sa palengke.
_________________________________________________________________________________

39. May nakita kang bata na umiiyak sapagkat napahiwalay siya sa mga kasama
niya________________________________________________________________________________.

40. Napansin mong hindi nagsusulat ng aralin ang katabi mong kaklase.
_____________________________________________________________________________.

Page 2
Susi sa Pagwawasto:
1. C 21. ×
2. D 22. ×
3. A 23. √
4. C 24. √
5. B 25. √
6. A 26. √
7. A 27. √
8. B 28. √
9. A 29. √
10. D 30. √
11. T 31. paggalang
12. T 32. respeto
13. M 33. Sa oras ng pamamahinga
14. T 34. maysakit
15. M 35. Nag-aaral
16. T 36-40. Pasya ng guro
17. T
18. M
19. T
20. M

You might also like