You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PANGASINAN II

DIAGNOSTIC TEST SA FILIPINO 4

Pangalan: ____________________________________________ Marka: _____________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Maraming _______________ ang nagsisimba tuwing Linggo.


A. tao B. sasakyan C. aso D. paninda

2. Sama-samang namasyal sa plaza ang pamilya ni Mang Andoy. Anong uri ng


pangngalan ang nasalungguhitan?
A. lugar B. tao C. bagay D. hayop

3. Ano ang tungkulin ng media na nagbibigay ng kasiyahan sa mga tao?


A. Pang-impormasyon C. Pang-aliw
B. Panghikayat D. Pangturo

4. Nakikinig ng radyo si Eva. Narinig niya ang balita tungkol sa kahalagahan ng


bakuna laban sa COVID 19. Anong kahalagahan ng media ang nakapaloob
dito?
A. Pang-impormasyon C. Pang-aliw
B. Panghikayat D. Pangturo

5. Kailangang ibigkis ang walis-tingting upang hindi ito magkahiwalay. Ano ang
ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan?
A. pagsamahin B. ihiwalay
B. itali D. ibuklod

6. Hindi sapat ang katiting na kahoy upang makabuo ng mesa. Ano ang
kasalungat ng salitang katiting?
A.malaki B. malawak C. maliit D. mataas

7. Aling pangungusap ang may pang-uring pahambing?


A. Sariwa ang simoy ng hangin sa bundok.
B. Napakarami palang langgam na nasa ilalim ng bato.
C. Napansin ko ang mga magagandang halaman sa may paanan ng
bundok.
D. Mas malalaki ang mga puno sa may paanan ng bundok kaysa sa nasa
bakuran namin.
8. Suriin ang mga sumusunod na salita. Alin sa mga sumusunod ang may
wastong baybay?

A. kalye C. telebisyon
B. empormasyon D. kompossisyon

9. Ang mga salitang pamilyar ay madalas na naririnig at ginagamit. Alin sa mga


sumusunod ang wastong halimbawa nito?
A. maglaro C. nagmumuni-muni
B. nag-atubili D. nasuya

10. Masipag mag-aral si Eda kahit wala siyang laptop para sa online class pero
mataas pa rin ang nakuha niyang marka. Ano ang sanhi sa
pangungusap na ito?

A. Kahit walang laptop


B. Masipag mag-aral sa Eda
C. Mataas pa rin ang nakuha niyang marka
D. Masipag mag-aral si Eda kahit wala siyang laptop para sa online class

11. Kumakain si Nel ng masusustansiyang pagkain kaya siya ay lumaking malusog


at malakas ang resistensiya. Alin ang bunga sa pangungusap?
A. Kumakain si Nel
B. Masusustansiyang pagkain
C. Kumakain si Nel ng masusustansiyang pagkain
D. Siya ay lumaking malusog at malakas ang resistensiya

12. Alin ang dapat tandaan sa pagguhit ng timeline?


A. Gawing makulay ang bawat pangyayari
B. Maaaring hindi sundin ang sunod-sunod na pangyayari
C. Isulat ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod
D. Gumamit ng iba’t-ibang guhit at bilog bilang tanda sa mga pangyayari

13. Anong elemento ng kuwento ang tungkol sa sunod-sunod na pagkakaayos ng


mga tagpo o pangyayari?
A. banghay B. pangyayari C. tagpuan D. tauhan

14. Anong elemento ng kuwento ang tumutukoy sa paligid na kinaroroonan ng mga


tauhan?
A. banghay B. pangyayari C. tagpuan D. tauhan

15. Alin ang tumutukoy sa panghalip pamatlig na paukol sa pangungusap? Doon sa


silid-aklatan ng paaralan nagsaliksik ang mga bata.
A. nagsaliksik B. paaralan C. mga bata D. Doon

16. Nandiyan sa silid ang mga aklat mo. Alin ang panghalip pamatlig na patulad sa
pangungusap?
A. Nandiyan B. mga aklat C. aklat mo D. silid

17. Aling pangungusap ang angkop na kilos sa panahunang naganap?


A. Mag-ipon si Jay ng tubig sa balde mamaya.
B. Sa katapusan ng buwan, kami ay mamamasyal sa Baguio.
C. Sasalubungin ni Jena ang tita niya sa airport sa darating na Linggo.
D. Tumawag ang tatay niya sa kanila mula sa ibang bansa noong Martes.
18. Aling pangungusap ang may angkop na pandiwang gaganapin pa lang?
A. Nakabili ka na ba ng pagkain?
B. Umidlip muna ako dahil bigla akong inantok.
C. Mamimigay sila bukas ng ayuda sa aming barangay.
D. Namigay ng mga pagkain kahapon ang kasapi ng Samahang Kapatid.

19. Aling panagano ng pandiwa ang nagtataglay ng walang kasiguraduhan sa


kaniyang pagpapahayag ng salitang kilos?
A. pasakali B. pasalaysay C. padamdam D. pawatas

20. Basahin ang teksto at tukuyin ang paksa.

Ayon sa balita, tataas na naman ang presyo ng gasolina. Tiyak na tataas din
ang presyo ng mga bilihin. Lalong maghihirap ang mga mamamayan dahil
kakapusin na naman ang kanilang badyet. Hindi nila mabibili ang lahat ng kanilang
pangangailangan. Tiyak na marami ang magugutom.

A. kakapusin ang badyet


B. marami ang magugutom
C. hindi mabibili ang mga pangangailangan
D. pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin

21. Magbigay ng hinuha sa isinasaad ng sitwasyon.


Malapit nang matuyo ang mga sinampay ng Aling Clara. Maya-maya, biglang
namuo ang makapal at madilim na ulap. Bigla ring kumidlat.

A. Uulan at mababasa ang mga sinampay.


B. Mabilis na matutuyo ang mga sinampay.
C. Kailangang labhan muli ang mga sinampay.
D. Magsasampay si Aling Clara.

22. Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Ibigay ang magiging wakas ng kuwento.
Nagpunta ang nanay sa palengke. Sinabihan niya si Lara na alagaan ang
nakababatang kapatid. Naglaro si Lara at hindi niya pinansin ang bilin ng nanay.
Nahulog ang kapatid niya sa hagdan.

A. Napilayan ang kaniyang kapatid at humingi ng tawad sa kaniyang ina.


B. May dalang pasalubong si Nanay sa kanilang magkapatid.
C. Hindi pinansin ang nahulog na kapatid.
D. Hindi na umalis ang nanay.

23. Ang sumusunod ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay


maliban sa isa.
A. nang matiyaga C. sa susunod na Linggo
B. sa loob ng simbahan D. ng katutubong produkto

24. Ang sumusunod na pahayag ay may wastong gamit ng pang-abay maliban sa


isa.
A. Tunay na mahusay maghabi ang kababaihan.
B. Kahapon nagturo ng paghahabi ang kaniyang ina.
C. Naghahabi sa iba’t-ibang lugar ang mga kababaihan.
D. Magpapakitang-turo ng paghahabi ang mga matatandang maghahabi.
Para sa bilang na 25-27, basahin ang mahalagang kaisipan sa bawat bilang at piliin
ang letra ng pinakawastong sumusuportang detalye para dito.

25. Kaisipan: May mga taong hindi gumaganap ng kanilang tungkulin sa


kapaligiran.
A. Masasaya ang mga tao.
B. Maraming hayop sa kagubatan.
C. Sariwa ang hangin sa kapaligiran.
D. Naging marumi ang mga ilog at hangin.

26. Kaisipan: Nakapipinsala sa ating kapaligiran ang illegal na pagputol ng


punungkahoy.
A. Malinis at maaliwalas ang paligid.
B. Kumikita ang negosyo ng pagputol ng mga puno.
C. Maraming mga bahay at kagamitan ang nagagawa mula sa puno.
D. Kung walang mga puno ay magiging mainit ang ating kapaligiran.

27. Kaisipan: Mababawasan ang global warming sa tulong ng mga halaman.


A. Dumarami ang carbon dioxide dahil sa mga halaman.
B. Makukuha ng mga halaman at mga puno ang carbon dioxide.
C. Pinatatamlay ng global warming ang mga tao at hayop sa paligid.
D. Pinababagal ng global warming ang paglaki ng mga halaman at puno.

28. Ang pahayag na “Mag-ingat sa sunog at sa mga taong mapagsamantala kapag


may sunog,” ay bahagi ng editoryal na ___________________.
A. Nagpapabatid C. Nagpapahalaga
B. Nagpaparangal D. Pumupuna

29. Alin sa mga sumusunod na pahayag katotohanan?


A. Ang COVID-19 ay isang nakahahawag sakit.
B. Maraming mga bata ang natutuwa sa online classes.
C. Siguro mas maganda ang pagkakaroon ng face-to-face classes.
D. Sa tingin ko, ilang taon pa ang lilipas bago magkaroon ng face-to-face
classes.
30. Ang pang-angkop sa pariralang “maawaing magulang” ay:
A. -g B. -ng C. bata D. magulang

31. Ang wastong pang-angkop sa “matulungin___ guro” ay:


A. -g B. -ng C. bata D. guro

32. Ang _________ ay nagpapahayag ng mapanuring pananaw tungkol sa mga isyu at


suliranin sa ating lipunan.
A. Balita B. Editoryal C. Newsletter D. pahayagan

33. Alin sa mga sumusunod ang mga wastong salitang ginagamit sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari?
A. Una, pangatlo, sumunod at panghuli
B. Una, pangalawa, pagkatapos at susunod
C. Una, sumunod, panghuli at pagkatapos
D. Una, pangalawa, sumunod at panghuli

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga seleksiyon at sagutin ang kasunod


na tanong.
  
Naatasan ang pangkat nina Sofia na gumawa ng album ng mga Pilipinong
naging tanyag maging sa ibang bansa. Nais ni Sofia na higit pang mapaganda ang
kanilang gawain kung kaya’t hiningan niya ng opinyon ang bawat kasapi.

34. Kung ikaw si Sofia, alin sa sumusunod na pangungusap ang iyong gagamitin
upang mahikayat silang magbigay ng mungkahi?
A. Mas mainam kung ikaw ang gagawa ng gawain.
B. Paano ba natin higit na mapagaganda ang ating gawain?
C. Ano ang puwede mong gawin upang higit na mapaganda ang ating
gawain?
D. Maaari ba kayong magmungkahi upang higit na mapaganda ang gawain?
  Nais ni Jose na pimunta sa bahay nina Paulo dahil may proyekto silang
  dapat tapusin. Lumapit siya sa isang ale at tinanong kung saan matatagpuan ang
  eksaktong lugar ng kanyang kaibigan.
 
35.  Kung ikaw si Jose, ano ang nararapat mong itanong upang malaman ang lugar
ng kaibigan?
A. Ale, maaari po bang magtanong? Alam po ba ninyo ang bahay nina
Paulo?
B. Aling ano, saan ang bahay nina Paulo?
C. Babae, saan banda ang bahay nina Paulo?
D. Miss, naliligaw ako eh, saan ba dito ang lugar nina Paulo?
 
 
  May paligsahan ng pagsayaw sa inyong paaralan. Sumali ang inyong
pangkat. Nang dumating ang araw ng palatuntunan ay napansin mong luma ang
kasuotan ng isa ninyong ka-grupo na si Mark.
  
36.  Kung ikaw ay kasapi sa pangkat nina Mark, ano ang sasabihin mo sa
kanya?
A. Puwede ba Mark, huwag ka na lang sumali sa sayaw, please.
B. Mark, ngayon na ang araw ng paligsahan, mas huhusayan natin
ang pagsasayaw.
C. Hoy! Mark, bakit naman luma ang isinuot mo? Gusto mo bang
matalo tayo?
D. Mark, di bagay sa okasyon ang luma mong damit.
 
37. Paano magiging matagumpay ang isang pagpupulong?
A. Kung may katitikan ng pulong na sinusundan
B. Kung hindi magsusulat ng katitikan ng pulong.
C. Ang pangulo ng grupo lamang ang pwedeng magsalita sa pulong.
D. Ang mga miyembro ay dapat na dumalo at makiisa sa pagpupulong.

38. Kapag ang isang miyembro ay nagmungkahi at pinagtibay ng mga kasapi, ito ay
nangangahulugan na _________________________.
A. Mabuti para sa lahat ng mungkahi
B. Mabuti para lamang sa iilan na mungkahi
C. Hindi naiintindihan kung ano ang iminungkahi.
D. Magkakaibigan ang nagpatibay ng mungkahi
E.

39 - 40 Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na panuto. Gawin ito.


A. Isulat ang iyong buong pangalan sa loob ng isang kahon.
B. Sa ibaba ng kahon na iyong iginuhit, isulat ang pangalan ng iyong
paaralan.

You might also like