You are on page 1of 9

4

Learning Activity Sheet sa Filipino


Kuwarter 3 – MELC 3
Paggamit ng Pang-abay sa
Paglalarawan ng Kilos

REHIYON VI-KANLURANG VISAYAS


Filipino 4
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - KanlurangVisayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 4

Manunulat: Danelee T. Tayco


Editor : Marth S. Tropa, Cynthia R. Tumbokon
Tagasuri : Marivic Z. Bajoyo, Lothes N. Naca, Mahnnie Q. Tolentino
Tagalapat : Jinealyn I. Tropa

Division of Aklan Management Team:


Miguel Mac D. Aposin, Ed.D., CESO V
Jose Niro R. Nillasca
Dr. Dobie P. Parohinog
Mahnnie Q. Tolentino
Marth S. Tropa
Regional Management Team:
Dr. Ramir B. Uytico
Dr. Pedro T. Escobarte, Jr.
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
MABUHAY!

Ang Filipino 4 Learning ActivitySheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Aklan at
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani- kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo


upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay
nasa kani- kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center
sa kanilangkomunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang


mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy
nating masubaybayan ang pag- unlad ng mga mag-aaral
(learner’sprogress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng


makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 3, Linggo 1c

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 3

Pangalan :_____________________________ Grado at Seksiyon:


_______

Petsa:____________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 4

Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.


F4WG-III-a-c-6

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang pang-abay (PA) ay ay mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan


sa pandiwa, pang-uri at kapuwa pang-abay. Pandiwa (PD) naman ang tawag sa
mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

Halimbawa:
Pang-abay na nagbibigay-turing sa pandiwa o salitang kilos.

1. Masusing binasa ng guro ang mga aralin.


(PA) (PD)
Ang pang-abay na masusing ay nagbibigay–turing sa pandiwang binasa.

2. Mabilis tumakbo ang kuneho.


(PA) (PD)
Ang pang-abay na mabilis ay naglalarawan sa pandiwang tumakbo.

3. Maagang nagtungo si Joel sa paaralan.


(PA) (PD)
Ang pang-abay na maagang ay naglalarawan sa pandiwang nagtungo.

III. Sanggunian

2015, Sancho C. Calatrava, et. al., Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.,
Yaman ng Lahi 4 (Batayang Aklat sa Filipino 4), Patnubay ng Guro -
pahina 182-183, Kagamitan ng Mag-aaral - pahina 111
2014, Lydia P. Lalunio, Ph.D. at Francisca G. Ril, LG&M Corporation,
Hiyas sa Wika 4, pahina 141-143
IV. Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Buoin ang mga pangungusap gamit ang mga pang-abay sa loob ng
kahon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

mayabang mabilis mabagal malinaw mahusay magiliw maingat

1. __________ na tinulungan ni Mario ang batang nadapa.

2. Ang kuya niya ay __________ kumilos.

3. May mga batang __________ na nakikipag-usap sa mga nakatatanda sa


kanila.
4. __________ magturo ang aking guro.

5. __________ na inilagay ni Mang Tomas ang mga mangga sa kahon.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga pangungusap, salungguhitan ang mga pang-abay at
bilugan ang mga pandiwang ginamit dito. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang
papel.

1. Taimtim na nagdasal ang pamilya ni Mang Berto sa simbahan.

2. Masayang namasyal ang magkakaibigan sa parke.

3. Dahan-dahang binuhat ni Aling Nena ang apong natutulog.

4. Ang malakas na ulan ay unti-unting tumila.

5. Biglang humupa ang galit ng ama sa kaniyang anak.

6. Mahusay umawit si Jenny.

7. Si Carla ay tahimik na nag-aaral sa isang sulok.

8. Magaling magsulat ng mga tula si Bb. Santos.

9. Dali-daling lumisan ang malungkot na binata.

10. Ang aso ni Marlo ay mabilis tumakbo palayo.

Gawain 3
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita sa ibaba.
Gumamit ng pang-abay sa paglalarawan ng salitang kilos o pandiwa at
salungguhitan ang mga ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. sumayaw _____________________________________________

2. pumasok _____________________________________________

3. tumalon ______________________________________________

4. kumanta _____________________________________________

5. yumakap _____________________________________________

Tandaan:

Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa


pandiwa, pang-uri, at kapuwa pang-abay. Nagiging makabuluhan ang pagkakalahad
ng isang pandiwa o salitang kilos sa tulong nito at nadadagdagan din ang
impormasiyon sa pamamagitan ng paggamit ng pang-abay sa paglalarawan ng
kilos.

V. Repleksiyon:
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa inyong kuwaderno.

1. Ano ang iyong mahalagang natutuhan sa araling ito?

2. Sa anong paraan nakatutulong ang araling ito sa isang batang katulad


mo?
VI. Susi sa Pagwawasto
5. Mabilis na inilagay ni Mang Tomas ang mga mangga sa kahon.

4. Mahusay magturo ang aking guro.

sa kanila.
3. May mga batang magiliw na nakikipag-usap sa mga nakatatanda

2. Ang kuya niya ay mabagal kumilos.

1. Maingat na tinulungan ni Mario ang batang nadapa.

Gawain 1 (Maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan)

Gawain 2
1. Taimtim na nagdasal ang pamilya ni Mang Berto sa simbahan.

2. Masayang namasyal ang magkakaibigan sa parke.

3. Dahan-dahang binuhat ni Aling Nena ang apong natutulog.

4. Ang malakas na ulan ay unti-unting tumila.

5. Biglang humupa ang galit ng ama sa kaniyang anak.

6. Mahusay umawit si Jenny.

7. Si Carla ay tahimik na nag-aaral sa isang sulok.

8. Magaling magsulat ng mga tula si Bb. Santos.

9. Dali-daling lumisan ang malungkot na binata.

10. Ang aso ni Marlo ay mabilis tumakbo palayo.

Gawain 3 – (Maaaring tanggapin ang iba pang kasagutan).


1. sumayaw - Magaling sumayaw ang mga bata.
2. pumasok – Maagang pumasok sa opisina ang aking ama.
3. tumalon – Maliksing tumalon ang aso.
4. kumanta – Si Regine ay mahusay kumanta.
5. yumakap- Agad na yumakap ang bata sa kaniyang ina.
VI. Susi sa Pagwawasto
GAWAIN 1 GAWAIN 2 GAWAIN
3

You might also like