You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

IKALAWANG MARKAHAN
SY 20201-2022
I.LAYUNIN A. Nagagamit nang wasto ang uri ng pang-uri sa paglalarawan sa ibat ibang
sitwasyon.
B. Natutukoy ang uri ng pang-uri sa pangungusap.
C. Maging mahanga sa kahit na gaano kaliit na pabor.
II. NILALAMAN A. TOPIC: DALAWANG URI NG PANG-URI
B. INTEGRATION: TLE-AGRICULTURE
C. KAGAMITAN: LAPTOP, mga larawan, tsarts, pentel pen,powerpoint presentation
D. SANGGUNIAN: MELC, SINING SA WIKA pahina 126-127,Tatas sa wika at Pagbasa
p. 117-127
III. PAMAMARAAN: A. PANIMULANG GAWAIN:
1. PAGSASANAY:
Magbibigay ng larawan ang guro at idikit dito ang mga salitang nababagay sa
larawan.
2. BALIK-ARAL:
Pangkatin ang mga mag-aaral.
Bigyan ng mga larawan. Idikit dito ang mga posibleng pamagat ng nasa larawan.
Gawin ito ng isang minuto.
Ano ba ang tawag sa mga ito? Na kung saan sa kwento ang mga hayop ang bida?
Ano ang paborito ninyong pabula?
B. PANLINANG NA GAWAIN:
1. PAGGANYAK:
MYSTERY BOX
Tumawag ng isang mag-aaral ipahipo ang nasa kahon at ipalarawan ito bago
sabihin kung ano ito….
Makikilala ba natin ang isang bagay kahit hindi natin nakikita?
Paano ninyo ginawa?
May tao bang nakakalarawan ng bagay na kahit hindi nila ito nakikikta?
Paano natin sila pahalagahan?
Paano natin sila ilarawan?

2. PAGHAWAN NG BALAKID:
Piliin ang titik ng tamang sagot:
1. Si Alvy ang aking matalik na kaibigan.
A. Kapalagayang loob
B. Kaaway
C. Di kilala
2. Nakatira ako sa isang masikip na lugar.
A. Malawak
B. Makipot
C. Malapad
3. Akoy tuwang tuwa sa pook ni Alvy.
A. tuwa
B. Panahon
C. Lugar
4. Ang lamukot ay makapal at matamis.
A. Laman
B. Buto
C. Balat
5. Nilalagyan ng gamot para lumayo ang mga kulisap.
A. Mapanirang insekto
B. Lamok
C. palaka
3. PAGLALAHAD:
Bago NATIN basahin ang sanaysay, ano dapat ang gagawin ninyo para
maintindihan ito?

Pagbabasa ng guro sa sanaysay


SINING SA WIKA P. 126-127 isinulat ni:Lourdes Arellano
( IN AUDIO FORM)

ANG BAKURAN NINA IVY


Noong Linggo ay buong araw ako sa tahanan ng aking nag-iisang matalik na
kaibigan. Sina Alvy ay nakatira sa Montalban, mga labing-anim na kilometro ang layo
sa amin. Palibhasa’y sa masikip na lugar sa magulong lungsod ako tumutira, ako’y
talagang tuwang-tuwa sa pook nilang mag-anak.
Katamtaman ang laki ng kanilang bahay, mga ngunit ang bakuran ay mahabang-
mahaba.kalahating ektarya daw iyon. Punong -puno ng mga punongkahoy ang
maluwang na duluhan. Dalawang punong mangga ang hitik ng bunga. Sa gilid ay may
sampung matatayog na puno ng niyog. Ibat iba pang puno ang naroon tulad ng
tatlong puno ng bayabas, dalawang puno ng kaimito, dalawang puno ng abokado,
isang puno ng sampalok at isang puno din ng suha. Espesyal ang bunga ng
sandosenang santol-Bangkok. Malalaki ang bunga at ang lamukot ay makapal at
matamis.
Inaalagaang mabuti ng tatay ni Alvy at ng iisang kapatid na lalaki ang mga
punungkahoy . Pinauusukan daw nila ang mga iyon at binubomba ng gamot upang
lumayo ang mga mapanirang mga kulisap. Sapat din sila sa tubig na galing sa malalim
nilang balon. Sa aking palagay ay kumikita sila ng daan daang piso sa mga
bungangkahoy mula sa sariling bakuran. Masaya ako nang umuwi. Mga ika-5 iyon ng
hapon. Isang malaking basket ng hinog na prutas ang aking dala.

PANG-UNAWA NA TANONG:

GAWIN NATIN:
1. Kaninong bahay ang nasa Montalban?
2. Ilang kaibigan meron ang sumulat ng sanaysay?
3. Paano natin ilarawan ang lugar SA sanaysay?
4. MAY MARAMI BANG PUNO SA INYONG LUGAR?
5. Anong benepisyo ang makukuha natin sa mga puno?
6. Ano ang mangyayari kung walang puno ang paligid natin?
7. Paano ninyo ilarawan ang inyong pook?
8. Anu ano ang nasa inyong bakuran?
9. May mga puno ba sa inyong paligid?ilan ilan?ano ang mga ito?
10. Ano pang meron sa inyong bakuran?
11. Meron ba kayong paboritong kaibigan?Sino?ilarawan siya…
12. Kung sakaling bumisita kayo sa bahay ng inyong kaibigan na may maraming bunga
ang punongkahoy nila, ano ang gagawin niyo?
13. Kung sakaling pinabaunan kayo ng marami, ano ang iyong gagawin?
14. Tapos ano ang ating sasabihin?

GAWIN NINYO:
Meron akong mga salitang galing sa ating sanaysay.
Ang mga salitang yan ay nakasulat dito sa strips. Idikit ninyo ang mga salitang ito sa
kahon na kung saan sya nababagay sa inyong palagay..
Naglalarawan Bilang

-ano ba ang mga salitang ito?


-ano ang salitang naglalarawan?
-may mga uri ba ang salitang naglalarawan?
-ilang uri meron ang salitang naglalarawan?
-anu ano ang mga ito?
-magbigay ng halimbawa ng pang-uring naglalarawan…
-magbigay ng halimbawa ng pang-uring pamilang…
GAWIN MO:
BIBIGYAN NG pangungusap ang bawat bata. Tukuyin niya ang pang-uri dito at sabihin
kung naglalarawan o pamilang ang pang-uring ginamit.
4. PAGLALAPAT:
Pangkatang Gawain:
Pangkat-1- sumulat ng 4 na pangungusap gamit ang pang-uring naglalarawan at
pang -uring pamilang
Pangkat 2- bumuo ng tula gamit ang pang-uring naglalarawan at pamilang
Pangkat 3-Mag act-out ng isang dayalogo gamit ang pang-uring naglalarawan at
pamilang

4.PAGLALAHAT:
-ANO ANG PANG-URI?
-Ano ang dalawang uri ng pang-uri?
-ano ang pang-uring panlarawan?
-ano ang pang-uring pamilang?
Halimbawa:
-magaspang na bato…
-anim na bayabas…..
-Isat kalahating pakwan….
-laking-maynila…
-isang dosenang itlog

Magbibigay ang guro ng mga pang-uring panlarawan at pamilang. Ipagawa ito sa


kanila ng pangungusap.

IV. PAGTATAYA: BILUGAN ANG pang-uri at isulat kung naglalarawan o pamilang


1. Sangkatutak ANG DUMALO sa parada.
2. Sinsabing ang mga ILOKANO AY MATIPID AT MASINOP.
3. Mahirap lang ang magulang ni Romy.
4. Naiwan ang itim na bag sa koridor.
5. Libo-libo ang inaasahang dadalo sa Misa sa Luneta.
IV . TAKDANG Magdikit ng larawan ng inyong pamilya. Ilarawan ito gamit ang pang-uring
ARALIN naglalarawan at pamilang.
Prepared by:

ANNABELLE R. DELA CRUZ


GRADE 6 adviser

Checked and Observed by:

MA. FLORIZA S. MARADIA


P1/ School Head

You might also like