You are on page 1of 5

SCHOOL Rizal Central Elem.

School Grade Level SIX


GRADE 1 to 12 TEACHER Quarter 2
DAILY LESSON SUBJECT FILIPINO DATE DEC.6 2022
PLAN

LAYUNIN
(OBJECTIVE)
A.PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
PANGNILALAMAN
(CONTENT
STANDARDS)
B.PAMANTAYAN Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan
SA PAGGANAP
(PERFORMANCE
STANDARDS)
C.MGA Naiuugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. (F6PN-IIIb-62 )
KASANAYAN SA
PAGKATUTO
(LEARNING
COMPETENCIES)
II. NILALAMAN Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
(CONTENT)
III. KAGAMITANG
PANTURO
(LEARNING
RESOURCES)
A. SANGGUNIAN K to 12 Gabay PangCurriculum sa Filipino 6
(References)
1.Mga Pahina sa K to 12 Gabay Pangkurikulum, p.83
Gabay ng Guro Prototype DLP sa Filipino 6 pp. 64 - 69
2.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
3.Mga Pahina sa PLUMA Wika at Pagbasa Para sa Batang Pilipino 6, pahina 44
textbook
4.Karagdagang MISOSA Filipino 5 Pangyayari at Epekto nito
kagamitan mula pp. 1-14
sa postal ng
Learning
Resources
B. IBA PANG 1. Pagkasira ng Kagubatan
KAGAMITANG ni Carmen B. Orosco
PANTURO
2.metacard, powerpoint presentation, computer, mga larawan

A. BALIK-ARAL SA Balik-aral:
Pagtapatin ang hanay A sa hanay B ng magkaugnay na lipon ng mga salita.
NAKARAANG HANAY A HANAY B
ARALIN AT/O 1. Kapag maigsi ang kumot a.mayroong madudukot
2. Hindi pinaghihirapan b.napupuri ng magulang
PAGSISIMULA NG 3. Kapag may isinuksok c.mag-aral mamaluktot
BAGONG ARALIN. 4. 4.Kapag ang anak ay magalang d.nauuna sa patutunguhan
(Reviewing previous 5. Ang hindi lumingon sa pinanggagalingan e.kaya hindi pinaghihinayangan
F.Hindi makakarating sa paroroonan
lesson/ presenting the
new lesson)

B. PAGHAHABI NG Tumawag ng ilang bata. Ipabuo ang mga ginupit-gupit na larawan.


(Larawan ng isang malinis at maruming kapaligiran)
LAYUNIN NG
ARALIN.
(Establishing a purpose
for the lesson)

Itanong:
1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
2. Alin ang mas pipiliin ninyo, ang larawan A o ang larawan B? Bakit?
3. Bilang bata anong mga gawain ang dapat ninyong gawin para makatulong sa ating bansa?
4 Paano kayo makakatulong sa inyong pamayanan? Sa paaralan? Sa bansa?

Indigenous integration/Localization
Si May ay nakatira sa matti digos city.Ang kanyang pamilya ay miyemro ng tribo bagobo .Si May at ang
kanyang pamilya ang nangangalaga sa kabundukan na Matti.Pinuprotektahan nila ang mga hayop at
halaman.sinisiguro nila na walang tao na sisira nito dahil kayamanan ng kanilang tribo ang kabundukan.

1. sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Saan sila nakatira?Ano ang kanilang tribo?
3. Paano nila inaalagan ang kanilang kabundukan?
4. Bakit ginagawa nila ito?

C. PAG-UUGNAY NG Magpapakita ng larawan..Ilarawan ang mga ito.


MGA HALIMBAWA Itanong:
SA BAGONG ARALIN. Ano-anong mga Gawain ng tao ang ipinapakita sa bawat larawan?
(Presenting
examples/instances of
the new lesson)

Itanong:
1. Ano ang maaaring susunod ng mga pangyayaring ? Piliin ang mga susunod na mga pangyayari na
nakasulat sa cartolina strips)
PAG-INIT NG PALIGID
PAGKAWALA NG MGA HAYOP
PAGKAMATAY NG MGA ISDA-
PAGDUMI NG ILOG AT DAGAT
PAGBAHA

Science integration: Ano ang dapat nating gawin sa ating mga basura?
Posibleng sagot: Gamitin ang pag-recycle sa mga basurang pwedi pang magamit.

D. PAGTALAKAY NG Maglaro.
BAGONG PAMANTAYAN:
KONSEPTO AT Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng white board.
Ipabasa at ipasuri ang bawat pangungusap at ipatukoy kung ang salitang may salungguhit ay SANHI O
PAGLALAHAD NG BUNGA at ipasulat ito sa white board.
BAGONG Ang grupo na may pinakamaraming tamang sagot ang mananalo.
KASANAYAN #1
1. Nagkukumahog si James sa paggawa ng proyekto dahil maraming oras ang ginugol niya sa paglalaro ng
(Discussing new concept mobile games
and 2. Dahil asa sobrang kakulitan ng bata nabasag niya ang mamahaling plorera ng kanilang kapitbahay
practicing new skills #1) 3 .Maraming namatay na mga hayop sa pagkasunog ng kagubatansa bansang AUSTRALIA.
4 Hindi ako nakapag-aral ng leksyon dahil brown-out
5. Itinakbo sa ospital ang babae sapagkat nahimatay siya sa pagod.
SANHI – ay nagbibigay paliwanag kung bakit naganap ang pangyayari.Salitang
hudyat:sapagkat,pagkat,dahil,dahilan sa,kasi,naging

BUNGA – nagsasabi ng kinalabasan o resulta ng nagaganap ng mga pangyayari.Salitang hudyat kaya,kaya


naman,kung,kaya,bunga nito,tuloy
E. PAGTALAKAY NG Panuto: Ibigay ang sanhi at bunga ng sumusunod na pangyayari (ISAHANG GAWAIN)
BAGONG KONSEPTO 1. Masaya si Aling Nida dahil mababait ang kaniyang mga anak.
AT PAGALALAHAD Sanhi:_________________________
Bunga:________________________
NG BAGONG
KASANAYAN #2 2. Kakain ako ng marami para maging malakas. Sanhi:_________________________
(Discussing new concept Bunga:________________________
and
3. Hindi siya natulog nang maaga kaya nahuli siya sa klase. Sanhi:_________________________
practicing new skills #2) Bunga:________________________
(EXPLORE)
4. Pinalakpakan ng mga kamag-aral si Lanie kasi nasabi niya kung sino ang
pambansang bayani.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________

5. Matatas ang mga grado niya sa lahat ng asignatura dahil sa masisipag niyang
mga guro.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________

F. PAGLINANG SA Hahatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat. Isagawa ang gawain sa loob ng limang (5) minuto. Basahing
mabuti ang talata at ilagay sa Fish Bone Organizer ang mga pangungusap na nagpapahayag ng sanhi at
KABIHASAAN (Tungo bunga ng pagkasira ng kagubatan.
sa formative Rubriks:
Puntos Lebel Pamantayan
assessment)
5 Napakahusay Buo ang kaisipan, may sapat na
Developing mastery (Leads impormasyon ayon sa teksto, malinaw, at
to formative assessment) lohikal ang pagkakaayos ng mga
pangungusap
4 Mahusay Buo ang kaisipan, may sapat na
impormasyon ayon sa teksto, di-gaanong
malinaw, at maayos ang pagkakaayos ng
mga pangungusap.
3 Katamtaman Buo ang kaisipan ngunit kulang ang
impormasyon, di-gaanong malinaw ang
pangungusap at di-gaanong naisaayos ang
ideya.
2 Mapaghuhusay Hindi ganap ang pagkabuo, kulang ang
pa impormasyon , at hindi gaano maayos ang
mga pangungusap.
1 Nangangailangn Hindi buo ang kaisipan, walang sapat na
pa ng pantulong impormasyon, at magulo ang mga
na pagsasanay pangungusap.
Araling Panlipunan integration
Pagkasira ng Kabundukan-
Carmen B. Orosco
Laganap na ang iligal na pagpuputol ng mga punongkahoy sa kabundukan. Ginagamit ang mga
pinutol na kahoy sa paggawa ng bahay, papel, muwebles at iba pang mga kasangkapan. Ang gawaing ito ay
nagdudulot ng kasamaan. Sa patuloy na pagpuputol ng mga puno, unti-unti nang nararanasan ang masamang
naidudulot nito. Nagkakaroon ng baha kung tag-ulan at pagguho ng lupa, ang mga pananim ay nasisira,
maraming bahay ang lubog sa baha, nasisira ang mga kasangkapan, at walang pasok ang mga tanggapan at
mga eskwelahan. Marami ang naaapektuhan dahil sa iligal na
gawaing ito.

G. PAGLALAPAT NG CSC integration/ Child Protection Policy


(Ang guro ay magsusulat ng mga katanungan sa likod ng mga cut out na mga prutas tungkol sa napapanahong
ARALIN SA PANG- suliranain ng mga kabataan sa ating bansa.
ARAW-ARAW NA
BUHAY 1. maagang pagbubuntis
2. Kawalan ng hanapbuhay
(Finding
3. Kahirapan
practical/application 4. Mahabang trapiko
of concepts and skills in 5. Pagkakulong sa droga
daily living)

PAGLALAHAT NG Ilagay sa bilog ang kahulugan ng sanhi at bunga batay sa tinalakay na aralin.
ARALIN
(Making generalizations SANHI BUNGA
and abstractions about the
lesson)
(ELABORATE)

Bilang bata, bakit mahalaga ang malaman ang pagtukoy sa sanhi at bunga ng isang pangyayari?

H. PAGTATAYA NG Ibigay ang sanhi at bunga ng sumusunod.


ARALIN
Bumuo ng mga pangungusap mula sa mga sanhi at bunga na nasa hanay A at hanay B.
(Evaluating Learning)
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
(EVALUATION)
Hanay A Hanay B
1,Dumudumi ang ilog a. dahil maykaya ang magulang.
2.Malinis ang kapaligiran b. dahil sa mga basurang tinapon.
3.Maraming halaman sa bakuran c. kasi mahusay magdisiplina ang
magulang.
4.Nasusunod ang layaw d. kasi maibigin sa kalinisan ang mga
mamamayan
5.Magagalang ang mga anak e. kasi masipag magtanim ang mga
tao.
6.Si Lea ay huli sa klase f. kasi kaarawan niya.
7.Umiyak ng malakas ang g. kaya mahal siya ng maraming
sanggol tao.
8.Madasaling bata si Augusto h. kasi gutom siya.
9.Mataas ang lagnat ni Joshua i. kaya nagalit si Bb. Rosales.
10.Maraming natanggap na regalo j. kaya hindi siya pumasok
si Mia sa klase

I. KARAGDAGANG Sa loob ng sampung taon, ano ang maaaring maging buhay mo kung ikaw ay
GAWAIN PARA SA makakapagtapos ng pag-aaral.
TAKDANG ARALIN
AT REMEDIATION.
(Additional activities for
application or
remediation) (EXTEND)
V. REMARKS

Prepared by:
ARLENE B. AMOROSO
TEACHER III

You might also like