You are on page 1of 4

W5

Asignatura Filipino Baitang 5


Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pakikipanayam/Interview at
Pagkilatis ng Isang Produkto
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipanayam/interview
KASANAYANG PAMPAGKATUTO F5WG-IVc-13.5
(MELCs) Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto
F5WG-IVd-13.3
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
• Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pangungusap na maaaring gamitin sa
pakikipanayam/interview at pagkilatis ng isang produkto.
• Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa
pakikipanayam/interview at pagkilatis ng isang produkto.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 40 minuto)
Nais mo bang makakuha ng mahalagang impormasyon sa isang taong may sapat na kaalaman? O kaya naman ay
sumama sa iyong nanay o tatay sa pamilihan? Sa araling ito ay iyong matututuhan ang paggamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap sa pakikipanayam/interview at pagkilatis ng produkto.
Ang panayam ay isinasagawa upang makakuha ng mahahalagang kaalaman o impormasyon buhat sa isang taong
may sapat na kaalaman tungkol sa isang paksa.
Sa pagsasagawa ng panayam sa isang tao, maaari mong ipakilala ang iyong sarili o inyong pangkat at layunin ng
isasagawang panayam sa pamamagitan ng mga pangungusap na pasalaysay. Makukuha mo ang mga impormasyong
kailangan sa pamamagitan ng mga pangungusap na patanong o pautos. Pagtatapos ng panayam, maaari mong ipahayag
ang iyong taos-pusong pasasalamat sa pamamagitan ng mga pangungusap na padamdam. Bilang paghahanda, gamiting
gabay ang kahong nasa ibaba upang makalikha ng iba’t ibang uri ng pangungusap.
Tingnan ang gabay sa ibaba na makatutulong upang makalikha ng iba’t ibang uri ng pangungusap.

Pasalaysay: Ipakilala ang inyong pangkat at ang mga layunin ng isasagawang panayam.
Patanong: Maglista ng walo hanggang sampung tanong na kaugnay ng paksa.
Pautos: Ilang mga kahilingan sa kinakapanayam, halimbawa, pagpapakita ng ilang hakbang sa paglikas, mga dapat
gawin o tandaan kapag may kalamidad, at iba pa.
Padamdam: Pasasalamat sa ibinigay na panahon.

Samantala, sa pamimili ay kailangan suriing mabuti ang mga produktong iyong bibilhin. Makatutulong ito upang masigurong
malinis, maayos at de-kalidad ang bibilhing produkto.
Sa pagkilatis ng isang produkto, tandaan ang sumusunod na mga paalala:
1. Suriin kung malinis ang produktong bibilhin.
2. Sa pagbili ng isda, karne, prutas at gulay, suriin kung sariwa pa ang mga ito. Sa baboy at baka, malalaman natin kung
sariwa pa ito kung mala-rosas o pula ang kulay nito. Sa manok naman ay kulay puti o manilaw-nilaw ang balat nito.
Sa isda naman ay tingnan ang mata nito. Ito ay dapat na malinaw at hindi lubog. Siguraduhin na wala itong kakaibang
amoy.
Sa mga gulay, tingnan kung makintab pa ang kulay nito. Siguraduhin din na hindi pa lanta ang mga ito.
Sa mga prutas naman, tingnan kung walang pagbabago sa kulay ng balat nito at siguraduhin na hindi bugbog ang prutas
dahil senyales ito ng hindi pagiging sariwa nito.
3. Suriin din ang lalagyan ng mga produkto. Siguradahin na ito ay hindi pa nabubuksan at walang butas ang lalagyan. Sa mga
de-lata naman, tingnan kung mayroong kalawang ang lata.
4. Basahing mabuti ang label ng produkto. Sa label matatagpuan ang nutritional facts o nilalaman ng produkto, ang pangalan
ng kumpanyang gumawa ng produkto at kung kailan ang expiration o best before date nito. Mahalagang basahin ito dahil
dito malalaman kung allergic o makasasama sa taong bumibili ang nilalaman nito at kung maaari pa itong kainin o gamitin.
Upang mas lalo pang makilatis ang isang produkto, makatutulong din ang pakikipag-usap o pagtatanong sa taong
nagbebenta ng produkto. Ang paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap ay magagamit sa pagkilatis ng produktong
bibilhin.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Sa pagkilatis ng isang produkto, maaari mong sabihin ang uri ng produktong iyong hinahanap sa pamamagitan ng
pangungusap na pasalaysay. Makukuha mo ang impormasyong kailangan sa pamamagitan ng pangungusap na patanong
o pautos. Samantala, maaari mong ipahayag ang iyong pasasalamat sa pamamagitan ng pangungusap na padamdam.
Maaari mong gamiting gabay ang halimbawa na nasa ibaba upang makalikha ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa
pagkilatis ng isang produkto.
Pasalaysay: Pagsasabi ng uri ng produktong iyong hinahanap.
Halimbawa: Pabili po ng limang pirasong saging.

Patanong: Mga impormasyon tungkol sa produktong bibilhin.


Halimbawa: Hinog na po ba ang tinda ninyong saging?

Pautos: Ilang kahiligan sa nagtitinda o nagbebenta ng produkto.


Halimbawa: Pakilagay po ang binili kong saging sa paper bag.

Padamdam: Pasasalamat sa nagtitinda o nagbebenta ng produkto.


Halimbawa: Maraming salamat po!

Para mas madagdagan pa ang iyong kaalaman hinggil sa aralin, maaari mong basahin ang Alab Filipino pahina 185-186.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 60 minuto)


Ngayon ay ating subukin ang iyong natutuhan sa tinalakay na aralin. Sagutan ang gawain sa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pakikipanayam. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot
sa iyong papel o kuwaderno.
_____________1. Kumusta po kayo?
_____________2. Magandang araw po sa inyo.
_____________3. Pakisagot na lang po base sa inyong kaalaman o karanasan.
_____________4. Maraming salamat po!
_____________5. Ano ang inyong maibabahaging aral para sa lahat?

Pasalaysay Patanong Pautos Padamdam

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa pagkilatis ng produkto. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang
sagot sa iyong papel o kuwaderno.
_____________1. Gawa po ba sa Tagaytay itong itinitinda ninyong banana chips?
_____________2. Maraming salamat po!
_____________3. Pabili po ako ng isang balot na banana chips.
_____________4. Kailan po ang expiration date nito?
_____________5. Pakibigyan po ninyo ako ng dalawa pang balot ng banana chips.

Pasalaysay Patanong Pautos Padamdam

Mula sa iyong sinagutang gawain, ano-ano ang iba’t ibang uri ng pangungusap na maaari nating gamitin sa
pakikipanayam at pagkilatis ng isang produkto?
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 60 minuto)
Ngayon ay atin pang palalimin ang iyong natutuhan sa aralin. Sagutan ang gawain sa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Sumulat ng isang halimbawa ng panayam o interview gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
papel o kuwaderno. Pumili kung sino ang paksa sa isang panayam o interview.
A. Isang Guro
B. Mga Magulang
C. Negosyante
D. Barangay Kapitan
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Taong napiling kapanayamin: _____________________________
1. Pasalaysay: ______________________________________________________________
2. Patanong: _______________________________________________________________
3. Patanong: _______________________________________________________________
4. Pautos: __________________________________________________________________
5. Padamdam: _____________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng produkto batay sa impormasyong makikita sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa iyong papel o kuwaderno.

Produkto: Pinya
Impormasyon tungkol sa pinya: Matamis, kulay dilaw at
nagkakahalaga ng 60 pesos ang isang piraso.

1. Pasalaysay: ______________________________________________________________
2. Patanong: _______________________________________________________________
3. Patanong: _______________________________________________________________
4. Pautos: __________________________________________________________________
5. Padamdam: _____________________________________________________________

Binabati kita dahil nasagutan mo ang gawain! Ngayon naman ay pumunta tayo sa susunod na bahagi ng aralin.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Batay sa sinagutan mong mga gawain ay malinaw mong naunawaan ang paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa
pagkilatis ng isang produkto. Ngayon ay iyong kumpletuhin ang talata sa ibaba upang mapatunayan na naunawaan ang
paksa.
Sa pakikipanayam/interview at pagkilatis ng isang produkto, maaarig gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap
tulad ng _______________, _______________, _______________, at ________________. Makatutulong ito maging maayos ang daloy
ng panayam at upang masigurong malinis, maayos at de-kalidad ang produktong iyong bibilhin.

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 50 minuto)


(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Nais mong makapanayam ang Kalihim ng Edukasyon. Sumulat ng panayam o interview batay sa uri ng pangungusap na
makikita sa ibaba. Isulat ang sagot sa papel.

1. Pasalaysay: ______________________________________________________________
2. Patanong: _______________________________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Isiping ikaw ay bibili ng isang gamit o produkto na iyong kailangan sa pag-aaral. Sa iyong papel, isulat kung paano mo ito
kikilatisin batay sa uri ng pangungusap na makikita sa ibaba.

3. Patanong: _______________________________________________________________
4. Pautos: __________________________________________________________________
5. Padamdam: _____________________________________________________________

Pagbati sa iyo! Ngayon ay alam mo na kung paano gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa
pakikipanayam/interview at pagkilatis ng isang produkto. Sa susunod na aralin ay ating aalamin ang tungkol sa pagsulat ng
komposisyon at tungkol sa dayagram, tsart at mapa. Paano mo ginagamit ang iyong mga bagong natutuhang salita sa
pagsulat ng komposisyon? Ano ang dayagram, tsart at mapa?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________.
Naisasagawa ko na_______________________________________.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay
ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng
paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6
VII. SANGGUNIAN Agarado, Patricia Jo C.,et.al. (2016). Alab Filipino 5.Quezon City: Vibal Group, Inc. pp. 185-186.

Inihanda ni: Ancel Ann A. Panganiban, Neda D. Signo Sinuri nina: MARIBETH C. RIETA, EPS-FILIPINO
MARIA LEILANE E. BERNABE

You might also like