You are on page 1of 5

School Grade Level FIVE

GRADE 5 (Paaralan) (Baitang/Antas)


DAILY Teacher ( Guro) MA. ELLEN D. AGANAN Learning Area FILIPINO 5
LESSON (Asignatura)
LOG Teaching Date & Quarter FOURTH
Time (Markahan) QUARTER
(Petsa/Oras)

I. OBJECTIVES (LAYUNIN) 1. Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pagkilatis sa mga


produkto.
2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng
produkto.
3. Nakikilahok sa mga gawaing sa paggamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap sa pagkilatis ng mga produkto.
A. Content Standards Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
(Pamantayang pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
Pangnilalaman) damdamin.
B. Performance Standards Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng
(Pamantayan sa Pagganap) isang produkto.
C. Learning Competencies Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng
(Mga Kasanayan sa isang produkto.
Pagkatuto) F5WG-IVd-13.3

II. CONTENT (NILALAMAN) PAGGAMIT NG IBA’T IBANG URI NG PANGUNGUSAP SA


PAGKILATIS NG PRODUKTO
III. LEARNING
RESOURCES
(KAGAMITANG PANTURO)
A. References
(Sanggunian )
1. Teacher’s Guide Pages
(Mga pahina sa Gabay ng
Guro)
2. Learner’s Materials Pages
(Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral)
3. Textbook Pages (Mga
pahina sa Teksbuk)
4. Additional Materials Learner’s Packet (LEAP), CO Module
from Learning Resources
(LR) Portal (Karagdagang
Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource)
B. Other Learning Telebisyon, mga larawan, kompyuter, manila paper, marker
Resources (Iba pang
Kagamitang Panturo)
IV. PROCEDURES
( PAMAMARAAN )
A. Review Previous PANUTO: Basahin at tukuyin kung anong uri ng pangungusap
Lessons (Balik-Aral sa ang sumusunod.
nakaraang aralin at/o (1 – 5 na bilang)
pagsisimula ng aralin)
Tungkol saan ang huli nating pinag-aralan?

Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng isang panayam?

Ano ang gabay natin sa pagsasagawa ng isang panayam?

PANUTO: Gumawa ng isang pangungusap na akma para sa iyong


kakapanayamin na “chef”. Ang uri ng pangungusap ay depende
sa ibibigay ng guro.

B. Establishing purpose Sino sa inyo dito ang pangarap ding maging chef pagdating ng
for the Lesson (Paghahabi panahon?
sa layunin ng aralin)
Marunong na ba kayo magluto?

Sumasama ba kayo sa inyong mga magulang sa palengke sa


pagbili ng mga kailangan sa pagluluto?

Ano ang inyong napapansin bago bilihin ng inyong mga magulang


ang mga produkto tulad ng karne, gulay, at prutas?

Panuto: Basahin at unawain ang kwento.


C. Presenting Examples/
Instances of the Lesson

Health Integration

1. Sino ang namimili?


2. Ano ang napansin ni Marikit habang namimili ang kanyang ina?
3. Bakit sinusuri ng kanyang ina ang mga produkto bago ito bilhin?
4. Tama ba ng ginagawa ng ina ni Marikit? Bakit?
5. Kung kayo ang namimili, gagayahin ba ninyo ang ginagawa ng ina ni Marikit?
Bakit?

D. Discussing new concepts Sa pamimili ay kailangan suriing mabuti ang mga produktong
and practicing new skills iyong bibilhin. Makatutulong ito upang masigurong malinis,
#1. (Pagtatalakay ng bagong maayos at de-kalidad ang bibilhing produkto.
konsepto at paglalahad ng
Sa pagkilatis ng isang produkto, tandaan ang sumusunod na mga
bagong kasanayan #1)
paalala:

1. Suriin kung malinis ang produktong bibilhin.


EPP Integration
2. Sa pagbili ng isda, karne, prutas at gulay, suriin kung sariwa
pa ang mga ito.
3. Sa baboy at baka, malalaman natin kung sariwa pa ito kung
mala-rosas o pula ang kulay nito.

4. Sa manok naman ay kulay puti o manilaw-nilaw ang balat


nito.

5. Sa isda naman ay tingnan ang mata nito. Ito ay dapat na


malinaw at hindi lubog. Siguraduhin na wala itong kakaibang
amoy.

6. Sa mga gulay, tingnan kung makintab pa ang kulay nito.


Siguraduhin din na hindi pa lanta ang mga ito.

7. Sa mga prutas naman, tingnan kung walang pagbabago sa


kulay ng balat nito at siguraduhin na hindi bugbog ang prutas
dahil senyales ito ng hindi pagiging sariwa nito.

8. Suriin din ang lalagyan ng mga produkto. Siguradahin na ito


ay hindi pa nabubuksan at walang butas ang lalagyan. Sa mga
de-lata naman, tingnan kung mayroong kalawang ang lata.

9. Basahing mabuti ang label ng produkto. Sa label matatagpuan


ang nutritional facts o nilalaman ng produkto, ang pangalan ng
kumpanyang gumawa ng produkto at kung kailan ang expiration
o best before date nito. Mahalagang basahin ito dahil dito
malalaman kung allergic o makasasama sa taong bumibili ang
nilalaman nito at kung maaari pa itong kainin o gamitin.
E. Discussing new concepts & Sa pagkilatis ng isang produkto, maaari mong sabihin ang uri ng
practicing new skills #2 produktong iyong hinahanap sa pamamagitan ng pangungusap
(Pagtatalakay ng bagong na pasalaysay. Makukuha mo ang impormasyong kailangan sa
konsepto at paglalahad ng pamamagitan ng pangungusap na patanong o pautos. Samantala,
Bagong kasanayan #2)
maaari mong ipahayag ang iyong pasasalamat sa pamamagitan
ng pangungusap na padamdam.

Maaari mong gamiting gabay ang halimbawa na nasa ibaba


upang makalikha ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis
ng isang produkto.
Pasalaysay: Pagsasabi ng uri ng produktong iyong hinahanap.
Halimbawa: Pabili po ng limang pirasong saging.

Patanong: Mga impormasyon tungkol sa produktong bibilhin.


Halimbawa: Hinog na po ba ang tinda ninyong saging?

Pautos: Ilang kahiligan sa nagtitinda o nagbebenta ng produkto.


Halimbawa: Pakilagay po ang binili kong saging sa paper bag.

Padamdam: Pasasalamat sa nagtitinda o nagbebenta ng


produkto.
Halimbawa: Maraming salamat po!
F. Developing Mastery (Leads to Upang lalo kayong mahasa sa paggamit ng mga uri ng
Formative Assesment 3 pangungusap sa pagkilatis ng mga produkto. Narito ang isang
(Paglinang sa Kabihasaan Tungo pagsasanay.
sa Formative Assesment 3)
PANUTO: Piliin kung anong uri ng pangungusap ang ipinapakita
bilang pagkilatis sa mga produkto.
1. Kailan po kinatay ang baboy na ito?
2. Pabili po ako ng isang kilong porkchop.
3. Maraming salamat po! Sa uulitin!
4. Paki-pili naman po ‘yung kakaunti ang taba.
5. Sigurado po bang sariwa ang karneng ito?

Bawat grupo ay makatatanggap ng mga larawan ng iba’t ibang


produkto. Itataas ang larawan ng produkto na tutukuyin ng mga
ipakikitang pangungusap.

PANUTO: Tukuyin ang produkto sa mga sumusunod na


pangungusap.

1. Ito ang ginagamit mo , nagpapalambot ng buhok.


2. Maasim ba ito? Baka hindi naman?
3. Masarap ito pansahog sa sinigang.
4. Makapagpuputi ba ito ng balat?
5. Ipahid mo sa katawan mo ito ng malaman kung talagang
mabango.
6. Malinaw po ba itong sumulat?
7. Mapait ang lasa pero masustansya.
8. Manong, pwede ko po ba itong isukat bago ko bilhin?
9. Uminom ka nito araw araw. Mabuti ito sa iyong kalusugan.
10. Baka masira po ito agad kapag nilagyan ng maraming gamit?

gatas
sapatos
ballpen
cologne
Sampalok
Lotion
Shampoo
Ampalaya
Suka
Bag
G. Finding Practical Applications Bawat grupo ay makatatanggap ng manila paper, marker, at
of concepts and skills in daily larawan ng isang produkto.
living( Paglalapat ng aralin sa
pang araw-araw na buhay) PANUTO: Bumuo ng apat na uri ng pangungusap bilang
pagkilatis sa larawan ng produkto na inyong matatanggap. Isulat
ang inyong mga pangungusap sa manila paper at ilahad ito sa
unahan ng klase.

H. Making Generalizations & Panuto: Pumalakpak kung tama ang ipinapahayag ng


Abstractions about the lessons pangungusap at iwagayway naman ang kamay kung hindi.
(Paglalahat ng Aralin)
________1. Natutunan kong tignan mabuti ang isang produkto
bago ito bilhin.
________2. Gumagamit tayo ng ibat ibang uri ng pangungusap sa
pagkilatis ng produktong bibilhin.
________3. Binibili agad ang isang produkto kahit hindi ito
tinitignang mabuti.
________4. Ang ibat ibang uri ng pangungusap ay nagtatapos sa
iba’t ibang bantas.
________5. Maging matalino sa pagpili ng isang produkto.
I. Evaluating Learning (Pagtataya PAGTATAYA: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat
ng Aralin) ang letra ng tamang sagot.

___1. Piliin ang produkto na tinutukoy ng pangungusap na


“Pakilinis mo nga ang mga kalat sa sahig.”
A. Walis tambo C. Lamesa
B. Mangga D. Isda

___2. Piliin ang produkto na tinutukoy ng pangungusap na


“Wow! Ang tamis nito!”
A. Bigas C. Strawberry Jam
B. Kalamansi D. Sardinas

___3. Anong pangungusap ang tumutukoy sa produktong Lucky


Me Pancit Canton?

A. Wow! Napakahusay mo! C. Mabisa itong panghugas ng pinggan.


B. Ang pait naman nito. D. Maanghang ba ng pansit na yan?

___4. “Ito ang pinakamasarap sa lahat ng sardinas.” Ano ang


tinitukoy ng pangungusap?
A. Century Tuna C. Bangus
B. 555 Sardines D. Galunggong

___5. Ano ang tamang pangungusap sa pagkilatis ng mangga?


A. Hinog po ba ito? C. Hindi ba lubog ang mata nyan?
B. Kailan po ito kinatay? D. Pakilagay naman sa eco bag.
J. Additional activities for Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang iyong gagamitin
application or remediation kung ikaw ay bibili ng celpon. Lagyan ng check sa patlang.
(Assignment)
(Karagdagang gawain para __________1. Matibay po ba ito?
satakdang-aralin at remediation)
__________2. Masarap itong isama sa sinigang?
__________3. Aba! Mahal naman ng gadget na ito.
__________4. Pakibuksan nga po ninyo ang loob upang makita ko
kung bago ang piyesa.
__________5. Ilang oras po dapat kargahan ang battery nito?

Prepared by:

MA. ELLEN D. AGANAN


Teacher 1 Applicant

You might also like