You are on page 1of 12

ESP 5 – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa
Kabutihan
Unang Edisyon, 2020

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukayon sa Pagpapakatao 5 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pananalig sa Diyos;
Paninindigan sa Kabutihan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang pagmamahal sa Diyos ay walang katapat na
kahit anupaman. Dapat na maitanim sa puso’t
isipan ng bawat mag-aaral at maisabuhay ang mga
aral ukol sa pagsasaalang-alang sa kapakanan ng
kapwa at sa kinabibilangan nitong pamayanan.
alIto'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagmamahal sa Diyos (Pamagat ng Aralin) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iv
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Alam mo ba na…

“Ang pakikipagkapwa ay isang mabuting gawa.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kasanayan na siyang nagiging pamantayan


upang maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos na
nagbibigay buhay at naisasabuhay ang tunay na pasasalamat sa Diyos na nagkakaloob ng
buhay sa pamamagitan ng palagiang paggawa ng mabuti sa lahat.

Layunin nito na ang bawat mag-aaral nakakapagpakita ng tunay na pagmamahal sa kapwas


tulad ng:

a. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang pamayanan


b. pakikisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
c. pagkalinga sa pagtulong sa kapwa.

Subukin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba ay nakaugat sa _____.


A. pag-ibig at paggaang sa Diyos at kapwa
B. paniniwala sa kingisnang kaugalian
C. tu gkulin sa samahang kinabibilangan
D. paglilingkod sa nakatatanda

2. Ang pagpapahalagang lagging dapat umiral sa magkaibigan ay ________.


A. Katapatan B. pagmamahal C. paggalang D. pagdadamayan

3. Mahalaga na ang mga magulang ay kasama ng mga bata sa panonood


sapagkat ____________.
A. Nagagabayan ang mga bata sa mali at tamang nakikita
B. Nagiging masaya at buo ang pamilya
C. Nakapagdaragdag ng oras sa panonood
D. Nakakapagkwento sa nangyari

vii
4. Ang tunay na paggalang ay ______________.
A. Pagsasabi ng po at opo
B. pagsunod sa utos
C. Pagsasaalang sa edad at katayuan ng kapwa
D. Pagsasaalang-alang sa dignidad ng tao sinuman siya at anuman ang
katayuan niya sa buhay

5. . Ang pagpapatawad ay may kalakip na ____.


A. Kabutihang-loob B.kababaang-loob C.pampalubag-loob D.kasiyahang loob

6. Pagpipigil ng galit upang huwag makasakit ng damdamin.


A. Pagkontrol ng sarili C. Pakikiisa
B. Pagkamahiyain D. Pakikisama

7. Ang pangunahing layunin ng lipunan ay ang ____.


A. Kasaganahang pangkabuhayan C. pangkalingang pang-unlad
B. Kabutihang panlahat D. kasayahang pansarili

8. Ang bayanihan ay isang pagpapahalang Pilpinong nagpapakita ng ____.


A. Pagkamakabayan C. pagkakaisa
B. Agkamalikhain D. pagkamatapang

9. Ang pagpapahalagang dapat linangin upang mapangalagaan ang yamang


kaloob ng Diyos sa tao ay _______.
A. Paggalang C. pagiging masinop
B. Mapanagutang pamamahala D. pagiging masipag

10. Ang abortion o pagpapalaglagng sanggol sa sinapupunan ay lumalabag sa


____.
A. Paggalang sa awtoridad C. paggalang sa katotohanan
B. Paggalang sa buhay D. paggalang sa dignidad

viii
Aralin
Pagmamahal sa Diyos
1 Espiritwalidad

Balikan

Mga Tala para sa Guro


Maraming dahilan upang tayo ay magpasalamat sa Diyos. Tulad na lamang
ng ating pamilya na isang biyaya mula sa Kanya, ang lahat ng biyayang
ipinagkakaloob sa atin, at sa paggabay sa araw-araw. Nararapat lamang na
pasalamatan natin ang Diyos. Maraming paraan upang maipakita ang
pasasalamat sa Diyos tulad na lamang ng panalangin o palagiang
pagdarasal, paggawa ng kabutihan sa kapwa, at iba pa.

Basahin ang panalangin at sagutin ang sumusunod na tanong.

Panalangin ng Pasasalamat sa Diyos

Panginoon ko, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang walang sawang


ibinibigay ninyo sa akin. Pipilitin ko pong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang
makatulong din po sa ibang kapwa ko nilalang na nangangailangan.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang


malaman ko ang dahilan ng aking pag-iral. Ibinabalik ko po ang karangalan sa Inyo sa aking
pagkakalikha
.
Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga
mapagkakatiwalaang kaibigan at mga kakilala. Sila po ang dahilan ng aking kasiyahan. Sila
po ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang mabuhay at maging masaya sa araw-araw.

Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa aming lahat upang


magampanan namin ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat.

Maraming salamat din po sa kalakasan, katalinuhan at kapasyahan. Ito po ang


ginagamit namin sa pagsugba sa mga alon at pagsubok ng buhay.

Maraming salamat din po sa inyong bugtong na Anak na siyang tumubos ng aming


kasalanan.

Amen.

ix
Sagutin at gawin ang mga sumusunod:
1. Ayon sa panalangin, anu-ano ang mga ipinagpasalamt sa Diyos?
2. Bilang mag-aaral, anu-ano ang mga dapat mong ipagpasalamat sa Diyos?
3. Sa iyong palagay, bakit nararapat lamang na magpasalamat tayo sa Diyos?

x
1. Ano ang nais ipahiwatig ng awit sa mambabasa?
2. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa?
3. Ipaliwanag kung bakit ang pagtulong sa sarili ay pagtulong sa kapwa at ang
pagtulong sa kapwa ay pagtulong sa Diyos.
4. Ano ang dapat na tugon sa taong sa iyo‟y tumulong?

5. Paano mo matutulungan ang iyong kamag-aaral na malungkot?

Choose the letter of the best answer. Write the chosen letter on a separate sheet of
paper.

1. The process by which animals take in foods that have already been
manufactured from raw materials is
a. Digestion
b. ingestion
c. nutrition

xi
d. photosynthesis

2. The process by which digested foods are passed into different parts of a
plant or an animal is
a. digestion
b. ingestion
c. nutrition
d. absorption

3. The process by which oxygen is taken into an organism and carbon dioxide
is eliminated from the organism is called
a. excretion
b. secretion
c. circulation
d. respiration

4. The building-up and breaking down processes occurring in animals is


a. excretion
b. secretion
c. metabolism
assimilation

xii
13

You might also like