You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office

GAWAING PAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6 (EsP)


Grade 6 Kwarter 4 -Linggo 1

Pangalan: _______________________________ Petsa: _________________

I.Panimulang Konsepto

Kumusta? Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa ispiritualidad at


pananampalataya ng tao, at ang malaking bahagi nito na ginagampanan sa
paghubog ng ating mabuting pagkatao. Halika, samahan mo akong pag-aralan at
maisapuso ang ating aralin.

II.Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Markahan Most Essential Learning Competencies K-12 CG


Guides
Napatutunayan na nagpapaunlad ng
(Ikaapat na pagkatao ang ispiritwalidad. Hal.PagpapaLiwanag
Markahan- na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng mabuting
Unang Linggo) pagkatao anuman ang paniniwala;
pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at
pagmamahal sa kapwa at Diyos

III.Mga Gawain

A.Paunang Pagtataya:
Paano mo maipakikita ang mataas na antas ng ispiritualidad? Lagyan ng tsek (/)
ang mga larawang na nagpapakita nito.
Mga karagdagang gawain:
1. Ano ang iba pang paraang alam mo na nagpapakita ng matataas na antas
ng ispiritualidad?. Itala sa kwaderno.

2. Itanong sa katabi, ano ang mga ginagawa mo para maipakita ang


pagmamahal sa Diyos?

B.Isapuso
Basahin ang sanaysay tungkol sa isang panrelihiyong ritwal. Hanapin kung ano ang
mga simbolo sa ritwal at tukuyin kung paano nakatutulong sa pagtaas ng antas ng
ispiritwalidad ng isang tao ang pagsunod sa mga ritwal na kagaya nito.

Boun Pi Mai

Kilala ang bansang Laos sa pagkakaroon ng mga estatwa ng Buddha na


may iba’t ibang mantra. Ang mantra ay salita o parirala na ginagamit sa meditasyon
at pinaniniwalaan na nagtataglay ng kapangyarihang ispiritwal. Natatanging sa
Laos lamang ang Buddha na tumatawag sa ulan. Sa panahon ng Buon Pi Mai(
Bagong Taon), may seremonya ng paghuhugas ng mga estatwa ng Buddha.
Ginaganap ang pagdiriwang ng Buon Pi Mai sa Laos tuwing Abril at
ipinagdiriwang ito sa loob ng tatlong araw. Bawat araw ay may ibat-ibang mga
gawain. Paglilinis sa bukal, paghuhugas ng buhok, at pagtatayo ng mga punso ng
buhangin, ang ilan sa mga bagay na ginagawa ng mga Lao sa unang araw o ang
Mur Sangkhane Pai o Luang.
Sa ikalawang araw o Mur Sangkhane Nao, binibisita ang mga kaibigan at
pumupunta sa mga templo ang mga Lao at nililinis ang mga imahe ng Buddha. Ang
seremonya ng paglilinis gamit ang tubig ay simbolo ng paglilinis ng kasalanan na
nagawa sa buong taon. Pagkatapos ng seremonya ng paglilinis ng Buddha,
nagbubuhos ng ubig ang mga tao, anuman ang estado sa buhay o saanman sila
nanggaling.

Sa Mur Sangkhane Khun o ikatlong araw, nag-aalay ng pagkain sa mga


monghe ang mga tao at nakikinig sa mga pangaral o sermon ng mga mongheng
Buddhista. Kumakain din sila ng larb sa araw na ito. Ang larb ay isang espesyal na uri
ng salad na may karneng isda (fish sauce) at dayap (lime) upang magdala ng
swerte. Nagbibigay-galang din ang kabataan sa kanilang mga magulang at sa
nakatatanda. Naglalagay di sila ng puting tali sa paligid ng pulso upang magsabi ng
“Manigong Bagong Taon!”

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Paano ipinagiriwang ang Boun Pi Mai?
2. Ano ang mga katangi-tanging gawain sa pagdiriwang nito?
3. Anong simbolikong ritwal ang ginaganap sa Laos?
4. Paano naipakikita ang ispiritwalidad ng mga Lao sa pagdiriwang ng Buon Pi
Mai?
C.Isabuhay

1. Unang Gawain:
Magsaliksik tungkol sa sumusunod na mga panrelihiyong pagdiriwang sa
Pilipinas. Alamin ang mga ritwal na kaugnay nito at itala sa kuwaderno. Sa
gabay ng inyong mga magulang at taga pagturo.

1. Pagsamba ng mga Born Again Christian


2. Binyag ng Katoliko
3. Pagdarasal ng mga Budhista
4. Pagsamba ng mga Iglesia ni Cristo
5. Pagdarasal ng mga Muslim

2. Pangalawang Gawain:
Anong pagdiriwang sa Pilipinas ang nagpapakita ng pananalig ng mga
tao sa Diyos? Ilarawan ang mga gawain kaugnay ng pagdiriwang na ito.
D.Subukin
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Tukuyin kung ginagawa mo ito PALAGI,
BIHIRA, o HINDI KAILANMAN. Isulat ang sagot sa patlang.

______________1. Nakikilahok ka ba sa mga gawain sa inyong simbahan?

______________2. Nagdarasal ka ba?


______________3. Nakikihalubilo ka ba sa mga taong iba ang relihiyon sa iyo?

______________4. Iginagalang mo ba ang pananalig ng ibang tao?


______________5. Inaalam mo ba ang ritwal ng ibang relihiyon?
______________6. Tinutuligsa mo ba ang bawat paniniwala ng ibang relihiyon?

______________7. Pinapatawad mo ba ang taong nakasakit ng iyong damdamin?


______________8. Tinutulungan mo ba ang mga may sakit?

______________9. Nagbabasa ka ba ng mga aklat tungkol sa iyong relihiyon?


______________10. Matiyaga ka bang nakikinig sa pangaral ng iyong simbahan?

IV.Pagpapalalim

Ang ispiritwalidad ay napapalalim kapag isinasabuhay ng isang tao ang


kanyang pananalig sa Dios. Ang paglinang ng pag-ibig sa Diyos ay hindi
lamang basta pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos. Lumalago ang
pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanyang mga salita at
pagsasabuhay ng mga ito.

Ang pagiging mabuting tao ay wala sa kasarian, katanyagan, katalinuhan,


kulay ng balat, estado sa buhay, at maging sa relihiyon. Ito ay nasa puso
ng tao na nahubog sa pagmamahal ng kapuwa niya at ng Diyos. Sila ang
mga taong handang magsakripisyo para lamang makagawa ng kabutihan
sa kanilang kapwa.

IV.Repleksiyon

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________
V.Rubriks

Pamantayan sa Pagbibigay ng puntos sa Isabuhay

Puntos % Lebel Katangian ng Isinulat na komposisyon

10 90-100% Napakahusay Buo ang kaisipan, consistent, kumpleto ang


detalye
Malinaw (hindi na manghuhula pa ang babasa
kung ano ang layunin ng sumulat)
Gumamit ng wastong bantas

8 85-89% Mahusay May kaisahan at may sapat na detalye


May malinaw na intension
Gumamit ng wastong bantas

6 80-84% Katamtaman Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye


Di-gaanong malinaw ang intension
Gumamit ng wastong bantas

4 75-79% Mahina Hindi ganap ang pagkabuo


Kulang ang detalye
Di-malinaw ang intension
Hindi wasto ang bantas na ginagamit

2 74 Pababa Napakahina Hindi buo ang consistent, walang sapat na


detalye
Malabo ang intension
Di-wasto ang bantas

VI.Sanggunian

Batayang Aklat sa Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6, Zenaida R. Ylarde at


Gloria A. Peralta, Ed.D
MELCs pahina 88

Larawan ng Buddha
https://hiasia.xyz/Uploads/Picture/ngocvan-190611040631-Three-Days-of-the-Laos-
New-Year.jpg

Larawan ng Pag alaga sa may sakit

https://10steps.org/img/how-to/comment-aider-une-personne-malade-se-sentir-
mieux-2.jpg
Larawan ng pagtulong sa nangangailangan
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fdlpng.com%2Fpng%2F68122
11&psig=AOvVaw2edCJEWeIbKIUDum6cjQSh&ust=1616768827057000&source=imag
es&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKDz9-Wpze8CFQAAAAAdAAAAABAV

Larawan sa pagtulong sa gawaing bahay


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fvergaraalphasheila.wordpre
ss.com%2F2017%2F02%2F21%2Ffebruary-032017-im-
happy%2F&psig=AOvVaw0W7nGmTEMXERsmzg178UDk&ust=1616769208089000&sou
rce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLCKg52rze8CFQAAAAAdAAAAABAI

Larawan ng nagdarasal

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fphilippineclipart.blogspot.co
m%2F2017%2F11%2Fnagdarasal-
pagdarasal.html&psig=AOvVaw1sqDRcxdhtNu84U6Jmh2_z&ust=1616769411237000
&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMDHufyrze8CFQAAAAAdAAAAAB
AD

Larawan ng pagsamba
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fbulacandeped.com%2Fwp-
content%2Fuploads%2F2018%2F07%2FESP1-SLK-
SINORTH.pdf&psig=AOvVaw2UTE4ZAzCwnwtWpxFCE5S0&ust=1616769560599000&so
urce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOispcWsze8CFQAAAAAdAAAAABAD
Susi sa Pagwawasto

Paunang pagtataya:
Ang sagot ay base sa mag-aaral.

Karagdagang gawain:
Ang sagot ay base sa mag-aaral.

Isapuso:
1. Ipinagdiriwang ang Buong Pi Mai sa loob ng tatlong araw ng may ibat-
ibang gawain o ritwal sa bawat araw kagaya ng paglilinis sa bukal,
paghuhugas ng buhok at pagtatayo ng mga punso ng buhangin at iba
pa.
2. Ang mga katangi tanging gawain sa pagdiriwang na ito ay ang paglilinis
sa bukal, paghuhugas ng buhok at pagtatayo ng mga punso ng
buhangin. Naghuhugas din sila ng istatwa ng Buddha at nagbubuhos ng
tubig sa mga tao. Kumakain rin sila ng ispesyal na uri ng salad na
tinatawag na larb at naglalagay ng puting tali sa pulso upang magsabi
ng “Manigong Bagong Taon!”
3. Ang simbolokong ritwal na ginagawa sa Laos sa bagong taon ay ang
seremonya ng paghuhugas ng istatwa ng Buddha.
4. Naipakikita ang ispiritwalidad ng mga Lao sa pagdiriwang ng Boun Pi
Mai sa pamamagitan ng kanilang pakikiisa at pagsunod sa kanilang
mga ritwal at seremonya. Nagbibigay daan rin ito para ipakita ang
kanilang paggalang sa kanilang mga magulang at matatanda.

Pagsasabuhay:
Unang gawain: Ang sagot ay base sa mag-aaral.
Pangalawang gawain: Ang sagot ay base sa mag-aaral.

Subukan natin: Ang sagot ay base sa mag-aaral.

Inihanda ni:

ROILAN B. VILLALUNA
Teacher I
SV-SLR District

You might also like