You are on page 1of 4

BSP VERSION (NEW)

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pamagat : BENTE-BENTE

Taon : Baitang 6

Asignatura : Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Kaisipan : Ang pag-iimpok at matalinong pamamahala ng mapagkukunan ng


resorses ay salik ng likas-kayang pag-unlad

Takdang Panahon : 1 sesyon

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga salik ng likas-kayang pag-unlad
(sustainable development)

B. Pamantayang Pagganap:
1. Naipapakita ang wastong pangangalaga saq kapaligiran para sa kasalukuyan
at susunod na henerasyon.
2. Naisasagawa ang mga gawaing nagbibigay inspirasyon sa kapwa upang
makamit ang kaunlaran ng bansa.

C. Layunin sa Sesyon: EsP6PPP- IIIe–36


1. Nasusuri ang kaugnayan ng pag-iimpok at matalinong pamamahala ng
mapagkukunan ng resorses.
2. Nakapagbabahagi ng mga mapagkukunan ng resorses o kita sa murang edad.
3. Nakapagbibigay ng halimbawa ng wastong pag-iimpok at pamamahala ng
resorses sa pangaraw-araw na buhay.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Pag-iimpok at Matalinong Pamamahala ng Magkukunan ng Resorses


B. Mga Kagamitan: ESP 6 Module, LCD projector, BSP-DepEd-BDOF Financial
Literacy Video “Bente-Bente”
C. Batayang Aklat: XXX
D. Sanggunian: XXX
BSP VERSION (NEW)

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balitaan: Isang piling mag-aaral ay magbabahagi ng napapanahong balita


tungkol sa ekonomiya sa Pilipinas.

2. Pagsasanay: Ipapasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong.


a. Sapat ba ang iyong baon sa araw-araw na pagpasok sa
paaralan?
b. Sa paanong paraan mo ito napagkakasya para sa isang araw?
c. Magkano ang iyong naitatabi mula sa bason mo sa araw-araw?

3. Balik-aral: Termino Mo, Iguhit Mo (Sketch Charades)

Bubunot ang mga piling mag-aaral ng mga terminolohiya na napag-aralan sa


nakaraang aralin sa “Matalino/Responsableng Mamimili (Responsible
Consumerism).”

Gamit ang pangguhit at pisara, iguguhit ng mag-aaral ang konseptong


kanyang nabunot sa pisara. Susubukang hulaan ng iba pang mga mag-aaral
ang terminong tinutukoy ng kanilang kaklaseng gumuguhit.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
a. Gawain 1: Magpakita ng mga larawan ng mga batang nagtatrabaho o ‘di
kaya’y tumatanggap ng mga regalo.
b. Pamprosesong Tanong:
● Ano ang ipinapahiwatig ng mga larawan?
● Kung ikaw ay may trabaho at kita, ano ang gagawin mo rito?

2. Pamamaraan
a. Ipalabas ang BSP-Dep-Ed-BDOF Financial Literacy Video na
napamagatang “Bente-Bente”.
b. Pangkatang Gawain: Gabay na tanong:
● Tungkol saan ang video na napanood?
BSP VERSION (NEW)

● Anu-ano ang mga napagkukunan ng resorses/kita/pera na nabanggit sa


video?
● Sa iyong palagay, anu-anong magagandang mensahe o payo tungkol sa
paghawak ng pera ang ipinakita sa video? Ipaliwanag.

3. Paghahalaw: Gumawa ng isang slogan (isang pangungusap lang ang


haba) na nagpapakita ng importansya o kahalagahan ng pag-impok sa
likas-kayang pag-unlad.

4. Paglalagom (Recap): Ang pag-iimpok at matalinong pamamahala ng


mapagkukunan ng resorses (o pagiging financially-literate) ay salik ng
likas-kayang pag-unlad (sustainable development).

IV. PAGTATAYA

I-tsek ang tamang smiley batay sa kung ang Gawain ay nakakatulong o


hindi nakakatulong sa pag iimpok ng pang araw-araw na buhay bilang mag aaral
at miyembro ng pamilya.

1. Paglagay sa alkansiya
sa natirang alawans na /
binigay ng magulang.
2. Hayaang nakabukas
ang tv at electric fan /
kahit walang gumagamit.
3. Pagkuha ng pagkain
/
na kaya lamang ubusin.
4. Paggamit ng baso sa
pagsisipilyo at tabo sa /
pagligo.
5. Gumamit ng sasakyan
(hal. Sumakay ng jeep o
tricycle) kung malapit /
lang naman ang
pupuntahan.
6. Huwag ng gumamit ng /
BSP VERSION (NEW)

airconditioning unit kung


malamig ang panahon.
7. Gamiten ang
bakanteng lote sa
pagtatanim ng gulay /
upang hindi na ito bumili
kapag kinakailangan.
8. Punitin ang papel
kapag may kaunting
pagkakamali at kumuha /
ulit ng panibagong
gagamiten.
9. Manatili na lamang sa
bahay kung hindi naman
mahalaga ang lakad /
upang hindi na
gumastos.
10. Kung araw ng
Sabado, hayaan na
lamang ang mga
magulang na gumawa ng
mga gawaing bahay at /
maging abala na lamang
sa paggamit ng gadget at
paglalaro ng on-line
games.

V. TAKDANG ARALIN

Sa pamamagitan ng isang COLLAGE gumawa ng simbolismo na nagpapakita ng mga


pamamaraan kung paano makapag-iimpok ng salapi ang pamilya. Matapos na
mabuo ang Collage ay ipaliwanag ang simbolismong nagawa.

You might also like