You are on page 1of 4

Name of Teacher: Ethyl Mae C.

Alagos
Date & Time: May 5, 2021
Subjects: Art 4
Grade & Section: Grade IV-Starapple
Quarter: Third Quarter / Week 2

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman The learner demonstrates understanding of shapes, colors and principle
repetition and emphasis through printmaking (stencils).
B. Pamantayan sa Pagganap The learner…
 exhibits basic skills in making a design for a print and producing
several clean copies of the prints.
 manipulates a stencil with an adequate skill to produce a clean print
for a message, slogan or logo for a T-shirt, poster bag.
 produces at least 3 good copies of print using complementary colors
and contrasting shapes.
C. Most Essential Learning Nakatutuklas ng paraan sa paggawa ng relief prints na may ethnic
Competencies (MELC) motif designs sa pamamagitan ng pag-uulit, pasalit-salit o radial na
ayos. (A4Pr-lllc&d)

D. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay…


A. nakakikilala ng iba’t ibang ethnic motif designs;
B. nakagagawa ng relief prints na may ethnic motif designs;
C. naipapakita ang pagtangkilik sa mga katutubong likhang sining.

II. NILALAMAN Relief Printing


(subject matter)
A. Mga Sanggunian  MELCs pp. 284
 Aklat sa Musika at Sining 4 (Kagamitan ng Mag-aaral), ph. 216-
219.
 Aklat sa Musika at Sining 4 (Patnubay ng Guro), ph. 272-273
B. Iba pang Kagamitang Panturo Banana stalk at iba pang gulay na may stalk, brush, acrylic paint o
watercolor, cartolina o cardboard, gunting at container, YouTube
videos
C. Values Integration
III. PROCEDURES
A. Balik-aral sa nakaraang aralin o Tingnan at suriing mabuti ang mga halimbawa ng testura at kung
pasimula sa bagong aralin paano ito ginamit bilang isang magandang sining. Masdan din ang
(Drill/Review/ Unlocking of paraan ng pag-uulit at pagsalit-salit ng mga disenyo. (Discusses the
difficulties) texture and characteristics of each material. A4EL-IIIa)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ipakita sa mga bata ang video ng paglilimbag:


(Motivation)
https://www.youtube.com/watch?v=zLf3BdqN0Fk

C. Pag- uugnay ng mga Ipakita sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na larawan:
halimbawa sa bagong aralin
(Presentation)

Itanong:
1. Anong uri ng disenyo ang mga nasa larawan?
2. Ano-anong mga uri ng linya ang ginamit sa mga disenyo?
3. Paano ginamit ang mga hugis sa nabuong disenyo?

D. Pagtatalakay ng bagong Ang mga disenyong etnikong motif ng mga pangkat-etniko sa


konsepto at paglalahad ng bagong ating bansa ay makikita sa maraming bagay tulad ng banga, tela,
kasanayan #1. damit sarong, malong,panyo, card, center table, at iba pa.
(Modeling) Napapaganda nito ang mga kagamitan.

Ang mga ethnic designs ay may mahahalagang kahulugan sa


mga pangkat-etniko. Gumagamit ng mga hugis ng hayop, tao,
halaman, bundok, araw, at iba pa ang ibang pangkat na naniniwala sa
mga anito upang ipakita ang kanilang kultura.

May mga pangkat na may kani-kaniyang silbi ang bawat bagay


na nilikha. Inaayon nila ang bawat obra sa okasyon o pagdiriwang
kung saan ito ay ginagamit.

Ang etnikong motif ay binubuo ng mga hugis at linya. Sa


pamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at radial na ayos (paikot)
ng mga hugis at linya, nagkakaroon ng maganda at kaaya-ayang
disenyo ang mga ethnic motif designs.

Note: Sa mga batang nag-aaral sa gitna ng pandemya gamit ang


modular distance learning modality, maaaring mabasa ng mga mag-
aaral ang tungkol sa araling ito sa kanilang Learning Activity Sheet
(LAS) sa Arts 4.
E. Pagtatalakay ng bagong Suriin kung anong disenyong etniko ang makikita sa larawan. Isulat
konsepto at paglalahad ng bagong ang paulit-ulit, radial, at pasalit-salit sa guhit.
kasanayan #2.
(Guided Practice)

F. Paglilinang sa Kabihasan Mga Hakbang sa Paggawa ng Relief Prints:


(Independent Practice)
1. Kumuha ng isang papel at gumuhit ng modelo ng disenyong etniko
na nagpapakita ng pag-uulit, pagsasalit-salit, paikot o radial na ayos.

2. Mula sa nabuong modelo sa papel, gumupit ng anumang bagay na


maaaring gawing pantatak (stamp) tulad ng sanga ng puno ng saging
(banana stalk) at iba pang bagay na may stalks. Mag-ingat sa
paggamit ng matutulis na bagay.

3. Gumupit ng cartolina o cardboard na kasinlaki ng greeting cards


(1/4 bond paper).

4. Pahiran ng pinta ang dulo ng stalks upang mailipat ang disenyo sa


gagawing card gamit ang brush.

5. Sa pagbuo ng disenyo sa card, iayos ito nang paulit-ulit, pasalit-salit


o radial.

G. Paglalapat ng aralin sa pang Gamit ang inyong kaalaman sa paglilimbag, gumawa kayo ng isang
araw araw na buhay poster na nagpapakita ng pagsunod sa mga batas/panuntunang
(Application/Valuing) pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran kahit walang
nakakakita. (Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol
sa pangangalaga ng kapaligiran kahit walang nakakakita, EsP4PPP- IIIe-f–
21)

Gamitin ang Rubric sa ibaba sa paglagay ng iskor:


H. Paglalahat ng Aralin Itanong:
(Generalization) a. Ano-anong uri ng hugis ang ginamit mo sa iyong print reliefs?

______________________________________________________
b. Paano mo inaayos ang mga hugis upang makabuo ng isang
disenyo?

______________________________________________________
c. Anong disenyong etniko ang ginamit mo sa iyong sining?

____________________________________________________________

I. Pagtataya ng Aralin (Evaluation) I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang araw si Krizelle ay hindi makagawa ng relief master. Isa ka sa kaniyang katabi sa
upuan, ano ang dapat mong gawin?
A. tulungan siya at palakasin ang loob
B. isumbong sa iyong guro
C. tawanan siya
D. iwanan siya

2. Sa tuwing kayo ay gumagawa ng gawaing sining ay laging pinalalagyan sa inyo ng diyaryo


ang mesang pinaggagawaan. Bakit?
A. upang hindi makita ng iba ang iyong ginagawa
B. upang hindi marumihan ang mesang pinaggagawaan
C. upang magkaroon ng disenyo ang iyong gawaing sining
D. upang lalong gumanda ang gagawing gawaing sining

3. Ano ang dapat mong gawin sa lugar na pinaggawaan matapos ang isang gawaing sining?
A. ipagyabang sa mga hindi marunong
B. i-display ang natapos na gawain
C. linisin ang pinaggawaan
D. itapon ang mga gamit

4. Gagawa kayo ng isang obra sa pamamagitan ng paglilimbag gamit ang luwad. Anong unang
dapat mong gawin sa luwad?
A. pagulungin ang luwad upang lumambot
B. iukit dito ang napiling disenyo
C. lagyan agad ng pintura
D. patigasin

5. Sa iyong paglalakad patungo sa paaralan ay nakakita ka ng mga patapong bagay o recyclable


materials na pinadadala ng guro. Ano ang gagawin mo sa mga ito?
A. ibilin ito sa iyong kaibigan para kayo lang ang makakagamit
B. dadalhin upang gamitin ito sa paglilimbag
C. itapon na lamang
D. huwag pansinin

Legend: Indicator 1 Indicator 2 Indicator 3

Prepared by: Checked by:

ETHYL MAE C. ALAGOS GUILYEN B. GRIÑEN


MT-I P-II

You might also like