You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Surigao City
Serna Elementary School
S.Y 2019-2020
GRADE – 5 NARRA
DAILY LESSON PLAN
In EPP
WEEK 32
February 6, 2020

I – LAYUNIN
Pagkatapos ng klase, ang mga bata ay inaasahan na:

a. Naipapaliwanag ang ligtas at reponsableng pamamaraan sa pagsali sa chat at discussion


forum
b. Naisasagawa ng maayos ang pangkatang gawain dapat sundin sa pagsali sa discussion
forum at chat.

II – PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagsali sa Discussion Forum at Chat sa Ligtas at Responsableng


Pamamaraan.
Sanggunian: https://depedtambayan.org/grade-5-dll-4th-quarter-2020/ K to 12 EPP5IE - Oc 9
Kagamitan: cell phone, laptop, internet access, manila paper, pentel pen

III – PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a. Pagbati
b.Pagwasto ng takdang-aralin
c. Balik-aral

B. Pagganyak

1. Pamilyar ba kayo sa mga larawan?


2. Paano ninyo maisasagawa ng ligtas at responsableng pagsali sa usapan gamit ang mga
website na ito.

C. PAGTALAKAY

Ang Discussion Forum ay maihahalintulad sa isang discussion board kung saan


maaaring magpost ng iba’t-ibang paksa na nagnanais ng kasagutan o opinion mula sa iba.
Karaniwang mga paksa ay nagreresolba ng mg problema o mga pamamaraan sa paggawa ng
isang bagay ang makikita sa isang discussion forum.
Ang chat ay siang real time na pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao.
Di gaya ng isang discussion forum, ang pagsagot sa chat ay agad-agad. Ito ay sa kadahilanang
ang mga taong kasali sa chat ay online o kasalukuyang nasa harapan ng computer at
konektado sa internet. Karaniwan ding mas mabilis ang palitan ng sagot sa diskusyon sa isang
chat kumpara sa isang discussion forum.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA LIGTAS AT RESPONSABLENG PAGSALI SA
DISCUSSION FORUM AT CHAT.

Discussion Forum Chat Computer Laboratory


1. Palaging isaisip at isagawa ang mga 1. Ugaliin ang 1. Magkaroon ng malinaw
netiquette, o ang mga panuntunan netiquette. na patakaran para sa
sa kagandahang –asal sa paggamit paggamit ng computer.
ng internet.
2. Basahin ang mga patakaran sa 2. Maging malinaw sa 2. Ipagbawal ang anumang
sasalihang discussion forum upang mga pahayag upang pagkain o inumin sa loob
lubos na maunawaan ang mga maunawaan nang ng computer laboratory.
kailangan gawin. lubos ang kausap.
3. Siguraduhing tama sa paksa ang 3. sumagot ng ayon sa 3. Panatilihing malinis at
discussion forum na sasalihan. tinatanong ng kausap. maayos ang computer lab.
Iwasan ang pagpopost ng mga Iwasan ang pagsagot
paksang malayo sa layunin ng nang hindi tama o
discussion forum. walang batayan.
4. Sa tuwing magpopost ng paksa, 4. Sumagot kaagad 4. Magpaskil ng kaaya-
siguraduhing ito ay malinaw para sa dahil tiyak na ayang larawan na may
lahat ng makakabasa. Ugaliin din na naghinhintay ng mabilis kinalaman sa computer.
sundin ang lengwaheng na sagot ang kausap.
nirerekomenda upang lubos pa itong
maintindihan ng lahat.
5. Bago mag-post ng paksa, 5. Magpaalam ng 5. Iaayos ang mga
magsiyasat muna kung may maayos sa kausap computer pagkatapos
kaparehong paksa na ang nasagot at bago mag-offline. gamitin.
napag-usapan upang maiwasan ang
pag-uulit nito.
6. Kung sasagot naman sa isang
paksa, sigurahing tama at totoo ang
isasagot. Huwag maglalagay ng
sagot na walang basehan dahil
maaari itong ikapahamak ng
makababasa.

IV – PAGTATAYA
(Unang Araw)
Gawain A: Mag skit tayo
1. Bumuo ng apat na pangkat
2. Ang bawat grupo ay tatalakay tungkol sa ligtas at responsableng paggamit ng computer,
pagsali sa discussion forum at chat. Tingnan ang pagkakaayos ng grupo batay sa palesang
tatalakayin sa ibaba.

a. Pangkat 1 at 2 : Responsableng paggamit ng computer laboratory.


b. Pangkat 3 at 4 : Responsableng pagsali sa discussion forum at chat.

3. Gumawa ng skit o anumang uri ng presentasyon na tumatalakay sa ligtas at responsableng


pagsali sa discussion forum, chat at paggamit ng computer laboratory.
Ipakita ito sa klase.

V – TAKDANG ARALIN

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na kaalaman o kasanayan?


Tsekan ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman at Kasanayan
1. Nakasusunod sa usapan
sa isang discussion forum
at chat.
2. Natutukoy ang mga
website na nagbibigay ng
serbisyo tulad ng
discussion forum at chat.
3. Nakasasabi sa mga group
chat
4. Nakapagpopost ng
sariling mensahe sa
discussion forum at chat .
5. Naisasaalang-alang ang
tamang pag-uugali sa
paggamit ng internet o
pagsali sa isang
discussion forum at chat.

Inihanda ni:

MARIELLE P. LUMINDAS
Guro

Binigyang pansin:

SYLVIA A. TORRECAMPO
Punong Guro

You might also like