You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I-Ilocos Region
Schools Division Office- City of San Fernando (LU)
SAGAYAD ELEMENTARY SCHOOL
SAGAYAD, City of San Fernando, La Union
__________________________________________________________________________________________
Banghay Aralin sa EPP V
Entrepreneurship/ICT
I. LAYUNIN:
1. Nabibigyang kahulugan ang kontekstong produkto at serbisyo
2.Nakakikilala ng mga iba’t-ibang manggagawa
3. Nakaguguhit ng mga produkto at serbisyo

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo
Sanggunian: Curriculum Guide, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, (EPP5IE-0a-2)
Kagamitan: video lesson,activity sheets
Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP), Health
III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK

 Ano-ano ang mga bagay na nakikita ninyo sa taking paaralan araw-araw?


 Ang mga bagay ba na ito ay kapakipakinabang?
 Saan at ano kaya ang mga materyl na binubuo ito?

Magpapakita ang guro ng mga larawan na may kaugnay sa paksa.

B. PAGLALAHAD

Gamit ang mga larawan na kanilang nakita, magtatanong ang guro na may kaugnay sa paksang
tatalakayin. Itatanong ng guro ang sumusunod:

 Ano-ano ang mga larawang nakita niyo sa ating presentasyon mga bata?
 Ano ang gingawa ng mga tao sa larawang inyong nakita?
 Sa mga larawang inyong nakita, may konsepto na ba kayong nabuo tungkol sa
ating tatalakayin?
C. PAGTATALAKAY
Tatalakayin ng guro ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto o serbisyo gamit ang
video lesson at kolaborasyon ng mga bata sa pakikinig at pagsagot sa bawat katanungan.
1. Produkto
-Karaniwang likhang kamay o makina.
-Nahahawakan, nagagamit, napapakinabangan at nakakain.
Halimbawa: mga gamit sa bahay, paaralan o opisina

2. Serbisyo
-Ito ay paglilingkod, pagtratrabaho, pag-aalay ng gawain na may, kabayaran man
o wala, ayon sa pangangailangan.
-Ito ay hindi nahahawakan pero napakikinabangan.
Hal.

D. PAGLALAPAT
Sa pamamagitan ng isang laro, magpapaunahan ang mga bata na tukuyin ang nasa larawan kung
ito ay produkto o serbisyo.

E. PAGLALAHAT
- Ano ang produckto?
-Ano ang serbisyo?
-Ano ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo?
-Bakit mahalaga ang pagiging entrepreneur?
-Nakakatulong ba ang mga produkto o serbisyo sa araw-araw nating pamumuhay?
-Tama bang tumulong din sa mga taong nagbibigay ng serbisyo o gumagawa ng
produktko para sa mamamayan?
IV. PAGTATAYA:
Panuto: Isulat sa patlang kung A kung ang mga sumusunod na salita ay produkto at B kung serbisyo.

_____1. tindera _____6. pulis


_____2. juice _____7. bumbero
_____3. mangga _____8. tubig
_____4. sundalo _____9. Gobernador
_____5. telepono _____10. Construction worker

Para sa karagdagang gawain, gumuhit ng isang produkto at isang serbisyo na inyo ng nasubukan.

V. TAKDANG ARALIN
Magtala ng 5 produkto at 5 serbisyo. Itala ang mga ito sa inyong kwaderno.

Reflection:

_____________ of Learners who earned 80% above

_____________of Learners who require additional activities for remediation

You might also like