You are on page 1of 10

Gurong Nagsasanay : Kaye Cindy A.

Olegario
Gurong Kritiko : Bb. Beverly B. Dionio
Baitang : IV
Asignatura : EPP
Pamamaraan : Palinang

I. Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natatalakay ang mga katangian ng isang
entrepreneur.
b. naiisa-isa ang mga katangian ng isang entrepreneur.

II. Paksang Aralin: Pagtatalakay sa mga Katangian ng Isang Entrepreneur

Sanggunian: EPP 4- MGA KATANGIAN NG ISANG ENTREPRENEUR


Senora Maestra
Hango sa:
https://www.youtube.com/watch?v=U0e9m0EYtGU
Curriculum Guide in EPP and TLE, EPP4IE-0a-2, p. 6

Kagamitan: LCD Projector at laptop

Pagpapahalaga: Pahalagahan ang negosyong pinagmulan.

Mga Gawain: “Thumbs up or Thumbs down at Alamin Mo”

III. Istratehiya:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Panibagong Aralin

A. Pagganyak

Meron akong larawan dito.


(Ipinakita ng guro ang larawan.)
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Ang nakikita ko sa larawan ay isang


lalaki na nagtitinda ng prutas at gulay.

Tama! Ang nasa larawan ay isang lalaki na


nagtitinda ng prutas at gulay.

Anong mga gulay at prutas ang nakikita


ninyo sa larawan? Ang mga prutas at gulay na nakikita
namin sa larawan ay pinya, mansanas,
kamatis, upo, at melon.
Magaling!

Saan ninyo madalas nakikita na may


nagtitinda ng prutas at gulay? Madalas ko silang nakikita sa palengke.

Magaling! Maraming nagtitinda ng prutas at


gulay sa palengke.

Madalas ba kayong sumasama sa iyong


nanay kapag namamalengke? Opo, titser.

Ano-ano ang mga binibili ninyo? Ang mga binibili namin ni nanay kapag
kami ay namamalengke ay mga prutas, gulay
at mga pagkain.

Mabuti naman kong ganoon.

Mga bata, alam ba ninyo kung ano ang


tawag sa lalaki na nasa larawan? Hindi, titser.

Ang tawag sa lalaki na nasa larawan ay


isang entrepreneur.

Alam ba ninyo kung anong kahulugan ng


entrepreneur? Hindi titser.

Ang isang entrepreneur ay namamahala


at nag-aayos sa isang negosyo.

Gusto nyo bang maging isang entrepreneur


paglaki ninyo at magkaroon ng sariling negosyo? Opo, titser.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Bago kayo magbukas ng negosyo ay


dapat alam nyo muna kung ano ang mga
katangian ng isang entrepreneur.

Alam ba ninyo mga katangian ng isang


entrepreneur? Hindi, titser.

B. Paglalahad

Sa araw na ito ay ating tatalakayin ang mga


katangian ng isang entrepreneur.

(Ipinakita ng guro ang paksang aralin at


mga layunin.)

Magkakaroon tayo ng aktibidad. Ang


aktibidad na ito ay tatawagin natin na “Thumbs up
or Thumbs down”. Hahatiin ko ang klase sa tatlong
grupo. Bawat grupo ay magkakaroon ng pangulo
na mamamahala at siya din ang pipindut ng
“Thumbs up at Thumbs down”. Meron akong
ipapakita na posibleng mga katangian ng isang
entrepreneur. Ang dapat ninyong gawin ay
paunahan ng sagot. Pipindutin ng inyong pangulo
ang “Thumbs up” kung ang ipinakita ko ay isa sa
mga katangian ng isang entrepreneur at kung hindi
naman ay pindutin ang “Thumbs down”. Ang grupo
na may maraming tamang sagot ay siyang
mananalo at mabibigyan ng malaking puntos.

Nagkakaintindihan ba tayo? Opo, titser.

1. Ang namamahala ng negosyo bilang isang 1. Thumbs up


entrepreneur ay handang
makipagsapalaran.

2. May matatag na loob at may tiwala sa sarili, 2. Thumbs up


kakayahan sa pagpaplano, magaling
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
gumawa ng desisyon, sipag sa
pagtatrabaho, masigasig, at marunong
lumutas ng suliranin.

3. Nang-aaway ng mamimili. 3. Thumbs down

4. Ang isang entrepreneur ay pinapataas ng 4. Thumbs down


sobra ang presyo ng kanyang mga tinitinda.

5. Ang isang entrepreneur ay napapaunlad 5. Thumbs up


ang pamamahala, nauunawaan ang
pangangailangan ng mga tao at handang
tumulong sa pamamagitan ng kanyang
negosyo.

6. Siya ay hindi mapagsamantala sa pagtaas 6. Thumbs up


ng presyo ng paninda. Bagkus siya ay
naglilingkod sa mga makababa sa buhay.

7. Walang bilib sa sarili. 7. Thumbs down

8. Sa pangangasiwa ng negosyo, kailangang 8. Thumbs up


may kasanayan at kakayahan sa
produktong ipinagbibili.

9. Nakikipagkompetensya sa kanyang kapwa 9. Thumbs down


entrepreneur.

10. Sa pagtitinda ay maaaring simulan sa maliit 10. Thumbs up


na puhunan. Ang maliit na tindahan ay maliit
din ang nakaukol na pamamalakad. Kung
malugi ka man ay maliit din ang epekto nito.

C. Paghahambing

Tingnan natin yong mga tamang katangian


ng isang entrepreneur mula sa ating
aktibidad.

Basahin ang unang katangian ng sabay-


sabay.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Ang pamamahala ng negosyo bilang isang


entrepreneur ay handang makipagsapalaran.

Base sa binasa ninyo, ang isang


entrepreneur ay dapat hindi natatakot na
sumubok ng isang negosyo kahit anu’t anumang
kahihinatnan nito.

Basahin ang pangalawang katangian.

2. May matatag na loob at may tiwala sa sarili,


kakayahan sa pagplano, magaling gumawa ng
desisyon, sipag sa pagtatrabaho, masigasig, at
marunong lumutas ng suliranin.

Base sa inyong binasa, bakit importante sa


isang entrepreneur na masipag sa pagtatrabaho? Importante sa isang entrepreneur na
masipag sa pagtatrabaho upang mas
lumago ang kanyang negosyo at hindi ito
malugi.
Magaling!

Mahalaga din sa isang entrepreneur na may


tiwala sa sarili dahil ito ang unang kailangan mo
kung papasok ka sa isang negosyo dahil kung wala
ito, konting failure/kabiguan lang ay aatras ka na
agad. Dapat naniniwala ka sa ginagawa mo sa
anumang negosyo na papasukin mo.

Basahin ang ikatlong katangian.

3. Ang isang entrepreneur ay napapaunlad


ang pamamahala, nauuunawaan ang
pangangailangan ng mga tao at handang
tumulong sa pamamagitan ng kanyang negosyo.

Base sa ikatlong katangian, dapat ding


unawain ng isang entrepreneur ang mga tao, hindi
agad aawayin at handang tumulong sa kanila.
Halimbawa, kapag ang isang entrepreneur ay
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
nagtitinda ng mga pagkain, at may pulubi na
nanghingi sa kanya ay dapat bibigyan niya ito.
dahil sa ganoon na paraan ay nakakatulong siya
sa tao.

Basahin ang ikaapat na katangian.

4. Siya ay hindi mapagsamantala sa pagtataas


ng presyo ng paninda. Bagkus siya ay naglilingkod
sa mga nakababa sa buhay.

Ano ang nauunawaan ninyo sa ikaapat na


katangian? Ang nauunawaan ko sa ikaapat na
katangian ng isang entrepreneur ay hinding-
hindi siya basta-bastang nagtataas ng presyo
sa kanyang mga paninda at kanyang
iniaayon sa mga taong hindi gaano kayaman.

Magaling!

Basahin ang panlimang katangian.

5. Sa pangangasiwa ng negosyo ay kailangang


may kasanayan at kaalaman sa produktong
ipinagbibili.

Ano ang nauunawaan sa panlimang


katangian ng isang entrepreneur? Ang nauunawaan ko sa panlimang
katangian ng isang entrepreneur ay
kailangang may kaalaman sa produktong
ipinagbibili dahil kapag ang mamimili ay
merong tanong tungkol sa produkto ay agad
mo itong masasagot nang maayos.

Magaling! Kapag nasagot mo nang maayos


ang tanong ng isang mamimili tungkol sa produkto
ay diyan mo makukuha ang pagsang-ayon na bibili
sa produkto.

Basahin ang ika-anim o pang huling


katangian ng isang entrepreneur.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

6. Sa pagtitinda ay maaaring simulan sa maliit


na puhunan. Ang maliit na tindahan ay maliit din
ang nakaukol na pamamalakad. Kung malugi ka
man ay maliit lang ang epekto nito.

Kapag ang isang entrepreneur ay


magbubukas ng bagong negosyo, dapat
magsimula sa maliit na puhunan at wag mo ibigay
lahat sa simula para kapag nalugi ang negosyo ay
hindi malaki ang epekto nito.

Pagpapahalaga

Kapag ikaw ay magsisimula ng negosyo


paglaki mo, hindi lang inaaral ang mga katangian
ng isang entrepreneur, dapat ding pinapahalagan
ang negosyong nasimulan.

Alam ninyo kung bakit pinapahalagahan


ang negosyong nasimulan? Hindi/Oo, titser.

Dapat pinapahalagahan ang negosyong


nasimulan dahil kapag may problema na dumating
sa negosyo ay madali mo itong masusulosyunan
dahil hinding-hindi ka papayag na malugi at mas
lalo mo pa itong mapapalago.

D. Paghahalaw

Ano-ano ang mga katangian ng isang


entrepreneur? Ang katangian ng isang entrepreneur
ay handang makipagsapalaran, may
matatag na loob, may tiwala sa sarili, may
kakayahan sa pagplano, magaling gumawa
ng desisyon, masipag, masigasig, marunong
lumutas ng suliranin, maunawain, matulungin,
hindi mapagsamantala, may kasanayan at
kaalaman sa produktong ipinagbibili.
Magaling!
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

E. Paggamit

Magkakaroon ulit tayo ng isang aktibidad.


Ang aktibidad na ito ay tinatawag na “Alamin Mo”.
Ihahati ko ulit ang klase sa ikatlong grupo.
Magbibigay ako ng file na ipapadala ko sa
Messenger App sa ating group chat. Ang file na
iyon ay naglalaman ng gawain na dapat ninyong
sagutin. Kapag tapos nyo nang masagot,
ipapadala ninyo ang file sa ating group chat. Ang
grupo na may tamang sagot ay siyang mabibigyan
ng malaking puntos. Bibigyan ko kayo ng limang
minuto upang masagot ito.

Panuto: Piliin sa kahon ang mga katangian ng isang


entrepreneur at kapag natapos mo nang mapili ay
talakayin mo ito base sa naiintindihan mo.

1.masinop 2.nang-aaway ng mamimili 3. matulungin

4.masipag 5. mainitin ang ulo 6.maunawain 7.masigasig

8.walang tiwala sa sarili 9.marunong lumutas ng suliranin

10.mapagsamantala 11.may kakayahan sa pagplano (Ginawa ng mga bata.)


12.may matatag na loob 13.handang makipagsapalaran

14.walang bilib sa sarili 15.may tiwala sa sarili

16.magaling gumawa ng desisyon

17.hindi mapagsamantala

IV. Pagsusulit

Magbibigay ulit ako ng file na ipapadala ko


sa ating group chat at pagkatapos ninyong
masagot ay ipapadala ninyo ito sa group chat.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Panuto: Magbibigay ako ng mga katangian


ng isang entrepreneurship at talakayin isa-sa ang
mga ito sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang
pangungusap tungkol dito. (Dalawang puntos
bawat isa.)

1. handang makipagsapalaran
2. may matatag na loob
3. may tiwala sa sarili
4. magaling gumawa ng desisyon
5. masipag
6. masigasig
7. marunong lumutas ng suliranin
8. maunawain
9. matulungin
10. hindi mapagsamantala

V. Takdang Aralin

Panuto: Sagutin ang ibinigay na tanong at


Isulat ang inyong sagot sa isang kalahating papel.
(4 puntos.)

1. Kapag ikaw ay magbubukas ng negosyo


balang araw, paano mo ito mapapalago?

Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay


Pamanatyan 4 3 2 1
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi nailahad sa
ang introduksyon. introduksyon ang introduksyon ang introduksyon ang
Malinaw pangunahing pangunahing paksang pangunahing
nanailahad ang paksa gayundin unit hindi sapat ang paksa athindi
pangunahing paksa ang panlahat na pagpapaliwanag dito. sapat ang
gayundin ang pagtanaw ukol pagpapaliwanag
panlahat na dito. dito.
pagtanaw ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan Hindi nadebelop
bawat talata dahil may sapat na sadetalye. ang pangunahing
sa husay sa detalye. ideya.
pagpapaliwanag at
pagtalakay tungkol
sa paksa.
Organisasyon ng Mahusay ang Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay
mga ideya pagkakasunod- debelopment ng pagkakaayos ng mga naorganisado ang
sunod ngideya; mga talata subalit talata subalit ang mga pagkakalahad
nagamit din ang hindi malinis ang ideya ay hindi ganap ngsanaysay.
mga bahagi ng pagkakalahad. nanadebelop.
tekstong
impormatibo
Konklusyon Nakapanghahamon Naipapakita ang Hindi ganap na naipakita May kakulangan
ang konklusyon at pangkalahatang ang at walang pokus
naipapakitaang palagayo pasya pangkalahatangpalagay ang konklusyon.
pangkalahatang tungkol sa paksa o pasyatungkol sa paksa
palagay o paksa batay sa mg bataysa mga katibayan
batay sakatibayan aktibayan at mga
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
at mga katwirang inisa- a tmga katwirang inisa-
katwiranginisa-isa sa isasa bahaging isasa bahaging gitna.
bahaging gitna. gitna.
Mekaniks Walang Halos walang Maraming pagkakamali Napakadami at
pagkakamali pagkakamali sa sa mga bantas. nakagugulo ang
samga bantas at mga talata mga talata.
kapitalisasyon.

Mga Sanggunian

You might also like