You are on page 1of 5

Department of Education

Region IV –A CALABARZON
Schools Division Office of Laguna
Mabitac Sub Office
NANGUMA ELEMENTARY SCHOOL

Lesson Plan in FILIPINO 2

Name of Teacher: MARICAR L. LALUSIN Date: JUNE 8, 2023


Grade and Section: TWO – HUMLITY Time: 8:20-9:10 A.M.

I.Layunin : Inaasahang makagagamit ng salitang kilos sa pag-uusap tunhkol sa iba’t-


ibang Gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang
mga pamilyar at di-pamilyar na salita
B. Pamantayan sa Pagganap Nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita
C Kasanayan sa Pagkatuto. Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan
F2WG-IIg-h-5
II. Nilalalaman : Gamit ng mga Salitang Kilos sa Pag-uusap Tungkol sa
Iba’t ibang Gawain sa Tahanan, Paaralan, at Pamayanan
Kagamitang Panturo
A. References:
1. Curriculum Guide BOW 18- 19
2. Teaching Guide
3. Learners’ Materials SLM 7-12
4 . LRDMS
5.Other References/ www.google.com
Materials SLM, Larawan, powerpoint, Visual Aids
6. Integration/Integrasryon Literacy, Music, EsP

III. Pamamaraan
(Procedure)
A. Balik-aral( Review of Panuto: Pakinggan ang mga salitang babanggitin ng guro, Sabihin ang
Previous/Presenting New bilog kung ang dalawang salita ay magkasingkahulugan. Tatsulok kung
Lessons) magkasalungat.
____1. mabilis – mabagal
____2. matalino - marunong
____3. mainit – malamig
____4. masarap-malinamnam
____5. masaya - malungkot

B. Paghahabi sa layunin Awit:


“Kung Ikaw ay Masaya”

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
1
Ano ng mga salitang inyong sinabi?
Pumalakpak, tumawa, kumembot, pumadyak, lumundag
Saan ginagawa ang mga ito?
D. Pagtatalakay ng bagong Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad ng kilos,
konsepto at paglalahad ng aksiyon o galaw ng isang tao, bagay o hayop. Ang mga salitang pandiwa
bagong kasanayan ang siyang nagbibigay-buhay sa loob ng isang pangungusap.
Ang mga salitang kilos ay nagbibigay-buhay dahil nagsasaad ito ng kilos
o galaw ng tao, hayop o bagay. Binubuo ito ng salitang-ugat at mga
panlapi.
E. Pagtatalakay ng bagong Paghahawan ng balakid
konsepto at paglalahad ng Palengke
bagong kasanayan Pangarap
Inspirasyon

Halika, basahin natin ang kuwento nina Jane at Neil


na katulad mo ring tumutulong sa gawaing - bahay.

“Inay, papasok na po kami sa paaralan,” ang


magalang na paalam ng magkapatid na Jane at Neil sa
kanilang ina.
Pagpasok sa paaralan, isinabay na nila ang kanilang
kaklase na si Roy papunta sa silid-aralan. Tulad ng
nakagawian na nila, nagwawalis, at nagpupunas ng
mesa at bintana ang magkapatid bago pa magsimula
ang klase. Habang ang kanilang ibang kaklase ay
masayang nagkukuwentuhan sa kanilang nalalapit na
bakasyon.
Dinatnan ng guro na malinis ang silid-aralan.
Nagsimula na ang klase. Ibinahagi ni Jane sa klase ang
tungkol sa kanilang ina.
“Maagang gumigising si inay para ipaghanda kami
ng agahan at pagkatapos, dali – dali siyang pupunta ng
palengke upang kumuha ng paninda at ititinda ito sa
aming pook,” kuwento ni Jane.
“Ako at si Neil ang nagliligpit at naghuhugas ng mga
pinagkainan bago pumasok sa paaralan. Pagkatapos ng
klase, tinutulungan ko na si inay sa kanyang pagtitinda at

2
paglalaba habang si Neil naman ay abala sa paggawa
ng kanyang takdang-aralin,” ang sabi ni Jane.
Pagkatapos, ibahagi ni Jane ang kanyang
karanasan, marami sa kanyang kaklase ang napaisip at
humanga sa kasipagan at pagtutulungan ng
magkapatid.
Samantala, tuwang - tuwa naman si Neil na ipakita
sa kanyang mga kaklase ang iginuhit niyang bahay para
sa kanyang inay.

Para sa dalawang magkapatid, ang kanilang


pangarap ay isang inspirasyon upang ipagpatuloy at
lagpasan ang hamon ng buhay.
Kaya naman laking pasasalamat ni Aling Mirna, sa
kaniyang masisipag na mga anak.

Tanong:

1. Ano ang pamagat ng kwento?


2. Saan pupunta si Jane at Neil?
3. Ano ang mga ginawa nila bago mgsimula ang klase?
4. Ano ang mga ginagawa ng ina ni Jane at neil tuwing umaga?
5. Ano ano ang ginagawa ni Niel at Jane bago pumasok?

Ano ng katangian ng dalwang bata? Sa ating kwento ay maraming


pangdiwang nabanggit?
Ano ano ang mga ito?

Sa mga nabanggit ng pandiwa ay mapapansin natin na sa tahanan ay may


angkop na pandiwang ginamit, gayundin sa paaralan at sa pamayanan.

Pagsasanay:
Panuto: Gamit ang ating mga kamay, ipakita ang tsek (/) kung ang salita
ay halimbawa ng salitang kilos, at ekis (x) naman kung hindi.
1.naglalaba
2. masipag
3. nagsusulat
4. naglalakad
5. malinis
F. Paglinang sa Kabihasaan Pamantayan sa Pangkatang Gawain:
Tungo sa Formative Assesment Pangkatang Gawain:
Pangkat1
Pili ka na!

3
Pangkat 2
Isulat mo!
Punan ang patlang ng angkop na salitang kilos.
Pumili ng angkop na salita sa kahon.

1. ______________ kami ng mangga bukas.


2. ______________ si ate ng sapatos sa palengke.
3. Si inay ay ______________ ng paborito kong adobo.
4. Kami ay _______________ ng gulay sa aming bakuran.
5. ______________ ako bukas ng aking takdang aralin.

Pangkat 3
Bilugan yan!
Bilugan ang salitang kilos na makikita sa
pangungusap.
1. Ang kanilang mga laruan ay itinanghal sa museo.
2. Nakilala sila sa ibang bansa.
3. Binigyan sila ng gantimpla
4. Sina Joel at Ariel ay nag- imbento ng laruan.
5. May balita silang nabasa sa pahayagan.
Pangkat 4
Isulat mo!
Panuto: Pagmasdan ang
larawan at isulat ang
mga salitang kilos na makikita rito

Pangkat 5
Gawin mo!
Panuto: Gumuhit ng isang bahay at sumulat sa loob nito ng 5 salitang
kilos na iyong ginagawa pagkagising sa umaga.

1. _____________
2. _____________
3. ______________
4. ______________
5. ______________

G. Paglalapat ng Aralin sa pang Pagsasanay:


araw -araw na buhay Tingnan ang mga larawan at e-click kung ano ang ginagawa ng nasa
larawan

4
H, Paglalahat Ano ang pandiwa?
Tandaan: Ang tamang paggamit ng pandiwa sa pakikipag-usap ay
nagbibigay ng mas malinaw na paglalahad ng impormasyon sa iyong
pakikipag-usap maging sa tahanan, paaralan o pamayanan.
H. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin ang salitang kilos sa bawat pangungusap. Isulat
ang tamang sagot sa inyong papel.
1. Nananahi ng damit ang aking nanay.
2. Tumutulong ako sa pagluluto.
3. Araw-araw akong naglalakad papunta sa paaralan.
4. Mahusay sumayaw ang aking ate.
5. Umiinom ako ng gatas tuwing umaga.
I. Karagdagang Gawain para Mgbigay ng 5 pandiwa na madalas ginagawa o ginagamit mo sa inyong
satakdang-aralin paaralan.

IV. MGA TALA (REMARKS)


V.PAGNINILAY
(REFLECTION)

A.Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80 sa pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na na
kaunawa sa aralin
D.Bilang ng mag-aaral na mag
papatuloy sa remediation?

Inihanda ni:
MARICAR L. LALUSIN
Guro I

Binigyang pansin:

JINKY A. DORADO PhD


Principal I

You might also like