You are on page 1of 5

MASUSING Paaralan Baitang Isa

BANGHAY- Guro Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras Markahan Ikaapat

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang Pangnilalaman pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya,kaisipan,karanasan at damdamin.
Nakakasulat ng idiniktang pangungusap sa
B. Pamantayan sa Pagganap kuwaderno ng may tamang baybay at bantas.
Naiuulat nang pasalita ang mga
naobserbahang pangyayarisa paaralan (o
mula sa sariling karanasan)
 FIPS-IIc-3
Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol
C. Mga Kasanayang
 FIWG-IVd-f-7
Pampagkatuto/Layunin Naisusulat nang may wastong baybay at
bantas ang salita/pangungusap na idinikta
 FIKM-IVe-2

II. NILALAMAN/PAKSA
 Pagpapanatili sa Kalinisan ng Ating Kapaligiran
 Pang-ukol

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: pahina 86-88
2. Curriculum Guide pahina 14
3. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: pahina
4. Mga Pahina sa Teksbuk
5. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo
Cartolina,manila paper
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral
 Ipaalala sa mga mag-aaral ang ibinigay na takdang –aralin noong nakaraang lingo.
Gamitin itong paksa para sa bahaginan
Sabihin: (Guro) Noong nakaraang lingo,ipinatanong ko sa inyong magulang kung ano ang
dapat gawin upang maiwasan ang kagat ng lamok at ang pagdami ng lamok sa inyong
bahay.Bakit ba dapat iwasan ang pagdami ng lamok?Ano ang posibleng mangyari kung
makagat tayo ng lamok?(Maghintay ng sagot)Tama. Maaari tayong magksakit. Kaya
kailangan nating iwasan ang pagdami nito.Ito ang paksa ng bahagian natin ngayon.Gamitin
ninyo ang impormasyong nakuha ninyo mula sa inyong magulang.Puwede ninyong gamitin
ang halimbawang panimulang ito:

Upang iwasan ang pagdami g lamok sa ating bahay,dapat_________________.

Pahina 1 of 5
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
 Magbigay ng halimbawang pangungusap upang mas lalong maintindihan ng klase ang
ipinapagawa.
Halimbawa: “Upang maiwasan ang pagdami ng lamok sa atig bahay,dapat itapon ang
mga basyong bote na may laman pang tubig upang hindi ito pamuhayan ng lamok”.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


 Tumawag ng tatlong mag-aaral upang maglahad ng kanilang ideya sa harapan ng klase .
Tulungan sila sa pagsasaayos ng kanilang pangungusap kung kinakailangan.
D. Pagtalakay ng Bagong Konspeto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan Blg. 1
 Pakinggan ang mga pangungusap at isulat ang mga bahagi nito na gumagamit ng
salitang pang-ugnay sa pisara.
Halimbawa: pagdami ng lamok,sa ating bahay,bote na may laman
Salungguhitan ang mga salitang pang-ugnay at ipaalala sa mga mag-aaral kung
ano ang silbi ng mga ito.Ipaliwanag din sa mga mag-aaral na ang salitang pang-
ugnay ay tinatawag na pang-ukol.
Magpabuo ng iba pang parirala tungkol sa paglinis ng kapaligiran na gumagamit
ng salitang pang-ugnay/pang-ukol.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan Blg. 2


 Katulad ng binanggit sa ating bahaginan,dapat nating linisin ang ating kapaligiran upang
iwasan ang lamok at iba pang nagdadala ng sakit.Tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan
sa Ating Kapaligiran ang kuwentong babasahin natin bukas.
 Isulat sa pisara ang listahan ng mga salitang pag-aaralan:
humupa,dengue,pangontra,imburnal,platelet.
 Pasabayin ang mga mag-aaral sa pagbasa ng mga salitang pag-aaralan. Ituro ang salita
habang binabasa.
 Alin sa mga salitang ito ang narinig na ninyo? May salita ba rito na alam na ninyo ang ibig
sabihin?(Maghintay ng sagot)Alamin natin natin ang kahulugan ng mga salitang ito.
Gagamitin ko ang mga salita sa pangungusap at sabihin ninyo kung ano ang ibig sabihin.
1. Nang humupa ang baha, nakapaglakad na rin kami sa kalye.
Itanong: Nakaranas na ba kayo ng baha? Ano ang kailangang mangyari sa tubig-baha
upang makapaglakad na tayo sa kalye?Batay dito,ano kaya ang ibig sabihin ng humupa?
Isulat: humupa- bumaba
2. Naospital ang kaklase ko dahil kinagat sya ng lamok at nagkaroon ng dengue.
Itanong: Bakit naoospital ang mga tao? Napupunta ba ang lahat ng may sakit sa
ospital?Anong klaseng sakit ang dengue?
Isulat: dengue- ang nakakamatay na sakit dulot ng pagkagat ng lamok.
3. Ayon sa kasabihan,mainam na pangontra sa sakit ang ampalaya.
Itanong: Kapag kontra tayo sa isang bagay,pabor ba tayo dito?Ano ang ibig sabihin ng
pangontra?
Isulat: pangontra- panlaban
4. Dahil punong-puno na ang basura at dumi mula sa paligid,barado na ang imburnal.
Itanong: Ano kinalaman ng basura at dumi sa imburnal? Bakit kaya ito nababara? Ano
ang ibig sabihin ng imburnal?
Isulat: imburnal – ang pinagdadaluyan ng dumi
5. Sinuri ng doktor ang kaniyang dugo upang alamin kung gaano karami ang platelet.
Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang platelet?Ano ang sinusuri ng doktor upang
mabilang ang platelet?
Isulat: platelet- ang bahagi ng dugo na tumutulong sa pagsasara ng sugat

F. Paglinang sa Kabihasaan

Pahina 2 of 5
1. Gawaing Pagpapalalim
Ipasulat sa mga mag-aaral ang isang pangungusap na gumagamit ng ilang salita mula
sa talasalitaan.Idikta ang sumusunod at ipasulat ito sa kuwaderno ng mga mag-aaral.

Mababa ang bilang ng platelet ng mga taong may sakit na dengue.

Matapos makapagsulat ng mga mag-aaral ,isulat din ang pangungusap sa pisara


upang Makita ang tamang baybay.
Alin sa mga salitang ito ang salitang pang-ugnay?Tumawag ng bata para salungguhitan
ang mga salitang pang-ugnay.
2. Gawaing Paglinang sa Kabihasaan
Tayo ay magkakaroon ng Pangkatang Gawain. Kayo ay hahatiin ko sa tatlo ang bawat
grupo ay magkakaroon ng lider.

Unang Pangkat (Easy)- Panuto: Salungguhitan ang pang-ukol sa bawat pangungusap.


1. May balita ka ba tungkol sa parating na bagyo?
2. Baka supertyphoon daw ito, ayon sa kapitbahay natin.
3. Kinansela ang mga klase sa elementarya at haiskul.
4. Para sa mga mangingisda ang babalang narinig natin.
5. Ukol sa paglikas nila ang balitang ito.

Pangalawang Pangkat ( Average)- Panuto: Bilugan ang titik ng sagot na may pang-ukol
o mga pang-ukol na bubuo sa pangungusap.
1. _______ balita, ang dengue ay nakamamatay na sakit.
a. Para kina b. Hinggil kay C. Ayon sa
Sagot : C
2. _______ batas ang pagtapon ng basura sa mga ilog.
a. Labag sa b. Alinsunod sa C. Hinggil sa
Sagot: A
3. Iniligpit ko muna ang mga gamit _______ Lino.
a. ni b. kay c. ng
Sagot: A
4. Kung mawawala ang kuryente, tanggalin mo ang mga plag _______ kuwarto.
a. nina b. sa c. para sa
Sagot: B
5. Ang aralin natin ngayon ay _______ mga karapatan ng batang Pilipino.
a. ayon sa b. laban sa c. ukol sa
Sagot: C

Pangatlong Pangkat ( Difficult)- Panuto:Isulat sa patlang ang pang-ukol na bubuo sa


pangungusap. Pumili sa loob ng kahon. Isang beses lamang maaaring gamitin ang bawat
pang-ukol.

para sa tungkol sa sa mga


para kay nina

1. May balita ka ba tungkol sa COVID-19?


2. Ang puting kartolina ay binili ko para kay Angel dahil may proyekto siya.
3. Handa na ba ang mga gamit ninyo para sa camping bukas?
4. Mas mabuti na sundin ko ang payo nina tatay at nanay.
5. Ang mga damit na ito ay ibibigay natin sa mga nasunugan.

Pahina 3 of 5
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay
 Magbigay ng pangungusap tungkol sa paglilinis ng inyong tahanan na gumagamit ng
salitang pang-ugnay/pang-ukol.
H. Paglalagom/ Paglalahat
Tandaan:
Ang pang-ukol ay ang mga salitang nag-uugnay ng isang pangngalan, panghalip,
pandiwa o pang-abay sa iba pang bahagi ng mga pangungusap.
Ang halimbawa ng mga pang-ukol ay ang mga sumusunod: si, sina, ng, kay, kina, ni,
nina, para sa, para kay, ayon kay, ayon sa, at iba pa. Ang mga pang-ukol na ito ay
mahalaga sa pagbuo ng mga pangungusap.
I. Pagtataya ng Aralin
Salungguhitan ang tamang pang-ukol sa loob ng panaklong upang mabuo ang
pangungusap.
1. Hindi na siya gagawa ng mga bagay na ( labag sa, labag kay) payo ng nanay niya.
2. Maraming natutuhan si Elton ( tungkol sa, tungkol kay ) karapatan at tungkulin.
3. Isinulat ko ang tulang ito ( para kina,para kay) nanay.
4. Lumipad ang helicopter ( tungo sa,ayon sa ) bunganga ng bulkan.
5. Naiwan ang bag (nina,ni) Justin sa kaniyang upuan.

J. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Sumulat ng limang pangungusap na gumagamit ng/ ng mga salitang pang-ugnay/pang-ukol.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
mga gawaing pagpapahusay(remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang naging epektibo?
Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro Bat superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang guro?

Pahina 4 of 5
Pahina 5 of 5

You might also like