You are on page 1of 2

Industrial

Arts
Aralin
____

PAYAK NA PAGKUKUMPUNI NG SIRANG KAGAMITAN AT


KASANGKAPAN SA TAHANAN O PAARALAN

I. NILALAMAN
Sa araling ito tatalakayin kung ano ang kahalagahan ng pagkukumpuni at
kung paano ang isang mag-aaral ay makakatulong sa pagsasa-ayos ng mga
sirang kagamitan sa tahanan sa wastong pamamaraan.

II. LAYUNUN
Naisasagawa ang payak na pagkukumpuni ng sirang
kagamitan at kasangkapan sa tahanan at paaralan.

Natatalakay ang kahalagahan ng mga kaalaman at kasanayan sa mga


payak na pagkukumpuni sa tahanan at paaralan.

Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagkukumpuni ng mga sirang


kagamitan sa tahanan o paaralan.

Natutukoy ang mga kasangkapan/kagamitan sa pagkukumpuni at wastong


paraan ng paggamit nito.

III. PAKSANG ARALIN


Paksa: Payak na Pagkukumpuni
Sanggunian: EPPIA-0i-9
Kagamitan: Mga Kasangkapan sa pagkukumpuni, mga
Sirang kasangkapan, larawan, at iba pa.

IV. PANIMULANG PAGTATASA


Ipasagot sa mag-aaral ang katanungan sa ibaba: Lahat ng sagot ay
tatanggapin.

Bakit mahalaga na magkaroon ng kaalaman sa payak na pagkukumpuni ng


sirang kagamitan sa tahanan o paaralan?

V. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
1. Ipapanood ang isang video presentation “The Tool Story” by Witono Halin.
Ipatukoy ang mga ngalan ng mga kagamitang nakita sa kanilang napanood
. Itanong kung meron sila nito sa tahanan? Saan at paano ito ginagamit?

2. Ipabasa ang kasabihan na nakasulat sa ALAMIN NATIN letrang B sa LM.


Hayaang magbigay ng kanya kanyang opinyon base sa kanilang pagkaunawa.
B. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng mga di-inaasahang pangyayari sa loob ng tahanan
o paaralan tulad ng maluwag na screw ng takip ng switch.
Ipakitang turo ang pagkukumpuni ng maluwag at tangggal na screw sa takip
ng switch gamit ang mga kasangkapang matatagpuan sa toolbox.

Talakayin ang mga kagamitang ginamit sa pagkukumpuni at ang gamit nito.

C. Pagpapalalim ng Gawain
Pangkatin ang klase sa lima at hayaang gawin ang itatalagang gawain ng
guro sa bawat grupo na nangangailangan ng pagkukumpuni batay sa wastong
mga paraan ng pagkukumpuni.( Gamit ang Activity Card)
Patnubayan at subaybayan ang bawat pangkat sa kanilang gawain.

D. Pagsasanib
Itala ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ginamit upang
maiwasan ang anumang sakuna.( Integrasyon sa Health)

E. Paglalahat
Ipabasa at ipasaulo ang Tandaan Mo sa LM.

VI. PAGTATAYA

Sagutan ang GAWIN NATIN sa LM


Susi sa pagwawasto:
1.brace
2.disturnilyador
3.short circuit
4.insulator
5.extension cord

VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Ipagawa ang PAGYAMANIN NATIN sa LM.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5
pp.178-182
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6
pp72-76
The Tool Story by Witono Halin

You might also like