You are on page 1of 1

LESSON PLAN IN EPP V.

PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Magdikit sa portfolio ng mga iba’t ibang


I. LAYUNIN: kasuotan. Sumulat ng ilang pangungusap o talata
tungkol sa kasuotan.
1. Naitatabi nang maayos ang mga kasuotan
batay sa kanilang gamit (hal., pormal na
kasuotan at pang espesyal na lokasyon)

II. PAKSANG ARALIN:

A. Paksa: Pag-aayos ng Mga Kasuotan Batay


sa Kanilang Gamit at Okasyon

B. Sanggunian: K to 12 -EPP4 HE-Ob-3

C. Kagamitan: mga iba’t ibang kasuotan para


sa iba’t ibang okasyon.

III. PAMAMARAAN

A. PAGGANYAK

1. Patingnan ang mga larawan ng iba’t ibang


kasuotan sa Learner’s Material (LM).

2. Ilarawan ang mga ito.

B. PAGLALAHAD

Ipakuha ang kuwaderno at ipatala ang mga


kasuotan kung kailan ang mga ito ginagamit.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

1. Pangkatin ang mga mag-aaral.

2. Sa tulong ng LM, pangkatin ang mga


kasuotan para sa iba’t ibang okasyon.

D. PAGSASANIB

Napag-aralan na ninyo sa asignaturang Sibika at


Kultura na bago pa man nasakop ang ating bansa
ng mga dayuhan ay mayroon na tayong sariling
kultura at mga paniniwala. Mayroon tayong mga
pagdiriwang at pagtitipon batay sa ating
nakaugalian. Dahil dito, marapat lamang na
mapag-aralan ninyo ang mga angkop
na kasuotan sa iba’t ibang okasyon o pagtitipon
pormal man ito o di-pormal.

E. PAGLALAHAT

Upang mapanatiling maayos at maisuot ang iba’t


ibang ka-suotan sa mga okasyon, dapat na itabi
ang mga ito nang maayos sa tamang lalagyan,
bago itago. Tandaan palagi na bago itago ay
dapat na labhan muna ang mga ito.

IV. PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Ipagawa ang Gawin Natin sa LM.

You might also like