You are on page 1of 2

Masusing Banghay Aralin sa Epp 4

(Agriculture)
Inihanda ni: Mylene N. Esic (BEED-3)

Ⅰ. Layunin:
Sa katapusan ng apatnapu’t limang minuto na talakayan, 85% ng mga mag-aaral sa
ika-apat na baitang ay inaasahang:
A. Natutukoy ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop;
B. Napapahalagahan ang wastong pag-aalaga ng hayop; at
C. Naisasabuhay ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop.
Ⅱ. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Tamang Paraan sa Pag-aalaga ng Hayop
B. Sanggunian: Teresita B. Doblon, Ma. Shirley A. Makawile, Ernesto R, Abletes, Modyul
sa EPP Aralin 26, K to 12 EPP 4 HE-Og10-11, Pahina 416-421
C. Kagamitang Panturo: Mga larawan, kartolina, tarpapel
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Kasunduan/paalala
5. Pagwawasto ng takdang-aralin

B. Pagbabalik- aral
Ang guro ay magtatanong kung. Ano ang paksang tinatalakay natin kahapon mga
bata?
Ano kaya ang dapat gawin kung mag-aalaga ng hayop?

C. Pagganyak
Ang guro ay may aktibidad na “Hulaan ang larawan”
Ipapangkat sa dalawa (3) ang mga estudyante, at
Bawat pangkat ay kilalanin at obserbahan ang mga larawang nakikita. Bawat
pangkat ay bibigyan ng isang kartin(carboard.) para sa pagtatala ng sagot.
Mga posibleng larawan na ipapakita:
D. Paglalahad
Ang guro ay magtatanong kung ano ang paksang ating tatalakayin ngayon?
Sino ang may ideya kung ano ang paksang ating tatalakayin ngayong araw?
Ilalahad ang paksa aralin “Tamang paraan sa pag-aalaga ng Hayop” at ang
layunin.

E. Talakayan
Ang guro ay magtanong sa mga estudyante kung may ideya ba sila kung ano ang
wastong paraan sa pag-aalaga ng mga hayop.
Ang guro ang magsisimula na tatalakayin ang mga sumusunod:
A. Wastong Pag-aalaga ng Aso
B. Wastong pag-aalaga ng Kalapati

F. Paglalapat
Ipapangkat ang mga sa tatlo (3) ang gagawin ay isadula sa harap ang tungkol sa
“Wastong Pamamaraan sa Pag-aalaga ng Hayop”.
Bibigyan ng tatlong minuto sa pagpaplano ng kanilang gawain.
Pagkatapos isadula na dito sa harap.
Mamarkahan ko ang inyong pagsasadula puntos base sa aking inihandang rubriks.

G. Paglalahat
Pagtatanong sa mga bata kung sa wastong pag-aalaga ng aso sino ang
makapagbigay ng isang paraan sa pag-aalaga ng aso?
Sa wastong pag-aalaga naman ng kalapati ano naman ang tamang pamamaraan sa
pag-aalaga nito?
Mga bata bakit ba dapat isaalang-alang ang tamang pamamaraan sa pag-aalaga ng
hayop? Para sa inyong sarili at pati narin sa ibang tao?

Ⅳ. Ebalwasyon/Pagtataya
Pagbibigay ng pasulit sa mga bata tungkul sa” Mga hayop na gusto Mong
Alagaan”

Ⅴ. Takdang-Aralin:
Gumuhit ng isang lugar kung saan ilalagay ang napili ninyong hayop o mga
hayop na gusto ninyong alagaan.

You might also like