You are on page 1of 23

4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
(Home Economics)
Unang Markahan – Modyul 5:
Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa Paglilinis
ng Bahay at Bakuran
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home Economics) – Ikaapat na Baitang
Self - Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 5: Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa Paglilinis ng Bahay at Bakuran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mylene S. Deala
Editors: Ian R. Tenorio, Rowel E. Oyong, Gemma M. Garcelina, Leolyn Flores
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Mary Grace T. Ecay
Tagalapat: Christy B. Arbis
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Gilda A. Orendain – REPS, EPP/TLE
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS In Charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Letecia A. Ebita - EPSVR, EPP/TLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
(Home Economics)
Unang Markahan – Modyul 5:
Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa
Paglilinis ng Bahay at Bakuran

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home


Economics) - Ikaapat na Baitang ng Self – Learning Module (SLM) para sa araling
Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa Paglilinis ng Bahay at Bakuran.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo na
katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa
Paglilinis ng Bahay at Bakuran. Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong
sa mga mag-aaral upang makamit ang ating layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila nang


tama ang lahat ng mga Gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at


hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pakatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home
Economics) - Ikaapat na Baitang ng Self - Learning Module (SLM) ukol sa
Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa Paglilinis ng Bahay at Bakuran.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang kalinisan at kaayusan ng isang kapaligiran ay bunga ng


nagkakaisa at may disiplinang mamamayan. Ang disiplina sa
pagtatapon ng basura ay masasalamin kahit saan mang panig ng
daigdig tayo makarating. Ang pagpapanatili ng kalinisan sa
kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng basura
ay isang adhikain ng lahat ng bansa upang maisalba ang ating
inang kalikasan.

Matututunan sa modyul na ito ang wastong paghihiwalay ng


basura. Ito ay makakatutulong sa iyo at sa iba pang kasapi ng
pamilya upang mapanitiling malinis, ligtas, at maayos ang
tahanan. Ang malinis na paligid ay nagdudulot ng saya sa bawat
miyembro ng pamilya kung lahat ay sama-samang gagawa ng
tamang paghihiwalay ng basura.

Mauunawaan dito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng


disiplina sa pagtatapon ng basura upang magkaroon ng isang
maayos at malinis na bahay.

Most Essential Learning Competency:

1.2 Naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa bahay.


(EPP4HE-Og-10)

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

• Naisasagawa ang mga panuntunang pangkalusugan at


pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at bakuran, at
ang wastong paghihiwalay ng basura.

Subukin
1
Alamin (Bilang 1-6)
Panuto: Alamin kung ang sumusunod na basura ay nabubulok,
di-nabubulok at nareresiklo o recyclable na materyales. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

1. bote ng mineral ________


2. tuyong dahon ________
3. diaper ________
4. tirang pagkain ________
5. lata ng gatas ________
6. lumang damit ________

Pagpipilian (Bilang 7-10)


Panuto: Unawain ang sumusunod na mga tanong sa bawat bilang
at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

7. May batang kumakain ng kendi. Saan niya dapat itapon ang


balat nito?
a. sa gitna ng daan
b. nabubulok na lalagyan
c. sa di-nabubulok na lalagyan
d. sa nareresiklo o recyclable na lalagyan
8. Si Aling Nena ay gagawa ng fruit salad. Inutusan niya ang
kanyang anak na balatan ang mga prutas at pagkatapos
itapon ang mga balat nito sa basurahan. Saan dapat itapon
ng anak ni Aling Nena ang mga balat ng prutas?
a. sa likod ng bahay
b. nabubulok na lalagyan
c. sa di-nabubulok na lalagyan
d. sa nareresiklo o recyclable na lalagyan
9. Nahulog ni Ben ang baso sa sahig at ito ay nabasag. Ano ang
dapat niyang gagawin?
a. itapon sa ilog
b. itapon sa nabubulok na lalagyan
c. dakutin ng dustpan at itapon sa di-nabubulok na
lalagyan
d. dakutin ng dustpan at itapon sa nareresiklo o recyclable
na lalagyan
10. Nagkalat ang basura sa inyong bahay, ano ang iyong
gagawin?
a. Ipunin lahat at ibalot sa plastic.

2
b. Paghalu-haluin ang mga basura at sunugin ang mga
ito.
c. Ilagay sa basurahan at hintayin ang trak na kukuha
nito.
d. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok at ibaon sa
compost pit ang nabubulok.

Balikan

3
Panuto: Piliin at punan ng wastong karugtong na salita na nasa
loob ng kahon ang mga pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

ugat dahan-dahan binubunot pababa


tuyong basahan timba tubig o kanal

1. Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan.


Kailangang punasan ang mga ito ng ______________ araw-
araw.

2. Ang sahig ay _____________ upang kumintab.

3. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang _____________


upang hindi lumipad ang alikabok.

4. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na bahagi ang mga


kasangkapan _____.

5. Linisin ang daanan ng _____________ upang maiwasan ang


pamamahay ng mga daga at iba pang mga hayop.

6. Ang damong ligaw na tumutubo ay kailangang bunutin


kasama ang __________ nito.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula na nasa ibaba at pagnilayan ang


nilalaman nito.
4
Disiplina ay Kailangan
ni: Mylene S. Deala

Sa ating kapaligiran inyong maoobserbahan


Tambak o bundok ng basura makikita kaliwa’t kanan
Sama-sama ang mga bote, plastik, at papel na pinaggamitan
Metal, goma, steel, at mga nabubulok na pagkaing pinagtirhan.

May mga taong tila walang pakialam


Kahit marumi ang paligid, sa kanila ay ayos lang
Tapon dito, tapon doon, kalat dito di napaparam
Dulot ay pagkasira sa kawawang kapaligiran.

Bilang tagapagtaguyod ng kalikasan at kaayusan


Nabubulok at hindi nabubulok segregasyon dapat isagawa
Ipakita mong ikaw sa disiplina nananahan
Upang maging modelo bawat isa’y masisiyahan.

Halika na, aking kapatid, kamag-aral, at kaibigan


Ikampanya natin, segregasyon ay ipaglaban
Kahalagahan nito’y ipaunawa’t iparamdam
Upang ang lahat ay mahimok at mapaglingkuran.

Pagproseso ng Katanungan:

1. Itala ang karaniwang nakikita sa kapaligiran na nabanggit sa


tula.
2. Bakit kailangang paghiwa-hiwalayin o i-segragate ang mga
basura na makikita sa tahanan, paaralan, pamayanan o
maging sa bansa?
3. Itala ang mga basura na nabanggit sa tula. Isulat sa loob ng
bawat kolum ng tsart ang mga basurang nabubulok, di-
nabubulok at nareresiklo o recyclable na materyales.
4. Kung ang bawat tao ay patuloy na walang disiplina sa
pagtatapon ng basura, ano kaya ang magiging epekto nito
sa ating bayan at maging sa buong daigdig?
5. Ano ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura?

Suriin

Ang buhay ay isa sa mga napakaganda at napakahalagang


regalo sa atin ng Panginoon. Ito ay mapangalagaan sa

5
pamamagitan ng masusing pag-iingat at pagsunod sa mga
tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan.
Mahalagang pangalagaan ang kapaligiran at bilang isang
mamamayan tungkulin nating ingatan at mapanatiling malinis
ang ating paligid. Iwasan natin ang pagkalat ng basura kahit saan.
Upang maisagawa ito gawin natin ang tamang paghihiwalay ng
mga basura. Mayroon tayong tatlong paraan ng pagtatapon ng
basura tulad ng paghihiwalay ng basura sa nabubulok, di-
nabubulok at nareresiklo o recyclable na mga bagay. Ang mga
nabubulok ay ang mga basura na maaaring magamit na pataba sa
lupa o fertilizer kagaya ng dahon, papel, balat ng prutas at gulay,
dumi ng mga hayop, kahoy, tira-tirang pagkain at patay na hayop.
Ang di-nabubulok naman ay mga kalat at basura na hindi
pwedeng muling gamitin o kaya i-recycle at dapat ilagay sa tamang
lalagyan. Halimbawa nito ay napkin, balat ng kendi, upos ng
sigarilyo, plastic na sachets, napkin, basag na baso at diaper. Ang
nareresiklo naman o recyclable na materyales ay ang mga kalat at
basura na pwede pang muling gamitin bilang ibang produkto at
ulitin upang makatipid at makatulong sa kalikasan.
Itapon nang maayos ang mga basura at i-reresiklo o i-recycle
ang mga bagay na maaaring magamit pa o maaaring ipagbili.
Halimbawa ng mga nareresiklo o recyclable na mga bagay ay tulad
ng bote ng mineral, lata, bakal at mga lumang damit.
Ang pagtatapon sa tamang paraan ay isang magandang
tungkulin ng bawat mamamayan. Ito ay mahalaga dahil maaari
nating maiwasan ang polusyon na makasisira sa atin. Ang mga
tao ay gusto na maging maayos ang kanyang kapaligiran at
gagawin ang lahat upang maging maganda ang lugar at
komunidad na kaniyang kinabibilangan. Ngunit, marami ring tao
ang hindi nakaaalam kung paano at kung ano ang maaari nilang
maibahagi upang maging maayos ang kapaligiran.
Kahit saan ay may nagtatapon ng basura, nagpapakita lang
ito ng kawalan ng disiplina at kamangmangan sa epektong dulot
ng basura sa kalusugan at kapaligiran. Habang dumarami ang tao
at lumalaki ang mga pangangailangan ng pagkain, dumarami rin
ang basura at dumi na itinatapon ng bawat pamilya. Ito ang
magiging sanhi ng pagdumi ng mga sapa, ilog, dagat at karagatan.
Ang tamang pagtatapon at paghihiwalay ng mga basura ay
makatutulong sa iyo at sa iba pang kasapi ng pamilya upang
mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang tahanan. Ang sakuna
at ibang simpleng sakit o karamdaman ay maiiwasan kung lahat
ay sama-samang gagawa at susunod sa mga pangkaligtasan at
pagkalusugang gawi pati narin sa tamang paghihiwalay ng
basura.

6
Pagyamanin

Panuto: Kilalanin ang mga nasa larawan. Isulat sa iyong sagutang


papel ang nabubulok, di-nabubulok at nareresiklo o recyclable na
materyales.

7
______1. _____4.

_____2. _____5.

_____3.

8
_____6. _____9.

_____7. _____10.

_____8.

Isaisip

Panuto: Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang


pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

A. nabubulok
B. di-nabubulok 9
C. nareresiklo o recyclable na materyales
D. pataba o fertilizer
E. lata
1. Ang ___________ ay mga kalat at basura na puwede pang
muling gamitin bilang produkto at uulitin upang makatipid
at makatulong sa kalikasan.

2. Ang ___________ ay uri ng basura na ginagamit bilang pataba


sa lupa.

3. Ang ___________ ay mga kalat at basura na hindi na


puwedeng muling gamitin o kaya i-recycle at dapat ilagay sa
butas ng basurahan. Ang halimbawa nito ay upos ng
sigarilyo, balat ng kendi, plastik na sachets, diaper at napkin.

4. Ang __________ng gatas ay maaaring taniman ng mga


bulaklak at mga gulay.

5. Ang mga dahon, balat ng prutas at gulay at dumi ng hayop


ay maaaring gawing __________.

Isagawa

Gawain A. Hiwalay na Kung Hiwalay!


Panuto: Gamitin ang mga larawan mula sa kahon ayon sa
wastong paghihiwalay ng basura. Isulat ang pangalan nito sa
iyong sagutang papel.

10
Nabubulok Di- Nareresiklo
nabubulok (recyclable)

11
1. ________ 1. ________ 1. _________

2. ________ 2. ________ 2. _________

3. ________ 3. ________ 3. _________

4. ________ 4. ________ 4. _________

Tayahin

A. Kilalanin (Bilang 1-6)


Panuto: ang larawan sa bawat bilang kung ito ay nabubulok, di-
nabubulok at nareresiklo (recyclable). Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

12
1. ________ 4. ________

2. _________ 5. ________

3. _________ 6. _________

B. Pagpipilian (Bilang 7-10)


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin at
isulat ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian sa iyong
sagutang papel.

1. May nakita kang mga tirang pagkain, saang basurahan mo


dapat itapon ang mga ito?
A. sa gilid ng bahay
B. sa lalagyan ng nabubulok
C. sa lalagyan ng di-nabubulok
D. sa nareresiklo o recyclable na lalagyan

2. Pagkatapos mong walisin ang mga tuyong dahon ano ang


gagawin mo sa mga ito?
A. sunugin
13
B. itatapon sa harapan ng bahay
C. itatapon sa basurahan ng di-nabubulok
D. dadakutin at itatapon sa basurahan ng nabubulok

3. May mga plastik na nakakalat, saan mo ito itatapon?


A. sa likod ng bahay
B. sa lalagyan ng nabubulok
C. sa lalagyan ng di-nabubulok
D. sa nareresiklo o recyclable na lalagyan

4. Bakit kailangang sundin ang pangkalusugan at


pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at bakuran?
A. Upang makaiwas sa iba pang gawain.
B. Upang maiwasan ang anumang sakuna.
C. Upang makapaglaro agad pagkatapos ng gawain.
D. Upang maisagawa ang mga nakatakdang gawain.

Karagdagang Gawain

Panuto: Pangkatin ang mga salita na nasa kahon kung ito ay


nabubulok,di-nabubulok at nareresiklo (recyclable). Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

gulay diaper
damo papel
plastic container balat ng prutas
sirang tsinelas dahon
sanitary napkin styrofoam
tira-tirang pagkain seramiks
balat ng kendi/sitsirya lata
basag na salamin

14
15
Subukin Balikan Tuklasin
A. 1. Tuyong basahan 1. Mga nabubulok
2. Binubunot -bote
1. Nareresiklo o 3. Dahan-dahan -plastic
recyclable 4. Pababa -papel
2. nabubulok 5. Tubig o kanal -metal
3. di-nabubulok 6. ugat -goma
4. nabubulok -steel
5. nareresiklo o -nabubulok na tirang pagkain
recyclable 2. Nakatututlong sa
6. nareresiklo o pagpapanatili kalinisan at
recyclable kaayusan ng kapaligiran
7. C 3. * Nabubulok
8. B -tirang pagkain at
9. C Papel
10. C * di-nabubulok
-plastik
* nareresiklo o
recyclable
-bote, metal, goma, steel
Pagyamanin Isaisip
4. Dulot ay maruming
1. nabubulok 1. C kapaligiran na magiging
2. di-nabubulok 2. A sanhi ng iba’t ibang sakit
3. recyclable na materyales 3. B at sakuna.
4. nabubulok 4. E 5. Dulot ay malinis, ligtas,
5. recyclable na materyales 5. D maayos na kapaligiran
6. nabubulok upang malayo ang mga
7. di-nabubulok tao sa iba’ ibang
8. recyclable na materyales karamdaman at trahedya
9. nabubulok o sakuna.
10. recyclable na materyales
Isagawa Tayahin Karagdagang
*Nabubulok Gawain
1. mansanas A. *Nabubulok
2. pinya 1. nabubulok -gulay
3. petsay o pechay 2. nareresiklo o -dahon
4. dahon recyclable -damo
3. nabubulok -balat ng prutas
4. nareresiklo o -papel
*di-nabubulok
1. silopin recyclble -tira-tirang pagkain
2. basag na bote 5. nabubulok
6. di-nabubulok * Di-nabubulok
3. tube ng toothpaste
4. basag na salamin -seramiks
B. -sanitary napkin
7. B -diaper
*nareresiklo o recyclable
8. D -stryrofoam
1. lata ng soft drinks
2. bote ng mineral 9. C -balat ng kendi/sitsirya
10. B -sirang tsinelas
3. lumang gulong
4. sako
* Nareresiklo o recyclable
-plastic container
-lata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera.


2020. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4. Pasig
City: FEP Printing Corporation.

—. 2015. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4,


Patnubay ng Guro . Pasig City: Vibal Group, Inc.
Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia,Bernie C. Dispabiladera.
2020. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4,
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: FEP Printing
Corporation.

2020. Most Essential Learning Competencies. Department of


Education. Accessed 2020.
n.d. www.google.com.
n.d. www.yahoo.com.

16
PAHATID – LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran


ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSAREGEN na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag – aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020 – 2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

17

You might also like