You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa EPP IV

I. Layunin

1. Natutukoy ang mga kagamitan sa pananahi.


2. Natatalakay ang wastong paggamit at pangangalaga ng mga kagamitan sa pananahi.

II. Paksang Aralin

1. Mga Kagamitan sa Pananahi


2. Wastong pangangalaga ng mga kagamitan sa pananahi

Batayang Aklat: Edukasyong PAntahanan at Panglabuhayan, pahina 232-236 Mga


Kagamitan

EPPHE-of-17

Tsart, mga kagamitan sa pananahi, larawan

III. Gawaing Pagkatuto

A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
b. Balik – Aral

Anu-ano ang mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain?


Ibigay lahat-lahat.

B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak:
Marunong ba kayong manahi?
May kagamitan ba kayo sa pananahi sa
inyong bahay?
Sino sa inyo ang nakabasa sa kahalagan ng
pananahi sa kamay?
Ang pananhi sa kamay ay isang
kapaki-pakinabang at kawili-
wiling gawain. Ang kaalaman at
kasanayan sa pananahi sa kamay
ay mahalagang matutunan.
Ipaliwang ang kahalagahan ng pananahi sa kamay? Kapag marunong kang manahi,
maaari kang makabuo ng payak
ngunit kaakit-akit na mga
kagamitan para sa inyong
tahanan. Maaari mo pang
magamit ang kaalaman mo rito
upang kumita ka at makatulong
sa pangangailangan ng iyong
mag-anak.

b. Paglalahad:
Makikita ninyo sa larawan ang iba’t ibang
kagamitan sa pananahi at ang kahalagahan nito at
kung paano ito gagamitin.

c. Pagtatalakay:
Mga Kagamitan sa Pananahi
1. Karayom – matalas, matulis at may iba’t ibang haba at laki ng butas.
2. Sinulid – matibay at hindi nangungupas. Ginagamit din sa pananahi. May iba’t ibang
uri, kulay at laki.
3. Didal – isinusuot sa daliri ng gitnang kamay upang ipanulak sa karayom.
4. Gunting – panggupit ng tela at sinulid.
5. Medida – panukat ng tela at ng bahagi ng katawan.
6. Aspili – pansamantalng panghawak sa telang tinatahi.
7. Tusukan ng karayom at aspili o pin Cushion – ang laman ay bulak, kusot o buhok.
8. Hasaan ng karayom o Emery Bag – ang laman ay buhangin o durog na plato.
9. Tailored Chalk – ginagamit bilang pananda sa tealng gugupitin.
10. Lalagyan ng kagamitan sa pananahi o Sewing Box – lalagyan ng mga kagamitan sa
pananahi. Yari sa lata, kahon o plastic.

d. Paglalahat:
Anu-ano ang mga kagamitan sa pananahi?
Ang mga kagamitan sa
pananahi ay karayom,
sinulid, didal, gunting,
medida, aspili, Pin
cushion, Emery Bag at
Sewing Box.
Upang hindi madaling masira ang mga kagamitan
sa pananahi, ano ang dapat gawin?
e. Paglalapat:
Tatawag ng bata upang mamili ng isang gamit sa
pananahi at ipakita kung paano gamitin ito.

IV. Pagtataya
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa mga tanong mula sa Hanay A. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa papel.

Hanay A Hanay B
______ 1. Matibay at hindi nangungupas. May a. aspili
iba’t ibang kulay, uri at laki. Inaangkop ang kulay b. didal
sa telang tatahiin. c. Emery Bag
_____ 2. Matalas, matulis at may butas sa dulo d. gunting
para sa sinulid. e. karayom
_____ 3. Panggupit ng tela at sinulid. f. medida
_____ 4. Matulis at ginagamit na pansamantalang g. Pin cushion
panghawak sa telang tatahiin. h. Sewing Box
_____ 5. Hasaan ng karayom at aspili na ang laman i. sinulid
ay buhangin o durog na plato. j. tailored chalk
_____ 6. Panukat ng tela at ng bahagi ng katawan.
_____ 7. Tusukan ng karayom at aspili. Ang laman ay
kusot, buhok o bulak.
_____ 8. Lalagyan ng mga kasangkapan sa pananahi.
_____ 9. Nilalagay sa panggitnang daliri upang itulak
ang karayom.
_____ 10. Pananda sa sukat bago gupitin ang tela.
V. Takdang Aralin:
Alamin ang iba’t ibang paraan samaingat na paggamit ng makina.
Inihanda ni: G. Dodgie Niel G Talinggas, TI
Tagapagsuri: Ginang Shiela L. Florentino,ESP I

You might also like