You are on page 1of 6

Lesson Exemplar

Grade Level: 5 Learning Area: EPP(HE) Quarter: III Duration: 50 minutes


Learning Area/s Integrated: ICT, Science & ESP
Integration Approach Used: (Please tick.)
Multidisciplinary Interdisciplinary  Transdisciplinary
* Theme-based
I. 21st Century Skills to be developed (Please tick.)
 Communication  Learning and Innovation Problem Solving
 Critical Thinking  Information Media and Technology  Life and Career
I. Focused Learning Competency
EPP5HE0d-11 natutukoy ang mga bahagi ng tahanan at ang mga gawain dito
III. Focused GAD-based Principle to be Integrated
equal access to and utilization of services
IV. Intended Learning Outcomes
Knowledge natutukoy ang mga bahagi ng tahanan at ang mga gawain dito
Skills naisa-isa ang mga gawain sa bawat bahagi ng tahanan
Attitude naipapakita ang kawilihan sa paggawa ng mga gawain sa bawat bahagi
ng tahanan

Values napapahalagahan ang pagpapanatiling maayos at malinis sa bawat


bahagi ng tahanan
V. Learning Content/s Gawain sa Bawat Bahagi ng Tahanan

Concept Maligaya at matiwasay ang pamumuhay kapag nasa


ayos ang lahat ng bagay sa tahanan. Kapag ang buong
mag-anak ay kasangkot sa gawain, pahahalagahan ng
bawat isa ang kani-kanilang ginawa kaya maiiwasan ang
anumang di-pagkakaunawaan.

Themes

Learning Materials mga larawang angkop sa paksa, slide deck and video clip,
activity cards, meta cards, manila paper
Maayos na pagpaplug ng mga appliances sa outlet ng
bahay upang makaiwas sa di inaasahang pangyayari
DRRE Concept
katulad ng sunog na dulot ng overload o low voltage o
anumang faulty electrical wiring.
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Batayang Aklat sa
Ikalimang Baitang sa pahina 133-134
References https://www.youtube.com/watch?v=DhNf-agItNY
https://www.youtube.com/watch?v=t7oD4vhL4pw
www.shutterstock.com
www.google.com
www.prezi.com

VI. Learning Experiences (5 Es)


1. Engage TUKLASIN MO!
(5 minutes)
Pagpapakita ng video clip na ito https://www.youtube.com/watch?
v=t7oD4vhL4pw patungkol sa bahagi ng tahanan.
Pagkatapos mapanood ng mga bata ang video clip itanong ang mga
sumusunod:
1.Tungkol sa ano ang napanood ninyong video clip?
Inaasahang Sagot: Tungkol po ito sa bahagi ng tahanan
2. Ilan lahat ang bahagi ng tahanan batay sa inyong napanood sa video clip?
Inaasahang Sagot: Mayroong limang bahagi ng tahanan

2. Explore HULAAN MO!


(5 minutes)
Bubuo ng tig-aanim na membro sa bawat pangkat ang mga bata. Bawat
pangkat ay magkakaroon ng activity cards. Ang laman ng activity cards
ay mga bahagi ng isang bahay na ilalarawan ng bawat pangkat sa
kanilang kasapi na siyang maghuhula kung anong bahagi ito. Ang may
pinakamaiksing oras na iginugol upang mailarawan ang lahat ng nasa
larawan at may pinakamaraming wastong sagot ay ang mananalo at
makakatanggap ng gatimpala.
Ito ang mga larawang pahuhulaan sa tagahulang kasapi.

1. 2.

3. 4.

5.

Inaasahang sagot:
1. Silid-kainan
2. Palikuran
3. Silid-lutuan
4. Silid-tulugan
5. Silid-tanggapan

3. Explain ALAMIN AT LINANGIN


(10 minutes) 1. Itanong:
a. Ano ang inyong pakiramdam habang ginagawa ninyo ang
pangkatang gawain?
Inaasahang sagot: (masaya, maligalig, nakapananabik)
b. Paano niyo nakagawang makabuo ang inyong mga sagot ?
Inaasahang sagot: (sa pamamagitan ng pagtutulungan
at pagtatalas ng kaisipan)
2. Sabihin: Ngayong alam na ninyo ang mga bahagi ng tahanan mula sa
video clip at sa inyong pangkatang gawain, isaisahin naman natin
ngayon ang mga gawain sa bawat bahagi nito.
3. Pagtatalakay gamit ang slide deck na inihanda mula sa
www.prezi.com

Silid-tanggapan

1.Dito tinatanggap ang mga panauhin


2.Dito nagkakasiyahan ang bawat pamilya
3.Pinananatili ang kaayusan at kalinisan nito upang maging
kaaya-aya hindi lamang sa buong pamilya kundi pati na rin sa
ibang tao

Silid-Kainan

1. Dito inahahain ang mga pagkaing pagsasaluhan ng mag-anak


2. Dito malilinang at masasasanay sa kabutihang-asal ng bawat
kasapi ng mag-anak gaya ng pagpapahalaga sa pagkain,
pagtitipid, konsiderasyon, at pagbibigay-halaga sa nakahandang
pagkain
3. Pinananatili ang kaayusan at kalinisan nito upang maging
ligtas sa mga mikrobyong nagdadala ng sakit.

Silid-Lutuan

1.Dito iniihahanda at niluluto ang pagkain


2. Dito hinuhugasan at inaaayos ang mga plato, baso at iba
pang kagamitan sa pagkain at pagluluto
3.Pinananatili ang kaayusan at kalinisan nito upang maging
ligtas ang mag-anak sa mga sakit na sanhi o dulot ng mga
mikrobyo.

Palikuran

1. Dito dumudumi at umihii ang bawat kasapi ng mag-anak


Silid-Tulugan

1. Pribadong lugar ang silid na ito.


2. Tanging may-ari ng silid na ito ang maaaring maglabas-pasok
at matulog dito.
3. Kailangan munang kumatok upang pagbuksan ang nais na
pumasok dito o kung may sadya sa taong nagmamay-ari ng silid
na ito

6. Pagpapakita ng slide deck na ginawa mula sa www.prezi.com dito


maisasalin ang asignaturang Science

Mga Paraan ng Paglilinis


Upang matiyak na malinis ang loob ng tahanan, dapat sundin
ang mga hakbang sa paglilinis:
1. Magsimula sa kisame. Gumamit ng walis na may
mahabang kawayan. Isama ang ilawan.
2. Isunod ang dingding at mga larawang nakakuwadro.
3. Walisan ang ilalim ng cabinet, mesa, kama at mga
upuan. Ipunin ang dumi sa sahig.
4. Walisan ang mga gilid-gilid ng bahay papunta sa
gitna.
5. Ilabas ang naipong mga dumi at ilagayn sa basurahan
sa labas ng bahay. Ilabas din ang doormat at ipagpag
sa labas ng bahay.
6. Ihuli ang pagma-mop ng sahig. Pagkatapos, lagyan ng
floorwax.
7. Punasan ang mga mesa, upuan, bintana, at iba pang
gamit, pagkatapos ng pagwawalis at
pagbubunot/pagpa-polish

7. Itanong: Bakit mahalaga ang pagpapanatiling maayos at malinis sa


bawat bahagi ng tahanan ?
Inaasahang sagot: Dahil ito ay nakapagdudulot ng kaligayahan at
matiwasay ang pamumuhay kapag nasa ayos ang lahat ng bagay sa
bawat bahagi ng tahanan.
8. DRRE Concept
Sabihin: Upang lubos at tiyak na malinis at maayos ang pagsasagawa,
paglilinis, at pagkukumpuni, kailangan ang mga kagamitan at
kaksangkapang angkop sa paggagamitan nito. Ibayong pag-iingat ang
kailangan upang magamit ito sa mahabang panahon. Makatitipid sa
oras, panahon, at enerhiya kapag tugma ang kagamitan at
kasangkapang ginagamit sa paggagamitan nito. Ibayo ring pag-iingat sa
paggamit ng inyong mga appliances sa bahay lalung-lalo na sa pagplug
at unplug nito sa outlet upang makaiwas sa anumang sakunang dulot ng
mga faulty electrical wiring at short circuit o low voltage power supply.
4. Elaborate SA KILOS GAWIN
(15 minutes)
1. Pangkatang Gawain
Panuto: Bigyan ang bawat pangkat ng activity cards at bibigyan sila ng
kaukulang oras upang gawin ang mga ito. Ang bawat pangkat ay may tig
dadalawang minuto upang ipakita ang mga pagsasagawa.

Unang Pangkat
Panuto: Isagawa ang mga gawain sa SILID-LUTUAN
Inaasahang gagawin:
1. Nagluluto o naghahanda ng lulutuin
2. Naghuhugas ng mga pinggan o mga kagamitang pangluto
3. Inaayos ang mga kagamitan o inilalagay sa kabinet.

Ikalawang Pangkat:
Panuto: Isagawa ang mga gawain sa SILID-TANGGAPAN

Inaasahang gagawin:
1. Nanonood ng tv
2. Nagkikipagkwentuhan sa panauhin.
3. Inaayos ang mga kagamitan na makikita sa silid-
tanggapan

Ikatatlong Pangkat:
Panuto: Isagawa ang mga gawain sa SILID-KAINAN

Inaasahang gagawin:
1. Naghahain ng makakain
2. Sama-samang kumakain
3. Inihahanda ang hapag-kainan

Ikaapat na Pangkat:
Panuto: Isagawa ang mga gawain sa SILID-TULUGAN
Inaasahang gagawin:
1. Inihahanda ang mga gamit sa pagtulog gaya ng kama,
kumot, unan at iba pa.
2. Nagdadasal bago matulog
3. Mahimbing na natutulog
2. GAD Concepts:
Itanong: Bakit parehong gawain ng babae at lalaki ang
pagpapanitili ng maayos sa bawat bahagi ng bahay?
Inaasahang sagot:
Sapagkat mayroon tayong pantay-pantay na responsibilidad
sa kanya-kanya nating pamamahay. Bawat kasapi ng pamilya
babae man o lalahi kailangan gampanang ang bawat tungkulin.

5. Evaluate PAGTAMBALIN MO!


(5 minutes) Panuto: Hanapin sa Hanay B ang pangungusasp na tumutukoy sa bahagi
ng tahanan na nasa Hanay A.
HANAY A HANAY B
1.SILID-TANGGAPAN a. Ihinihanda dito ang mga pagkaing lulutuin
2.SILID-LUTUAN b. Dito inihahanda ang hapag-kainan
3. SILIID-KAINAN c. Dito naglalabas ng dumi o umiihi
4.PALIKURAN d. Dito natutulog ang mag-anak
5. SILID-TULUGAN e. Dito tinatanggap ang mga paumanhin

Inaasahang sagot:
1. e. Dito tinatanggap ang mga panauhin
2. a. Inihahanda dito ang mga pagkaing
lulutuin
3. b. Dito inihahanda ang hapag-kainan
4. c. Dito naglalabas ng dumi o umiihi
5. d. Dito natutulog ang mag-anak

VII. Learning Enablement ISALIKSIK MO!


(5 minutes) (Dito nai-integrate ang ICT)
Bukod sa mga nakatalang paraan ng pag-aayos at pagpapaganda ng
tahanan, magsaliksik gamit ang internet ng mga tips sa pag-aayos ng
mga bahagi ng tahanan at ibahagi ito sa klase bukas.

Reflection (DepED Order No. 42, s. 2016

A. No. of learners who earned 80% in the evaluation


B. No. of learners who require additional activities for remediation
C. Did the remedial lessons work?
D. No. of learners who have caught up with the lesson
E. No. of learners who continue to require remediation
F. Which of my learning strategies worked well? Why did these work?
G. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve?
Prepared by

EUFROCINA S. MARIÑAS
Teacher II
Padre Burgos Central School

You might also like