You are on page 1of 3

T.G.

EPP5HE-Oj-30
PAGHAHANDA NG MESA AT PAGHAHAIN SA HAPAG KAINAN

Nilalaman:
Sa araling ito matutunan ng mga bata ang pagtiyak na maging maayos at
maganda ang paglalagay at pagdudulot ng pagkain. Ang oras ng pagkain ay higit na
kawili-wili kung ang mga pagkaing nakahain ay inihanda, niluto,at idinulot sa wastong
paraan.
I. LAYUNIN :
1.Naipaliliwanag ang dapat tandaang mga alituntunin sa paghahanda ng mesa at
paghahain sa hapag kainan.
2. Naipapakita ang tamaang paraan ng paghahanda ng mesa at paghahain.
II. PAKSANG ARALIN :

Paksa: Mga Alituntunin Sa Paghahanda Ng Mesa At Paghahain Sa


Hapag Kainan.
Sanggunian: K12 EPP5HE-Oj-30
Umunlad sa paggawa V pahina 84-85
Kagamitan: Mesang hapag kainan,table cloth,
placemat/cover,pinggan,kubyertos, kutsilyo, baso,serbilyeta, tasa,
platitoat kutsarita, LCD laptop,larawan ng kumakain.
III. PAMAMARAAN :
A. Pagganyak :
1. Magpakita ng dalawang larawan.Ang una ay nagpapakita ng isang hapag-
kainan na may mga nakahandang “cover”. Ang ikalawang larawan naman ay
nagpapakita ng isang mag-anak na kumakain.
2. Itanong ang mga sumusunod:
 Saan nakalagay ang pagkaing may sabaw? Pagkaing tuyo o may
sarsa?
 May palamuti ba ang ulam?
 Sapat ba ang dami ng lalagyan sa hapag?
 Saan nakalagay ang pangunahing putahe?
 Kumpleto ba ang laman ng cover? Anu-ano ang nakita ninyo?
 Nasiyahan ba ang mga taong kumakain?
B. PAGLALAHAD
1. Ipabasa ang Alamin at Linangin sa LM.
2. Talakayin ang mga tanong na sumusunod:
a. Anu-ano ang mga tamang paraan/alituntunin sa paghahanda ng
mesa? Paghahain ng pagkain sa hapag kainan?
b. Paano inaayos sa hapag-kainan ang plato, kubyertos,kutsilyong
panglamesa, baso,serbilyeta, tasa, platito at kutsarita?
c. Sino ang makagagawa nito sa unahan?
d. Mahalaga ba ang pagsunod sa alintuntunin ng paghahanda ng mesa?
Bakit kaya?
e. Anong kabutihan at di-kabutihang dulot ng tama at hindi maayos na
paraan ng paghahain ng pagkain sa hapag-kainan?
3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin ng
paghahanda ng mesa/paghahain ng pagkain.
4. Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
2. Magdaos ng dula-dulaan kung saan ipakikita ang sumusunod:
a. Pangkat 1 Paghahanda ng mesa (Paglalagay ng telang panapin).
b. Pangkat 2 Paghahain ng pagkain (Family style)
c. Pangkat 3 (Buffet Style).
d. Pangkat 4 (Individual Cover).
3. Isa-isang magtatanghal ang bawat pangkat.
4. Habang nagsasagawa ang isang pangkat, ang ibang pangkat naman ay
magmamasid.
5. Kapag tapos na ang lahat, magbibigay ng puna ang isang kasapi ng
bawat pangkat at ang guro. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay
ng puna.
D. PAGLALAHAT
1. Anu-ano ang mga alituntunin na dapat sundin sa paghahanda ng mesa at
paghahain ng pagkain?
2. Ipaliwanag ang kahalagahan nito.
IV. PAGTATAYA:
A. Iguhit ang wastong pagkakalagay ng mga kagamitan sa pagkain sa isang
cover.

B. Lagyan ng tsek(/) ang patlang bilang kung ang isinasaad ng pangungusap ay


wastong paraan ng paghahain ng pagkain at ekis(x) naman kung hindi.

_____1.Ang bawat putahe/ulam ay inilalagay sa kanya. Kanyang lalagyan ng


may kutsara o tinidor na pansilbi
_____2.Ang ulam ay maaring palamutian ng hinwang gulay tulad ng kamatis,
kerot, pipino, kintsay upang magkaroon ng kulay ito.
_____3. Ang pangunahing putahe ay karaniwang inilalagay sa gawing kaliwa
ng lugar ng ama.
_____4. Tiyaking nasa katamtamang init o lamig ang pagkain bago ito ihain.
_____5. Ang mga pagkaing tuyo o may sarsa ay ilagay sa malalanday na
pinggan.
V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

a. Tumulong sa tahanan sa paghahanda sa hapag-kainan .


b. Ipagawa ang Pagyamanin Natin sa LM.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN
Umunlad sa Paggawa pahina 84-85

You might also like