You are on page 1of 12

Aralin 9

Wastong Paggamit ng
Kubyertos
PANUTO:SAGUTIN ANG MGA TANONG

Balikan 1.ANO-ANO ANG TATLONG PAGKAT


NG PAGKAIN?
Natin 2.Anong bitamina ang naibibigay sa ating katawan ng mga pagkain katulad ng prutas at gulay?

3. ANG MGA PAGKAIN BA NA


NABIBILANG SAT ALONG
PAGNGKAT NG PAGAKINA AY
NAKAKATULONG UPANG MAGING
MALAKAS ANG ATING KATAWAN?
Tuklasin Natin
Ang wastong pag-aayos, paghahanda, at paggamit ng mga kubyertos sa hapag-kainan ay dapat matutunan
at maisagawa ng batang tulad mo. Ito ay makatutulong upang maging kaaya-aya ang paghahain ng
pagkain at ikagagana ng bawat miyembro ng pamilya.
Mapag-aaralan sa modyul na ito ang wastong hakbang sa pag-aayos ng hapag-kainan at ang tamang
paghahain ng pagkain.
Inaasahan na pagkatapos mong aralin ang paksang ito ikaw ay:
1. Makapagpapakita nang wastong paraan ng paggamit ng kubyertos.
2. Makasusunod sa tamang panuntunan sa pagkain angkop sa kung ano mang kultura mayroon ka.
3. Makapagpapakita ng kagandahang asal sa hapag-kainan habang kumakain.
Talakayin Natin

Mga Wastong mga Hakbang sa Pag-aayos ng Hapag-kainan

1. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa lugar ng bawat


taong kakain. Ito ay tinatawag na one cover.
2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitang isang
pulgada mula sa gilid ng mesa.
3. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na
nakatihaya. Sa kanang bahagi naman ang kutsara na nakatihaya rin at sa
bandang itaas nito ilagay ang baso na may ¾ na tubig.
4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.
5. Gawin ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan upang
makakilos nang maluwag at maayos ang mga kakain.
Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa guhit.

1. Ipaliwanag kung paano mo ginagamit ang kubyertos (Kutsara at Tinidor).


________________________________________________________
2. May panahon bang hindi ka gumagamit ng kubyertos? Bakit?
_______________________________________________________
3. Ilarawan ang tamang paggamit ng kubyertos.
_______________________________________________________
4. Ano ang gagawin mo kung sakaling may nakita o nakasama ka na hindi gumagamit ng
kubyertos habang kumakain?
_______________________________________________________
5. Kaaya-aya bang tingnan ang paggamit ng kubyertos sa hapag kainan? Bakit?
_______________________________________________________
Tandaan Natin

Mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay na pagkain sa


hapag-kainan. Isa itong masayang tagpo na dapat
pagyamanin ng bawat kasapi ng mag-anak. Maraming
magagandang bagay ang puwedeng maganap habang
kumakain. Upang maisakatuparan ito sundin ang mga
sumusunod na panuntunan:
Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan
1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.
1. Magdasal bago at

2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae


bago ang lalaki.
3. Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang
ipatong ang mga siko sa ibabaw ng mesa.
4. Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor. Tinidor ang gamitin
bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.
5. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang
paiwas sa iyo at higupin ang sabaw nang walang ingay.

ipatong ang mga siko sa ibabaw ng mesa.


Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan
6. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid ng
kutsara at hindi ang dulo nito.
7. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang malapit
dito kung gusto mong kumuha nito.
8. Maging magalang at ibigay ang atensyon sa iba pang
kasamang kumakain. Magalang na tanggihan ang pagkaing
hindi gusto.
9. Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip ito ay
hayaang kusang maalis ang init.
10. Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.
Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan

11. Magkuwento ng masayang bagay. Iwasan ang


paksang ukol sa patay, sakit o kalamidad sapagkat ito ay nakawawala
ng gana sa pagkain.
12. Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang ang
kutsara at tinidor sa pinggan
Isabuhay Natin
Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang isinasaad ng pangungusap.
_____ 1. Punuin ng pagkain ang pinggan.
_____ 2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng pagkain.
_____ 3. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig.
_____ 4. Magkuwento ukol sa patay o sa mga maysakit habang kumakain.
_____ 5. Ilagay nang pahalang sa ibabaw ng pinggan ang mga
kubyertos kung tapos nang kumain.
Tayahin Natin
Sagutin ang mga sumusunod. Lagyan ng larawan ng smiley o happy face ang
patlang kung ang pangungusap ay nagsasabi ng kagandahang-asal sa hapag-kainan
at sad face kung hindi.

_____ 1. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.


_____ 2. Hayaang lumamig ang pagkain bago isubo.
_____ 3. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
_____ 4. Maaaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo sa pagputol ng pagkain.
_____ 5. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain

You might also like