You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

National Capital Region


Schools Division Office-MALABON CITY
GRADE 4

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

LEARNING Actual Weight Total

Understanding
Remembering

Evaluating
Analyzing
COMPETENCIES Instruction % No. of

Applying

Creating
(Days) Items

1. Nakatutulong sa pag-
aalaga sa matatanda na 1,2
may sakit at iba pang 5 25% 5 3,4
kasapi ng pamilya. 5

2. Nakatutulong sa
pagtanggap ng bisita sa
6,7
bahay tulad ng:
5 25% 5 8,9
pagpapaupo, pagbibigy ng
10
makakain, tubig, atbp;

3. Natutukoy ang angkop 11,1


na mga kagamitan sa 2
paglilinis ng bahay at 5 25% 5 13,1
bakuran. 4
15
4. Pagtulong sa
paghahanda ng
masustansiyang pagkain. 16,17
3 15% 3
18

5. Wastong paraan ng
paggamit ng kubyertos
(kutsara at tinidor) ayon 2 10% 2 19,20
sa panuntunang kultural
sa pagkain;
TOTAL 20 100% 20 8 5 5 2
Republic of the Philippines
National Capital Region
Schools Division Office-MALABON CITY
GRADE 4

Lagumang Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

1. Ang silid ng may maysakit ay kailangang kaaya-aya at .


A. maaliwalas C. masikip
B. mapresko D. marumi

2. Hayaang palaging bukas ang bintana ng silid ng maysakit upang makapasok ang _____.
A. mainit na hangin
B. usok galing sa sinusunog na dahon
C. preskong hangin
D. maalikabok na hangin

3. Kinakailangang punasan ang maysakit ng upang maging maginhawa ang kaniyang


pakiramdam.
A. maligamgam na tubig C. mainit na tubig
B. malamig na tubig D. maruming tubig

4. Bukod sa mga katas ng prutas maaaring bigyan ang maysakit ng .


A. malamig na tubig C. fruit shake na may yelo
B. mainit na sabaw D. milktea

5. Upang hindi makalimutan ng kasapi ng mag-anak ang oras at paraan ng pagpapainom ng gamot,
kailangang ipaskil sa isang lantad na lugar ang .
A. iskedyul C. pangalan ng kasambahay
B. pangalan ng doctor D. pangalan ng maysakit

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung ang
ipinahahayag ng pangungusap ay wasto at isulat ang MALI kung di-wasto ang ipinahahayag nito.

6. Magiliw at magalang na paupuin ang di kakilala na bisita.


7. Magalang na makipag-usap o makipag kuwentuhan sa kakilala na bisita.
8. Magmano ang mga bata sa bisita kung ito ay may edad o matanda na.
9. Maingat na itanong sa bisita ang sadya ng kaniyang pagbisita.
10. Interbyuhin at hindi muna patuluyin sa loob ng tahanan ang hindi kakilalang bisita.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

11. Ano ang iyong gagawin upang hindi malanghap ang alikabok habang naglilinis?
A. gumamit ng apron C. talian ang buhok
B. takpan ang ilong D. magdamit ng maluwang

12. Kung mag-aagiw ka ng kisame, ano ang pinakamagandang gawin?


A. Gumamit ng walis na may mahabang hawakan
B. Tumuntong sa silya para maalis ang agiw
C. Tumayo sa malapit sa bintana
D. Gumamit ng mesa upang doon tumuntong

13. Bakit kailangang sundin ang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at
bakuran?
A. Upang magawa ang mga nakatakdang gawain
B. Upang makapag laro agad pagkatapos ng gawain
C. Upang makaiwas sa iba pang gawain
D. Upang maiwasan ang anumang sakuna/disgrasya

14. Alin sa sumusunod ang dapat na una mong gagawin sa paglilinis ng bahay o tahanan?
A. paglilinis ng kisame B. paglilinis ng sahig
C. paglilinis ng dingding D. paglilinis ng bakuran

15. Nagkalat ang basura sa inyong bahay, ano ang gagawin mo?
A. Ipunin lahat at ibalot sa plastic.
B. Ilagay sa basurahan at hintayin ang trak na kukuha nito.
C. Ihiwalay ang nabubulok sa di-nabubulok at ibaon sa compost pit.
D. Paghalu-haluin ang mga basura at sunugin ang mga ito.

Panuto: Kilalanin ang pangkat ng pagkain. Piliin ang iyong sagot sa ibaba.
A. Go Foods
B. Grow Foods
C. Glow Foods
D. kung nagkahalu-halo

16. manga, kalabasa, ampalaya, abokado


17. itlog, manok, isda, baboy
18. kanin, puto, suman, tinapay

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

19. Ang mga sumusunod ay mga wastong hakbang sa paghahanda ng pagkain, MALIBAN sa isa.
A. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa lugar ng bawat taong kakain.
B. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitang isang pulgada mula sa gilid ng
mesa.
C. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang tinidor na nakatihaya. Sa kanang bahagi naman ang kutsara
na nakatihaya rin sa bandang itaas nito ilagay ang baso na may ¾ na tubig.
D. Ilagay kung saan-saan ang mga kubyertos sa mesa.

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang asal kapag nasa hapag-kainan.
A. Magdasal bago at pagkatapos kumain.
B. Umupo ng tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang ipatong ang mga siko sa mesa.
C. Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.
D. Gumamit ng cellphone kapag kumakain.
ANSWER KEY: EPP-Home Economics

1. A
2. C
3. A
4. B
5. A
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI
11. B
12. A
13. D
14. A
15. C
16. C
17. B
18. A
19. D
20. D

You might also like