You are on page 1of 12

Wastong Paraan ng Paggamit

ng Kubyertos

Pivot Learner’s Packet


(Work sheet ng Mag-aaral
sa Ika-apat na Baitang)

Inihanda ni:
Arlyna R. Uga
Teacher III
EPP - LEARNER’S PACKET

KEY STAGE 2

Content Standards Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing


pantahanan” at ang maitutulong nito sa pag-unalad ng sarili at
tahanan.
Performance Naisasagawa ng maykasanayan ang mga gawaing pantahanan na
Standards makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan.
Most Essential Enabling/ Content Learner’s Package
Learning Pre-
Competencies requisites
(MELC’S)
Learner’s Material LM
Pages
Naipakikita ang Gabay sa Magulang at Tingnan ang sariling p. 1
wastong paraan ng Mag-aaral gawang Work Sheet
paggamit ng sa ibaba
kubyertos. EPPHE-
Oi-14
Paggamit ng puzzle sa Activity Sheet p. 2
pagtukoy ng salita Blg. 1
Pagbasa ng kwento Activity Sheet p. 3
Blg. 2
Pagsunud-sunod ng Activity Sheet p. 4
wastong paraan ng pag- Blg. 3
aayos ng hapag-kainan
Pagguhit ng wastong Activity Sheet p. 5
posisyon ng mga Blg. 4
kagamitan sa pag-aayos
ng isang cover sa
hapag-kainan
Pagsasagawa ng mga Activity Sheet p. 6
wastong hakbang sa Blg. 5
pag-aayos ng hapag-
kainan
Pagtukoy sa Activity Sheet p. 7
pangungusap na Blg. 6
nagsasabi ng
kagandahang-asal sa
hapag-kainan
Pagpapakita ng Activity Sheet p. 8
kagandahang asal sa Blg. 7
hapag-kainan
Pagsusulat ng Activity Sheet p. 9
pagninilay sa aralin Blg. 8
Gabay sa Guro at Mag- aaral

Ang home schooling ay isa sa mga new normal na kinakaharap ng ating mag-aaral
dahil sa pandemic na lumalaganap sa ating bansa. Para makapagpatuloy ng pag- aaral ang
mga bata, isa ang home schooling sa mga paraan na pinili ng Kagawaran ng Edukasyon
upang hindi matigil ang pag- aaral ng mga bata. Kaya naman hinihikayat namin ang mga
magulang na matiyagang turuan at gabayan ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral.
Mga magulang muna ang magsisilbing guro ng mga bata sa tahanan.

Narito po ang mga dapat tandan ng magulang at mag- aaral:


1. Ipaliwanag ng magulang ang mga hakbang na gagawin ng bata.
Habaan po ninyo ang inyong pasensya.
2. Ipaunawa ang aralin sa mag- aaral.
3. Gabayan ang bata sa pagsasagot. Huwag po magulang ang magsagot.
4. Sundin ng mag- aaral ang kaniyang magulang at ituring itong kanyang guro.
5. Kapag may di maintindihan sa aralin huwag mahiyang magtanong sa guro. Narito lang po
kami at handang tumulong sa abot na aming makakaya.

1
Activity Sheet # 1

Isulat sa puzzle ang nawawalang salita sa pangungusap gamit ang kasangkapan sa hapag-kainan.

1. Ito ay gamit na inilalagay sa ibabawng mesa upang hindi matapon sa


mesa ang nalaglag na pagkain.
2. Isang kagamitan na binubuo ng isang maliit na mababaw na mangkok
(kilala rin bilang isang ulo), hugis itlog o bilog, sa dulo ng isang
hawakan.
3. Ito ay isang uri ng pamunasan or pamahiran upang di marumihan ang
damit habang kumakain.
4. Isang uri ng kubyertos, binubuo ng isang hawakan na may maliliit
na ngipin sa kabilang dulo.
5. Isang uri ng kagamitang pangkain na tinatawag na pinggan.

6. Isang uri ng kubyeros na mas maliit kaysa kutsara.

7. Kagamitan na iniinuman matapos kumain

8. Kasangkapan sa hapag-kainan upang medaling mahiwa ang ulam.

9. Kagamitan na mas maliit kaysa sa plato.

10. Isang uri ng kasangkapang pangkain.

2
Activity Sheet # 2

Sa gabay ng magulang, basahin at unawain ang isang maikling kwento.

Ang Masayang Mag-anak

Araw ng Sabado at tulong–tulong sa paghahanda ng pagkain ang mag-anak ni Nanay


Maria. Inayos ni Jimboy ang mesa. Pinunasan niya ito at at naglagay ng placemat sa bawat
tapat ng taong kakain. Inilagay naman ni Karen ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na
may pagitang isang pulgada mula sa gitna ng mesa. Samantalang si Andrea naman ay
inilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor. Inilagay din niya sa kanang
bahagi ang kutsara na nakatihaya rin at sa bandang itaas nito inilagay ang baso na may ¾ na
tubig.
Tuwang-tuwang inilapag ni Tatay Ando ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-
kainan. Nakita niya na maaasahan ang kanyang mga anak sa gawaing bahay. Kaligahayan din
ang nararamdaman ni Nanay Maria habang naghahain ng kanilang pananghalian. Sabay-
sabay silang nagdasal bago kumain. Masaya nilang pinagsaluhan ang masarap na pagkain sa
hapag kainan habang nagkukuwentuhan.
1. Sinu-sino ang tumulong kay Nanay Maria sa paghahanda ng hapag-kainan?
2. Anu-anong kasangkapan sa hapag-kainan ang inihanda ng magkakapatid?
3. Paano tumulong si Jimboy?
4. Paano inilagay ni Karen ang plato sa gitna ng cover?
5. Gaano kalayo ang pagitan ng plato mula sa gilid ng mesa?
6. Anu-ano ang inilagay ni Andrea sa kaliwang bahagi ng plato?
7. Saan niya inilagay ang kutsara? ang baso?
8. Gaano kadaming tubig na inilagay niya sa baso?
9. Paano inayos ng Magkakapatid ang kubyertos?
10. Ano ang dala ni Tatay Ando?
11. Bakit tuwang-tuwa siya?
12. Ano ang ginawa nila bago kumain?
13. Anong kaugalian ang ipinakita sa kwento?
3
Activity Sheet # 3

Pagsunud-sunurin ang wastong paraan ng pag-aayos ng hapag-kainan. Isulat ang sagot sa


graphic organizer.
1. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na nakatihaya at sa kanang bahagi ang
kutsara na nakatihaya.
2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover.
3. Sa bandang itaas ng kutsara, ilagay ang baso.
4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.
5. Punasan ang mesa at maglagay ng placemat sa lugar ng bawat taong kakain.

Wastong Paraan sa Pag-aayos ng


Hapag-Kainan

4
Activity Sheet # 4

Gamit ang mga larawan iguhit sa loob ng kahon ang wastong posisyon ng mga
kagamitan sa pag-aayos ng isang cover sa hapag-kainan.

5
Activity Sheet # 5

Sa gabay ng magulang, ipagawa ang mga wastong hakbang sa pag-aayos ng hapag-


kainan sa inyong pananghalian. Lagyan ng tsek ang nagawa o hindi nagawa. Gamitin ang
rubriks para sa pagbibigay ng puntos.

Gawain Nagawa Hindi


Nagawa
1. Pinunasan ang mesa at naglagay ng placemat sa lugar ng bawat taong
kakain.
2. Inilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitang isang
pulgada mula sa gilid ng mesa.
3. Inilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na
nakatihaya.
4. Inilagay sa kanang bahagi ang kutsara na nakatihaya.
5. Ilagay ang baso sa bandang itaas ng kutsara na may ¾ ang tubig.

Rubriks

Iskor Katumbas na Iskor


5 Lubos na kasiya-siya
4 Higit na kasiya-siya
3 Kasiya-siya
2 Kailangang pagbutihin pa
1 Hindi kasiya-siya

6
Activity Sheet # 6

Sagutin ang mga sumusunod. Lagyan ng larawan ng ( ) happy face ang patlang
kung ang pangungusap ay nagsasabi ng kagandahang-asal sa hapag-kainan at ( ) sad face
kung hindi.

_____ 1. Punuin ng pagkain ang pinggan.

_____ 2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng may sabaw na pagkain.

_____ 3. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig.

_____ 4. Magkuwento ukol sa patay o sa mga maysakit habang kumakain.

_____ 5. Ilagay nang pahalang sa ibabaw ng pinggan ang mga kubyertos kung tapos nang

kumain.

_____ 6. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.

_____ 7. Hayaang lumamig ang pagkain bago isubo.

_____ 8. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.

_____ 9. Maaaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo sa pagputol ng pagkain.

_____10. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain.

7
Activity Sheet # 7

1. Basahin ang tseklist na nagpapakita ng kagandahang asal sa hapag-kainan. Lagyan ng tsek (√) ang
kolum ng sariling kasagutan.
2. Oobserbahan ng magulang o nakatatanda kung naisasagawa ang mga ito habang kumakain.
3. Kung may hindi nagawa, isulat ang dahilan kung bakit hindi naisagawa ang gawain.
4. Palagdaan ito sa iyong magulang.

Gawain OO HINDI
1. Nagdadasal ba ako bago at pagkatapos kumain?
2. Umuupo ba ako nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig?
3. Iniiwasan ko bang ipatong ang siko sa ibabaw ng mesa?
4. Ginagamit ko ba nang maayos ang kutsara at tinidor?
5. Ginagamit ko ba ang gilid ng kutsara nang paiwas sa akin sa pagkain ng may sabaw
at paghigup nang walang ingay?
6. Nagsusubo ba ako ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid ng kutsara at
hindi ang dulo nito?
7. Ipinakikisuyo ko ba ang pagkaing malayo sa akin sa kasamahang malapit sa dulo
kung gusto kong kumuha nito?
8. Iniiwasan ko bang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip ay hinahayaan
kong kusang maalis ang init?
9. Hindi ba ako nagsasalita kung puno o may pagkain ang aking bibig?
10.Iniiwanan ko bang ubos ang pagkain sa plato at inilalagay ng pahalang ang
kutsara at tinidor sa pinggan?

Para sa guro sa EPP ng anak ko,

Ito ay nagpapatunay na ginawa ng aking anak ang isinasaad sa tseklist sa taas.

_________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

8
Activity Sheet # 8

Isulat sa journal o portfolio ang iyong pagninilay tungkol sa aralin.


1. Natutuhan ko ang _________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
2. Nalaman ko na ____________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
3. Mahalaga ang kagandahang –asal sa ___________________________________________
___________________________________________________________________________.
4. Sisikapin ko na_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
5. Isasabuhay ko ang _________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

You might also like