You are on page 1of 23

EPP-HOME ECONOMICS

Aralin 19
Wastong Paggamit ng
Kubyertos
Mga Wastong mga Hakbang sa Pag-
aayos ng Hapag-kainan
1.Punasan ang mesa at maglagay ng
mantel o placemat sa lugar ng bawat
taong kakain. Ito ay tinatawag na one
cover.
2.Ilagay ang nakatihayang plato sa
gitna ng cover na may pagitang isang
pulgada mula sa gilid ng mesa.
3. Ilagay sa kaliwang bahagi
ng plato ang serbilyeta at
tinidor na nakatihaya. Sa
kanang bahagi naman ang
kutsara na nakatihaya rin at
sa bandang itaas nito ilagay
ang baso na may ¾ na tubig.
4.Ilagay ang nasa tray na
prutas sa gitna ng hapag-
kainan.
5.Gawin ito sa iba pang cover.
Bigyan ng sapat na pagitan
upang makakilos nang
maluwag at maayos ang mga
kakain.
a.Paano inaayos sa hapag-
kainan ang plato, kutsara, at
tinidor?
b.Sino ang makagagawa nito sa
unahan?
c.Bukod sa kutsara’t tinidor, ano
pang mga kasangkapan ang
magagamit sa pagkain?
d. May mga panahon bang
hindi ka gumagamit ng
kubyertos?Bakit?
e.Sa palagay ninyo ba may
mga taong hindi talaga
gumagamit ng kubyertos
kapag kumakain?
Bakit kaya hindi sila gumagamit
f. Ano ang gagawin mo
sakaling may makita ka o
makasamang tao na hindi o
ayaw gumamit ngkubyertos
habang kumakain?
g.Ganun din ba ang
inyong gagawin?
Mahalaga sa isang pamilya ang
sabay-sabay na pagkain sa hapag-kainan.
Isa itong masayang tagpo na dapat
pagyamanin ng bawat kasapi ng mag-anak.
Maraming magagandang bagay ang
puwedeng maganap habang kumakain.
Upang maisakatuparan ito sundin ang
mga sumusunod na panuntunan:
Mga Kagandahang-asal sa
Hapag-kainan.
1. Magdasal bago at
pagkatapos kumain.
2. Maglaan ng upuan sa bawat isa.
Unang paupuin ang babae bago
ang lalaki.
3. Umupo nang tuwid na
nakalapat ang paa sa sahig.
Iwasang ipatong ang mga siko sa
ibabaw ng mesa.
4. Gamitin nang maayos ang
kutsara at tinidor. Tinidor ang
gamitin bilang pamalit sa kutsilyo
kung may puputuling pagkain.
5.Kung may sopas o sabaw
gamitin ang gilid ng kutsara
nang paiwas sa iyo at higupin
ang sabaw nang walang ingay.
6. Magsubo ng katamtamang
dami ng pagkain gamit ang
gilid ng kutsara at hindi ang
dulo nito.
7. Ipakisuyo ang pagkaing
malayo sa iyo sa kasamahang
malapit dito kung gusto mong
kumuha nito.
8.Maging magalang at ibigay
ang atensyon sa iba pang
kasamang kumakain.
Magalang na tang- gihan ang
9.Iwasang hipan ang pagkain
kung ito ay mainit pa sa halip
ito ay hayaang kusang maalis
ang init.
10.Huwag magsasalita kung
puno o may pagkain ang bibig.
11. Magkuwento ng masayang
bagay.
Iwasan ang paksang ukol sa patay,
sakit o kalamidad sapagkat ito ay
nakawawala ng gana sa pagkain.
12. Iwanang ubos ang pagkain
sa plato at ilagay ng pahalang
ang kutsara at tinidor sa
Pangkatang Gawain:
a.Pagpapaupo sa kakain
b.Pagsisilbi ng pagkain
c.Paggamit ng kubyertos
d.Paghingi ng pagkain
Paano ang paggamit ng
mga kubyertos?
Paano maipakikita ang
kagandahang-asal sa
hapag-kainan?
A. Ilarawan ang tamang posisyon
ng mga kagamitan sa pag-aayos
ng isang cover sa hapag-kainan.
Iguhit sa inyong kuwaderno.
B. Sagutin ang mga sumusunod.
Lagyan ng larawan ng smiley o happy
face ang patlang kung ang pangungusap ay
nagsasabi ng kagandahang-asal sa hapag-
kainan at sad face kung hindi .
1. Punuin ng pagkain ang pinggan.
2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa
pagsubo ng pagkain.
3. Nguyain ang pagkain nang sarado
ang bibig.
4. Magkuwento ukol sa patay o sa
mga maysakit habang kumakain.
5. Ilagay nang pahalang sa ibabaw
ng pinggan ang mga kubyertos kung
tapos nang kumain.
6. Magsalita nang walang pagkain
sa bibig.
7. Hayaang lumamig ang pagkain
bago isubo.
8. Magalang na tanggihan
ang pagkaing hindi gusto.
9. Maaaring gawing
pamalit ang tinidor sa kutsilyo
sa pagputol ng pagkain.
10. Mag-ukol ng atensyon
sa kalapit na kumakain.
Maghanap ng larawan sa
mga lumang babasahin o
magasin na nagpapakita ng
kabutihang-asal sa hapag-
kainan. Ayusin at idikit ito sa
loob ng kahon.

You might also like