You are on page 1of 69

Basahin ang sitwasyon.

Tulungan si
Mercy.
Marami nang pinagliitang damit
si Mercy. Makukulay na bestida at t-
SUBUKIN shirts. Nais niya itong makita na
ITO napakikinabangan pa ang mga ito
sa kanilang tahanan. Bukod pa dito
kailangan na nilang palitan ang ilan
nilang kagamitang pambahay.
Sagutin:

Ano ang maimumungkahi mo kay Mercy na maaaring


paggamitan sa mga damit niya?

Anong kagamitang pambahay ang maaaring gawin sa


mga damit ni Mercy?

Bakit mo ito nasabi?


Tungkulin sa Pagsasaayos ng Tahanan
Ang tahanang maayos at malinis ay kaaya-ayang tirahan ng
isang mag-anak. Ang maaliwalas na tahanan ay
nakahihikayat sa mga nakatira na gampanan ang kanilang
tungkulin nang may kasiyahan. Ang kaayusan ng tahanan
ay nakasalalay sa bawat kasapi ng pamilya. Kailangang may
pagtutulungan at pagkakaisa upang matamo ang kaaya-
ayang tahanan. Kasiya-siyang gawain ang pag-aayos ng
tahanan kung gagawin ito nang may kawilihan.
Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Tahanan Ang epektibong
pangangasiwa ng tahanan ay karapatan at tungkulin ng mga magulang
na ituro sa kanilang mga anak.

1. Pagpaplano — Bahagi nito ang mga layuning nais


matamo. Dapat na igalang ng bawat kasapi ang
nakatakda sa plano. Mahalagang pag-usapang mabuti
at igalang ang opinyon ng bawat kasapi.
Kailangan ang isang praktikal na plano ng paggawa
upang magamit nang mahusay ang panahon. Maghanda
ng plano o iskedyul ng mga gawaing-bahay.
Mga Uri ng Gawain (gawaing dapat
tapusin sa loob ng tahanan)
A. Pang-araw-araw
1. pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan
2. pagluluto
3. paglilinis ng bahay
4. pagliligpit ng higaan
5. paghahanda ng hapag-kainan
6. pagwawalis
7. paglilinis ng bakuran
8. pagtatapon ng basura
9. pagdidilig ng halaman
B. Lingguhan
1. paglalaba
2. pamamalantsa
3. paggogroseri
4. pagpupunas ng mga kuwadro
5. paglalagay ng floor wax
6. pagpapalit ng beddings—punda at kubrekama o bedsheet
7. pagpapalit ng mantel
8. pagsusulsi ng mga may punit/sirang damit
C. Buwanan o Paminsan-minsan
1. pagpapalit ng kurtina
2. pag-aagiw ng kisame
3. pag-aayos ng mga damit sa kabinet
4. paglilinis ng bentilador
5. paggupit ng damo sa bakuran
6. pagpuputol ng mga sanga ng puno
2. Pagtatakda ng Tungkulin
Mahalagang makatarungan ang pagbibigay ng tungkulin.
Iniaayon sa kakayahan, kasarian, gulang, at kalusugan ng
kasaping gagawa.
• Iayon sa kakayahan at hilig ng bawat kasapi
• Isaalang-alang ang kalusugan at lakas ng bawat kasapi
• May mga gawaing-pantahanan na maaaring gawin kahit ng
nakababatang kasapi ng mag-anak
3. Pagsasagawa at Pagsubaybay
Maingat na pagsubayba'y ang dapat gawin ng
tagapangasiwa. Bigyan ng kalayaan ang
gumagawa ng tungkulin na gawin ang kaniyang
gawain ayon sa kaniyang paraan.
4. Pagpapahalaga

Ibigay ang papuri o pagpuna. Papuri sa


nagpakita ng kanais-nais na paggawa
upang lalong ganahan at pagbutihin ang
gawain. Sabihin ito sa malumanay at
magandang pananalita.
Talatakdaan ng mga Gawain sa Tahanan

Ang paggawa ng talatakdaan ay


isang paraan ng pagtitipid ng oras
at lakas sa pangangasiwa
tahanan.
Suriin ang talatakdaan ng isang mag-anak para sa araw ng Sabado.
Mga Gawain sa Tahanan Oras ng Paggawa Taong Gagawa
1. Pamamalengke/Paggogroseri    
2. Pagluluto    
3. Pagliligpit at paghuhugas ng pinaglutuan at    
pinagkainan
4. Paglilinis ng bahay at bakuran    
5. Pagdidilig ng mga halaman    
6. Pagpupunas ng mga muwebles    
7. Pagtatapon ng basura    
8. Pagwawalis/Pagbubunot ng sahig    
9. Pagpapahid ng floor wax    
10. Paglalaba    
11. Pamamalantsa    
12. Pag-aayos ng mga kabinet    
13. Pagde-defrost ng refrigerator    
Gawain sa Bawat Bahagi ng Tahanan
May gampanin ang bawat bahagi ng tahanan.
1. Sala o Silid-tanggapan - Silid na unang nakikita
sa loob ng bahay. Dito tinatanggap ang mga
bisita o panauhin. Pinananatili ang kaayusan at
kalinisan nito upang maging kaaya-aya hindi
lamang sa buong pamilya kundi pati na rin sa
ibang tao.
2. Silid-kainan- lsa rin itong silid na para sa lahat.
Malayang nagbabaha-gihan dito ng mabubuti at
masasayang karanasan sa araw-araw na nangyari
sa bawat kasapi ng mag-anak. Dito malilinang at
masasanay sa kabutihang-asal, pagpapahalaga sa
pagkain, pagtitipid, konsiderasyon, at pagbibigay-
halaga sa nakahandang pagkain.
3. Silid-tulugan - Tanging may-ari ng silid
na ito ang maaaring maglabas-pasok at
matulog dito. Kailangan munang kumatok
upang pag-buksan ang nais na pumasok
dito o kung may sadya sa taong
nagmamay-ari ng silid na ito.
4. Palikuran - Pribadong lugar ang silid na
ito. Kumakatok muna ang nais gumamit
nito bilang paggalang sa karapatan ng
gumagamit. Kapamilya man o bisita ay
kailangang humingi ng permiso sa
pagpasok dito.
Upang matiyak na malinis ang loob ng
tahanan, dapat sundin ang mga hakbang sa
paglilinis:
1. Magsimula sa kisame. Gumamit ng walis
Mga Paraan na may mahabang hawakan. Isama ang
ilawan.
ng Paglilinis 2. Isunod ang dingding at mga larawang
nakakuwadro.
3. Walisan ang ilalim ng kabinet, mesa, kama,
at mga upuan. Ipunin ang dumi sa sahig.
4. Walisan ang mga gilid-gilid ng bahay
papunta sa gitna.
5. Ilabas ang naipong mga dumi at ilagay
sa basurahan sa labas ng bahay. Ilabas
din ang doormat at ipagpag sa labas ng
bahay.
6. Ihuli ang pagma-mop ng sahig.
Pagkatapos, lagyan ng floorwax.
7. Punasan ang mga mesa, upuan,
bintana, at iba pang gamit, pagkatapos
ng pagwawalis at pagbubunot/pagpa-
polish.
Mga Kagamitan at
Kasangkapan sa Pagsasaayos
A. Kagamitan sa Paglilinis
Kagamitan Pinaggagamitan Pangangalaga
1. Bunot Panlinis at 1.Kayurin ang dumi
pampakintab ng 2.Gupitin ang mga
sahig gilid ng bao na
nakalitaw na
BUNOT
A. Kagamitan sa Paglilinis
Kagamitan Pinaggagamitan Pangangalaga
2. Floor Panlinis at 1.I-unplug kapag
Polisher pampakintab ng hindi ginagamit
sahig; mabilis at 2.Iligpit sa Iigtas na
madali lugar
FLOOR
POLISHE
R
A. Kagamitan sa Paglilinis
Kagamitan Pinaggagamitan Pangangalaga
3. Mop Panlampaso sa 1. Labhan sa tubig
sahig na may sabon
2. Banlawan at
patuyuin
MOP
A. Kagamitan sa Paglilinis
Kagamitan Pinaggagamitan Pangangalaga
4. Walis Panlinis sa sahig 1. Linisin sa tubig
Tambo at sa patag na na may sabon
mga ibabaw na 2. Banlawan at
kasangkapan patuyuin
3. lbitin sa
hawakan sa
pagliligpit
Walis
Tambo
A. Kagamitan sa Paglilinis
Kagamitan Pinaggagamitan Pangangalaga
5. Basahan Pamunas at 1. Labhan sa tubig
pampaspas ng na may sabon
alikabok 2. Banlawan at
patuyuin
BASAHA
N
A. Kagamitan sa Paglilinis
Kagamitan Pinaggagamitan Pangangalaga
6. Walis Panlinis sa hindi 1. Itabi sa gilid o
Tingting pantay at bako- ligtas na lugar.
bakong ibabaw
gaya ng garahe
at bakuran
Walis
Tingting
A. Kagamitan sa Paglilinis
Kagamitan Pinaggagamitan Pangangalaga
7. Walis Pantanggal ng 1.Linisin sa tubig
Tingting na agiw sa kisame na may sabon
may at sa matataas 2.Banlawan at
mahabang na dingding patuyuin
hawakan 3. Itabi sa gilid o
ligtas na lugar.
Walis
Tingting
na may
mahabang
hawakan
A. Kagamitan sa Paglilinis
Kagamitan Pinaggagamitan Pangangalaga
8. Brush o Panlinis sa kanal 1.Linisin sa tubig
Eskoba o estero na may sabon
Panlinis sa mga 2.Banlawan at
muwebles na patuyuin
may sapin at
malambot
Brush o Eskoba
B. Kagamitan sa
Pagkukumpuni
Kagamitan/ Gamit sa: Pangangalaga
Kasangkapan
1. Screwdriver Pagkakabit at Ilagay sa
pagtatanggal ng toolbox at
tornilyo (screw) iligpit sa ligtas
na lugar na
2. Martilyo Pamukpok o pambunot hindi maaabot
ng pako ng maliit na
3. Plais Panghawak sa maliliit bata.
na bagay; pambaluktot,
pampilipit, o kaya’y
pamputol ng alambre
Screwdriver Screw
Martilyo
Plais (Pliers)
Kagamitan/ Gamit sa: Pangangalaga
Kasangkapan
4. Lagari Pamutol ng kahoy at Ilagay sa
bakal toolbox at
5. Gunting Panggupit o iligpit sa ligtas
pantabas na lugar na
6. Katam Pangkinis ng kahoy hindi maaabot
ng maliit na
7. Paet Pang-uka ng kahoy bata.
Gunting
Katam
Paet
Pagpili at Pag-aayos ng Muwebles at Iba
Pang Kasangkapan
Narito ang ilang mungkahi na makatutulong sa pagpili ng
muwebles:
1. Pumili ng matibay at pangmatagalang muwebles.
2. Piliin ang upholstered na muwebles na madaling linisan at
labhan.
3. Pumili ng simpleng disenyo na madaling bagayan ng iba pang
kasangkapan sa bahay.
4. Ibatay ang laki at bilang ng muwebles sa laki ng silid na
paglalagyan.
5. Piliin ang disenyong tutugma sa estilo ng silid ng
bahay.
6. Suriing mabuti ang kasangkapan bago bilhin.
7. Pag-isipang mabuti ang kasangkapang kailangang
bilhin. Itala ang espisipikasyon at detalye ng
materyales, estilo, disenyo, at laki.
Wastong Pag-aayos ng Iba't
Ibang Bahagi ng Tahanan
Upang mapanatiling kaaya-aya ang tahanan, ang
bawat bahagi nito ay nararapat na malinis, maayos, at
laging presentable.
Sala o Silid-tanggapan
1. Ibatay ang sukat ng silya, mesa, at mga kabinet sa sukat ng silid.
2. Magsabit ng mga larawan ng magagandang tanawin o paintings.
3. Maglagay ng plorerang may bulaklak o iba't ibang kulay ng marble
sa gitna ng mesa.
4. Ang mga kabinet sa sala ay maaaring lagyan ng mga palamuti sa
ibabaw tulad ng pigurin o iba pang koleksiyon na nagsilbing
libangan. Iwasan ang pagsisiksikan ng mga palamuti.
5. Maglagay ng kurtina o venetian blinds sa bintana. Iangkop ang
kulay sa mga muwebles.
Silid-kainan
1. Maglagay ng plorerang may bulaklak o iba't ibang uri ng
prutas sa gitna ng mesa.
2. Lagyan ng placemat na nababagay ang kulay sa mesa at silya.
3. Ilagay sa kabinet ang mga baso, pinggan, kutsilyo, kutsara, at
tinidor na hindi ginagamit.
4. Magsabit ng mga larawan sa dingding na bagay sa silid-
kainan.
5. Ugaliing isaayos ang mga silya kapag hindi ginagamit.
Silid-tulugan
1. Lagyan ng kurtina ang bintana sa silid. Iangkop
ang kulay sa pintura ng silid.
2. Lagyan ng sapin o bedsheet ang kama at punda
ang mga unan. Mas magandang tingnan kapag
pareho ang kulay ng punda at sapin sa kama.
3. Pagtabihin ang tokador at kabinet. Mas
mainam ilagay ito sa maliwanag na lugar.
4. Ayusing mabuti ang mga kagamitan tulad ng
suklay, pulbos, lotion, at iba pang gamit sa katawan.
5. Iayos ang mga damit ayon sa gamit sa aparador o
kabinet.
6. Lagyan ng mga larawan ang dingding tulad ng
sariling larawan at diploma.
7. Lagyan ng palamuti ang ibabaw ng kabinet.
Ilang Mungkahi sa Paggawa
ng mga Palamuti sa Bahay
Ang paggawa ng mga palamuti ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
mga patapong bagay. Kailangan lamang maging malikhain upang
makabuo ng isang maganda at kaakit-akit na makapagbibigay ganda sa
tahanan.
A. Gawain:
• Palamuting Bato
Materyales: katamtamang laki n bato, brush, pintura na iba't ibang
kulay
Pamamaraan
1. Linising mabuti ang bato para rnaalis ang mga buhangin.
2. Lagyan ng disenyong nais ilagay at pinturahan.
3. Patuyuin. Ilagay sa ibabaw ng kabinet
B. Gawain: Plorera
• Materyales: plastik na basyo ng litro ng softdrinks,
gunting, cutter Pamamaraan:
1. Putulin sa pamamagitan ng cutter ang dulo ng bote
na may sukat na 2 pulgada (inches) pabilog.
2. Gupitin pababa na may guhit ng botelya na may
sukat na 3 pulgada.
3. Gupitin nang patulis ang bawat dulo ng nagupit.
B. Gawain: Plorera
4. Lagyan ng kapirasong hiwa ang dulo ng
kapantay na nagupit.
5. Isuot ang hiniwang patulis na dulo sa hiwang
ginawa sa bandang puwitan ng botelya.
6. Maaaring lagyan ito ng halaman o mga marble
na may iba't ibang kulay.
Ang paggawa ng mga palamuti o mga kagamitang pambahay gaya ng
table runner, table napkin, o throw pillow ay maaaring pagkakitaan.
Maging matiyaga lamang sa pagsasaliksik sa Internet. Sa pagbabasa ng
mga aklat at magasin para malaman ang kasalukuyang kalakaran sa
pamilihan tungkol sa kagamitan sa bahay; ang interior design and
decoration, at iba pa na magsisilbing inspirasyon upang mahikayat na
lumikha ng iba't ibang kagamitang pambahay.
Pag-aralan ang isang paraan sa paggawa ng
kitchen linen sa murang halaga lamang
Mga Kailangan:
• Sako o katsa ng arina (depende sa gagawin
ang bilang na bibilhin)
• Sabon
• Chlorine
Paraan:
1. Banlawan ang katsa para matanggal ang mga natitirang
pulbos ng arina
2. Ibabad nang magdamag ang katsa sa tubig na may sabon at
chlorine
3. Labhan, banlawan nang mabuti at patuyuin
4. Tastasin ang mga tahi, gupitin at paghiwalayin ang bahaging
may imprenta at bahaging plain o walang imprenta.
5. Plantsahin
6. Tiklupin ang mga gilid at tahiin
7. Maging malikhain sa paglalagay ng
disenyo sa mga pamunas na ito.

You might also like