You are on page 1of 8

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5

(Home Economics)
Modyul 27

Paggawa ng Menu para sa Isang Araw na batay sa


“Food Pyramid”/ Pangkat ng Pagkain

Kilalanin:

Ang paggawa ng menu ay mahalaga upang magkaron ng sapat na panahon sa


paghahanda ng mga ito ayon sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat kasapi ng mag-anak.
Ang sustansiyang kailangan ng katawan ay dapat isipin sa pamimili ng pagkain.

Ang tatlong pangkat ng pagkain ay dapat gamiting patnubaysa paggawa ng menu ng mag-
anak sa araw-araw. Ang agahan, tanghalian at hapunan ay dapat nagtataglay ng pagkain sa
bawat pangkat.

Subukin:

Ihanay ang mga salita sa ibaba ayon sa agahan, tanghalian at hapunan. Isulat sa sagotang
papel ang mga sagot.

Saging Sinigang na baboy Tinola


Daing na bangus kanin tortang talong
Sinangag na kanin pinya kanin
Tsokolate leche plan

Agahan Tanghalian Hapunan

Tingnan ang Susi sa Pagwawasto upang malaman kung tama ang iyong mga sagot.

Tuklasin:

1
A. Nakilala ang mga pagkaing na bibilang sa tatlong pangkat ng pagkain.
B. Natutukoy ang mga alituntunin sa paggawa ng menu.
C. Nakagagawa ng menu para sa isang araw batay sa “food phyramid/pangkat ng pagkain.
EPP5 HE-Oi-26
Linangin:

A. Balikan:
Piliin sa kahon ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang mga sagot sa inyong sagotang
papel.)
1. Dami ng taong bumubuo rito.
2. Dito nakasalalay ang halagang iuukol sa pamimili ng pagkain at uri ng pagkain.
3. Kailangan marunong pumili ng masusutansiya at murang pagkain ang nagbabalak ng
pagkain ng mag-anak.
4. Masarap kumain ng may sabaw at mainit sa panahon ng taglamig.
5. Maari ring batayan sa pagbabalak ng pagkaing bibilhin.

Badget ng mag-aanak

Kabuuan ng mag-anak

Lagay ng panahon

Sustansiyang kailangan ng bawat kasapi

Ang kalinangan at pananampalataya

Tingnan ang Susi sa Pagwawasto upang malaman kung tama ang iyong mga sagot

B. Gabayan:

Pag-aralang mabuti ang listahan ng mga pagkain na nasa loob ng kahon. Ipangkat ito
ayon sa tatlong uri ng pagkain. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Tinapay karne kanin cheese cereal pasta

Patatas mangga kalabasa lansones isda labanos

Keyk itlog manok baka mansanas

Noodles okra mais beans gatas

2
Go Foods Grow Foods Glow Foods
__________________ ____________________ ____________________
__________________ ____________________ ____________________
__________________ ____________________ ____________________

Tingnan ang Susi sa Pagwawasto upang malaman kung tama ang iyong mga sagot

C. Pagyamanin

A. Ang paggawa ng menu ay mahalaga upang magkaron ng sapat na panahon sa


paghahanda ng mga ito ayon sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat kasapi ng mag-
anak. Ang sustansiyang kailangan ng katawan ay dapat isipin sa pamimili ng pagkain.

B. Mga Alituntunin sa Paggawa ng Menu


1. Gawing batayan ang tatlong pangunahing pagkain.
2. Magplano ng menu para sa ilang araw o isang lingo. Ingatang hindi maulit ang ulam
sa susunod na lingo.
3. Gamitin ang pagkaing nasa panahon. Ang mga ito’y mura at sariwa pa.
4. Magplano ng menu na medaling baguhin kung kinakailangan.
5. Iwasang magdulot ng iisang uri ng pagkain sa isanghain o magkatulad na uri sa
paghahain. Halimbawa ay pansit at sopas.
6. Huwag magplano ng pagkaing parehong maasim o kaya ay may sarsa.
7. Magplano ng pagkaing kaakit-akit sa paningin at malasa kainin.
8. Huwag pagsabayin ang mga putahi ng nangangailangan ng parehong
kasangkapang gagamitin.
9. Huwag pagsabayin ang putahing kailangang isilbi na bagong hango sa lutuan kung
kakulangan sa kagamitan.
10. Huwag pagsabaying ihain ang mahirap tunawin na pagkain sakatawan.
11. Bigyan halaga ang mga kagustuhan at pagkaing kailangan ng mag-anak.

C. Mga Uri ng Pagkaing Dapat Ihanda

3
Agahan- Ito ang pagkain na una sa loob ng isang araw na hindi dapat ipagpaliban dahil sa
mahabang oras na walang laman ang tiyan sa buong magdamag. Ihahain ito mula 5:00
hanggang 9:00 ng umaga. Tingnang maigi na ang mga sustansiya na kailangan ng katawan ay
taglay sa ihahanda na pagkain para sa agahan.

Tanghalian- sa paghahanda ng tanghalian tingnan kung ang mga pagkain ay na bibilang sa


tatlong pangkat ng pagkain: go, grow at glow upang makuha ang tamang sustansiya na kailangan
ng katawan. Inihain ang tanghalian mula 11:00 hanggang 1:00 ng hapon.Bahagi na tanghalian
ang sabaw, kanin, ulam, na sagana sa protina, gulay at himagas.

Hapunan- Inihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00ng gabi. Katulad din ng tanghalian ang
pattern na ginagamit sa hapunan.

Halimabawa ng Menu

Almusal:

Pineapple juice Tortilyang Itlog


Tinapay Kanin
Milo/ Gatas/ Tsaa Saging/ Papaya

Tanghalian o Hapunan

Sopas na mais at malunggay Adobong manok at Ginisang


sayote
Kanin Pinya

D. Gawin

A. Iguhit ang  kung ang kaisipang isinasaad ay tama. Igurit naman ang X kung hindi

tama ang isinasaad ng kaisipan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Gawing batayan ang tatlong pangunahing pagkain.


2. Magplano ng menu para sa ilang araw o isang lingo. Pwedeng maulit ang ulam sa
susunod na lingo.

4
3. Gamitin ang pagkaing nasa panahon.
4. Magplano ng menu na mahirap baguhin.
5. Iwasang magdulot ng iisang uri ng pagkain sa isanghain o magkatulad na uri sa
paghahain. Halimbawa ay pansit at sopas.
6. Huwag magplano ng pagkaing parehong maasim o kaya ay may sarsa.
7. Magplano ng pagkaing kaakit-akit sa paningin at malasa kainin.
8. Pagsabayin ang mga putahi ng nangangailangan ng parehong kasangkapang
gagamitin.
9. Huwag pagsabayin ang putahing kailangang isilbi na bagong hango sa lutuan kung
kakulangan sa kagamitan.
10. Pwedeng pagsabaying ihain ang mahirap tunawin na pagkain sakatawan.

Tingnan ang Susi sa Pagwawasto upang malaman kung tama ang iyong mga sagot

E. Unawain:

Ang tatlong pangkat ng pagkain ay dapat gamiting patnubaysa paggawa ng menu ng


mag-anak sa araw-araw. Ang agahan, tanghalian at hapunan ay dapat nagtataglay ng
pagkain sa bawat pangkat.

Ang larawan ng “food pyramid” guide ay makikita sa ibaba ay magsisilbing gabay


kung gaano karami ang pagkain naming gagaling sa bawat pangkat. Ito ang patnubay
tungo sa isang balanced diet na magtataglay ng tamang uri at sukat ng pagkain.

F. Paghusayin:

Suriin ang mga menu sa ibaba. Tiyaking tama ang pagkapangkat pangkat at ilagay ang
mga ito sa tamang talaan. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
a. Papaya b. Siniganga na hipon c. Miswa soup
Tocino Pritong tawilis Paksiw na bisugo
Sinangag Kanin Adobong kangkong
Tsokolate avocado kanin, pinya

Agahan Tanghalian Hapunan

5
Tingnan ang Susi sa Pagwawasto upang malaman kung tama ang iyong mga sagot

Kabuuan:

Ang menu ito ay talaan ng mga pagkain at inuming ihahain sa oras ng kainan. Mahalagang
isaalang-alang ang menu pattern, menu, at resipe sa pgapaplano ng pagkain upang hindi
maisakrripisyo ang kalidad ng pagkaing ihahain at upang hindi rin maaksaya ang inihandang
pagkain.

Kailangang may mga sustansiya ang mga pagkaing ihahanda. Mahalagang bigyang-pansin
ang food Pyramid upang maging gabay sa paghahanda ng pagkain upang matiyak na wasto ang
pagkaing ihahain.

Kakayanin:

Gumawa ng isang menu para sa iyong pamilya para sa araw ng Sabado.

Almusal:

Tanghalian:

Hapunan:

Tingnan ang Susi sa Pagwawasto upang malaman kung tama ang iyong mga sagot

Susi sa Pagwawasto:

6
Subukin

Agahan Tanghalian Hapunan


Saging Tinola Sinigang na baboy
Daing na bangus Tortang talong Kanin
Sinangag na kanin Kanin pinya
tsokolate Leche plan

Balikan:
1. Kabuuan ng mag-anak.
2. Badget ng mag-aanak
3. Sustansiyang kailangan ng bawat kasapi.
4. Lagay ng panahon
5. Ang kalinangan at pananampalataya

Gabayan

Go Foods Grow Foods Glow Foods


Tinapay Karne Manga
Kanin Cheese Kalabasa
Cereal Gatas Lansones
Pasta itlog mansanas
Patatas Isda Okra
Beans Manok labanos
Keyk baka
Noodles
mais

Gawin

1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Mali

7
Paghusayin

Agahan Tanghalian Hapunan

Papaya Sinigang na hipon Miswa sop


Tocino Pritong tawilis Paksiw na bisugo
Sinangag Kanin Adobong kangkong
tsokolate Avocado Kanin
Pinya

Kakayanin:

Gumawa ng isang menu para sa iyong pamilya para sa araw ng Sabado at Linggo.

Almusal:

Pineapple juice Tortilyang Itlog Tinapay Kanin


Milo/Gatas/Tsaa Saging/Papaya

Tanghalian:

Sopas na mais at malunggay Adobong manok adobong sitaw


Kanin pinya

Hapunan:
Ginawa ni:
Chicken soup Beefsteak Vegetable salad
Kanin Tropical salad
JOAN DALUMPINES-DY
Ormoc City

You might also like