You are on page 1of 8

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5

(Home Economics)
Modyul 33

Paggawa ng Menu para sa Isang Araw na batay sa


“Food Pyramid”/ Pangkat ng Pagkain

Kilalanin:

Ang paggawa ng menu ay mahalaga upang magkaron ng sapat na panahon sa


paghahanda ng mga ito ayon sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat kasapi ng
mag-anak. Ang sustansiyang kailangan ng katawan ay dapat isipin sa pamimili ng
pagkain.

Ang tatlong pangkat ng pagkain ay dapat gamiting patnubaysa paggawa ng menu ng


mag-anak sa araw-araw. Ang agahan, tanghalian at hapunan ay dapat nagtataglay
ng pagkain sa bawat pangkat.

Subukin:

Ihanay ang mga salita sa ibaba ayon sa agahan, tanghalian at hapunan. Isulat sa
sagotang papel ang mga sagot.

Saging Sinigang na baboy Tinola


Daing na bangus kanin tortang talong
Sinangag na kanin pinya kanin
Tsokolate leche plan

Agahan Tanghalian Hapunan

Tuklasin:
Inaasahan sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
A. Nakagagawa ng menu para sa isang araw batay sa “food phyramid/pangkat ng
pagkain. EPP5 HE-Oi-26

Linangin:
A. Balikan:

Piliin sa kahon ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang mga sagot
sa inyong sagotang papel.)
1. Dami ng taong bumubuo rito.
2. Dito nakasalalay ang halagang iuukol sa pamimili ng pagkain at uri ng
pagkain.
3. Kailangan marunong pumili ng masusutansiya at murang pagkain ang
nagbabalak ng pagkain ng mag-anak.
4. Masarap kumain ng may sabaw at mainit sa panahon ng taglamig.
5. Maari ring batayan sa pagbabalak ng pagkaing bibilhin.

Badget ng mag-aanak

Kabuuan ng mag-anak

Lagay ng panahon

Sustansiyang kailangan ng bawat kasapi

Ang kalinangan at pananampalataya

B. Gabayan:

Batay sa mga pagkain na makikita sa food pyramid, maglista ng


mga pagkain para sa almusal, tanghalian at hapunan.

C. Pagyamanin
A. Ang paggawa ng menu ay mahalaga upang magkaron ng sapat na
panahon sa paghahanda ng mga ito ayon sa kagustuhan at pangangailangan
ng bawat kasapi ng mag-anak. Ang sustansiyang kailangan ng katawan ay
dapat isipin sa pamimili ng pagkain.

B. Mga Alituntunin sa Paggawa ng Menu

1. Gawing batayan ang tatlong pangunahing pagkain.


2. Magplano ng menu para sa ilang araw o isang lingo. Ingatang hindi maulit
ang ulam sa susunod na lingo.
3. Gamitin ang pagkaing nasa panahon. Ang mga ito’y mura at sariwa pa.
4. Magplano ng menu na medaling baguhin kung kinakailangan.
5. Iwasang magdulot ng iisang uri ng pagkain sa isanghain o magkatulad na uri
sa paghahain. Halimbawa ay pansit at sopas.
6. Huwag magplano ng pagkaing parehong maasim o kaya ay may sarsa.
7. Magplano ng pagkaing kaakit-akit sa paningin at malasa kainin.
8. Huwag pagsabayin ang mga putahi ng nangangailangan ng parehong
kasangkapang gagamitin.
9. Huwag pagsabayin ang putahing kailangang isilbi na bagong hango sa lutuan
kung kakulangan sa kagamitan.
10. Huwag pagsabaying ihain ang mahirap tunawin na pagkain sakatawan.
11. Bigyan halaga ang mga kagustuhan at pagkaing kailangan ng mag-anak.

C. Mga Uri ng Pagkaing Dapat Ihanda

.Agahan- Ito ang pagkain na una sa loob ng isang araw na hindi dapat
ipagpaliban dahil sa mahabang oras na walang laman ang tiyan sa
buong magdamag. Ihahain ito mula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga.
Tingnang maigi na ang mga sustansiya na kailangan ng katawan ay
taglay sa ihahanda na pagkain para sa agahan .
Tanghalian- sa paghahanda ng tanghalian tingnan kung ang mga pagkain ay
na bibilang sa tatlong pangkat ng pagkain: go,grow at glow upang
makuha ang tamang sustansiya na kailangan ng katawan. Inihain
ang tanghalian mula 11:00 hanggang 1:00 ng hapon.Bahagi ng
tanghalian ang sabaw, kanin, ulam, na sagana sa protina,gulay at
himagas.
Hapunan- Inihain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00ng gabi. Katulad din ng
tanghalian ang pattern na ginagamit sa hapunan.

Halimabawa ng Menu
Almusal:

Pineapple juice Tortilyang Itlog


Tinapay Kanin
Milo/ Gatas/ Tsaa Saging/ Papaya

Tanghalian o Hapunan

Sopas na mais at malunggay Adobong manok at Ginisang


sayote

Kanin Pinya

D. Gawin

A. Suriin ang mga menu sa ibaba. Tiyaking tama ang pagkapangkat pangkat
at ilagay ang mga ito sa tamang talaan. Isulat ang mga sagot sa sagotang papel.

a. Papaya b. Siniganga na hipon c. Miswa soup


Tocino Pritong tawilis Paksiw na bisugo
Sinangag Kanin Adobong kangkong
Tsokolate avocado kanin, pinya

Agahan Tanghalian Hapunan


E. Unawain:

Ang tatlong pangkat ng pagkain ay dapat gamiting patnubaysa paggawa


ng menu ng mag-anak sa araw-araw. Ang agahan, tanghalian at hapunan ay
dapat nagtataglay ng pagkain sa bawat pangkat.

Ang larawan ng “food pyramid” guide ay makikita sa ibaba ay


magsisilbing gabay kung gaano karami ang pagkain naming gagaling sa
bawat pangkat. Ito ang patnubay tungo sa isang balanced diet na
magtataglay ng tamang uri at sukat ng pagkain.

F. Paghusayin:

Gumawa ng isang menu para sa iyong pamilya para sa araw ng Sabado at


Linggo.
Almusal:

Tanghalian:

Hapunan:

Kabuuan:

Ang menu ito ay talaan ng mga pagkain at inuming ihahain sa oras ng kainan.
Mahalagang isaalang-alang ang menu pattern, menu, at resipe sa pgapaplano ng
pagkain upang hindi maisakrripisyo ang kalidad ng pagkaing ihahain at upang hindi
rin maaksaya ang inihandang pagkain.

Kailangang may mga sustansiya ang mga pagkaing ihahanda. Mahalagang bigyang-
pansin ang food Pyramid upang maging gabay sa paghahanda ng pagkain upang
matiyak na wasto ang pagkaing ihahain.
Kakayanin:

Punan ang Talaan ng Putahe o Menu Pattern sa isang araw.

Agahan Tanghalian Hapunan

Susi sa Pagwawasto:

Subukin

Agahan Tanghalian Hapunan


Saging Tinola Sinigang na baboy
Daing na bangus Tortang talong Kanin
Sinangag na kanin Kanin pinya
tsokolate Leche plan

Gabayan

Agahan Tanghalian Hapunan


Gatas Gulay na monggo Beefsteak
Lugaw Mangga Pinya
Tinapay Tinolang isda kanin
Pritong manok Itlog Ginisang sayote

Gawin

Agahan Tanghalian Hapunan

Papaya Sinigang na hipon Miswa sop


Tocino Pritong tawilis Paksiw na bisugo
Sinangag Kanin Adobong kangkong
tsokolate Avocado Kanin
Pinya
Paghusayin:

Gumawa ng isang menu para sa iyong pamilya para sa araw ng Sabado at Linggo.
Almusal:

Pineapple juice Tortilyang Itlog Tinapay Kanin


Milo/Gatas/Tsaa Saging/Papaya

Tanghalian:

Sopas na mais at malunggay Adobong manok adobong sitaw


Kanin pinya

Hapunan:

Chicken soup Beefsteak Vegetable salad


Kanin Tropical salad

Kakayanin

Agahan Tanghalian Hapunan


Saging Halaan soup Nilagang baka
Champorado Inihaw na bangus Kanin
Tuyo Ginisang sayote Fruit sald
Gatas Kanin
Manatamis na saging
Sanggunian:

T. G. in EPP 5
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pp.100-111

Book

Peralta, Gloria A., Arsenue, Ruth A., Ipolan, Catalina R.,Quiambao, Toalnda L. and
de Guzman, Jeffrey D. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran. Pasig City:
Department of Education Bureau of Learning Resources

Ginawa ni:

JOAN DALUMPINES-DY
Ormoc City

You might also like